Chapter Eleven Tagaytay
“EIRA! HALIKA NA!” sigaw ng Tita Merdel ni Eira sa kanya.
“Nariyan na po! Sandali lang!” sigaw niya pabalik at mabilis na isinuot ang sweater. She grabbed her bag and took one last look at the mirror before closing her room. Dahil sa tumatakbo siya pababa ay muntikan na siyang bumangga sa lalaking nakatayo sa may paanan ng hagdan.
“Whoa. Slow down.” saad nito habang ini-i-steady siya ng tayo.
“A-Arjh!” gulat na saad niya nang matitigan ito.
“Your aunt let me in. She's talking with my parents. Are you all packed up?” tanong nito at sinipat ang dala niyang bag.
Napatango siya dito. Isang backpack lang naman ang dali niya na naglalaman ng mga damit at toiletries niya at isang sling bag kung nasaan ang mga importanteng gamit at documento niya.
“Alright. Let's go.” Nauna itong maglakad sa kanya. Di man lang kinuha ang dala niyang bag... Typical Arjhun. She just shrugged her shoulders and went out.
“Nailock mo na ba ang bahay?” tanong ni Tita nang makalapit siya dito.
Tinanguan niya lang ito bilang sagot. Binalingan niya ang mag-asawang nasa harapan nila ngayon. “Good morning po, Tito, Tita.” bati niya sa mga ito sabay mano sa mga magulang ni Arjh. “Pasensiya na po sa paghihintay.”
Ngumiti lang si Tito, “No worries, hija. I understand na inaantok ka pa. The sun is barely rising. Ready na ba kayo? Let's get going then.”
Naunang pumasok sa sasakyan ang parents ni Arjh. Sumunod naman si Tita at naupo sa next row sa gitnang bahagi. Susunod na sana siya papasok nang maunahan siya ni Chantal na nagmamadaling makapasok.
“Sa gitna na ako, Ate. Hindi kasi ako sanay sa likuran. Okay lang ba?” tanong nito. “Nahihilo kasi ako doon.”
“S-sige.”
She grinned. “Thanks!” Mabilis na tumabi ito sa tiyahin niya. “Ayos lang po ba kung dito ako maupo? Ayoko po kasi sa likuran.”
“Ayos lang, hija.” Binalingan siya ni Tita Merdel. “Eira, ayos lang ba na sa likuran ka? Kung gusto mo dito ka nalang sa pwesto ko—”
“No need, Tita. Ayos lang po ako doon.” pumasok na siya ng sasakyan at naupo sa likuran malapit sa bintana. Nagulat nalang siya nang tumabi sa kanya si Arjh. Akala niya kasi sa unahan ito uupo dahil nandoon na ito sa unahan kanina. Nagtatakang tiningnan niya ito, unfortunately, nakasuot ito ng salamin kaya hindi niya makita ang mata nito. Tahimik lang itong umayos ng upo. Naman eh! Kinikilig siya. Umayos na din siya ng upo at nakita niya pang nakatingin sa kanilang dalawa ang apat na pares ng mata na pawang nakangisi. Namumulang nag-iwas siya ng tingin at isinuot ang glasses niya saka hood ng jacket. Naramdaman niya nalang na umaandar na ang sinasakyan nila ay saka lang siya tumingin sa unahan. Mabuti nalang at hindi na sila pinansin ng mga ito.
Papunta sila ng Tagaytay para magbakasyon. Nagkataon kasi na pareho sila ng pupuntahan ng pamilya ni Arjh. Naikwento kasi ni Chantal iyon noong minsang nakasama niya ang mga ito sa High Ridge. She invited her and her aunt. She was hesitant at first na sumama kasi nakakahiya naman talaga. But then nalaman niya na kasama pala ang kani-kanilang pamilya ng barkada ni Arjh. Naalala niyang ganito pala sila tuwing bakasyon. Nakasanayan na ng mga itong lumabas. Pamilya na din kasi ang turing nila sa bawat isa. Kaya napapayag din siya ni Chantal na sumama. Grabe lang din naman kasi ang convincing powers nito. Kaya naman heto sila ngayon, alas singko palang ng umaga ay bumabiyahe na papuntang Tagaytay. Isinabay na sila nina Tito ng sakay para less hassle na daw sa kanila. Lalo na at ilang oras din ang biyahe papuntang Tagaytay.
