PILIT naglakad si Lucille sa gilid na pader ng cubicle at doon ay tuluyan na nga siyang nawalan ng balanse. Sobrang nanginginig ang buo niyang katawan, himala lang na hindi niya nabitiwan ang hawak na cellphone. Hindi siya pwedeng magkamali, ang lalaking nagsalita sa kabilang linya ay walang iba kundi si Winston. “Ako nga, mi amor. Masaya ako at nakilala mo ang boses ko,” malamig na himig nito sa kabilang linya, at nagdulot iyon ng ibayong takot sa kanya. “Winston, na’san si Ivy?! P-akiusap, ‘wag mo siyang sasaktan!” “Hindi ko sasaktan? Pagkatapos niyang sabihing tigilan na kita, hindi ko sasaktan?” “Parang awa mo na Winston! H-huwag!” pakiusap siya. Bigla na lang nangilid ang luha sa kanyang mga mata, lumakas rin ang kabog ng kanyang puso at tila ba mapuputulan na siya ng hininga. She

