Chapter Ten Questions-Kissed * Open-house
IKALAWANG ARAW NA NGAYON NG FOUNDATION ANNIVERSARY NG SCHOOL NILA EIRA. Ngayon din ang araw ng open house ng school para sa mga incoming highschool students. May in-invite na elementary grade six pupils mula sa iba’t ibang paaralan para sa open house nila. Pwede din namang pumasok at dumalo sa open-house kahit na nag-iisa o magkagrupo. Wala namang problema dahil may mga nakaassign din na mag-totour ng mga students maya’t maya kung saan pwede silang sumama.
Nakita niya ang mga kabataan na bumaba sa isang di kalakihang school bus. She immediately smiled and welcomed them. “Hello, good morning! I am your Ate Eira, and I will be your tour guide for this morning. I hope you’ll enjoy. Okay?” nakangiting saad niya sa mga ito.
“Opo!” sabay na sagot ng mga ito.
Napangiti nalang siya at binigyan sila ng tig-iisang yellow band para mas madaling ma-identify na guest sila ng school. Nagsimula na silang magtour kasama ang guro ng mga. Ang una nilang locations ay siyempre sa main building ng school. Ipinakita nila ang classrooms, special laboratories, H.E room, ang mga offers ng school, at iba pang facilities. Sunod naman nilang pinuntahan ay ang theater, ang gymnasium, at dumaan sila sa garden bago sila pumunta sa ground at field kung nasaaan ang mga stalls at nagpapatagisang mga booths ng mga club at class nila.
She raised her hand at them. “Now, wag kayong lalayo sa grupo, okay? Pupuntahan natin lahat ng stalls pero wag kayong aalis sa grupo. Nakuha niyo?” Tumango ang mga ito kaya napangiti siya.
Hinayaan niyang mag-enjoy ang mga bata sa mga pinuntahan nilang booths. Halata naman ang kasiyahan sa mukha ng mga ito. May ibang booths naman na namimigay ng kung anu-ano sa kanila. At kapag naengganyo ang iba ay bumibili din. She took a glance on her watch at napansin niyang oras na pala. May limit kasi ang pagtotour nila sa mga bata per batch. Ang maximum time lang ay isang oras at tatlumpong minuto bawat batch. Kung maaga matapos ay ayos lang din. Nagdidipende din kasi iyon sa mood ng mga batang kasama nila.
“Mga bata!” tawag niya sa mga ito. “Pasensiya na pero kailangan na nating pumunta sa cafeteria.” May libreng snacks kasi doon para sa mga ito.
Napaprotesta naman ang iba na gusto pang manatili doonl. “Ate, gusto pa namin mag-ikot-ikot eh.” nakapout na saad ng isang batang babae.
Nilapitan niya ito sabay gulo ng buhok. “Sorry, kids. Pero kailangan na kasi nating bumalik.” She gave her a smile. “Kung gusto niyong bumalik ay ayos lang naman. Pero, hihingi kayo ng permiso sa teacher niyo. Siya na kasi ang sasama sa inyo kung sakaling babalik kayo dito.”
“Kayo po?”
“Sorry. Pero may ibang batch pa kasi akong ito-tour. Sa ngayon, punta na tayong cafeteria. May libreng snacks na nakahintay sa inyo doon. Alam ko namang gutom na kayo diba?”
“Opo!” hyper na sagot nilang lahat.
She chuckled. Basta bata talaga tapos may pagkain. Heheh. “Okay! Tara na!”
“Maraming salamat po, Ma’am sa pagpapaunlak niyo sa imbitasiyon namin.” yumuko siya at nagpasalamat sa guro na kasama ng mga bata.
She compassed her hand. “Walang anuman iyon, hija. Kami nga ang dapat magpasalamat. Nag-enjoy kaming lahat.”
“Walang anuman po iyon.” nakangiti niya din na sagot dito.
“Oh, siya, sige. Salamat ulit. Mauuna na kami ha?”
Ngumiti siya at tumango dito. Inihatid niya kasi ang mga ito doon sa sinakyang school bus. “Mag-iingat po kayo—”
“Ma’am! Ma’am!” humahangos na bumaba ang dalawang batang babae mula sa bus. “W-Wala pa po sina Peter at Paul.” sumbong ng mga ito.
“Ano? Naku! Asan na naman kaya nagsususuot ang kambal na iyon?” nag-aalalang wika ng guro.
Oo nga! Kambal pala ang dalawa. Ang akala niya kasi namamalikmata lang siya kanina. Nung una kasi hindi magkatabi ang dalawa kaya kapag lumingon siya sa kabilang side nakikita niya ang isa tapos pag-ibabalik niya ang tingin ay wala na ito. Inakala niya nalang talaga na namamalikmata lang siya.
“Kami na po ang bahalang maghanap sa kanila.” Saad niya dito. “Wag po kayong mag-alala. Sinisigurado ko pong nasa loob lang ang mga iyon ng campus. Hintayin niyo nalang po ako dito.” Yumuko siya bago nagmamadaling umalis. She’s pretty sure those kids are in the ground.
Agad na nilapitan niya ang student security committee para magpatulong sa kanila sa paghahanap. Maagap naman ang mga ito at mabilis na tumulong.
“Tandaan niyo nakasuot sila ng white polo top na pinatungan ng dark blue vest at dark blue din ang pants nila. May yellow band sila sa kamay.” paalala niya sa mga kasamahan. “Itext niyo ako kapag nahanap niyo na sila or ipaalam niyo sa radio committee para ma-announce.” Ini-announce na din nila kanina ang pangalan ng dalawang bata. Pero maaring hindi narinig ng mga ito o baka nag-eenjoy sa paglalaro.
“Yes, VP!” at nagsialisan na sila para hanapin ang mga ito.
Palingon lingon siya sa paligid pero hindi niya pa din mahanap ang dalawa. Nilingon niya si Patrick sa may gamebooth area pero umiling lang ito. Ibig sabihin wala doon ang dalawa.
Napapikit siya’t napaisip. Ano kaya ang maaaring puntahan ng dalawa? Hmm. Kanina habang nagtotour ay pansin niyang wala ang atensiyon nito sa mga sinasabi niya. There could be some place. Aha! “Alam ko na!” Nagmamadaling tinawag niya si Pat para sumama. “I think I know where they are.” saad niya dito habang patakbo nilang tinungo ang area.
ISANG MALAKAS na tawa ang nagpatigil sa kanila sa pagtakbo palapit sa ferris wheel. Doon kasi ang hula niya dahil pansin niyang panay ang tingin ng dalawa doon kanina.
“Hahaha. s**t, tol! Nakakaaliw kayo. Pramis! Hahahah!” malakas na tawa ni Zeke.
She sighed and moved towards them. May pinalilibutan kasi ang magbabarkada at hindi niya makita kasi ang tatangkad nila. She decided to fake a cough para makuha ang atensiyon nila, which she did. “Anong meron?” tanong niya.
Napakamot naman sa ulo si Zeke, “A-Ahh, VP. Hehe. May dalawa kasing bata na binabara si Arjh. Nakakatuwa kasi namumula na sa pikon si Arjh.” pabulong na sagot nito.
Her eyes travelled and landed on Arjh. Nagulat pa siya nang magtagpo ang tingin nila. Mukhang maski ito ay ganon din. She coughed again at inialis ang tingin dito papunta sa tinutukoy ni Zeke. She knew it. They’re here.
Inosenti lang na nakatingin sa kanya ang dalawang bata na akala mo eh hindi tumakas. Tiningnan nila si Arjh saka ngumisi. Naughty twins, she guessed.
“Girlfriend?” tanong nito habang nakatingin kay Arjh. Nagulat pa siya sa tanong ng mga ito. Are they for real? Ang isa sa kambal ay nagcross arms. “I think not. Friend then?”
Sinamaan lang ito ng tingin ni Arjh. Nag-smirk naman ang isa. Seriously? “Not either. Hmmm. Special then...” mataman itong nakatingin kay Arjh. At ewan niya kung anong nabasa ng dalawa at bigla nalang ngumisi.
Lumapit sa kanya iyong naka-smirk na kambal na hanggang balikat niya ang taas. Ngumiti ito ng nakakaloko at tiningnan si Arjh. “You two fought right? LQ?”
“Whoa!” saad ni Zeke kaya sinamaan niya ng tingin. Binalingan niya ang dalawa at kinausap. “Kanina pa kayo hinahanap ng guro niyo. Tara. Ihahatid ko na kayo sa bus.”
Sabay pa na sumimangot ang dalawa. “Too bad, we we’re having fun teasing the cold guy.”
Ang lakas talaga ng loob ng dalawang ito para pikunin si Arjh. “Tama na yan.” Pigil niya sa mga ito.
“Hmph! Well, one last more. Concluding old hag is special—”
Umusok ang tenga niya sa sinabi nito. “Sinong old hag ha?” naiinis na tanong niya dito. Papatulan niya na ang dalawang ito! Pigilan niyo ko.
“Tss! So, do you like her?” pagpapatuloy nito. Hinawakan niya ito sa braso pero iwinaksi lang nito iyon. “Or do you love her?”
“T-Tama na sabi iyan eh.” Kahit na galit siya ay may parte sakanya na hinihintay ang sagot ni Arjh. Pero nanatili lang itong tahimik.
“Psh! This is getting boring. Let’s go back, Paul.” saad nung isang kambal na may maiksing buhok kesa sa isa. Ngumisi ang lalaking may pangalan na Paul at may ibinulong sa kamabal nito. Napangisi si Peter habang nakatingin sa kanya.
He had a smirk on his lips. “Alright! Ate Eira!” tawag nito sa kanya. “Salamat sa paghahanap sa amin.”
“A-Ahh. Walang anuman?” nagtatakang saad niya sa pagbabago ng kambal. She felt that the two are planning something she wouldn’t like.
Peter smiled. “Here. A gift of gratitude.” Anito at hinalikan siya nito sa pisngi. “Si Paul din magpapasalamat.”
Lumapit ito sa kanya. Pero bago iyon ay tinitigan nito si Arjh. “Watch and learn.” At nagulat nalang siya sa sunod na ginawa nito. “Hahaha! Bye, Eira!” anitong tumatakbo palayo sa kanila.
Shet! Walang hiyang kambal iyon! Oh my God! No! H-Hi… Hinalikan siya nito sa labi! Her innocent lips! Hindi lang simpleng halik iyon na smack. He bit her lower lip for Pete’s sake! OH MY GOD! Hindi maaari!
Ramdam niya din ang pagkakatulala ng mga kasama nila na nakasaksi sa ginawa ng dalawang iyon. It’s so embarrassing!
“A-Ahh? W-Wag kang mag-aalala, V-VP. B-Bata lang naman iyon eh. W-Walang m-malisya don. He-he-he.” saad ni Corby na siyang unang nakabawi.
Hindi niya ito sinagot at parang robot na umalis doon. Malalagot sa kanya ang dalawang iyon!
CORBY’S P.O.V
NAKATANAW LANG sina Corby sa papalayong pigura ni VP. Nagulat talaga sila sa ginawa ng kambal na iyon. As in nganga silang lahat. Ayon tuloy si VP tulala sa nangyari. “Gumaan kaya ang pakiramdam niya sa sinabi ko?”
Tinapik ni Zeke ang balikat niya. “Hopefully.”
“A-Ahh. Sige alis na ako.” saad ni Patrick na ngayon lang ata nahimasmasan. Tinanguan nila ang mga ito bago umalis ang mga ito.
Pinipikon kasi nung dalawa si Arjh. Ewan niya ba at si Arjh pa talaga ang napagtripan ng mga iyon. Siguro dahil sinabi ni Arjh na hindi pa maaaring sakyan ang Ferris wheel. Sa gabi lang kasi ito binubuksan. Speaking of Arjh.
Sabay silang apat na napaatras nang makita ang itsura nito. Parang may lumalabas na apoy na aura sa katawan ni Arjh. And he has that creepy-evil look on his face. “T-T-tol—waaaaahh!” Napasigaw sila nang tumayo ito. His hands are in a fist at nanlilisik ang mata with his creepiest smile on. Naglakad ito palayo with a matra, “I’ll squeeze them both. I’ll squeeze them when I f*****g see them!”
Iyon lang ang narinig nila habang papalayo ito. Sabay sabay pa silang nagpakawala ng malalim na hinga nang makaalis ito.
“Nakakatakot talaga si Arjh.” komento ni Micco.
Tumango si Zeke pero ngumiti din. “But atleast he is finally pushed to his limit.” Zeke smiled knowingly.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Hopefully tama si Zeke.
HINIHINGAL NA NAPAHINTO si Eira sa pag-akyat ng hagdan. Kakagaling niya lang sa ground. Unfortunately, may nakalimutan siya sa library na nasa ikatlong palapag ng main building kaya binalikan niya. She was still catching her breath with hands on her knees when someone spoke from behind.
“Alam mo,”
“Ahy, alam ko!” bulalas niya dahil sa gulat. Mabilis na napalingon siya sa likuran. “My God! Zeke! Pwede naman na hindi manggulat di ba?” saad niya dito habang hawak ang dibdib.
He just smiled at nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi mo na siya dapat na tinatakbuhan eh.”
Nag-iwas siya ng tingin dito at pasimpleng inayos ang sarili. “Tinatakbuhan? Wala naman akong tinatakbuhan ah.”
Nakita niya itong umiling-iling. “I’ve been there, done that. Alam na alam ko ang mga ikinikilos mo, VP. Pinilit ko din ang sarili ko na hindi ko na gusto si Raz. I’ve been running away from it. But look what it has got me. Inamin ko lang din sa sarili ko na mahal ko pa siya. Ang kaso lang, nagkasakitan pa kami.”
Huminga pa siya ng malalim bago ito kinausap. “Wala akong tinatakbuhan, Zeke.”
Nag-shrugg lang ito. “Hindi ako bulag, Eira. Magkakasakitan lang kayo sa ginagawa niyong iyan.” He looked at his watch. “I have to get going now. Pupuntahan ko pa si Razel. Mauuna na ako sa iyo.” Iyon lang at umalis na ito.
She let out a deep sigh bago tinungo ang pinto ng library. Is she that obvious? Oo, Tama naman kasi ang sinabi nito. May tinatakbuhan nga siya. Tinatakbuhan at iniiwasan niya naman talaga si Arjh. Kapag nakikita niya itong papunta sa direksiyon niya ay mabilis siyang liliko. Kapag hindi niya ito napansin at bigla nalang nasa tabi niya, mabilis siyang nag-iisip ng sasabihin para makalayo dito. She still talks to him pero casual lang, for SC purposes lang talaga. She makes sure na kapag magkausap sila ay mayroon itong kasama o may kasama siya. Kapag kasi silang dalawa lang ay baka may mabuksan na namang kung anong topic. She knows he’s figured out that she’d been avoiding him. He’s not a genius for nothing. Unfortunately, bobo lang pagdating sa nararamdaman. Tsk!
Umayos na siya ng tayo at naglakad papuntang library.
“OH, NANDIYAN NA BA ANG BANDA?” tanong niya kay Lloyd, isa sa mga kasamahan nila sa committee ng concert.
“Nasa dressing room na po, VP.” sagot nito.
She nodded at him and walked towards the door. Nasa backstage kasi sila ngayon at naghahanda para sa mini-concert dito sa track and field kung saan naka set-up ang stage para sa concert. Halos forty-five minutes nalang at magsisimula na ang concert.
May mga napili din na magpe-perform na mga estudyante para ngayong gabi. Kasama na doon ang grupo nila Corby, ang choir club ng school at ilang esudyante na nagprisintang magperform ng sayaw at mash-ups katulad sa movie na pitch perfect. May inimbitahan din silang bago at sikat na loveteam ngayon, ang JaDine. Ang lakas din kasi ng hatak nila sa crowd. Mapabata man iyan, o matanda. Maski siya nga eh fan din nila.
Nakasilip siya sa pinto at nagsisimula ng magdatingan ang mga tao at estudyante para manood. Isinara niya ito ulit at hinanap si Yolly, ang assigned head at director para sa concert ngayong gabi.
“Yol!” tawag niya dito nang makita itong paliko sa hallway. “Ayos na ba ang lahat?”
Ngumiti ito at tumango. “Ayos na ang lahat, VP. Nakaready na din ang fireworks para mamaya.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “That’s good to hear.” She hopes na hindi magkaproblema mamaya. Tonight’s concert is one of the highlights of the week celebration. Kaya sana naman maayos talaga ang lahat.
Napahawak siya sa tiyan nang maramdamang kumulo ito. Mukhang nakalimutan niyang magmeryenda kanina at konti lang din ang nakain niya nung tanghalian. Ginugutom na tuloy siya. Plus, ngayon niya lang naalalang hindi pa pala siya kumain ng hapunan. She looked at her watch and found out it’s already seven fifteen in the evening. Kaya pala nagwawala na ang mga alaga niya sa tiyan. Kailangan niya na talagang kumain. Nilingon niya si Yolly, “Alis muna ako ha? Naalala kong hindi pa pala ako naghahapunan.”
Bigla naman itong nag-alala. “Masyado mo kasing sinusubsob ang sarili mo sa preparasyon. Sige na, Ei. Kumain ka na muna. Ako na ang bahala dito.”
She smiled at her. “Hayaan mo. Babalik din ako agad. Hahanap lang ako ng makakain.”
She tapped her shoulder. “Take your time, VP. Maayos na naman ang lahat. Kami na ang bahala dito. Hindi ka pa nag-eenjoy simula first day ng selebrasyon. Magtatapos na bukas. I-enjoy mo na ngayon.”
Nginitian niya ito. “Kung hindi lang talaga maganda ang intensiyon mo, iisipin ko talagang pinapaalis mo ako dito.” Natatawa niyang saad dito. Napakamot lang ito sa ulo. “O sige. Ikaw na ang bahala dito.” Iyon lang at tumalikod na siya. Pero napalingon ulit nang tawagin siya nito.
“Sa booth ng 2nd year. Doon sa kapatid ni Arjh. May tinda silang mga pagkain na pwedeng hapunan mo. Sa tingin ko naman hindi sila magsasara hanggang sa matapos ang concert.” suhestiyon nito.
“I’ll keep that in mind. Ciao!” iyon lang at umalis na siya.
Sa grounds nga siya napunta. Sarado na kasi ang canteen ng ganitong oras. Nagpaikot-ikot lang siya at tumitingin sa mga booth at stalls. Ang lonely nga eh at mag-isa lang siyang umiikot. Kung sana nandito lang si EJ. Malamang sa malamang eh bibili iyon ng pagkain sa bawat stall na meron. PG din kasi ang isang iyon, Patay Gutom. Hahaha! Napatigil siya sa isang booth nang makita ang itinitinda nila. “Miss, isang order nga ng kimchi.”
“Drinks mo po, VP?”
“Ahhm yung coke in can niyo nalang.”
Tumango ito. “Dine in po kayo?” Tinanguan niya lang ito. “Okay. Eighty pesos po lahat. Fifty-five for the kimchi and twenty-five for the drinks.” Inabot niya ang isang daan dito. “Salamat po. Here’s your table number. This won’t take long po.”
Tinungo niya ang mesa at naupo. Nakatingin lang siya sa mga tao at estudyante na dumadaan sa harap ng booth. Wala lang. Trip niya lang. Hahaha.
“Here’s your order, Ma’am. Please enjoy your food.”
Nagpasalamat siya dito bago nagsimulang kumain. Whooo! Ang anghang! Napapangiti nalang siya habang kumakain. Yung mga nakikita niya kasing kumakain sa kabilang mesa ay pawang may mga kasama. Samantalang siya, heto at mag-isang kumakain. Napailing nalang siya at binilisan ang kain.
Umalis din siya agad matapos kumain at nagpatuloy sa pag-iikot. Napunta nga siya sa booth nila Chantal. She smiled. Ang cute naman kasi ng booth nila. Mas lalo siyang napangiti nang makita si Chantal na nakapangalumbaba at suot ang maid uniform nito. Ang cute talaga ng batang iyon! She gigled and moved to her side. “Mawawalan kayo ng customer kapag ganyan ka.” saad niya nang hindi nito napansin ang paglapit niya.
She immediately stood and hugged her tight. “Ate Eira!”
“Haha—Oops. Teka lang, hindi ako makahinga.”
“Ahy sorry! Hehehe. Ikaw kasi ate eh. Ngayon ka lang pumunta sa booth namin. Sabi ko naman sa’yo dumaan ka dito.”
Nagpeace sign siya. “Naging busy eh.”
She just shrugged and smiled. “Tara na sa loob. Kanina pa kita hinihintay.” saad nito at hinila na siya.
“Teka... Hinihintay?” nagtatakang tanong niya dito.
“H-Ha? S-sinabi ko ba yon? A… aah! Oo nga sinabi ko iyon. He-he-he. D-diba nga sinabi kong dumaan ka. I was hoping na pupunta ka nga ngayon. Kaya k-kanina pa nga kita hinihintay.”
Kahit na naguguluhan sa pinagsasabi ni Chantal ay hindi niya nalang pinansin. Pinaupo siya nito sa mesang may maraming pagkain. Nagtatakang nilingon niya ito, “Hindi pa naman ako umuorder. Tsaka ang dami naman neto.”
Naka-all smile lang ito. “Para sa’yo yan. Pinahanda ko na.”
“Alam mong dadating ako?” Naguguluhan na talaga siya dito. Paano nalang kung hindi siya dumaan doon? Masasayang yung mga pagkain.
“Nagbabakasakali lang ako, Ate. Kainin mo yan lahat ha? Sabi ng Mom ko bawal magtira ng pagkain. Nasasayang daw ang blessing.”
Napangiwi siya nang tingnan ang napakaraming pagkain. Hindi niya ito mauubos. Hinila niya si Chantal paupo. “Tulungan mo na ako. Masyadong marami eh.”
Umiling ito, “Hindi pwede. Para sa’yo lahat ng iyan, Ate. Parahindikanamakatakbongmabilis...”
“Ano iyon?” Hindi niya kasi narinig ang huli nitong sinabi dahil mabilis at pabulong lang.
Umiling ito at ngumiti. “Wala, wala. Sabi ko hindi pwede. Pero kapag mapilit ka edi GO! Bawal tanggihan ang grasya.” saad nito na ikinatawa niya.
“Magkakasundo talaga tayo, Chantal.” saad niya at sumubo ng pagkain. “Masarap ah!” puri niya dito.
She grinned. “Naman! Si Kuya kaya ang—si Kuya Brent kaya ang may gawa niyan. Chef namin iyon sa klase.”
Tumango-tango siya. Akala niya kung sinong Kuya ang itinutukoy nito.
Napahawak siya sa tiyang busog na busog. Marami kasi ang kinain nila. Busog na busog talaga siya. Ang hirap tuloy gumalaw! “Grabe. Naubos natin iyon?” natatawa niyang tanong kay Chantal na mukhang masusuka na sa busog.
“I swear, pwede na akong hindi kumain ng dalawang araw.” saad nito na ikinatawa niya.
Sabay silang napalingon sa field nang nagsimula nang tumugtog ang music. Mukhang magsisimula na ang concert. “Manunuod ka? Sama ka na sakin. Babalik na din ako eh.”
Tumango ito at ngumiti. “Magbibihis lang ako.” anito at dahan-dahan pang tumayo kasi busog nga. Natawa talaga siya sa ayos nito kaya pinandilatan siya nito ng mata. “Ikaw din mamaya ganito kung kumilos.”
Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa makaalis ito. Grabe! Ang sakit ng tiyan niya. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan ding tumayo. Grabe! Hindi talaga siya kakain ng ilang meals. Sumandal lang siya sa may concrete na barrier para madigest ng maayos ang kinain niya while waiting for Chantal.
Halos thirty minutes’ din siyang nakatayo doon bago ito lumabas. Nagsimula na ang concert at sa tingin niya nagpeperform na ang mga estudyante doon.
“Sorry at natagalan. Nahirapan lang talaga akong gumalaw.” hinging paumanhin nito.
“Ayos lang. Ako nga din eh. Tara na?” Nagsimula na silang lumakad. “Siyanga pala. Napansin ko lang, ba’t hindi mo kasama si Micco?” Nakapagtataka kasi na hindi magkasama ang dalawa. Si Micco pa? Eh halos ayaw nitong mawala sa paningin si Chantal.
“Ahh... Magkasama kami kanina. May… May pinuntahan lang na importante. Tungkol ata sa banda nila.” paliwanag nito.
Tumango-tango nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. May mga tao parin doon sa grounds. May iilang tao parin na nandoon sa grounds para sa mga booths, usually outsiders. Medyo malayo ng konti ang field sa grounds at makikita mo din ang dami ng taong naroon at nanonuod. Halos puno na nga ang field eh. Napalingon siya sa kanan nang mapansin ang mahabang pila. “Ang haba naman ng pila sa Ferris wheel.” saad niya habang nakatingin sa direksyon doon.
“H-Ha? Oo nga.”
Nilingon niya si Chantal at nakitang palingon lingon ito na parang may hinahanap. Kumunot ang noo niya. “May hinahanap ka?”
Napatingin ito sa kanya, “H-Ha? Wala, wala.” Umiiling na sagot nito.
“Chantal, you’re acting weird. Are you not well? Gusto mo bang tawagin ko si Micco?” nag-aalalang tanong niya dito.
She looked at her, alarmed. “H-Hindi. Ayos lang ako, Ate Ei.” she waved her hands as if saying not to mind her.
Tinanguan niya nalang ito and started walking again. Ngunit napatigil din siya nang mapansing hindi ito sumunod sa kanya. She’s really acting weird. Nakatingin ito sa direksiyon niya but she knows quite well she’s looking pass by her at whatever or whoever it was. On curiousity she turned around to see what she’s been staring at. Only to freeze on her place.
Arjhun. Yes, he is making his way towards her. Naramdaman niya ang presensiya ni Chantal sa gilid niya.
“I think it’s time you both talk, Ate.” she said just enough for her to hear.
Napapikit nalang siya nang maintindihan ang nangyayari. Kaya pala halos ipagtulakan siya ni Yolly doon sa grounds kanina. And then Chantal was indeed waiting for her para busugin siya at mahirapang tumakbo. Bakit ngayon niya lang naisip iyon? “You planned this.” She murmured.
She just gigled. “It wasn’t really our plan, Ate. Props lang kami dito. It’s entirely his idea.” She tapped her shoulder. “I have to go. Usap kayo ah.” she chuckled before she left.
Eira breathed in deeply. Kailangan niyang makaalis doon. She looked around. Mahihirapan siyang tumakbo at maaabutan lang siya ni Arjh, so running was not an option. She continued to look around habang papalapit palang ito sa kanya. Ferris wheel! Dali-dali siyang tumakbo papunta sa harap ng pila. Mabuti nalang at hindi siya masyadong nahirapang tumakbo dahil nakatulong iyong pagtayo niya ng tatlumpung minuto sa paghihintay kay Chantal. “Oh no you don’t.” She thought she heard him say when she dashed towards the line. Nakita niya si Riley na nagfafacilitate sa pagsakay. Nanlaki ang mata nito nang dumiretso siya pasakay ng ferris wheel na sumara agad nang makapasok siya.
She let out a breath she didn’t know she was holding as the wheel started to move up. Thank God! Or so she thought.
Nakita niya ang pagpupumilit ni Arjh kay Riley then suddenly the wheel just stopped. Muntik pa siyang mauntog. Mabuti nalang at ang pwet niya lang ang nasaktan. “Aray ko.” daing niya habang hinimas himas ang nasaktan na puwet. She slowly stood up and her eyes widened with what she saw. “Holy s**t!” Arjhun was climbing up the wheel! What the hell is he thinking? Halos lahat ay nasa kay Arjh nakatingin. Is this how persistent he is? Kahit naiinis siya ay kinakabahan parin siya sa ginagawa nitong stunt. Napasigaw pa siya nang dumulas ang isang kamay nito. Damn him! Nang matapat ito sa pintuan ay sumigaw ito sa baba and the door automatically opened letting him in.
Agad siyang napalapit dito and started hitting him on his chest. “Buwesit ka Arjh! Letche ka! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?” singhal niya dito. “Why did you pull that stunt you… stupid! Paano kung nahulog ka ha? Siraulo ka talaga!” patuloy lang siya sa paghampas while he didn’t bother stopping her. Napatigil siya sa gingawa at huminga ng malalim. Hiningal siya sa ginawa niya. Nakakainis naman kasi ito. He had her worried for God’s sake!
“Are you done?” he asked after giving her a moment to calm down; keeping his face straight and blank like the usual.
She heaved a sigh at nanghihinang napaupo. What she’d been avoiding to happen was already happening. They were alone, just them. Nasapo niya ang noo. “What do you want Arjh?” She asked defeatedly.
“Why have you been avoiding me? Do you think I’m stupid not to notice?”
“Isn’t that what you’ve wanted? Me to avoid you? Because as far as I can remember, it was you who started it in the first place!” she said meeting his gaze.
“I wasn’t avoiding you.”
She snorted. “Yeah, right.” she said full of sarcasm. “Tell me, Arjh. Seryoso ka ba talaga sa panliligaw mo sakin? Because if you are not, please, just stop.” Nagulat nalang siya nang bigla nitong hampasin ang upuan.
His eyes were full of emotions she couldn’t decipher. “I wasn’t avoiding you, Eira. You were—stop and let me do the talking. I’ve had enough of what you’re saying.” He said stopping her from cutting him off. “Listen carefully for I will only say this once.”
She gulped when he moved forward and sat to her level. “I wasn’t avoiding you. I was thinking. You had it misunderstood. And do you think I will chase you and do that stunt if I wasn’t serious? Do you think a guy like me would continue wasting his time chasing a girl if she wasn’t so special? Is that how you really think of me? Am I that low to you? Am I not that worthy?” he said almost in a whisper.
She bit her lip as she felt her heart constrict. What did she do? Mali ba ang ginawa niya? Seeing him right now as if he is in pain was twisting her heart. Why did she doubt him? “A-Arjh…” she tried calling his name, trying to reach out to him.
He stiffened and suddenly his arms were on her sides of the head, trapping her in between his body and the wall of steel.
“A-Arjh.” she muttered nervously.
He raised his head and stared at her with such intense eyes boring right through her. “I’ve always been in control of my life. But when it comes to you, I always lose it... Eira, what are you doing to me?” He moved closer, his face inches away from hers. “Being with you, makes me crazy...” he said as he rested his head on her shoulder.
She can feel his breath on her arm. And she was hoping won’t hear her heart wildly beating. What he said overwhelmed her. She didn’t know he was thinking of her that way. She can’t even think of anything straight right now.
“Please... Stop running away from me.” he whisphered.
She felt his sadness from his voice. Dahan-dahang itinaas niya ang kamay at yumakap dito. “I’m sorry. I’m so sorry, Arjh.” hinging paumanhin niya sa mga nangyari. “I promise not to run away again. I promise.”