Napahikab siya. Inaantok pa naman kasi talaga siya. She was about to look at her side nang maramdamang may kung anong mabigat sa lap niya. She instantly smiled upon seeing Arjhun’s sleeping face. Nakatulog na ito sa kandungan niya. Ang cute talaga nito kapag tulog. Dahan-dahan niyang inalis ang glasses nito para mas komportable ito sa pagtulog. She just kept on stroking his smooth hair as she rested herself. Balak niya pa naman sanang sumandal dito para makatulog. Siyempre may moves siya. Hahaha! But this is way better. Napangiti nalang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Naalimpungatan siya nang may marinig na parang click at hagikhikan ng kung sino. She stirred and slowly opened her eyes. Nagtaka pa siya kung bakit hindi siya makagalaw. Saka niya lang napansin ang brasong nakaakbay sa kanya. Mabilis na nilingon niya ang may-ari ng brasong iyon na mahimbing na natutulog. Shet memeng! Bonus na ito! Nakasandal nap ala siya at nakapaikot naman ang braso ni Arjh sa kanya para alalayan siya sa pagtulog.
“Nandito na tayo.” pahayag ng mommy ni Arjh kaya napalayo siya ng mabilis dito causing him to stir and wake up. Pasimpleng inayos niya ang sarili habang umiiwas ng tingin. Inalis naman ni Arjh ang braso nitong nakapaikot sa kanya.
“Umm. Tara na?” nahihiyang saad niya dito. Nauna na kasing bumaba ang parents ni Arjh, si Tita at Chantal.
“Tsk.” Tumayo na ito at lumabas ng sasakyan. What was that for? Napa-shrug nalang din siya at lumabas na ng sasakyan. Napatigil siya nang makita ang kabuuan ng tutuluyan nila. Sobrang ganda naman ng bahay! Sa rest house kasi nila Arjh sila tutuloy ayon kay Tita. Grabeng rest house naman ito, sobrang ganda talaga. Nakaka-fascinate ang buong lugar. Medyo uphill ang resthouse nila. Medyo lang naman, tapos maganda din ang landscape.
“Japanese style po ang architecture ng rest house niyo kung hindi ako nagkakamali.” pahayag niya.
Ngumiti ang mommy ni Arjh. “That's right, hija. Dati ko pa kasing gusto ng Japanese house.”
“Kaya naman nagpagawa ako ng isa dito sa Tagaytay.” singit naman ni Tito. Pabirong hinampas naman ito ng asawa sa dibdib. “Let's go? Sa loob na natin sila hintayin.”
May mga caretaker at katulong na sumalubong sa kanila. Kukunin sana nito ang gamit niya pero pinigilan niya ito. “Kaya ko naman po, ayos lang.”
“Pero Ma'am…”
She cut her off and smiled reassuringly, “Ayos lang po talaga. Walang problema po.” nakangiting saad niya dito.
“Ayos lang po, Manang. Hayaan niyo na siya.” nakangiting saad ng mommy ni Arjh nang makalapit sa kanila. Umalis na naman ang katulong. “Tara na sa loob? I'll show you to your room. Para makapagpahinga ka naman.”
Tinanguan niya lang ito. Hindi niya na din napansin kung nasaan ang tiyahin. Nalingat lang kasi siya ay hindi niya na nakita. Baka naman nagpapahinga na iyon. Sa ikalawang palapag sila pumunta sa pinakadulong kwarto malapit sa terrace. “Ahm, Tita? Si Tita Merdel po?”
“Nasa kabilang kwarto na siya at nagpapahinga. Mamaya nalang daw siya kakain at medyo nahihilo daw siya.” paliwanag nito at itinuro ang kwarto sa kabilang dulo. Ang layo naman ata? Bahala na.
“Tita, ano kasi. Okay lang naman po na isang kwarto lang kami ni Tita Merdel. Nakakahiya naman po masyado.”
Hinawakan siya nito sa kamay at marahang tinapik iyon. “Wag ka ng mahiya. Parang pamilya na din namin kayo lalo na't girlfriend ka ng anak ko. Magiging daughter-in-law din kita kaya hindi ka na dapat mahiya. Dapat nga tawagin mo na akong Mommy eh.”
Literal na napanganga siya sa sinabi nito. Siya? Girlfriend ni Arjh? Magkatotoo ka please! She gulped at pasimpleng inayos ang sarili. “M-mali po ang inaakala niyo. Hindi ko po boyfriend si—”
“Oh don't be silly! Kayo talagang mga bata. Nahiya pa kayo. Dumaan din ako diyan. Wag kayong mag-alala at naiintindihan ko.” nakangising saad nito. Magpapaliwanag pa ulit sana siya pero maagap na pinigilan siya nito. “Magpahinga ka na muna, hija. Bumaba ka kapag gusto mong kumain ha? May nakahandang agahan sa ibaba. Kapag may kailangan ka pang iba, katukin mo lang si Arjh.” sabay turo nito sa pinto na katapat lang ng kwarto niya. Nakangising binalingan siya ni Tita. “Maiwan na kita, hija.”
Napapailing nalang siya nang makaalis si ito. Kaya pala sa dulo siya inilagay. Napangisi siya ng malaki at pumasok ng kwarto. Pabagsak na nahiga siya habang hindi maalis ang malaking ngiti sa mga labi. Idol na talaga niya ang mommy ni Arjh! Hahaha!
Naisipang bumaba muna ni Eira dahil hindi siya makatulog sa loob ng kwarto. Baka kasi naninibago siya. Nakasuot siya ng sweat pants at blue sweater kasi medyo malamig talaga ang panahon. Walang katao-tao sa sala. Siguro nagpapahinga muna sila. Naisipan niyang tumungo sa kusina para maghanap ng kausap at nakita niya naman si Chantal na kumakain.
“Oh, Ate Ei! Halika! Sabayan mo na akong kumain.” aya nito habang kumakain ng nakakamay.
Nagutom tuloy siya bigla kaya kumuha narin siya ng pinggan. Pinggan lang kasi masarap din namang magkamay. At saka fried chicken at inihaw na isda naman ang ulam. Nakakatakam! Nagkwekwentuhan din sila ni Chantal habang kumakain. Sobrang tawa niya pa nga kasi palabiro naman pala ito.
“Siyanga pala, Ate. May ipapakita akong sigurado na magugustuhan mo. Here!” May iniabot itong papel.
Nasa may terrace na sila ng bahay. Doon na sila tumambay matapos mag-agahan. Naguguluhang tiningnan niya ang nasa papel. Mga drawing na may arrows lang naman ang nakalagay. “Ano ito?”
“It's a map.” she said grinning.
“Mapa saan?”
“Mapa sa isang napakagandang lugar. Puntahan mo.”
Napakunot ang noo niya. “Hindi mo ako sasamahan?”
Umiling iling ito. “Hindi na, ate. Palagi na din kasi ako diyan. Tsaka, hihintayin ko pa si Micco. Ang sabi niya kasi mauuna daw siyang pupunta dito.” anito na namumula pa. She pushed her outside at itinuro ang likuran ng bahay. “May maliit na batis doon. Hindi kalayuan. Sundan mo lang ang mapa na yan. I'm sure magugustuhan mo ang makikita mo. Promise! I swear it's worth it.”
Dahil sobrang curious niya talaga kung anong meron ay napa-oo na din siya ni Chantal. Isa pa alam niya naman na hindi siya nito ipapahamak.
