HALOS nakabibingi ang ingay na maririnig sa paligid, sumasabay na sumayaw ang mga patron sa saliw ng mabilis na musika, kahalo rin niyon ang ingay ng kwentuhan at tawanan. Pero si Lucille, hayun hindi umiimik at tahimik na umiinom ng margarita. Nakaupo siya sa bar stool katapat ng counter. When things seems overwhelming, all she wanted to do was to sleep. Natulog siya saglit sa kanyang condo at nang matagpuan ang sariling mag-isa ay minabuting pumaroon sa isang club. Wala man siyang kakilala doon ay mas mabuti na kaysa walang kasama, baka mentally ay hindi niya kayanin. Eversince her mother and granmother passed away, she was all alone in the house. Sinanay niya na ang sarili at itinuon ang atensyon sa pagtatrabaho, ang leisure activity niya na lang nga ay ibinahagi ang kaunting oras sa

