Lihim na pagtingin LALONG naging abala si Cristina nang magsimulang mag-aral sa isang kilalang unibersidad. Lalo nang hindi nagkaroon ng pagkakataong bigyang pansin ang panunuyo ni Ronaldo, o ng ibang lalaking nagpapakita ng interes sa kanya. Bagama’t natanggap na ng binata na walang mahihita ang ginagawang pagpaparamdam, hindi pa rin niya maiwasan ang umasang darating din ang panahong magkakalapit uli sila. Sa buong panahon ng kalungkutan, si Regina ang palagi niyang kasama at katabi. Karamay at nagpapalakas sa kanyang loob. Ang mga bumabagabag sa kanya’y nalalamang lahat ni Regina. Nasasabi niya rito ang kahit na ano. Lagi itong nakahandang umunawa sa kanya. Ito ang naging tagapakinig at balikat na naiiyakan niya. Sa dalaga niya naihihinga ang pagdaramdam. “Kung talagang mahal mo

