“DON’T tell me, payag ka nang maging number two nya?” “As much as I love him, nasa matinong pa naman akong pag-iisip, Liz,” napangiwing sagot ni Lucille sa kaibigan. Tumayo siya at napangiwi, saka ipinatong ang kamay sa acacia tree. “I’d rather be single forever, than to be someone’s number two.” Bumuntong-hininga ang nakaupong sa damuhan na si Liz at iniabot sa kanya ang isang tasa ng isinaling tsaa. Tinanggap niya naman iyon. Naroon sila sa back garden ng Moondawn retirement home. At dahil gulong-gulo ang isip ni Lucille, a las dos pa lang ng hapon ay maaga siyang umalis sa trabaho para makakwentuhan si Liz. Ang matanda lang ang alam niyang makakaintindi sa kanyang pinagdaraanan, hindi niya mapagsabihan ng problema si Ivy dahil maging ito ay kasabwat pala ni Lucas kung bakit magulo an

