Langit at lupa KAHIT anong tanggi ni Cristina ay nagpumilit pa rin si Ronaldo na maihatid ang magkakapatid sa inuuwiang bahay. Naglalakad pa lang sila ay kinukumbinsi na niya ang dalaga upang malaman ang tirahan nito. Hindi naman maaaring palagi na lang siyang mag-cutting classes, o magpanggap na may sakit na naman. Kung malalaman niya ang tirahan ng dalaga, makakapagpaalam na siya sa mga magulang nito upang makadalaw. Mag-aaral siya sa umaga at sa hapon naman ay makakadalaw sa babaeng gusto'y laging makita. Si Cristina naman ay alumpihit na. Hindi alam kung ano ang idadahilan upang huwag nang igiit ni Ronaldo ang hinihiling. Pursigido itong maihatid sila sa kanilang bahay. Ang totoo’y nahihiya siyang makita nito ang karukhaan ng kanilang pamumuhay. Ayaw niyang maging dahilan iyon upan

