Inter Chapter

1828 Words
Inter-chapter     THE FOUNDATION CELEBRATION WAS A HUGE SUCCESS. All the hardwork and efforts everyone gave was worth it. Kaya ngayon, simula na naman ng isang mahabang bakasyon! It's Christmas vacation people! Eira intends on keeping this vacation as fun and as enjoyable one than last year. “Good morning, Tita!” she greeted her aunt and kissed her cheeks as she prepares for breakfast. Napangiti naman ito at ipinagpatuloy ang paghahain. “Mukhang masaya ka ngayon ah?” puna nito. Nilingon niya ito sandali at ipinagpatuloy ang paghahain ng kanin. “Palagi naman akong masaya, Tita.” “Oh, Eira. You're like a daughter to me, and I assure you, I know you pretty well.” anito saka umupo. “Halika na.” aya nito. Naupo naman siya sa tapat nito. “So, tungkol ba yan sa manliligaw mo?” tanong nito while wiggling her eyebrows. Namula naman siya dahil sa hiya. “Tita! Hindi noh! Masaya lang po talaga ako lalo na't bakasyon ngayon. I'm actually looking forward for this vacation.” pagpapaliwanag niya sa tiyahin. Kung anu-ano nalang kasi ang naiisip ni Tita. Isa pa, hindi niya din talaga aaminin na isa iyon sa dahilan. She just shrugged pero may nakakalokong ngiti parin ito sa labi. “Okay, if you say so. Siyanga pala, saan mo gustong magbakasyon?” Binigyan niya lang ito ng simpleng ngiti. “Wala ho. Kahit dito lang po tayo okay lang.” Her aunt stared at her with a happy smile. “I knew you would say that like you always do on times like this. Well, since I knew this would happen, tinanong ko na sina kuya at ang Mama mo tungkol dito. Pumayag silang magbakasyon tayo sa Tagaytay. Iyon ay kung wala ka pang planong nakalatag.” She gratefully smiled at her. “Thank you so much, Tita! Wala naman po akong plano kaya okay lang po na magbakasyon tayo.” excited na pahayag niya. “That's settled then. Tatlong araw lang tayo sa Tagaytay. Dito kasi tayo magpapasko at bagong taon sa bahay. Ayos lang sa iyo yon, Ei?” Tumango siya bilang sagot. “Walang problema po Tita.” Iyon lang at nagpatuloy na sila sa pagkain ng agahan at pagkukwentuhan.   “Tita?” tawag niya dito habang naghuhugas ito ng pinggan at siya naman ang nagliligpit ng mesa. “Hmmmn?” “Aalis po sana ako ngayon. Mag-iikot lang po sana sa mall. Kung ayos lang sa'yo.” pagpapaalam niya. “Of course. Walang problema. Gusto mo ihatid kita?” Umiling siya kaagad. “No need, Tita. Commute nalang po ako.” Ayaw niya din naman makaistorbo at baka may gagawin pa ito. Day-off din nito ngayong araw at kailangan nitong magpahinga dahil masyado itong naging abala sa trabaho nitong nakaraang linggo. Pupunta lang naman siya ng mall para bumili ng mga regalo. Nag-iipon talaga siya mula sa allowance niya para may maipambili siya sa pasko. Although pinapadalhan naman siya ng mga magulang ng pera para sa pasko ay hindi niya din nagagamit. Sapat naman kasi ang mga ipon niya. At isa pa hindi din siya maluho. Alas diyes na nang maisipan niyang pumunta ng mall. Naglaba pa kasi siya at naglinis din ng kwarto. Una niyang pinuntahan ang Greenwich para magmeryenda. Ginutom siya sa mga ginawa niya kanina. Lasagna lang at softdrinks ang ini-order niya. While waiting for her order, she decided to surf online. Naglog-in siya sa skype, nagbabasakaling baka online ang bestfriend niya—which she was. Ginamit niya ang earphones na dala at agad na tinawagan ang kaibigan. Her smile widened when she saw her. “EJ!” she greeted. “Bestie! Bruha ka! Kamusta na? Masyado kang busy ah. Hindi kita mahagilap nitong mga nakaraang araw.” Napatawa siya dito. “Loka ka talaga. I'm fine. Yep, busy lang talaga lalo na noong nakaraan. Kaya susulitin ko talaga ang bakasyon ko ngayon.” She smiled back, “Dapat lang noh! Baka mamiss mo ang pasko diyan sa Pinas. And I can't wait to see you here!” Napawi ang ngiti niya sa sinabi nito. Napansin naman iyon ni EJ kaya napatigil din. “I… I'm sorry. Akala ko kasi.” She sighed. “Nagkita kasi kami ni Tita noong nakaraan at naikwento niya sa akin. Hindi ka ba masaya na pumunta dito, Ei?” Napabuntong hininga siya, “It's not like that EJ. Medyo mahirap lang talaga para sakin. Naiintindihan mo naman siguro ako, diba?” She nodded. “Of course. But, still, you have to decide. And if I were in your place, I'll choose to be here. Wala pa naman kasing kasiguraduhan iyang nararamdaman mo kay Arjh eh. You're still young, Ei. Marami ka pang haharapin sa mundo. There are a lot of chances and opportunities out there. At isa pa, kung kayo talaga ang para sa isa't isa, you will definitely be, someday.” Alam niyang may punto ito. Matagal niya din naman kasing pinag-isipan iyan. Bago siya matulog, sa paggising sa umaga, sa pagligo, halos sa lahat ng oras ay iyon ang naiisip niya. And she’s already made her choice. She smiled at her slightly, “I know that EJ. Thanks.” She stared at her for a while, studying her, then she smiled. “I will always be here, Ei. You can always count on me. I'll help you. Akong bahalang mag-explain kina Tita. But, you have to talk to them soon. Got it?” I nodded. “Thanks, EJ! I owe you one. I'll—” “Ate Eira?!” Tawag ng kung sino na ikinalingon niya. “I knew it was you! Hi!” bati ni Chantal na naupo sa tabi niya. Kasama nito si Micco at isang batang lalaki na sa pagkakatanda niya ay ang kapatid ni Micco. “Hi!” Napansin niyang napatingin si Chantal sa phone niya kung saan kausap niya pa si EJ. “Umm.” Inalis niya ang suot na headphone at iniharap sa kanila ang cellphone niya. “Siyanga pala, bestfriend ko si Edria Jane 'EJ' Cabrero. Nasa Canada kasi siya. EJ, I know you remember Micco Paz,” Tumango lang ito. “And his little brother. And this lady here is Chantal Rosario, Micco's girl and Arjhun's sister.” Napansin niya agad ang panlalaki ng mata nito. She knows she's shocked. Hindi niya pa kasi naikukwento dito ang tungkol kay Chantal. Kaya bago pa ito makapagtanong ay inunahan niya na ang kaibigan. “EJ, I'll talk to you next time okay? Magpahinga ka na din muna. Send my regards to your parents and siblings. Bye!” naglog-out siya kaagad. “She's from our school if I'm not mistaken? She looks quite familiar.” tanong ni Micco. “Yep. Nagmigrate na sila sa Canada nung third year tayo. Anyway, nag-iikot lang kayo?” pag-iiba niya ng usapan. “We were just around. Nagutom kasi itong si Ced at gusto ng chicken joy. Ikaw, ate? May date kayo ni Kuya?” Chantal. Napaubo siya sa tanong nito. Naman eh! She cleared her throat. “W-Wala. Nag-iikot lang talaga ako.” Buti nalang talaga at dumating na ang order niya kaya hindi na naka-push pa si Chantal patungkol sa kuya nito. “Sama ka na sa amin na mag-ikot-ikot, Ate. Magkikita din kasi kami nina Ate Raz, Ate Phoeb and Ate Cailey.” aya ni Chantal pagkatapos nilang