CHAPTER 21 - Paglisan sa Tahanan

1130 Words

Paglisan sa tahanan NANG muling mapag-isa, muling naghari ang katahimikan sa pagitan nina Manding at Cristina. Kapwa nakikiramdam at walang may nais maunang magsalita. Si Cristina, hindi pa rin mapaniwalaan na ang amang hindi nakita ni minsan ay kasama na pala at naging sandalan sa maraming pagkakataong halos wala nang natatanaw na pag-asa. Matagal na panahon siyang naghintay hanggang sa matutunang tanggaping hindi na ito darating at siya’y kinalimutan na. Nararamdaman pa rin niya ang bara sa lalamunan kung kaya’t paulit-ulit sa paglunok at paghinga ng malalim. Si Manding, pasulyap-sulyap sa hindi kumikibong dalaga. Kung gaano kalakas ang loob kanina sa pag-amin ay siyang hina naman ng loob sa mga sandaling iyon. Naumid ang dila at hindi masumpungan ang lakas ng loob na ipinakita ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD