CHAPTER TWENTY

3397 Words
IDINANTAY ni Lucille ang likod sa swivel chair at tumingala sa kisame. Inunat niya ang mga kamay at huminga ng malalim saka pumikit, kanina kasi ay hindi siya magkandaugaga sa dami ng notifications sa kanyang messenger kahit ba katulong niya na si Ivy sa pag-take ng mga orders, at ang ibang mensahe ay hindi niya pa nasasagot ngunit nakapag-post na siya ng notice na hindi agad makakareply. She’s planning to hire some staffs na pwedeng maging katulong ni Ivy na sumagot sa mga inquiries at kumuha ng orders. Kaya lang ay tatapusin niya muna ang mga pending orders simula ng umalis siya hanggang ngayong araw. Naimulat ni Lucille ang mga mata nang may kumatok na tatlong beses sa kanyang opisina. “Tuloy,” aniya. Mula roon ay pumasok si Lucas, at nang masilayan niya ang nobyo ay tila ba nabawasan ng fifty percent ang kanyang pagod. “Pwede ba kitang maistorbo?” malawak ang ngiting tanong ni Lucas. Naglakad ito papunta sa gawi niya. Lucille can’t get used to this man’s charm. Sa ganda ng tindig at lakad ay marami itong patataubin na modelo. “Slight,” pagbibiro niya na gumanti ng tipid na ngiti. Nang makalapit ay ipinihit ng binata paharap dito ang kanyang kinauupuan. Ipinatong ang mga kamay sa magkabilang arm rest bago yumuko para bigyan siya ng halik. Lucille’s immediately welcomed her lover’s tender kiss. They lips liplocked for seconds, at nag-iwan iyon ng mabining tunog nang magkahiwalay. “Kumusta ang gala nyo ng mga kaibigan nyo?” aniya. “Kumain kami sa isang restaurant at nag-usap-usap. Tapos nagpaalam na rin ako.” Tugon ni Lucas na binigyan siyang muli ng mabilis na halik sa mga labi. “Lucas, hindi mo kailangang laging magmadaling bumalik sa’kin tuwing may lakad ka. I am staying here for the whole day. Hindi naman ako lumalabas.” Umunat sa pagkakatayo si Lucas at naupo sa edge ng kanyang table. “Huwag kang mag-alala, uuwi rin naman sila. Ngayong matatanda na kami ay hindi naman laging kailangang matagal na magkakasama. May kanya-kanya na kaming priority sa buhay, at naiintindihan namin iyon.” Paliwanag nito. Lucille stared at her boyfriend for seconds. Tila ba may kakaibang init ang humaplos sa kanyang puso nang maisip na ang tinutukoy nitong priority ay siya. Oo nga at alam niya na mahal siya nito, pero kasi ay hindi siya masanay, may be because no man ever considered her as a priority in life until Lucas. Well, except for Winston. Kaya ganda noon sa pakiramdam, and she was beyond happy. “Thank you,” iyon lang ang naisagot niya. Bilang pagtugod ay tipid namang ngumiti si Lucas. “Nga pala, mukhang pagod na pagod ka na. Kumain ka na ba?” “Yes. Kanina pa. sabay kami nina Ivy at Tibong. ” muli ay bumuntong-hininga siya at pinaikot-ikot ang swivel chair. “A las dos pa lang ng hapon, but I’m dead tired already.” “Ang sipag mo kasi, eh.” Muling tumayo si Lucas at lumapit sa kanya. Pinigilan nito ang paggalaw niyon at bahagyang yumuko sa kanya. “Bakit hindi ka muna mag-relax?” “Matagal na akong nakapag-relax, sa Mindoro pa!” gamit ang daliri ay tinudyo niya ang tungki ng ilong nito. “Kaya ngayon ay kakayod ako hindi dahil sa pera, kundi dahil ayaw kong magalit ang mga customers.” “Ang