AGENT MHARIMAR’s POV Habang nagsisimula kaming kumain, napuno ang mesa ng masiglang usapan. “Do you remember,” sabi ni Hector habang kumukuha ng tinapay, “nung unang beses na sinubukan ni Nikolai magluto ng omelette? Halos masunog ang kusina.” Pagkukwento ng Daddy niya. “Dad!” reklamo ni Nikolai, kunot ang noo pero halatang natatawa rin. Napailing pa ito ng ilang beses. Napatingin ako sa kanya. “Seriously?” natatawang tanong ko. “Oo,” sagot ni Nikita, kasunod noon ang kanyang malutong na halakhak. “Naisip niya kasi, baka raw mapahanga ka kapag marunong siyang magluto. Pero guess what? Sunog lahat.” “Kailan nangyari iyon?” Kunot noong tanong. “You know when,” halos pabulong na sagot ni Nikolai. Pero hindi ko naman matandaan. “I would’ve eaten it anyway.” Napailing ako, tawa n

