CHAPTER 30 - Natutunang Mahalin

1315 Words

Natutunang mahalin MASAYA ang pagdiriwang na nagaganap sa bahay ng mga Lolo at Lola ni Ronaldo. Maayos ang naging pakikiharap sa kanya ng buo nitong pamilya. Hindi niya akalaing totoo palang may mayayamang hindi matapobre gaya ng mga napapanood sa telebisyon at nababasa sa komiks. “Nakakatuwa itong nobya mo, apo. Masarap kausap at walang kaarte-arte. Ganyan na ganyan din ako noong araw kaya naman pinakasalan agad ako nitong lolo mo.” Biro ng lola ni Ronaldo. Kahawak pa nito ang asawang nakangiting sumang-ayon. Itatama niya sana ang maling akala ng matatanda subalit maagap siyang napigilan ng binata. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang ngumiti sa mag-asawang nagdiriwang ng anibersaryo ng kasal. Nang makapag-solo, pabulong niya itong sin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD