“PAPA! Ito po pala ‘yung drawing ko, oh! One big, happy family po tayo, oh!” masayang tumakbo si Jeremy patungo kay Lucas. Nakaupo siya sa putol na puno doon sa kanilang likod-bahay. Nang makalapit sa kanya ang kanyang anak ay agad niya itong niyakap gamit ang isang braso. “One big, family? Eh, tatatlo lang naman tayo ng mama mo.” “Tingnan nyo muna po, Papa.” Ipinakita sa kanya ni Jeremy ang hawak na coupon boND. “Ito po Ikaw, ako itong maliit sa tapos si mama po ito.” Turo nito sa iginuhit. Agad naman iyong naunawaan ni Lucas, siya at si Amarah ay hawak ang bata sa gitna nila, at sa gilid niyon ay mayroon pang iba. “Ito po si Lolo,” anito na malamang ang tinutukoy ay ang kanyang amang si Virgilio, “At ito naman po si Lolo Berting, Lola Biseng, Tito Bernabe, Tito Roberto, Ate Eseng, Ate

