Buong gabing hindi nakatulog si Lucille dahil sa mga ganap nang nakaraang araw. Ni hindi man lang nga siya naidlip kahit gustuhin pa niya, ganoon ang impact sa kanya ni Lucas. At maraming katanungan ang naiisip niya kaya halos wala siyang pahinga. A las dos pa lang madaling araw ay nauna nang pumasok Lucille sa opisina/factory. Kahit ba sabihing may machines at employers siyang katulong sa paghalo at pagtimpla ay nasa kanya pa rin ang key ingredients ng formulation. Isa pa, mayroong Regional Distributor sa Calabarzon at Mimaropa ang nag-secure na ng area para sa Rosanna's product. Two weeks earlier ay nakausap na iyon ni Ivy, at iisang tao lamang kaya halos kandaugaga silang lahat. "Kumusta ang mga tao natin, Ivy?" Ngiwing sabi ni Lucille matapos tanggalin ang suot na face mask. Nakasuot