customer, andyan lang, pero ang kalusugan mo hindi mo alam kung kailan bibigay.” Paliwanag nito saka walang pasabing binuhat siya! Napatili naman si Lucille sa ‘di inaasahang ginawa ng nobyo. Unconsciously ay napasalikop ang mga braso nya sa batok nito. “Lucas! Ibaba mo ako, ano ba?” “Pagod ka na, kaya magpahinga ka muna kahit saglit.” “I can’t. Mamaya pa ako uuwi!” busangot niya. “Huwag kang masyadong masungit. Hindi ka naman aalis ng opisina mo.” “Then, bakit mo ako kinarga?” Lucas smirked, then pointed his mouth behind hers. Napatingin naman si Lucille sa itinuro nito— ang daybed sa sulok ng kanyang opisina! “Lucas! A-ano ba ang iniisip mo?” bigla na lang tumaas ang dugo sa kanyang mukha. “Relax… magre-relax ka lang,” mahina bahagyang nakangiti nitong tugon habang inihakbang na ang paa patungo sa tinutukoy. “Iba kasi ang ngiti mo!” saway niya. Para itong may balak! Mas lalong lumawak ang ngiti ng kanyang nobyo. At nang nakarating na sila sa sa patutunguhan ay maingat siya nitong inilapag doon. Naupo ito sa dulo at ipinatong ang kanyang mga binti sa kandungan nito. Iniangat niya ang sarili para makaupo. Tinanggal ni Lucas ang suot niyang tsinelas. Oo, props niya lang ang shoe heels na nilalakad nirarampa niya mula condo hanggang opisina, pero pagdating doon ay gusto niyang ma-relax ang mga paa. “What are you doing?” “Mamasahehin lang kita.” Tugon nito na marahang pinisil-pisil ang kanyang mga binti. “You don’t have to do that. Mapapagod ka lang.” “Kung ganito kagandang legs lang namang ang imamasahe ko, hindi ako mapapagod.” “Naughty!” Hampas niya ang braso nito. Tumawa lang naman ang binata. Hinayaan na ni Lucille na gawin ng nobyo ang nais. Nakaka-relax naman talaga, siguro kapag tumagal iyon ay makakatulog na siya. Pero mukhang mas lalo siyang magigising— dahil nag-iba ang uri ng masahe nito— may kasama ng halik! “Lucas! What are you doing?” alarma niyang tanong, pero hindi niya maipagkakaila ang kakaibang kiliti na dulot niyon. Hindi pinansin ni Lucas ang kanyang protesta, bagkus ay patuloy ito sa pagbigay ng matutunog at basang halik sa kanyang balat. At kasabay noon ang pagtaas ng isa nitong kamay sa kaliwa niyang hita, pumasok saloob ng kanyang palda at mabihining humaplos. “Lucas!” “Huwag kang sisigaw. Marinig ka nila Ivy isipin nila na may ginagawa ako sa’yo.” Umisod ito palapit sa kanya dahilan ng pagkakalapit ng kanilang mga mukha. Ang likuran ng kanyang mga hita ay nakapatong na sa mga hita nito. “What?! Ikaw kasi, totoo namang may balak ka!” “Paano mo nalaman?” pilyo itong ngumiti. “Sabi na nga ba!” Tapik niya sa braso nito, ngunit tawa lang ang isinukli sa kanya. Lucas didn’t stop. Lumalim ang mga haplos nito, pumagitna iyon sa kanyang mga hita at marahang pumisil-pisil. Hinawakan niya ito sa braso para pigilan, pero iba yata ang sinasabi ng kanyang katawan— nakapang-iinit, nakakasabik. “B-baka biglang pumasok si Ivy.” “Relax, ni-lock ko ang pinto.” “What? Pambihira ka talaga! Ano na lang ang— oh…” Lucille gasped when she felt his hand entered her undies. Napahawak siya sa balikat ni Lucas at bahagyang naibaon ang mga kuko doon. “Ate Lucille?” “s**t!” agad naitulak ni Lucille si Lucas