Pababa palang siya ng hagdanan papunta sa may batis. Napalingon siya ulit sa bahay. Hindi pa naman siya masyadong malayo at natatanaw niya pa naman ang bahay kaya ipinagpatuloy niya ang pagbaba.
She was then mesmerized with the sight. Indeed, it’s a beauty. May maliit nga na batis at napakalinaw ng tubig sa maliit na ilog. What's more beautiful? Ang iba't ibang klase ng naggagandahang bulaklak. She breathed in deeply para malanghap ang malamig at preskong simoy ng hangin. Napatingin siya sa papel na hawak. Hindi pa kasi doon nagtatapos ang mapa. May isa pa kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Mga ilang metro lang naman ang nilakad ay nakita niya ang isang duyan. It's quite large. Nakakabit ito sa malaking puno na nasa gilid lang ng ilog. Bale ang nasa ilalim ng duyan ay tubig na kaya kapag bumigay ang tali ay paniguradong sa tubig ang bagsak mo.
Naglakad siya palapit dito at sinuri ang tali doon. Mukhang hindi naman iyon madaling mapuputol. Isa pa, nakaka engganyo talagang tingnan ang duyan. Hugis bilog iyon na may makapal na comforter na kulay puti, may sandalan pa at may throw pillows din na puti. Parang kama lang ang dating. Ang sarap talagang higaan eh.
“What are you doing here?”
Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. “A-Arjh naman eh! Bakit ka nanggugulat?” Hindi naman siya umiinom ng kape pero napakamagugulatin niya naman ata.
As usual, nakakunot na naman ang noo nito. “This is my secret haven. Why are you here?”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. His secret haven? Chantal! She bit her thumb nervously. “S-sorry. Si Chantal kasi. Sorry talaga, Arjh. Hayaan mo hindi ko ipagsasabi.” Lalagpasan niya na sana ito para bumalik ng bahay nang hawakan nito ang kamay niya at bigla nalang siyang hinila patumba. Napakapit siya ng mahigpit dito nang maramdaman niyang gumalaw ang duyan. “Wag kang malikot please!” natatakot na saad niya dito.
Hindi naman ito gumalaw hanggang sa naging steady na ang duyan. Nakahinga siya ng maluwag saka ito hinampas ng malakas. “Nakakainis ka naman eh! Aatakihin talaga ako sayo. Kainis ka!” Pero imbis na mainis ay nginitian lang siya nito making her stare at him dreamily. “B-Bitiwan mo na ako. Balik na ako sa bahay.”
Bumangon ito. Babangon na din sana siya pero naramdaman niyang inalis nito ang suot niyang tsinelas at inayos siya ng higa. Halos lumabas naman ang puso niya sa sunod nitong ginawa.
“A-Arjh.”
“Stay. And let me sleep like this.”
Natahimik nalang siya at hinayaan ito. Kasi naman. Nakahiga siya at si—si Arjh naman ay nakahiga din tapos nakayakap sa bewang niya at nakunan sa tiyan niya. Sabihin niyo, sinong hindi kikiligin sa ganyan? OMG talaga!
“Can you stroke my hair like back in the car?” tanong nito mayamaya. Ibig sabihin ay gising ito kanina? Talaga naman oh! “Please?” dagdag nito.
She bit her lip as she slowly reached for his hair and gently stroke it. Pinaka hindi niya talaga mahindian ay ang side na ito ni Arjh. He often doesn’t, nor he says 'please'. Kaya nararamdaman niya tuloy kung gaano siya kahalaga dito. Siya lang din ang nakakakita ng side nitong ganito maliban sa pamilya nito. He's shown her a lot which she didn't know he was capable of.
Napangiti nalang siya sa sarili at sinipat ito. Kalmado na ang paghinga nito kaya nasisiguro niyang tulog na talaga ito. Ipinagpatuloy niya lang ang paghaplos ng buhok nito at unti-unting pumikit. ”I love you... Arjh.”