Damon's POV.
"Bro, asan na ang asawa mong manyak?" Bungad agad sakin ni Derick but i didn't bother to look him or answer his question.
Iniisip ko kung paano na huli ang babaeng yun ng mga tauhan ni Vix? Alam ko bago ako umalis kanina papuntang meeting ay nakita ko pa syang tulog sa kwarto nya.
"Bro, snobber kana pala ngayon, matapos ng mga pinag samahan natin! huhuhu~" f**k! f**k you derick! Mas sumasakit ang ulo ko sa lalaking to.
"Baby damon naman~ ayaw mo na ba sakin?" Hindi ko parin sya sinagot dahil iniisip ko kung paano ko mababawi ang asawa ko sakanya.
Did i call her 'Asawa?' f**k! Anong naisip ko at natatawag ko sya sa isip ko na asawa? asawa ko lang naman sya sa papel.
"Bro!"
"What!?"
Nanlaki pa ang mata nito dahil sa pag singhal ko sakanya pero wala akong pake! naiinis ako sa kabaklaan ni derick.
Hindi ko alam kung paano ako naka tagal sa kanya, at kung may pag kakataon lang na bumalik ang naka raan unang-una sa listahan ko si derick na hindi kakausapin!
"Tatanungin ko lang naman kung nasaan ang asawa mo" Naka nguso nitong sabi habang nag be beautiful eyes na halos ika suka ko! mukha syang bakla!
"Puta ang sagwa!" Asar na sabi ko sakanya bago sya talikuran. tsk kung pwede lang na hayaan kona ang babaeng yon pero hindi eh.
May silbi pa sya sakin kaya kaylangan ko syang mabawi, Tinungo ko ang kwarto ko bago ako nag palit ng isusuot kong damit.
"Teka? may lakad ka? saan ka pupunta?" tanong ni derick, kinuha ko ang dalawang pistol bago ibinato sakanya ang isa nang walang kahirap-hirap nya iyong nasalo.
Kunot ang noong napa tingin iyo sakin pero isang maka hulugan na tingin ang ibinigay ko sakanya bago nag salita.
"Nakay Vix si Zeina" Walang gana kong sabi bago nauna nang lumabas sa kwarto.
"Iba rin talaga amats ng lalaking yun! Hahaha! pati si zei kinuha, i wonder kung ano na ang pinag gagawa ni zeina sa lalaking yon" Halata sa boses nya ang tuwa.
Pero hindi ko nalng sya pinansin at sumakay na sa kotse ko. sumunod agad si derick kaya mabilis ko na iyong pina harurot papunta sa lalaking yon.
Ilang saglit lang ay agad din akong naka rating, hindi na ako hinarang pa ng mga bantay bagay na alam kong mang yayari na iyon.
Alam kong alam ni vix na pupuntahan ko ang babaeng yon para bawiin sakanya. tsk, kahit kaylan talaga maka sarili ang lalaking yon.
Walang duda kung bat pati ang taong mahal nya nawala sakanya, tsk! f**k that love! Hinding hindi ako matutulad sakanya noon na halos mabaliw na sa kakahanap sa babae nya.
agad na ikinasa ko ang baril na hawak ko at itinutok iyon sa kanya na prenteng naka upo sa sofa habang na ninigarilyo.
"Sasuga ni kimasu" (Translate: katulad ng inaasahan ko, darating ka nga) Ngising sabinito pero walang emosion ko lang syang tinignan.
"Nasan sya?" Mahinahon pero maotoridad kong tanong sakanya na ikina simangot nya at sumalubong ang kilay, pero walang nag bago kapag tumitingin sya ay malamig talaga.
"That women, i hate your wife damon" Halata naman sa manana lita nya palang, hindi nya nga gusto. Pero napapa isip rin ako kung ano ang dahilan para kainisan nya ito.
"Dude! my bebe Vixy~" Sulpot ni Derick at parang bakla nanaman na ikina irita lalo ni Vix.
"The f**k derick!" Masama ang tingin nya kay derick pero ang gago tumawa lang hindi alintana ang galit sakanya ni Vix.
"Oh my bebe Vixy~ Ang hars mo haman sakin~ kung gusto mo pala ng f**k? Bakit hindi na natin gawin ngayon~ NYAHAHAHA!" Pangaasar pa ni Derick kay Vix na ibinato na ang sigarilyo pero mabilis na naka iwas si Derick na tatawa tawa.
"Opss! Chillax kalang Bebe vixy, andito lang naman kami para bawiin ang asawa....Nya" Turo sakin ni Derick pero walang nag bago sa reaction ko.
"Oh, Wala sya----"
*BOGSH!*
"Puta! Ang sakit ng paa ko!" Bumagsak ang pintuan sa harap namin, na ngunot ang noo ko dahil hindi manlang namin narinig ang kalabog para masira ni Zeina ang pinto.
Napa tingin ako sakanya mula ulo hanggang paa, naka Kimono itong pula at kahit hindi ko man aminin o sabihin, bagay sakanya.
Mas lalo kasing kumitas ang ganda ng kurba ng katawan nya at lantad ang cleavage nya, may si pleng kolorete rin ito sa mukha.
And isa lang ang masasabi ko, mukha syang manika na pusa sa itsura nya pero yung mala pusang mata nya ang diretsong naka tingin kay Vix.
"Ikaw!" Duro nya kay Vix na ngumisi lang habang umiinom ng alak.
"Gigilitan kita ng leeg! punyeta ka!" Susugod na sana sya ng mabilis ko syang hawakan sa braso para pigilan sya.
Natigilan naman ito at mukhang ngayon nya lang napantanto na nandito kami ni derick. Poker face na naka tingin lang ako sakanya. mukha syang tanga.
"Waaahh! Demonyo! bat ngayon kalang?" Hinampas pa nito ang dibdib ko na muntik ko pang ika ngiwi! s**t! bat ang bigat ng kamay nya?
"Punyeta ka! siguro nakipag iyutan kapa sa mga babae mo no? kaya ang tagal mong sunduin ako dito!" Sigaw nya sakin at tangka nanaman nya akong hahampasin ng pigilan ko sya.
"Masakit na" Matalim na tinginng sabi ko, Ang liit-liit lang ng kamay pero ang sakit kung maka palo!
"nyahahahaha! Tama ka Zei! Nakipag Chuchuhan si baby damon sa tatlong babae! NYAHAHAHA!" Gatong agad ni derick.
Sinamaan ko sya ng tingin pero mas lalo lang itong tumawa, sarap pasabugin ang bungo ng lalaking to! Abnormal.
*PAK!*
"What the f**k!?" Gulat kong nilingon si Zeina nang malaks nya akong sampalin! s**t! Bat ang bigat ng kamay nya! nag gigym ba sya?
"Punyeta ka! Tatlo pa talaga? Tatling babae ang iniyot mo!!" Nanlilisik ang matang sigaw nya. Napa salubong ang kilay ko. hindi kona nagugustuhan ang tabas ng dila nya.
"Hindi ako nakipag----Damn you!" Galit na galit kong mura ng sampalin nanaman nya ako. halos maiyak na sya na ikina kunot ng noo ko. problema nya?
"Sabihin mo! mag explain ka!"
"Hindi nga ako---s**t!"
*Pak!*
"Ano!? nakipag iyutan ka ba talaga!?"
"Sabing----Tang ina!"
*pak!*
Mur ko ng malakas nya nanaman akong sinampal! Pigil ang inis na hwag ko syang masaktan, bwiset!
"Pwede ba patapusin mo muna ako, babae" Kinakalma ang sariling sabi ko. Napa Simangot naman ito.
"Okay" Seriously? Kaylangan ko bang mag explain sa babaeng to!? Labag man sa loob ay nag salita ako.
"Una sa lahat, wala akong Iniyot na babae lalong-lalo na kung tatlo yon! Pangalawa, kaya lang ako natagalan dahil may tinapos pa akong trabaho, at pangatlo...isa pang sampal mo sakin at makaka tikim kana talaga" Nag titimping sabi ko.
Pero nag taka ako ng para itong tangang naka tanga sakin naka awang pa ang bibig na titig na titig sa mukha ko, nag salubong ang kilay ko.
Rinig ko pa ang hagikhik ni derick na parang tanga rin katulad ng babaeng to sa harap ko. bagay silang pag untugin.
"What!?" Iritableng tanong ko, nabalik ito sa reyalidad, napa kurap kurap pa sya bago humawak sa bibig.
"Shet! ang hot nya kapag nag didirty talk ng tagalog" Anya nya na ikina inis ko. bwiset!
mabilis ko nalang syang kinaladkad paalis sa puder ni Vix, naiinis ako sa inaasta ng babaeng to! ingay na ingay narin ang tenga ko sa mga kabastusang lumalabas sa bibig nya.