nang marinig sa labas ng pinto ang boses ni Ivy. Agad siyang tumayo at sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso habang naglakad papunta roon. “Ate Lucille, out of stock na po ‘yung body whipped scrub natin sa stock room. Naubos na po ng mga nag walk-in,” Imporma ng kanyang assistant. “Ahm…” pasimple niyang inayos ang paldang nakatabingi. Pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Lucas, makikipag-usap siya kay Ivy? Nakakahiya! “Ah, meron pa tayong five hundred pieces sa lab. Ire-release ko na ngayon.” Napatingin si Ivy sa magulo niyang bangs. “Ate, hindi nyo ba binuksan ang aircon? Ba’t pawis kayo?” tanong pa nito sabay ang ‘di sadyang pagkaligaw ng tignin palampas sa kanyang balikat. Unti-unting lumawak ang ngiti nito sabay ang tinign muli sa kanya. “Ay! Ate ba’t lock ang pinto mo, ha?” “H-ha?” mas lalong dumagdag ang kalabog ng kanyang puso. Sumulyap siya sa kanyang likuran. Sa ‘di kalayuan ay nakatayo si Lucas na pahimashimas sa batok! “Ahm, hindi ah?” sabi niya na lang. Simula nang maging silang dalawa ni Lucas, sinabi niya rin kay Ivy ang kanilang relationship status, at alam niya namang naikwento na rin nito kay Tibong. “Uy, si Ate naman, oh?” tudyo ni Ivy na kinurot siya sa tagiliran. Napakislot naman siya sabay ang mahinang paghampas sa braso nito. “Ay naku! Tumigil ka na nga dyan? Ang mabuti na tulungan mo na lang akong ilabas ‘yung mga scrub.” “Okay, Ate! Sabi mo eh!” ngisi nito sabay ang pasok sa kanyang opisina. Napailing lang naman siya. MULA sa entrance ng Rosanna’s Beauty store, masayang pinagmamasdan ni Lucille sina Tibong at ang ibang lalaking katulong nito sa pagbubuhat ng kahong-kahong Rosanna’s product at inililipat sa dalawang malaking truck. Ide-deliver ang mga iyon sa Coldillera Administrative Region— ang unang beses na magkakaroon siya ng Regional distributor. “Oh, sige, ha? Ingatan nyo ‘yan! ‘Wag papasapasahan at iiitsa na parang bola, ha?” paalala ni Ivy sa mga tauhan. May hawak itong record book. Mula naman sa bintana ng driver’s seat, dumukwang si Tibong. “Huwag kang mag-alala, Ivy! We will handle handle that with utmost care! Like how I handle your fragile heart!” sabi pa nito with matching malawak na ngiti. Kanya-kanyang kantyawan ang nasa paligid at pati si Lucille ay natawa na rin. Wala yatang araw na mabo-bored siya sa dalawang ito na parang aso’t-pusa! “Hoy! Kailan ka pa natutong mag-ingles, ha?” ang Ivy naman, pinamulahan ng pinsgi pero hinampas nito ng dalang record book ang braso ni Tibong na nakalabas sa bintana ng truck! Muli ay nagtawanan ang nasa paligid, at pagkatapos noon ay umalis na rin ang mga ito. Masayang pinagmamasdan ni Lucille ang papaalis na truck. Noon lang siya nakaramdam ng matinding saya sa puso. “Iba talaga kapag maligaya ka sa life, noh? Ate Lucille? Iba ang ningning sa’yong mga mata!” Sabi ni Ivy na lumapit sa kanya. Tipid namang tumawa at ngumiti si Lucille. Humalukipkip siya. “Masaya lang ako, Ivy. Alam mo bang hindi ko alam na may emosyon pala na ganito? I never felt this way before.” “Syempre! Nandyan na si Kuya Pogi, eh! Mas lalo kang blooming. Iyong blooming na para na hindi epekto ng Rosanna? Pero Ate, hindi ko sinasabing hindi effective ang produkto mo, ha?” depensa agad nito. Napahalakhak si Lucille. “Alam ko ang ibig sabihin mo, Ivy! May bloom talaga na hindi lang galing sa pag-aalaga ng balat. Kundi iyong ibang klase ba? At mas effective iyon! I would sell happiness to the people who needed it most If I can.” “Tama ka, Ate Lucille! At masayang-masaya ako para sa’yo. Ilang taon mo ring ginuwardyahan ang puso mo sa pag-ibig! Buti na lang nga ang malinis na intensyon ni Kuya Lucas ay may halong lihim na purpose. At alam nating lahat at mabuti ang intensyon nya!” palatak nito. Muli ay kapwa sila nagtawanan. For so many years, Lucille deprived herself from happiness that money cannot buy— at iyon ang tunay na pag-ibig. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon kung hindi dumating si Lucas sa buhay niya? Well, ginagawa niya ang daily routine na walang ibang inisip kundi ang magpayaman, mag-donate at isipin ang satisfaction ng ibang tao— the same businesswoman she had been. Nasa kanya na ang success, but her life would still beempty. Kung hindi naman ay nasa kamay na siya ni Winston at hindi alam kung ano na ang nangyari. At ang parehong eksenang iyon ay tila ay ayaw niyang isipin. “Oh, Ate? Pasok na ako sa loob. Baka kasi matambakan na naman tayo ng messages kapag hindi ko agad binuksan ‘yung messenger.” “Okay, papasok na rin ako sa loob,” aniya. NASA kalagitnaan ng pagsasagot ng inquiries si Lucille sa kanyang laptop nang may tatlong beses na kumatok sa pinto ng kanyang opisina. “Pasok,” tugon niya. Bumukas ang pinto noon pero hindi niya tiningnan kung sino. Masyadong okupado ang isip niya ng trabaho. “Mukhang masyado kang busy, ah? Hindi ka pa kumakain?” Otomatikong umangat ng tingin ni Lucille nang makilala niya ang boses. It was Lucas, lumawak ang ngiti niya nang makita ito. “Ah, ano’ng oras na ba?” Tumingin siya sa wristwatch. Twelve thirty na ng tanghali. “Hindi ko napansin ang oras, ikaw kumain ka na?” “Sasabay sana ko sa’yo, eh,” sagot nito. Doon niya napansin na may dala itong take-out na pagkain, at bukod doon ay may dala rin itong isang boquet ng pulang rosas. Lucille can’t hide her delight, It been two weeks since they are officially together, and she couldn’t get used to his sweetness, at para pa rin siyang teenager na sobrang kinikilig everytime na sinosorpresa siya ng regalo ng nobyo. Inilapag ni Lucas ang mga dala sa mesa bago lumapit sa kanya. Pagkatapos siya nitong gawaran ng mabilis na halik sa mga labi ay niyakap niya ito ng mahigpit. Nakaupo siya habang ito naman ay nakatayo. Lihim siyang napapangiti habang nakadantay ang pisngi sa tiyan ng nobyo. Kahit na matigas iyon ay ramdam na ramdam niya ang comfort. She’s feeling safe, home at last. “Sabi ni Ivy, ilang beses ka na niyang tinawag para mag-lunch. Huwag mo masyadong isubsob ang sarili mo sa trabaho.” Haplos ni Lucas sa kanyang buhok. “Sila ba, kumain na?” “Oo tapos na raw.” “Good. Sinabi ko kasing huwag na nila akong hintayin,” sagot niya. Oo nga at ilang beses na siyang tinawag ni Ivy, pero hindi pa siya nakakaramdam ng gutom. Mayroon silang pantry na anytime kung nagugutom ay kumuha na lang ng pagkain kaya wala naman siyang problema. “Mahal, kahit hindi ka pa nagugutom, dapat kumain ka ng tama sa oras.” Bahagyang inilayo ni Lucille ang katawan niya sa nobyo. Tumingala siya dito. “Sanay naman ako ng ganoon.” “Pwes ngayon hindi na pwede!” pisil nito sa tungki ng kanyang ilong. Lumabi naman siya na parang bata. “Mararamdaman mo ‘yan paglipas ng panahon. Baka magka-ulcer ka.” “Yes, boss. Kakain na sa tamang oras.” Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Lucas saka siyamuling ginawaran ng halik. Their lips locked for seconds, kapwa sila nag ngitian nang magwalay, ngunit ang mga mukha ay hindi pa rin nalalayos a isa’t-isa. “Kain na tayo?” alok niya. “Parang iba yata ang gusto kong kainin?” halos bulong na tugon ni Lucas sa malalim na boses. Kinagat nito ang pang-ibabang mga labi at tumingin sa mga labi niya. Bumilis ang t***k ng puso ni Lucille, pero may oras para doon! “Kumain muna tayo, ano ka ba?” palayo niyang in-slide ang swivel chair. Tumawa lang naman ito ng malakas. Rice with burger steak, chicken, fries, ice cream at salad— iyon ang pinagsaluhan nilang dalawa. Everytime na magdadala ang nobyo ng pagkain niya ay lagi ring mayroon sina Ivy, Tibong at iba pang bagong hire niya, ganoon ito kagalante. Maging siya kapag binibigyan ito ng pagkain ay parang pang-apat na tao, kapag hindi niya naman kinain ay magtatampo. “Kung ako sa’yo, tanggapin mo na ‘yong alok ni Congressman.” Sabi ni Lucille kay Lucas. Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap habang kumakain na magkaharap doon sa table. “Paano ka kapag tinanggap ko iyon? Sino ang magbabantay sa’yo?” “Hatid-sundo mo naman ako, ‘di ba? Isa pa may mga CCTV na sa area. Hindi ka ba nababagot na labas-pasok ka lang dito sa opisina ko?” Umunat sa pagkakaupo si Lucas. “Ako ba’y pinapaalis mo na?” Nabitin ang pagsubo ni Lucille sa hawak na kutsara na may burger steak. “Uy, wala naman akong sinasabi.” Ibinaba niya ang kutsara sa styrofoam plate. “Ang sa akin lang naman. Get a life. Hindi mo naman ako kailangang laging bantayan lagi. Ayoko namang sa akin lang umiikot ang buhay mo habang ako may pinagkakaabalahang trabaho.” “Bahala na.” Kumibit-balikat si Lucas saka nilantakan ang fried chicken gamit ang mga kamay. Napailing naman si Lucille. Ilang beses na ring tinawagan si Lucas ng mga tauhan ng kasalukuyang congressman ng QC district 4 para maging bodyguard nito. Kwento sa kanya ni Aaron, baguhan pa lang sila sa scount ranger ay sinagip na ni Lucas ang buhay nito sa isang ambush kaya hindi nito malimutan ang ginawa ng binata. Mahal ni Lucille si Lucas. Tingin niya ay marami itong pera dahil masyado itong galante sa kanya, pero nais niya itong magkaroon ng ibang career at hindi ang laging nakatunganga sa kanya. She wanted him to grow as a person. Medyo possesive ito but in a good way naman. Bilang nag-ring ang cellphone ni Lucas sa kalagitaan ng kanilang pagkain. Nakita ni Lucille na nag-reflect doon ang pangalan ni Tiyo Berting. Salubong naman ang kilay na sinagot iyon ni Lucas. “Hello? …nandito po kay Lucille, bakit po? … ano po?!” Agad tumayo si Lucas at tumalikod. Si Lucille naman ay bahagyang nagulat. “Tiyo Berting, sigurado ka ba? Baka