Chapter 17

2788 Words
Matagal akong nakatulog ulit. Iniisip ko na baka kaibigan niya lang ang tumawag. Pero sino bang kaibigan ang tatawag sa ganoong oras diba? Kung kaibigan niya nga pwede naman na ipabukas nalang? Not unless tumawag si Nati tapos nagtanong tungkol sa student council na bagay? But it bothers me tuloy why having a conversation in the middle of the night? Siguro girlfriend niya? Hindi naman siguro kasi hindi ko naman siya nakitang may pinagkakaabalahan na iba bukod sa school. Nang magising ako kinabuksan ay sobrang bigat ng aking katawan lalo na't ang aking mga mata. Nakatulog pa ako ng kaunti sa banyo, kung hindi lang kinatok ng kasambahay para pababain na tiyak na tuluyan na ako. Matapos kung mag ayos ay bumababa na ako ng mapansin ang oras na quarter to seven. Ayoko na ma late ngayon gayong hindi pa ako kinausap ni Kol simula noong nakaraan. Its been five days. Baka hindi pa ako papasukin non. Sagad ba sa buto niya ang galit niya sa akin? Five days deadma ako. Namiss ko tuloy siyang kausap. Masigla akung bumaba at may ngiti sa labi ng pumasok na sa dining area, sa nakasanayan sabay kaming kumakain ni Kol pero ngayon wala siya sa upuan niya. Bakante ito at wala ng plato sa harap. Natigilan ako, kaya bumagal ang lakad ko. Umupo ako at sumimsim ng juice habang nilagyan ng pancake ang aking plato. Napansin siguro ng kasambahay ang pagtatanong ko kaya pinunan niya na ang tanong sa aking mukha. Tumikhim pa ito at nagsalita. "Maagaang umalis si Kol. Sinundo siya ng kaibigan niya kanina." Tumango ako at sinubo ang pancake. "Pang apat na araw na'to diba Ate Geling?" "Oo nga 'e hindi ko alam sa batang yon," Ano naman ang gagawin niya sa maagang oras sa school? May event ba today na hindi ko alam? Kung sabagay President naman siya kaya tungkulin niya iyon. Pero sa pagkakaalala ko wala naman maliban sa game ngayon sa friday. Hinatid ako ni Kuya Jober. Pagkarating ko sa school ay wala ng medyo tao at ng makalapit sa may gate ay napansin ko ang mga estudyante na kakatapos lang mag flag ceremony at nanatiling nakapila sa harap ng may inanunsyo ang Prinicipal sa malayong harap na kung saan sa stage. Naglakad ako ng tahimik. Sa likod ako dumaan sa may library, sa likod ng building na ito. Kaunting silip lang ang ginawa ko para makita kung saan ang mga kaklase ko naka pila malapit lang sa kung saan ako nakatago. Tahimik ang buong paligid habang nakikinig ang lahat sa anunsyo. Mabuti naman hindi mataas ang inanunsyo. Matapos e dissmiss ay nagsimula ng bumalik sa klassroom nakisabay na ako sa karamihan para hindi pansin na late ako. Naisahan ko ngayon ang mga student council. I smirked. Dami ko na kayang pangalan sa listahan kaya ayokong dagdagan pa iyon. "Miss Castañeda!" natigilan ako ng tinawag ni Mrs. Slow. I stopped and shrugged at hinarap siya. Not again. Malayo pa siya at natigil ng kinausap siya ng isa mga teachers. Kaya napangiti ako kahit talim ang tingin niyang pinaukol sa akin habang kinausap siya nito. I noticed Kol sa malayong likuran ko naka upo ng makapasok na sa classroom - dalawang upuan ang pagitan namin. "Can we talk?" I mouthed and I tried to smile hopefully, but before I could do he glance to Ryza. That chic wannabe. Ngumuso ako dahil doon. Winala nalang iyon sa aking utak ang pagtatampo niya. But even so, Kol avoiding me bothers me . "Parang bata," parinig ko sa kanya. Padabog na na nilagay ang bag at umupo na nakasimangot at nakahalukipkip. Nagsimula ang aming klase sa history. Actually history is one of my favorite subject lalo na sa topic namin ngayon. Which is that talks about ancient history about the Great Patheon of Athena. Mabuti naman at ng tinawag ako sa oral recitation ay may naisagot ako. "Impressive Miss Castañeda." ani Sir Galla. I shyly wave my hand to stop him," No big deal, Sir." I smile and sit and picked up my pen and twirl it between my fingers. Na fluttered ako. Natapos ang klase at ang kasunod ay Math na. Sinabing