kumain. “Naku, hindi na. Tsaka isa pa mukhang may mga date kayo eh.” biro niya sa mga ito. She waved her hand. “Hindi naman ate. Tsaka si Ced nalang iyong partner mo.” Napangisi siya. “Para hindi kayo maistorbo? Okay. Halika na Ced. Tayo nalang magdate at mukhang gustong-gusto na ng dalawang iyan na magsolo.” pagpaparinig niya sa dalawa habang nauna silang maglakad ni Ced na hawak niya sa kamay. “Ate!” sigaw ni Chantal habang si Micco ay tatawa-tawa lang. Napailing nalang siya at kinarga si Ced. Naunang bumaba si Eira mula sa sasakyan ni Micco. Hindi na kasi pumunta pa sa mall ang barkada nito. Hinawakan niya ang kamay ni Ced pababa. “Come on, kiddo.” Nakita niyang kumakaway si Razel sa may di kalayuan. At tama nga ang hinala niya. Kasama ng mga ito ang mga kasintahan nila. Nagmukha tuloy siyang extra. Hahaha! Mabuti nalang din at nandoon si Ced. “Oh, hi there Ced, Eira!” bati ni Razel nang makalapit sila sa mga ito. “Buti naman at nakasama ka, Ei.” She smiled. “Actually, nakita lang nila ako sa mall. Hindi makapagsolo ang dalawa kasi, alam mo na. Kaya isinama na ako para may kasama itong isa at magsolo ang dalawa.” “Ate naman eh!” nakapout na sabi ni Chantal nang marinig ang sinabi niya. Nagtawanan naman ang iba. “Tara na guys. Nakapagreserve na ako ng table.” Tumango lang siya. Nandito sila sa may High Ridge. It's a place where there is an overlooking view of the city. May park dito at ilang kainan na café, restaurants, stalls, etc. Masaya na din siya at naisama siya nila Chantal doon. At least hindi siya solo flight ng oras na iyon. Saka nalang siya bibili ng mga regalo. May oras pa naman siya sa susunod na mga araw. Hindi muna sila nag-order ng pagkain pagkaupo kasi kakakain lang nila sa mall. Yung iba light lang ang ini-order. Panay lang ang kwentuhan nila nang maramdaman niyang may humila sa mangas ng t-shirt niya. Nakangiting nilingon niya si Ced. “Bakit Ced?” Yumuko ito, “Ano.. Umm. B-Ben... Bento.” Nagtatakang tiningnan niya ito. Bento? Sa pagkakaalam niya Japanese word iyon na ang ibig sabihin ay lunchbox ata? Lunch boxes na may masarap na pagkain. “Bento?” Tumango ito bilang sagot. “Ced? Walang bento dito. And please speak Tagalog or English.” saad ni Micco na narinig ang sinabi ng kapatid nito. Sumimangot si Ced at parang maiiyak na. “K-Kawamanai! Bento, nii-chan!” naluluhang saad nito. Agad namang lumapit si Chantal kay Ced at pinunasan ang luha nito. She just found herself staring at the two. “Now, now, Ced. Don't cry. You're supposed to be strong right? Ang lalaki hindi dapat umiiyak iyan sa napakaliit na bagay lang. Wala kasi silang bento dito eh.” Iniabot ni Chantal ang menu. “Here. Pili ka nalang ng kahit anong gusto mo at bibilhin natin. Kahit ano, basta tumahan ka na okay?” Tumango-tango naman ito bilang sagot. Pumunta ito kay Micco at saka nagpakandong. “So, anong order mo?” tanong ni Micco kay Ced habang nakatingin sa menu. Napangiti siya habang nakatingin sa mga ito. Bigla niya tuloy namiss ang kapatid. She’s supposed to be with him, with them. Pero nandito siya ngayon at hindi sila kasama. Hindi niya tuloy maranasan ang alagaan man lang ang kapatid. Napatingin si Chantal sa kanya at ngumiti. Habang nakamasid sa mga ito, sa tingin niya ay tama ang desisyong nabuo niya nitong mga nakaraang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD