Zeina's POV.
Nag sasalubong ang kilay ko habang sinusundan si Damon, Yeah! sinusundan ko yung kotseng sinakyan nya!
feeling ko kasi may iba syang pinag kaka abalahan maliban sa trabaho nya eh! Mamaya nun may ibang ahas na pala syang alaga at hindi ako papayag!
Akin lang ang sawa nya hanggat hindi ko pa na titikman yon! "Manong! bilis-bilisan mo naman! Ganyan kaba bumayo sa asawa mo? Mabagal lang?" Iritableng tanong ko kay manong driver.
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko pero wala akong pake! totoo naman eh, ang bagal nyang magpa takbo ng taxi nya! kaya siguro gipit!
"M-miss...wala pa akong asawa" Naiilang na sabi nito kaya naman tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.
"Manong sa tanda nyong yan wala kang asawa? Aba! tuyot kana siguro, sabagay walang duda. itsura mo palang tuyot na nga" Sabi ko at napa pilantik pa.
Kita kong napa iling sya bahagya at binilisan ang pag papatakbo ng taxi nya pero agad din syang napa preno.
sumub-sob pa ang nguso ko sa harap dahilan ng pag daing ko! pakshet! kingina! ang sakit! Salubog ang kilay na nilingon ko sa manong driver.
"Manong! Bat mo hininto agad! Ang dakit ng nguso Ko!" Reklamo ko dahil sa sakit, nakaka banas!
"Miss, kung hindi ko hininto patay na tayong dalawa" Kabadong sabi ni manong driver habang naka tingin sa harap, tinuro nya pa ito na na nginginig.
nilingon ko rin iyon at nanlaki ang mata ko ng maalala yung humarang samin! nag si babaan ang mga naka armadong lalaki.
May mga bitbit itong mga baril kaya kinain ako ng takot! s**t! Tangina! Hindi nga ako namatay sa puder ni damon pero mukhang sa mga to ako ma mamatay!
"Baba!" Sigaw ng lalaki, napa ngiwi pa ako sa pag sigaw nya kaya kumirot ang tenga ko, piste! kaylangan bang sumigaw sa tenga ko?
"Wag mo kong sigawan, nasa harap mo lang ako! punyeta!" Hindi ko mapigilang reklamo. sinong di mag rereklamo? Eh ikaw kaya sigawan sa tenga.
"ARAY!" Napa daing ako sa sakit ng ihampas nya sa mukha ko ang baril na hawak nya, napa salampak pa ako sa sahig.
Nalasahan ko pa ang dugo sa labi ko kaya inis na nilingon ko sya pero marahas na hinatak naman nito ang buhok ko bago ako kalad karin!
nakita ko pa si manong na mabilis lumabas sa taxi nya, Buti naman tutulungan nya ako! Agad din syang natigilan ng itutok sakanya ng mga lalaki ang baril.
Nag taas ito ng kamay bago tumingin sakin kaya napa kunot ang noo ko. "Miss! yung bayad mo!" Sigaw nya.
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya! Gago amp! "Bwiset kang gurang ka! Kinikidnap nanga ako nagawa mo pa akong singilin ng pamasahe ko! AHHHH! ARAY GAGO! MASAKIT NA!" nang gigigil kong sigaw pero napa daing rin.
kinaladkad ulit nila ako masakay sa Itim na sasakyan, nag pumiglas ako sakanila umaasang matatakasan sila kaso puta! ang sakit ng sabunot nya!
Tangka ko pa sanang harapin sila ng malakas na tumama ang kung anong bagay sa batok ko dahilan ng pang hihina ko.
Unti-unti naring bumibigat ang talukap ng mata ko pero bago ako mawalan ng ulirat narinig ko pa ang pinag usapan nila.
"Siguradong tataasan na ni boss Vix ang sweldo natin dahil nahuli rin natin ang babaeng to"
"BILIS! UMALIS NA TAYO! NABALITAAN NYA AGAD NA KINUHA NATIN ANG ASAWA NYA!"
And everything went black...
****
Naalipungatan ako ng maramdaman ang malakig na bagay ang humahawak sa.....? t-teka? Bat nasa dede ko yon?
Mabilis na naimulat ko ang mata at agad na bumungad sa paningin ko ang malamig nyang mga matang naka titig sakin!
Nahigit ko pa ang hininga ko dahil sa gulat! Tangina! Ang gwapo! Pero self! Nasa panganib ka kaya wag muna landi ang atupagin mo.
"Unggoy!" Malakas na tulak ko sakanya dahilan ng biglaang pagka walang balanse nya kaya nahulog sya sa sahig.
napa hawak pa ako sa sarili ko. My gosh! Pina kiramdaman ang gitnang bahagi kung masakit ba pero hindi naman kaya napa tingin ako sa sarili ko.
Naka soot ang nang pulang Kimono, para akong ikina kasal sa japan sa itsura ko! Litaw pa ang makinis kong hita!
tapos yung dibdib ko! litaw na litaw ang cleavage ko! Punyeta! Pero impernes ah..ang ganda, bagay pala sakin ito.
"f**k!" Galit nyang usal bago tumayo at sumalubong sakin ang malamig nyang tingin. Pero inirapan ko lang sya.
"Ikaw! Anong karapatan mo para hawakan ang dede ko?" Duro ko sakanya habang nanlilisik ang mga mata ko.
Hindi panga ako na gagalaw ni damon tapos ang lalaking to nakaka hawak na! ang unfair! kung sya lang si damon siguro inungulan ko pa sya.
"Anata wa totemo urusaidesu" (Translate: Ang ingay mo) Napa kunot ang noo ko sa sinabi nya.
"A-ano? Anata..wa? Natatawa kaba? tapos ano yun? T-t-tome? toto? Ah! Totemo! Ano yun totoy?" Kunot noo kong tanong sakanya.
Eh sa hindi kosya naintindihan eh, malay ko bang natatawa sya at yung totoy nya? teka ano bang meron sa totoy nya? Tigang ba sya?
"Teka, tigang kaba?" Tanong ko sakanya, nag salubong ang kilay nito pero na nanatili ang malamig nyang tingin sakin.
"Nani o itte iru?" (Translate: Anong pinag sasabi mo?) Sabi nito na hindi ko nanaman naintindihan.
"Pwede ba! mag tagalog ka! Malay ko bang minumura mo na pala ako at nilalait na pangit ako kahit hindi naman!" Reklamo ko ng di kona kayang intindihin pa sya.
"I have many questions for you, so answer me properly" Pag eenglish nya na ikina lingon ko, Ganon! marunong naman palang mag english eh.
"Tangina ka! pinapa hirapan mo pa ako marunong ka palang mag english!" Duro ko sakanya. Pero umupo lang ito sa sofa bago sya sinalinan nung babae ng alak.
"Ano namang itatanong mo aber?" Pag tataray ko and i can help but to rolled my eyes and flipped my hair.
"Are you damon's wife?" Napa irap ako dahil sa tanong nya.
"Teka! bago ko sagutin ang tanong mo may kundisyon ako, bibigyan mo ako ng pera kada tanong mo" Sabi ko.
So what? need ko ng money. hindi kasi ako binibigyan ni damon para daw wala akong pera kung sakaling maka takas sakanya.
Nag kataon lang talaga kanina na nalingat yung bantay, sarap ng tulog eh..nag lalaway pa! eww.
"Price it" Sabi nya, aba! Madaling kausap! ngumiti ako ng matamis.
"Oo ako nga ang asawa nya, akin na ang 5k ko" Lahat ko ng kamay sa kanya, tinignan nya pa ito kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Ano? Mag bibigay ka o hindi kona sasagutin lahat ng itatanong mo" Pag tataray ko sakanya.
"Mamaya na kapag na sagot mona lahat ng tanong ko" Nanlaki ang mata ko, marunong sya mag tagalog?
"Ayoko! Pera muna" Pag mamatagas ko, naikuyom nito ang kamao pero malamig parin ang tingin nya.
"Kanina pa ako na pipikon sayo, babae" Iritableng sabi nito pero umirap lang ako.
"Pakelam ko ba sayo? matapos mong hawakan ang dede ko mag rereklamo ka!" Giit ko sa ginawa nya kaninang pag pisil sa dede ko. bastos animal!
"Fine!" Sumusukong anya nya at sinenyasan ang babae na bigyan ako ng pera kaya naman ngumiti ako at binilang iyon, tama! 5k.
"Ano pang tanong mo? Pero bago yon pera muna baka kasi mamaya nyan hindi mona ibigay mahirap na" Sabi ko, sinamaan ako nito ng tingin pero inirapan ko lang sya.
Kakaunti lang ang pasensya ng lalaking to pero di ko alam kung bat di ko magawang matakot sakanya.
Sinenyasan nya ulit ang babae at binigyan ako nito, 10k na ang hawak ko ngayon! madali lang pala syang kausap eh.
"Alam mo ba kung anong pina plano ni damon?"
"Hindi"
"Tang ina ka! Kanina kapa!" Galit nitong sabi at tinutukan ako ng baril na ikina laki ng mata ko pero bigla akong napa irap.
"As if namang natatakot ako" Walang gana kong sabi sakanya na ikina tagis ng bagang nya. senyales na ubos na ang pasensya nya.
"Kasi naman, pano ko malalaman ang plano nun kung lagi namang wala diba? tapos hinarang pa ako ng mga tauhan mo kung kaylan iyon ang oras na binubuntutan ko si damon!" Mahabang sabi ko.
Napa tikom ang bibig nito at parang tila may iniisip kaya napa irap nanaman ako, bobo rin ang isang to eh.
"Fine!" Suko nya kaya ngumiti ako, hindi na ito nag tanong pa sakin sahalip ay ipinosas naman ako nito sa kama!
"Jaan kalang hanggat hindi ko na lalaman ang plano ng asawa mo" Sabi nito at tinalukuran ako! waahhh! kulong na nga ako sa mansyon ni damon pati ba naman dito?
at ang mas malala pa! Ipinosas ang isa kong kamay! kagigil! kingina!