mag lulong quiz daw kami ngayon kaya para akong binuhusan ng mainit na tubig ng wala akong maisagot sa panghuling item. Hindi naman ako makatingin sa kay V kasi ang prof namin ay paikot ikot sa loob. Mahilo ka pa sana! Unang nagpass si Colleen - as usual para ka namang just now Blair, sinegundahan agad ito ni Nati makalipas ang minuto. Kaunting oras nalang ay wala talaga akong maisagot. Kaya bahala na. Kanina nakasagot ako sa History tapos ngayon nganga! Wala pala yon. Pagkatapos ng aming klase sa buong umaga at lunch break na - tumingin ako sa banda niya pero wala na siya doon. Kakalabas lang niya sa pintuan at huli ng tawagin ko siya, sana. Napansin ni Nati ang pag iba ng expressyon sa mukha ko habang sirado sa bag niya pagkatapos kumuha ng wallet nilapitan niya ako bigla. "Nag away kayo?" tanong niya. Lumapit sa aming dalawa ni V. Kunot noo ako habang nakayuko para kumuha ng wallet ko sa bag. Nasulyapan ko sa sandali si V na may ka text sa phone niya. "Wala. Bakit mo naman natanong?" I asked, hindi mapigilan ang pagkamangha. Weirdly she asked me again casually. "Totoo?" pasigurado niyang tanong - mukhang hindi pa naniniwala sa akin. Luh? "Oo bakit? May problema ba?" hindi maiwasan ang inis sa boses ko. "Siya mukhang may problema. Kanina pa yan tahimik. Ang aga niya nga pumapasok sa school simula noong lunes." I was shocked that Nati is talking to me in a very casual way, para bang ang dami na naming pinagsamahan. Tutuusin ito ang pangalawang pag'uusap namin. At kung makausap sa akin ay parang kaibigan namin ni V. Tipid siyang ngumiti. Ang kanyang makapal na pilikmata ay nagdedepina sa maganda niyang mata at bagsak niyang buhok. "Hindi ko nga alam don sa lalaking yon. May sinabi ba siya sayo?" interesado kung sabi. Lumabas na kami galing classroom at sumunod siya. Bumaba sa hagdan. "Wala naman. Si Yousef kausapin mo kasi sila ang magkasama nitong mga nakaraan" she suggested. Nagkibit siya ng balikat. "Ayos lang sayo?" tanong ko habang nakatingin sa reaksyon niya. Kumunot ang noo niya na tila bang hindi niya naintindihan ang ibig kung sabihin. "Oo naman, bakit naman hindi?" medyo tumawa pa siya. As if my question is dumb. "Ayos lang ba sayo na kausapin ko siya? Hindi ka ba magseselos na mag uusap kami?" "Ha? hindi naman bakit mo naman nasabi yan?" medyo nahihiya siyang sabi. " Diba may something sa inyo?" "Wala noh! Magkaibigan lang talaga kami. Kaya wag kang mag isip ng ganyan." tumawa siya. Tumango ako. " Ganoon ba. . ." hindi parin ako certain sa sinabi niya. Inembeta niya kami ni V sabay na daw kaming mag lunch tatlo. Hindi kasi sila magkasama ni Yousef. Nang nasa cafeteria na ay naglakbay ang mata ko agaf sa lamesa na kung saan nakaupo sila. Nagtagpo agad ang aming mata ni Kol sa unang attempt ko pa lang - I tried again to smile pero mabilis naman lumihis ang tingin niya sa iba. Para bang hinihintay niya ako sa loob ng cafeteria at ng makita ako bumalik na sa dati ang tampo sa akin. Ano ba ang problema ng taong to? Nitong mga nakaraang pa to ah? Pakiramdam ko nga kanina niya pa ako inaabangan. Tss. "Alam mo ba si President Kol nandoon sa field?" Napatigil ako sa pag scroll sa aking phone dito sa student lounge dahil doon sa narinig. Umangat agad ang ulo at tumingin sa kung saan nanggaling ang source. "Hindi, tapos?" said the girl. Mga grade eleven pa'to ang mga to ah? "Guess what? Ano ba ang ginagawa ng mga lalaki sa field? Edi, nag lalaro ng soccer?" sarkastikong sabi ng kaibigan. She shrugged. "Marunong ba siya?" "Tanga ka ba? E, diba Shane " tukoy sa katabing babae nagsusulat "Siya ang dating Captain ng soccer last year? Natigil lang siya dahil sa nangyari noon?" "Oo, actually palaging silang panalo noon. Ang galing niyan ni Kol mag soccer pero dahil sa nangyari don sa kaibigan nilang si Charles na nag transfer sa ibang school tumigil narin siya pero ang alam ko may pinag awayan daw sila. Kaya si Yousef na ang naging Captain." paliwanag ng babae na petite. "So bakit siya naglalaro doon?" "Rinig ko rin sa mga kaibigan ni Tatiana ay nagkasakit daw iyong isang player nila e diba sa susunod na araw game na nila?" Natigil lang ang mga yon ng sinaway na sila ng tagabantay doon. Grade eleven pa ang mga yon pero kung maka usisa sa buhay ng iba e dinaig pa ang classmates. At Charles? You mean Chevy? Dahil kuryuso ako sa sinabi nila. Ay nagtungo nga ako sa field. Actually, hindi na sana pero ewan bakit ko inuna pa itong pagpunta ko sa field kesa sa itong pinapagawa sa akin ni Mrs. Tamargo sa akin na mga papel pahatid sa office niya. Nagulat ako kasi medyo maingay at mukhang maraming tao papunta ko sa field. Nasa likod ako ng puno sa malayo kahit nasa malayo ako ay kitang kita ko ang lalaking nakasuot ng itim na tshirt at jersey. Nag papapractice sila. Nakatago ako sa likod ng malaking puno sa likod ko ay ang building ng mga grade eleven. Dito kasi madaling route patungo dito - doon sa aming building medyo malayo pa. Hindi matanggal ang tingin ko sa kanya. Maayos niyang di-nri-bble ang bola niya palayo sa opposing team at sinipa pasok sa loob ng net naghiyawan ang mga estudyante nakaupo sa bench. Namangha ako sa ginawa niya. I can say that he is good. Kaya siguro naging Captain siya noon? Bakit naman siya tumigil eh magaling naman siya? At wait si Chevy? Anong kinalaman ni Chevy dito? Ibig sabihin ba dahil ni Chevy kung bakit siya tumigil sa paglalaro? Bakit? Kahit maraming pagtatanong sa aking utak ay napapalitan iyon ng pagka excite ko sa susunod na araw na kung saan gaganapin ang laro. Umalis ako doon bago pa matapos ang pagpractice nila at hinatid itong papel na pina photocopy ko sa library papuntang office. Kinabukasan as usual hindi kami magkasama ni Kol. Kahit sa bahay walang imik. Sabi'y nauna na daw siyang unalis. Si Kuya Jober ang naghatid sa akin matapos maihatid siya. Si Colleen talaga walang consideration. Hindi ba siya naaawa ni Kuya Jober na pabalikbalik sa school? Sagad ba sa bones niya ang galit sa akin? "Kuya may sinabi ba sayo si Kol kung bakit siya palaging maaga?" Tumingin muna siya sa side mirror. "Wala naman Blair, bakit?" Lumiko siya sa daanan ng gate papasok na ng school. Tumango lamang ako at hindi na nagsalita pa. Dinistribute ang pagsusulit namin kahapon. Hindi pa iyon check-an kaya ngayon c-check-an namin. "Kung sino man ang mababa ang score ngayon ay mag-reremoval. Tandaan ninyo na hindi na ako mag eexam sa finals dito na ako mag b-base sa scores ninyo." paalala ni Sir. My stomach churned at that. Kaya kinabahan ako ng sobra sobra. Hindi ko afford mag reremoval ulit. Lalo na ngayon hindi kami magkabati ni Colleen. Lumingon ako sa katabi kung Yousef na nagulat din ako kasi siya ang katabi kung umupo. Wala naman kaming assigned seat kaya nakakagulat na siya ang katabi ko ngayon. Tinignan ko aga ang papel na ch-enikan niya pero hindi akin kay Nati. I smile and asked him. "Silipin mo nga ang katabi mo kung kaninong papel ang che-nik-an niyan." bulong ko ni Yousef. Tumingin muna siya sa akin na parang hindi makapaniwala na kinausap ko siya o sino ba itong kumausap niya ngayon. Tumingin siya doon sa katabi at sinabihan naman ang katabi ng katabi nito kung sino ch-eni-kan nilang papel. "Wala ang papel mo sa kanila." he said. Nagsimula na pagsulat ng mga answer sa whiteboard ako naman ay parang wati na hindi makakalma. Isipin niyo nakakahiya kaya na palaging mababa score. Ayoko naman tumingin sa likod ko kasi nandoon si Kol. Sure he saw me now fidgeting or whatever. Di kaya siya ang nag check sa papel ko? Impossible naman na siya. Pero baka siya talaga? Tumingin ako sa likod sa banda niya. "Ikaw ba nag check sa papel ko?" I mouthed at sabay pakita sa papel. He just give me blant face and briefly shook his head. Damn his strict. Bakit siya ganyan ang seryoso niya? Hindi pa natigil ang tingin ko sa kanya na napansin ni Nati ang disgusto sa mukha ko. Ngumuso ako sa kanya at humarap na. Suplado 'ay pota. Na fu-frustrate na ako sa kakahanap ng testpaper ko. Hindi ko makita - mukha natanong ko na ang buong klase. Di kaya nawala? Impossible naman yon! Sino naman ang mang trip sa akin ngayon? Eh takot ang iba sa akin? Bahala na nga. Kung bagsak edi bagsak! Wala na akong pakialam na, ng tinawag na ang mga pangalan namin para ma record na ang scores. Hanggang fifty items iyon kaya nakakahiya kung mababa ang score ko. Thirty ang passing kaya sana man lang maka thirty five ako. "Bacor?" tawag nito. "Fourty five sir!" Tahimik ang buong classroom. Matanda na ang aming prof kaya ayaw nito ng maingay na classroom at akala ko mabait itong prof namin sa una lang pala yon ngayon malapit ng matapos ang sem doon lang lumabas ang totong kulay. "Buenavista?" "Thirty six po!" Tumango ito at nagsulat ng score sa class record niya. "Mabuti naman at nakapasok ka sa passsing!" "I can't afford to do a removal sir!" "Mabuti naman at hindi ko rin afford gumawa ng questionaire!" sabay biro nito. Umingay ang klassroom dahil doon sa biro ni Sir na hindi sigurado kung biro ba iyon o hindi kasi seryoso ang pagkasabi niya - naging tahimik ulit ng binigyan kami ng matalim ng tingin lalo na doon sa nangungunang tumawa tumikhim ito at umayos agad sa pagkaupo. "Castor Tatiana?" pagpatuloy niya. Kinabahan agad ako ng sa mga girls na ang tinawag. "Fourty one!" When she heard her score she silently giggled as if happy siya na nakapasa siya. "Castañeda?" Kinakabahan ako. Parang lulugwa na ang puso ko sa kaba. Walang nagsalita. "Castañeda?" ulit niya. "Fourty three!" bigla sabi sa bandang likuran ko. "Wow!" Tatiana said at pumalakpak pa ito. Sarkastikong palapak iyon ha (mind you). Sabay baling sa nagsalita sa score ko. "Impressive!" si Sir na namangha dahil sa score ko. "How come?" Tatiana wondered sabay baling sa mga alagad ni satanas. Ang kaba ko ay hindi parin mawala sa akin hanggang sa matapos ang klase. Kol and Nati got the perfect score. Edi sila na! Sabihin niyo, salamat brainy-brainy bubu. Hinablot ko ang papel ko sa lalaking nagcheck at inirapan siya. Kanina pa ako naghahanap nito nasayo lang pala! Nerd nito! Pinasok ko na sa loob ng bag ko iyon. Kasi pakiramdam ko kasi iyong iba kung kakalase ay hindi makapaniwala sa score ko. Ganyan naman talaga dito kapag alam nila na bobo ka at biglang mataas ang score mo sa quiz ay magugulat talaga ang mga feeling may utak!! Nakita ko si Yousef na kakabukas ng locker niya at naisipan kung tanungin siya tungkol doon sa sinabi ni Nati sa akin noong isang araw. "Hi." Sumulyap siya," Hey!" balik tingin sa loob ng locker. Yousef seems nice and approachable. He have a lot of friends maliban kay Kol at Nati iyon ang pansin. Kapag minsan noong panahon na sabay kaming mag lunch ni Kol at hindi sila magkasama ni Nati - ay may kaibigan naman siyang kasabayan niya. "May sinabi ba si Kol sa sayo?" "Wala naman. . ." "Sure?" "Yeah?" tanong niya balik sa akin. Sinarado niya ang locker matapos kinuha ang black cap na may logo ng nike. He has black hair and a bit long on top and on the side is a nice fade. He comb his slick back hair at nilagyan ng itim na cap niya para maitago ang buhok niyang mataas sa ilalim ng baliktad na pagkasuot na cap. "O? Saan ka pupunta?" I said. Nang napansin lumiko siya sa pupunta field. "Last practice for tonight game," he said and smile enough to show his canine tooth and give me then a lazy salute before he jog his way out of the hallway - "Wait! sino ba ang kalaban niyo?" Tumigil bago siya makalayo, naglakad ako patungo sa kanya. "Northside," he half-shouted. "School nila Chevy?" "Magkakakilala kayo ni Charles? And wait Chevy?" he scoffed. "Bakit?" "Nickname basis pala tawagan niyo huh!" "Ha?" "How you like that?" Ngumuso ako sa sagot niya. "Sige na malate na ako." Tumalikod na siya at umalis na. "Sabihin mo sa kaibigan mo mag uusap kami pagkatapos!" agap ko. He just waved his hand.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD