CHAPTER 4

1699 Words
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang propesor nila sa Psychology. Si Professor Camara ay nasa late 50’s, matangkad, mukhang kagalang-galang at may mapusyaw na balat. Dumagundong ang malakas nitong boses sa loob ng classroom nang bumati ito. Bigla tuloy natahimik sa pagkukuwentuhan ang iba. May trenta minutos yatang naglitanya ito ng kanyang achievement bilang isang guro pagkatapos ay inisa-isa nito ang house rules at ang contents ng course syllabus na hawak. Alam ni Ella na unti-unti nang nabo-bore ang kanyang mga kaklase maliban sa kanya. First meeting nila ito, kailangang maipakita niya sa kanilang professor na interesado siya sa kanilang subject. “Okay, if you don’t have any question regarding the rules and regulations in this school, it’s time for you to introduce yourself,” seryosong wika ng guro. Biglang umingay muli ang klase. “Hay naku, ang walang kamatayang pagpapakilala ng sarili,” reklamo ni Denzell. Bahagya siyang napangiti. Nagpatuloy sa pagsasalita si Prof. Camara. “But what you’re going to do is not the traditional self-introduction.” Lalong umingay ang buong klase tanda ng pagprotesta ngunit wala namang nagkalakas-loob na kontrahin ang kanilang guro. “Each of you will be paired to one of your classmates,” patuloy ng propesor. “Then, you will be given five minutes to interview your partner. Ask him or her some pertinent questions and after that, each pair will introduce each other.” Lalong umingay ang buong klase. May na-excite pero parang mas marami ang nag-resist. Bakit naman? Ang hirap kayang mag-interview sa isang tao na ngayon mo lang nakita o nakilala, ano?” At nagsimula nang basahin ni Prof. Camara ang mga pangalan ng magkaka-pareha. Wow as in wow! Pati ba naman sa pairing, may sariling style pa din ang kanilang guro? Lahat ng pangalan na nasa unahan in alphabetical order ay ipapartner sa mga pangalan na nasa hulihan. Problema na ang pag-interview, problema pa rin kung sino ang iinterbyuhin mo. “Ms. Cinderella Balagbag will be paired to Mr. Jerod Villamore…” sa wakas ay narinig din niya ang sariling pangalan. Mabilis siyang tumayo upang hanapin ang kaklaseng nangngangalang Jerod Villamore. Isa-isa niyang nilapitan ang mga kaklaseng lalaki, habang ang iba naman ay naging abala na rin sa paghahanap ng sariling ka-partner. Naisa-isa na yata niya ang lahat ng kaklaseng lalaki ay wala pa siyang nakikilalang Jerod Villamore. Wow! Sana naman, kung sino man ang Jerod na iyon, magpakita na o kaya naman mag-effort din ito sa paghahanap sa kanya. Napabuntong-hininga si Ella. Malapit nang maubos ang five minutes. Halos lahat ng kaklase niya ay nakita na ang kani-kanilang partner, siya na lang ang hindi pa. Tiningnan niya sina Denzell, kampante ang mga ito habang nakikipag-usap sa mga kapareha, at mukhang marami nang naisusulat sa sariling notebook ang mga ito. Samantalang heto siya at tila nangangapa pa sa dilim. Her eyes surveyed the whole class. Narito kaya siya? Baka naman wala pa siya sa loob ng classroom na ito. Nag-aalalang bulong niya sa sarili. Maya-maya ay isang matangkad na lalaki ang biglang lumitaw sa pinto. He entered the room with confidence and assurance. Tuloy-tuloy na umupo ito sa nag-iisang bakanteng upuan sa likod. Muntik na siyang mapatalon sa excitement. Hindi dahil sa inisip niyang baka ito ang hinahanap niyang ka-partner kundi dahil sa kaguwapuhan nito. Tila tumatawa ang singkit nitong mga mata. Katamtaman ang tangos ng ilong na bumagay sa medyo manipis nitong mga labi. Maitim at tuwid ang tila bagong gupit nitong buhok. Lalaking-lalaki rin ang balingkinitan nitong katawan at ang kulay ng balat na medyo kayumanggi pero hindi sunog sa araw. Nang makaupo ay di sinasadyang napatingin ang lalaki sa kinaroroonan niya. Nagsalubong ang kanilang mga tingin. Bahagyang kumunot ang noo nito nang mapansin ang malagkit at tila wala sa sariling mga titig niya dito. Mabilis nitong pinaraan ang mga mata sa kabuuan niya habang nakakunot pa rin ang noo. Pero hindi niya alintana ang tila pagkainis nito. Tuloy pa rin ang walang kurap na paghanga niya sa taglay nitong kakisigan. Gosh! Ito na yata ang pinakaguwapong lalaki na nakita niya sa balat ng lupa. “Last two minutes,” announcement ni Prof. Camara sa tono na parang nasa basketball. Lalong nataranta si Ella kung kaya napilitan na siyang lumapit siya sa lalaki. “A-are you Jerod Villamore?” nanginginig pa na tanong niya. Wow as in wow! Mas guwapo pala ang lalaking ito sa malapitan. Lalong nadagdagan ang kanyang nerbiyos. Walang emosyong tumingin lang ito sa kanya. “Yes,”matabang na sagot nito habang naka-poker face. Sa halip na panghinaan ng loob ay minabuti ni Ella na panatilihin ang excitement sa tono ng boses niya. She was new in this place. She must show warmth and friendliness among the people here. “Ahm, I just want to inform you that we are partners in this activity. We will introduce each other to the class as instructed by our professor.” Kumunot muli ang noo ng lalaki saka aroganteng nagtanong. “So?” Naramdaman ni Ella ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisingi dahil sa nagbabagong inis at pagkapahiya pero kinontrol niya ang sarili. “Do I need to tell you that you have to cooperate?” buong pagtitimping sabi niya. “Ang sabi ko,magka-partner tayo at ipakikilala natin ang isa’t-isa sa klase ngayon din mismo.” “Naintindihan ko na ang unang sinabi mo. Hindi mo na kailangang ulitin pa,” tila inis na sabi nito. “Ganoon naman pala. Puwede bang umpisahan na natin? Paubos na kasi ang oras na ibinigay sa atin ni sir,” gigil na wika niya. “Really? But how? We don’t know each other?” Naramdaman ni Ella ang pag-akyat ng dugo sa ulo niya dahil sa sarkastikong tugon ng lalaki. Bigla’y parang naglaho ang kaguwapuhan nito. Ang kaninang tila anghel sa kakisigan ay napalitan ng isang mayabang at mabangis na tigre. “How? Eh, hindi mo nga alam dahil late ka. Kaya nga ako lumapit sa iyo para i-explain ang gagawin natin, di ba?” bahagyang tumaas ang tono ng boses niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. “Sorry, but I don’t talk to strangers,” kibit-balikat nitong tugon sabay iwas ng tingin sa kanya. Wow! Hindi lang umakyat ang dugo niya sa ulo, kumulo pa ito nang bonggang-bongga. Para tuloy sasabog na siya sa sobrang pagka-irita. “So, gano’n? Dahil sa ‘you don’t talk to strangers’, hindi ka na magpa-participate? At damay pa ako, gano’n?” “Kasalanan ko ba’ng ayaw kong makipag-usap sa hindi ko kilala?” Nanlilisik ang mga mata na tumingin uli ang lalaki sa kanya. “Kasalanan ko ba’ng minalas ako na ikaw ang maka-partner ko sa letseng activity na ito?” Tumaas ang tono ng boses ni Ella dahilan upang maagaw ang pansin ng guro nila. “Any problem, Miss Balagbag?” tanong ni Prof. Camara at akmang lalapit sa kinaroroonan nilang dalawa. “N-nothing, sir,” ninenerbiyos na tugon niya na nagpaudlot sa tangkang paglapit sa kanila ng propesor. Nang tingnan niya uli si Jerod ay may iniaabot ito sa kanya. Naka-poker face na uli ito. “What is it?” inis na tanong niya. “Identification card ko, gusto mo akong makilala, di ba? Nandiyan na ang lahat ng gusto mong malaman.” “ID? Dito ko kukunin lahat ng sasabihin ko tungkol sa iyo?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Oo. Bakit? Meron ka pa bang gustong malaman tungkol sa akin maliban sa pangalan at address ko?” Inis na hinablot ni Ella ang ID ni Jerod at padabog na tinanggal ang sarili niyang ID mula sa kanyang leeg. Iniabot niya ito sa lalaki. Parang walang anuman na kinuha nito ang maliit na card na iyon pagkatapos ay patay-malisyang binasa. Parang nakakalokong napangiti ito nang mabasa ang kanyang pangalan. “Bakit? May nakakatawa ba?” singhal niya. “Cinderella?” mahinang basa nito sa pangalan niya, bahagya pa ring nakangiti ang mga labi. “Oo. Eh, ano ngayon?” “Ang dami namang pangalan, bakit Cinderella pa ang napili ng nanay mo?” Lalong nag-init ang punong-tenga niya sa narinig. Kung wala lang sila sa loob ng classroom ay siguradong hinila na niya ang kuwelyo ng suot nitong polo shirt. “Wala kang pakialam. At huwag mong isama ang nanay ko sa usapang ito,” nanginginig na wika niya. “Okay. Bakit ba beast mode ka agad?” “Dahil hindi ka nakakatuwa.” “Fine. I was not born to please anybody,” sabi nito sabay kibit-balikat. May pang-uuyam pa rin sa ngiti nito. “Ikaw nga, ang ganda ng pangalan mo pero ang pangit naman ng ugali mo,” ganti niya. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo? The name Jerod means honesty, benevolence, brilliance and courage. Ang dami namang pangalan, pero bakit Jerod ang napili ng nanay mo na itawag sa iyo?” Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Jerod. Matalim na tumitig sa kanya ang singkit nitong mga mata saka nanggigigil na nagsalita. “Huwag na huwag mong isasali sa kahit na ano’ng usapan ang mommy ko.” “Ah, ganoon ba? Well, quits!” Pagkasabi noon ay agad siyang bumalik sa kanyang upuan, dala ang ID ni Jerod. Pagkaupong-pagkaupo ay agad niyang binasa ang mga nakasulat sa ID. Name: Jerod L. Villamore Birthdate: March 17, 1997 Address: High Grove Subdivision, Baguio City Course: BS Biology - Second Year Parent: Dr. Pete R. Villamore Napanganga si Ella sa pagkabigla. Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na ID. Ilang beses siyang napakurap. Diyata’t si Jerod Villamore na ubod ng yabang at suplado ay anak ni Dr. Pete R. Villamore? Ang may-ari ng Summerville University School of Medicine? Pasimple niyang nilingon ang lalaki sa upuan. Tahimik lang ito at hindi nakikipag-usap kahit kanino. Tila may sariling mundo at walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Poker face pa rin. Hindi lang pala ubod ng yabang ang lalaking ito, ubod pa ng yaman. Nakaramdam siya nang panliliit sa sarili dahil sa ginawang pagtataray niya rito kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD