Paalam NAPABUNTONG-HININGA si Cristina. Pakiramdam niya’y may nakadagan sa kanyang dibdib kung kaya nahihirapang huminga. Nanariwa ang sugat sa kanyang puso at isipan, at muling nagnaknak. Ramdam na ramdam niya ang hapdi at kirot ng latay na nilikha ng ina sa kaniyang damdamin na hindi nagawang paghilumin ng mga panahong lumipas. Nakita niya ang mga kapatid, nakatingin sa kanilang inang nag-uumpisa nang magsugal. Nakadama siya ng awa para sa dalawa. Hindi man magsalita ay alam niyang nasasabik ang mga ito sa yakap at halik ng isang inang pinanabikan niya rin noon. Alam niya ang nararamdaman ng mga kapatid, at alam niyang mabibigo rin ang mga ito, gaya niya noon. Hindi baleng siya na lang, huwag na lang sana pati ang dalawang kapatid ay nasasaktan. Muli niyang tinignan ang inang habang

