MALAMIG ang panahon, madilim ang kalangitan. Malalakas ang patak ng ulan na animo’y hindi na iyon titigil sa pagbuhos. At ang panahong iyon ay sumasabay sa nararamdaman ni Lucille.
Malungkot— napakalungot. At sa ikatlong pagkakataon ay nais na niyang sumuko.
Umikot siya sa hinihigaang kama para mag-iba ng posisyon. Eksakto namang nakita niya ang oras sa digital clock na nakapatong sa bedside table. A la una na ng hapon ay hindi niya magawang bumangon, ni hindi siya nag-almusal at nananghalian. Ni hindi nga ata siya nakatulog sa buong magdamag ng pag-iisip kung ano na ba ang ginagawa ni Lucas.
Masaya na ba ito sa piling ng buo nitong pamilya? Nahawakan na bang muli nito ang asawa? Nahalikan? Sa isiping iyon ay paulit-ulit na dinudurog ang kayang puso.
“God… what is happening to me?” mahinang sambit niya sa sarili na tila ba kahit sariling boses ay hindi niya makilala. Marahan at walang gana siyang naupo, napangiwi dahil ilang oras ring nakahilata sa higaan. Dalawang araw na simula nang sabihin ni Lucas na muling bumalik sa Mindoro ang mag-ina nito. At dalawang araw na rin siyang walang ganang magtrabaho dahilan kung bakit saradong muli ang kanyang shop at on-hold ang mag orders, simula rin ng araw na iyon ay hindi sila nagkausap ng nobyo. Gusto niya sana itong tawagan, pero paano na lang kung sabihin nitong hindi na siya ang pipiliin dahil bumalik na ang mag-ina nito? Parang pinipiga ang puso ni Lucille sa isiping iyon.
Napalingon siya sa tumunog na cellphone na naroon lang sa tabi ng kanyang kama. Agad niya iyong dinampot nang mabasa ang pangalan ni Lucas, pero matagal niya iyong tinitigan sabay ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso.
Natatakot siya. Paano na lang kapag sinagot niya ang tawag nito ay sabihing wala na silang dalawa? Na mas pinipili nito ang asawa kaysa sa kanya? Pero magkaganoon man ay nanaig ang kagustuhan niyang marinig ang boses nito. Pinindot niya ang answer button, pero walang salita ang lumalabas sa kanyang bibig.
“Lucille?” malamlam na tinig ni Lucas mula sa kabilang linya.
Napalunok si Lucille. How she missed his voice, gusto niyang sabihin kung kailan ito babalik sa piling niya.
“L-lucas? K-kumusta?”
“Okay lang ako. Ikaw? Kumusta ka na?”
“O-okay lang naman ako,” halos papiyok niyang tugon.
Ilang segundong katahimikan ang naghari sa pagitan nilang dalawa, pero ito ang unang bumasag niyon. “Na’san ka ngayon? Okay ka lang ba?”
“Ah… n-nasa opisina ako ngayon. Busy kasi as usual maraming ginagawa.” Kibit-balikat niya. “Alam mo na, maraming orders katulad ng dati.”
“Pasensya ka na, hindi ako nakatawag sa’yo. Nagkasakit kasi si Amarah… isa pa, hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa’yo…”
Parang may mahigpit na pumiga rin sa kanyang puso. Amarah— ang pangalan ng asawa ni Lucas. At alam niyang hindi siya matawagan ni Lucas dahil inaasikaso nito ang babae, hindi rin nito alam ang sasabihin sa kanya dahil na rin siguro sa kalituhan, kahit naman siguro sino.
Fuck… bakit ba masyado siyang maunawain? Hindi ba dapat ngayon ay tinatanong na niya kung sino ang pipiliin nito? Pero kasi hindi siya ganoon, alam niyang nahihirapan rin si Lucas.
“Ayos lang, ano ka ba? Asawa mo ‘yan. Alagaan mo ‘yan,” tugon niya na hindi alam kung saan humugot ng tapang para sabihin iyon.
“Binilin kita kay Aaron at sa ibang tao nya. Huwag kang mag-alala sa safety mo, babantayan ka nila.”
Na dapat ay ikaw ang gumagawa. Sa isip niya.
“I’m alright, Lucas. Pero pwede bang malaman kung ano ang nangyari sa kanya? Bakit naisipan niyang bumalik sa’yo?”
Narinig niya munang huminga ng malalim si Lucas. Ilang segundong tahimik ang kabilang linya bago muli itong nagsalita. “Si Amarah at si Jeremy, kasama nga silang nakaligtas doon sa lumubog na barko. Pinalabas nila na kasama sila sa casualties para huwag ko na silang hanapin. Pero ang totoo, sinundo sila nung bago niyang kasintahan. Kaya lang sa loob ng tatlong taon hindi raw maganda ang nagging trato nito sa kanila kaya heto sila bumalik.”
“What?!” hindi makapaniwalang sabi ni Lucille. Nagpait siya ng pwesto ng upo at mahigpit na hinawakan ang cellphone. “Ga’nun lang kadali?! Alam niya bang lungkot na lungkot ka sa isiping patay na silang dalawa?”
“Hindi ko nga alam ang iisipin ko ngayon. Nalilito—”
“Lucas! Samahan mo naman akong maligo!”
“Amarah? Bakit ka tumayo? Hindi ka pa magaling.”
“Nanlalagkit na ako. Halika na, mahal…”
Tila ba saglit na tumigil ang mundo ni Lucille sa narinig. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone, kasabay niyon ang pagnipis ng kanyang mga galit. Mula sa kabilang linya ay narinig niyang may tumawag na babae kay Lucas. Ang masaklap pa ay mayroon itong endearment. Endearment ni Lucas sa kanya!
“Lucas? Could you please talk to me first?” biglang sabi niya.
“Ah, pasensya ka na. O-oo naman.”
“Can you come here? I wanted to see you, please.” Pakiusap niya. Suddenly, she felt jealous. Nakaramdam siya ng inis nang marinig ang boses ng babae sa kabilang linya.
“Lucille—”
“Hello, Lucas?” agad tiningnan ni Lucille ang screen ng kanyang cellphone. “s**t!” napamura siya nang makitang lowbatt iyon!
She heaved a deep sigh, at dali-daling tumayo upang makapag-charge.
Damn that Amarah! Biglang uminit ang ulo niya. Pagkatapos nitong lokohin si Lucas ng paulit-ulit ay may lakas pa ito ng loob na tawaging ‘mahal’ ang taong mahal niya? Papatalo ba siya rito? She could’t imagine losing over that woman. Alam niyang mahal siya ni Lucas, nalilito lamang ito dahil bumalik ang walang-hiya nitong asawa. Siguradong kapag pinapili niya ang kasintahan ay kampante siyang siya ang pipiliin nito. Ilang taong nakakulong ang puso niya sa walang buhay niyang mundo, simula nang dumating si Lucas ay ito lamang ang nakapagbigay ng kulay. Losing him would be losing her life, too. Kapag nangyari iyon ay siguradong mas didilim ang buhay niya, at hindi siya papayag.
Mariing pumikit si Lucille. Kapag nawala si Lucas ay hindi niya kakayanin. She needed him, and her life will never be the same without him. “Aagawin kita sa asawa mo, Lucas. I will fight for you. I know that you will do the same. Hindi kita sasaktan gaya ng ginawa niya sa’yo.” mahina niyang usal.