nag-o-over react na naman kayo. Magsabi po kayo ng totoo.” Isang paaburidong buntong-hininga ang pinakawalan nito saka tumingin sa kanya “Sige po, pupunta ako dyan ngayon.” Sabi pa nito sabay ang pagbaba ng cellphone. “Is everything alright, Lucas?” pag-aalalang tanong ni Lucille. Lucas was standing still, bagsak ang mga balikat nito at nakatingin sa sahig. “Lucas, are you okay? May nangyari ba?” Tumayo si Lucille. Doon lang tila ba natauhan ang nobyo. “Ahmm…” Tango nito sabay ang paglunok. Tila bigla ring lumamlam ang mga mata nito dahilan kung bakit may pag-aalalang bumalot sa kanyang puso. “Uuwi muna ako sa’min.” “Ano ba ang nangyari, ha?” salubong na kilay na sabi niya. “Wala naman, may emergency lang.” Umiling si Lucas at kinuha ang sling bag sa mesa saka isinukbit. “Si Tatay Vir ba? Si Tiyo Berting?” Muli ay uling si Lucas at yumuko, numipis ang mga labi. Lumapit naman si Lucille sa nobyo at hinawakan ito sa braso. “I’m worried, Lucas.” Unti-unting tumingin sa kanya ang nobyo, at nang magkasalubong ang kanilang tingin ay napalunok si Lucille ng tatlong beses. Lucas’ eyes were hollow and sad at the same time. At noon niya lang nakitang ganoon ang mga mata ng nobyo. “Nasa Mindoro ang asawa at anak ko.” Tila ba biglang huminto ang oras nang marinig ni Lucille ang sinabi ni Lucas. Kung ilang segundo na siyang hindi makagalaw ay hindi niya alam, para bang bigla siyang nilukuban ng langit sa narinig. “A-ano?” mahina niyang sabi. Malinaw naman ang sinabi nito at hindi niya na kailangang ipaulit pa, pero hindi niya alam ang ire-react. Pero baka kasi nagkakamali lang siya ng rinig, baka sobra na naman ang ibinalita ni Tiyo Berting. “Sigurado ka?” Tumalikod si Lucas at humakbang ng apat na beses. Humarap ito sa kanya habang hinihimas ang batok. “Oo. Hindi magsisinungaling si Tiyo Berting. Kasi narinig kong tinatawag rin ni Amarah ang pangalan ko. Hinahanap ako ng mag-ina ko.” Tila ba parang isang kandila si Lucille na naupos sa isang iglap lang. Mag-ina— salitang galing sa bibig ni Lucas— salitang sapat na para madurog ang kanyang puso. “Ah… I think, you should go.” Mabilis siyang tumago-tango. At kung saan niya hinugot ang lakas para makapagsalita ay hindi niya alam. “Lucille—” “Go. Mas importante sila kaysa sa akin,” matigas niyang sabi. Tarantang lumapit si Lucas sa mesa at ililigpit na sana nito ang pinagkainan, ngunit pinigilan niya ito. “I said go.” “Lucille…” now he looked at her in the eyes. Mula ay saglit na natigilan si Lucille. His eyes were sad, vulnerable. Naroon ang pagkalito nito, and this time ay nais niya itong yakapin ng bigla at sabihing ‘wag na itong umalis. “Go now.” Pero iba ang lumabas sa kanyang bibig. Lucas heaved a deep sigh. Papikit-pikit nitong inikot ang tingin, pagkatapos ay mabilis na lumabas ng pinto. Walang lingon-lingon. For a minute, Lucille was just standing there. Nang gumalaw ay otomatikong napakapit siya sa mesa dahil sa biglang panginginig ng katawan at kamuntik nang matumba. At doon ay bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkatakot, takot na higit pa sa nararamdaman niya kaysa sa anumang banta ng kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD