NASA ESKWELAHAN nako at patungo na sa room ng makita ko si Carlos na mukhang papalapit sa akin kaya medyo binagalan ko ang paglalakad
nang makalapit na siya ay binati niya ako
"good morning"
"good morning to" balik bati ko sa kanya
mahabang katahimikan ang bumalut sa aming dalawa sinasabayan lang niya ako sa paglalakad
hindi ko maiwasan makaramdam ng awkwardness kasi naman di ako sanay na tahimik siya kapag lumalapit kasi siya sakin laging may baon na kalokohan at madalas akong asarin
pero ngayon ibang Carlos ang nakikita ko
"hmmmm si Carlos?" bigla ay natanong ko mahina lang naman pero narinig parin niya kasi napatingin siya sakin na nakakunot ang noo.
" bulag kaba muka ba akong ibang tao?" tanong niya sakin na salubong na ang kilay
aba ibang Carlos nga ito at dahil dun napatitig talaga ako sa kanya at bigla nalang akong napabunghalit ng tawa
mas lalo tuloy nangunot ang noo ni pogi
"what's so funny?"
"wow" biglang sabi ko na natatawa parin habang nakatitig sa kanya ng matapos ako sa pagtawa ay nagsalita ulit ako
"sorry ha hinahanap ko si Carlos kasi parang hindi ikaw yan ang tahimik at seryoso may paenglish pa ha".. nanunudyo kong sabi sa kanya
hindi siya sumagot kaya hindi narin ako nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglakad hanggang sa makarating kami sa room ko hinatid pa talaga niya ako
"hmmm pasok nako" tumango lang siya sakin kaya naglakad nako papasok pero bigla niya ako tinawag kaya napatingin ulit ako sa kanya
"bakit" tanong ko dito
"let's eat outside my treat" parang hindi naman niya ako tinatanong it's a statement right..pero sige
"okey" sabi ko nalang kaya umalis na to at ako pumasok na kaso bigla akong napaisip kung kakain kami sa labas anung oras snack ba or lunch di ko natanung bahala na nga baka magtext nalang yun
so eto nagsisimula na ang klase namin mataman lang akong nakinig sa teacher namin na nagtuturo sa harapan
hanggang sa dumating ang snack time namin pero wala naman siyang text kaya I think hindi snack
sumama nalang ako sa mga friends ko para magsnack kung lunch naman niya ako ititreat okey lang naman wala naman akong baon ngayon dahil hindi naghanda si mama binigyan niya lang kami ng pera panglunch
hindi namin siya kasabay na nagsnack pero nung bumalik na kami sa room ay nagvibrate ung phone ko kaya tiningnan ko
nagtext si Carlos he told me na magkita kami sa labas ng gate ng school mamayang lunch time
so lunch nga.....
I texted him na okey kaya lang iniisip ko kung anung sasabihin ko sa mga kaibigan ko sigurado ako yayayain nila ako anung idadahilan ko...
naku naman bahala na nga mamaya
nang dumating ang lunch time ay nagdadahan dahan ako sa pagaayos ng gamit ko dahil iniisip ko na magpahuli
" hoy mika ange tagal mo naman jan nagugutom na kami" sabi sakin ni grace napatingin ako sa kanila at nakita ko na lahat na sila ni nakatayo at ako nalang ang hinihintay
napakamot naman ako sa batok ko
"ahh mauna na kayo pupuntahan ko kasi si Mico may sasabihin ako or baka dun nako sumabay maglunch sige na una na kayo"
"okey sige una na kami" nakahiga naman ako ng maluwag sana lang di nila makita ung kapatid ko
dali dali nakong lumabas ng room at tinungo palabas ng gate
nagpalinga linga pa ako bago ko siya nakita na nakatayo sa may poste kaya lumapit na ako sa kanya
nang makita niya ako ay tumuwid siya ng tayo at hinwakan ang kamay ko
"halika na" sabi niya sakin
" San tayo kakain?" bigla ay tanong ko
" jan lang sa malapit" sabi naman niya
napansin ko na papunta kami saw isang fastfood na malapit sa school namin
napangiti naman ako dahil paborito kong kumain dito kaya nagisip nako ng oorderin ko di pa man kami nakakapasok
kaya ng makapasok kami ay pumila na kami
"anung gusto mo?" tanong niya sakin
"rice with fried chicken saka coke float"
sabi ko tumango naman siya
may naisip pa ako hindi nako mahihiya kaya sinabi ko pa ung naisip ko
"Carlos pwede fries pa" nakangiti kong tanong dito napangiti naman siya sakin
"sige" sabi niya yun nalang din ang inorder niya para sa sarili niya at umupo na kami nang ibigay na ang order namin
KUMAKAIN NA KAMI ng magtanung ako sa kanya
"bakit ka pala nagyaya na kumain tayo sa labas saka bakit ako lang?"
tumingin naman siya sakin
" ah...eh.. kasi" sabi niya na waring nahihirapan sabihin ang dahilan ng pagyayaya nyang kumain
"anu?" naiinip na sabi ko naman sa kanya
"mm may g gusto lang akong sabihin" nauutal pang Sabi niya
problema nito bakit ba di makapagsalita ng maayos tinitigan ko naman siya na nagpapahiwatig na naghihintay ako ng gusto niyang sabihin
"Gusto kita" bigla ay sabi niya na nakatitig narin sakin
"yun lang pala" Sabi ko naman na parang Wala lang sakin pero
Wait.... anung sabi niya napatingin ulite ako sa kanya na nanlalaki pa ang mata ko
"anung sabi mo?" tanung ko kasi baka mali lang ako ng iniisip
" sabi ko gusto kita, I like you and I want to ask you if I can court you?"
" ahh....ehh di ko pa alam nakakabigla ka naman kasi eh..."bigla ay sabi ko di lang kasi ako makapaniwala na gusto niya ako gush nagbublush tuloy ako
kaya yumuko ako at pinagpatuloy ang pagkain