Pagpanaw TILA isang bangungot ang naganap nang araw na ‘yon. Sakay ng traysikel ang mag-lolang Mireng at Cristina. Panay ang busina ng sinasakyan nila upang magpasintabi at mapagbigyang paraanin ng iba pang sasakyang nasa gitna ng kalsada. “L-lola, lakasan mo ang loob mo, ha. Huwag kang matatakot, nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan.” Paulit-ulit na sabi ng dalaga sa lolang tila hindi na humihinga. Panay ang halik sa mukha. Nang makarating sa hospital ay agad silang dinaluhan ng mga nars at doktor. Ginawa ng mga ito ang maaaring gawin upang maisalba ang buhay ni Mireng subalit...,”We’re sorry, Miss. Ginawa na namin ang lahat ng paraan pero wala na. Inatake siya, at patay na bago pa dumating dito sa hospital.” Matamlay na pagbabalita ng doktor. Ang pakikiramay ay ipinad

