NANDITO AKO SA AKING KWARTO nakaupo sa may study table nagbabasa ng libro at nagrereview ng mga lecture ko dahil bukas na ang first grading examination namin
pero heto ako at parang pakiramdam ko walang pumapasok sa utak ko di ako makapag concentrate dahil may nagpapagulo sa isipan ko nitong mga nakaraang araw
2 weeks narin ang nakalipas simula ng umamin sakin si Carlos hindi ko nasagot ung tanong niya sakin nung araw na yun pero kahit ganun naging pursigido ang lalaking yun na ligawan ako kahit na di ko naman sinabi na pumapayag ako
nabawasan na ang pangaasar niya sakin pero nadagdagan naman ng pangbobola ng lalaking yun kaya mas lalo akong naiinis na kanya pero ang loko lagi lang akong tinatawanan
pero kahit ganun siya may mga gesture naman siya na I find it sweet for me like
may pa chocolate minsan o kaya nagbibigay ng isang stem ng red rose o manglilibre ng snack or lunch,nagooffer lagi na siya na ang magdadala ng bag ko or kung anu pang dala kong gamit
tinatanggap ko nalang
alam narin ng mga kaibigan namin na may gusto siya sakin kaya nagiging tampulan kami ng kantiyawan nila
lagi nilang sinasabi na sa asu't pusa naming bangayan ay may mga lihim na palang namumuong pagtitinginan
pero ako todo tanggi ayoko pang umamin noh baka mag assume ung isa na sinasagot ko na siya
pinilit ko nalang mag focus sa ginagawa ko hanggang sa napagod narin ako at naisipan ko nalang matulog
MAAGA AKO NAGISING dahil exam namin ngayon kahit first grading palang ay gusto ko itong seryosohin
nasa room na ako at nagrereview ulit ng sunod sunod nagsidatingan ang mga kaibigan ko
" mikaaaa" sigaw ni Erica
" ang ingay mo ang aga aga" sita ko naman dito
"ito naman excited lang akong sabihin sayo na may naghahanap sayo sa labas ung prince charming mo"
napasimangot naman ako dito bago tumayo at nagpunta sa may pinto at nandun nga siya lumapit naman ako sa kanya at hinila ito sa may gilid kung saan hindi masyadong pansinin ng mga dumadaan
"anu bang ginagawa mo dito" tanong ko medyo taray tarayan nanaman ang peg ko
"para makita ka ng may inspiration ako sa pagsagot sa exam ko"
" bolero ka talaga siguraduhin mo lang na makakapasa ka at makakagraduate
kana ngayong taon"
"opo I promise pagbubutihan ko na ang pagaaral ko"
" oh sige na nakita mo na ako umalis kana"
" grabe ha kung makapangtabuy wagas wala ba jan na good luck kiss"
"ang kapal mo din eh noh di pa nga tayo"
"di sagutin mo na ako para tayo na"
"ewan ko sayo umalis kana"
"sige" pero bago paman umalis eh nangnakaw na siya ng halik sa pisngi ko
tatawa tawa ang gago na lumayo sakin
" arrrggg nakakainis ka talaga humanda ka sakin mamaya"
" I love you to mwuaah" sigaw niya sakin
nagngingitngit ang kalooban ko na bumalik sa room ko
naisahan nanaman ako ng loko bwisit talaga
" oh anu nangyari sayo at naghahaba yang nguso mo" tatawa tawa pang sabi ni Cris sakin
inirapan ko nalang ito at umupo sa upuan ko ayokong sagutin ang tanong niya dahil sigurado akong mas lalo lang ako nilang pagtatawanan at bibiruin
humanda talaga siya sakin.....