Pamilya HINDI nawawala ang pagkakangiti ni Cristina habang pinanonood ang pagkakatuwaan ng dalawang nakakabatang kapatid. Naglalaro ang mga ito sa loob ng malaking Mall na pinagdalhan sa kanila ng ama. Musika sa kanyang pandinig ang matitinis na tawa at paghagikgik nila Romer at Mercedes. Maging ang amang natagpuan ay nagkakandaiyak sa katatawa habang nakikisali sa pagkakagulo ng dalawang bata. “Salamat po sa pagtanggap sa dalawa kong kapatid, Itay. Hindi matatapos ang pagpapasalamat ko at pagtanaw ng utang na loob. Makakaasa po kayong magiging mabuti kaming anak sa inyo,” aniya habang masuyong nakatitig sa amang kalaro ng mga kapatid. Marahil ay naramdaman nitong siya’y nakatingin, pumaling ang mukha nito sa direksyon niya at nakangiting kumaway. Nang makita ang ginawa ng ama, nak

