Chapter 42

1850 Words

PEACHY TULALA LAMANG AKONG nakatitig sa pagkain na inorder ni Gillian para sa akin habang nakaupo sa cafeteria katabi siya, si Haru, at Ysa na madalas nang sumama sa amin simula nang nangyari sa party ni Strawberry. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang mga tanong sa isip ko tungkol sa mga sinabi sa akin ni Raegan. Idagdag pa ang pagtutol ng nanay ni Raegan sa kung ano mang relasyon mayroon kami. Andrea Perino... Kailangan ko siyang makausap nang personal. Napaigtad ako at napatingin kaming apat sa bandang likuran namin nang makarinig kami ng tili. Kumunot ang noo ko nang makita ang galit na galit na si Strawberry na hawak-hawak sa buhok ang isang babae. Kinaladkad niya pa ito at basta na lamang binitawan dahilan para mapatihaya ang babae. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD