Chapter Nine Changes
NARAMDAMAN NI EIRA ANG PAGTAPIK SA BALIKAT NIYA NANG KUNG SINO. Nakapangalumbaba kasi siya sa desk sa classroom dahil medyo inaantok pa siya. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Ngayon pa naman ang simula ng foundation ng school at sobrang aga pa eh parang low bat na siya sa energy.
“VP.” saad ng kung sino sabay tapik ulit.
Umungol siya bago nag-angat ng tingin. Ah, si Yesh pala, isa sa kaklase niya. She smiled slightly, “Oh, Yesh. May kailangan ka?”
Umiling ito. “Ayos ka lang ba? Mukha kasing pagod na pagod ka.”
She nodded slowly. “Inaantok lang ako.”
“Ganoon ba? Ayos ka lang ba mag-isa dito?” tanong nito.
Napatingin tuloy siya sa loob ng classroom. Nakaalis na pala ang mga kaklase nila para mag-ikot-ikot at para mag-duty sa naka-assign sa booth. “Okay lang ako dito, Yesh. Salamat sa pag-aalala. Sige. Mama—” Napatayo siya kaagad nang mapansin ang kakapasok lang. Mabilis na nginitian ko si Yesh. “Tara na, Yesh! Parang gusto kong mag-ikot sa stalls at kumain.” Hindi na ito nakatanggi pa nang hilahin niya palabas ng room. Ramdam niya naman ang mga matang nakamasid nung nilagpasan nila ang mga ito. Hindi niya lang ito pinansin at nagtuloytuloy sa paglalakad. Kasalanan nito kaya magtiis ito. Pero parang pinipiga din ang puso niya sa ginagawa. Still, she can’t help but think of it that way.
“Pasensiya na sa ginawa kong paghila sa iyo ha, Yesh? Kailangan lang kasi.” hinging paumanhin niya sa kaklase nang makarating sila sa ground kung saan may maraming tinda at stalls na nakahanay. She signalled her hand as a response as if saying na walang-anuman-iyon. Nag-aalalang inabutan niya naman ito ng maiinom. “Ayos ka na?”
“Ahh! Salamat. Yeah, ayos lang ako. Wala iyon, Ei.” nakangiti nitong sagot kaya nakahinga siya ng maluwag. “Pero kung ayos lang sa iyo, ano ba ang problema niyo ni Pres? Noong nakaraang linggo pa kayo hindi nagpapansinan ah? Hindi sa nangingialam ako, pero kasi napapansin naman namin na pareho kayong wala sa sarili at natutulala nalang. Maybe it’s time you both settle it out.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Ganoon na ba talaga kahalatang may hindi silang pinagkakaintindihan? At ano daw? Pati si Arjh? Napangiti siya ng mapait dito. Kailangan niya sigurong may mapagsabihan. Para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. “Sige. Sasabihin ko sa’yo kung bakit.” Umupo sila sa may malapit na bench at nagsimula na siyang magkwento dito.
*****
Matamlay na pumasok si Eira ngayon sa school. Hindi niya kasi maiwasang isipin ang sinabi ng mga magulang tungkol sa pag-alis niya. Ginugulo parin non ang isipan niya.
Kakapasok niya lang sa office nang makita niya si Arjh at Cailey na nag-uusap. “Good morning!” pilit niyang pinasigla ang boses para hindi mahalata ng mga ito.
Lumingon ang mga ito at bumati, “Good morning, VP!” bati ni Cailey. Si Arjh naman ay tinanguan lang siya at ibinalik ulit ang atensiyon sa pagbibigay instructions kay Cailey. Bakit parang may naiba sa kanya? Ahy, hindi! Masyado lang siyang nag-iisip. Baka ayaw lang ipakita ni Arjh ang sweet side niya sa iba kaya ganon. Tama, yun lang yon. Nginitian niya nalang si Cailey na binigyan siya ng tingin na nanghihingi ng paumanhin.
Inaayos ni Eira ang mga gamit sa mesa nang tawagin siya ni Arjh kaya lumipat siya sa upuan kaharap ni Cailey. “Bakit?”
Napatigil siya nang makita ang mga mata nito na tumingin sakanya. His eyes were blank. Ibang iba sa mga matang nakasanayan niya na nitong nakaraan. Ano bang nangyayari kay Arjh? May problema ba siya? Pwede niya namang sabihin—
“Eira! Are you listening?” tanong nitong nagpabalik sakanya sa reyalidad.
“H-Ha? Uhm, sorry. W-What were you saying again?” She asked biting her lip when she saw his clouded expression.
“You’ll take in charge with the finalization of the programs in the ground. Cailey will assist you.” pagpapaalam nito.
“Teka! Hindi ba may nakaassign na diyan?” takang tanong niya dito. All of those were settled in the previous meeting with the council.
“There are some changes. I have to pull out Riley and Des and reassigned them in helping out with the booths wherein only forty percent of completion has been done.” halata na ang inis sa boses nito.
“And what about the Ferris wheel?”
“I’ll handle it. Just focus on the concert and competitions.”
“B-But—”
“No more buts! And just do as I say!”
Nanlaki ang mata niya sa pagtaas nito ng boses at ang paghampas nito sa mesa. Inis na tumayo siiya habang masamang nakatingin dito. “You didn’t have to shout you know. Let’s go, Cai.” kalmado at malamig na saad niya at naunang lumabas ng opisina.
Nang makalabas ay inalo siya ng kaibigan. “Ayos ka lang ba? Baka masama lang talaga ang mood non. Magiging okay din iyon mamaya.”
She smiled at her. “Salamat, Cailey. Pero hindi mo naman siya dapat na ipagtanggol. Pabayaan mo yon.”
Ngumiti lang ito. “Believe me, nagsisisi na yon.”
“Hmph! Bahala siya. Tara na nga.”
Hindi niya maiwasang mainis at magalit. Buong araw siyang iniwasan ni Arjh. Sinusubukan niya itong kausapin pero nakakalusot ito. And it’s really starting to piss her off! Idagdag mo pa ang malamig nitong pakikitungo sa kanya at ang blangko nitong mga mata.
“Eira... W-Wag ka naman u-umiyak oh.” nag-aalalang saad ni Cailey.
Pinahid niya ang luha at pilit na ngumiti. “Pasensiya ka na, Cailey. Nakita mo pa akong ganito.”
Nag-aalalang tumingin ito sakanya. “Ayos lang. Tara? Uwi na tayo.” aya nito.
Uwian na kasi at tapos na din sila sa ginagawa. They were progressing very well at sa tingin niya ay magiging maayos at maaga nilang matatapos ang bagong task niya. “Sige. Mauna ka ng umuwi. Vin!” tawag niya sa nobyo nito na papalapit din sa kanila. “Iuwi mo na ang girlfriend mo.”
Tumango naman si Vin. “By the way. I’m sorry sa inaakto ng kaibigan ko. Ang gago kasi non.”
Nginitian niya lang ito. “You don’t have to ask for forgiveness on his behalf. Ingat kayo pauwi.” She said dismissing them both. Nagpaalam naman ang mga ito matapos ang ilang pamimilit ni Cailey na sumabay na siya sa mga ito.
She just sighed and stayed there while staring at the huge stage on the field. Tanaw din dito sa kinauupuan niya ang malapit ng matapos na Ferris wheel. Nagulat siya nang biglang may tumabi sa kanya. “What the—”
“Naman! Ang tagal nating hindi nag-usap pero ganito kitang madadatnan?” he reached for her face and wiped the tears she didn’t noticed that escaped.
Naluha tuloy siya ulit dahil sa ginawa nito. Namiss niya din kasi ang lokong ito. “M-Marco.”
He grinned, “At your service.”
Napaiyak na siya ng tuluyan at binatukan ito. “Nakakainis ka! Hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag. Bigla mo nalang din akong iniwan. Akala ko mabait ka ang sama mo.”
Pero imbis na magulat at mainis sa panghahampas niya dito ay niyakap lang siya nito ng nakangiti. “Sige lang. Ibuhos mo lang ‘yan. Nandito lang ako.”
Hinayaan niya ang sarili na umiyak dito. “M-Marco.” tawag niya dito. “Yung sagot ko.”
Inilayo siya nito mula sa pagkakayakap at tinitigan. “You don’t have to answer, VP. Alam ko na ang sagot.”
Napayuko siya sa sinabi nito. “I’m sorry.”
“You don’t have to. Ayos lang. Naiintindihan ko naman. Perhaps sa friendship kaya mong i-offer?” and he stretched his hand out.
She stared back at him and shook his hand, “Friends.” she said without an ounce of doubt. Dahil totoong iyon lang ang kaya niyang ibigay dito.
Inabutan siya nito ng tubig at sandwich nang kumalma na siya at tumigil sa pag-iyak. “So, dahil kaibigan mo na ulit ako. Care to tell me bakit ka ngumangawa diyan? Kita mo, basa na ang uniform ko. Tsk! Tsk!” naiiling na saad nito.
Natawa siya’t hinampas ito. “Sino bang nag-offer? Kainis ka!”
“Tumawa ka din. Hahaha. So, bakit ka nga umiiyak?”
She looked at her hands. “Pakiramdan ko kasi, wala na akong halaga kay, Arjh.” Pagsisimula niya. He looked confused kaya nagpatuloy siya sa pagkwento. “Iniiwasan niya ako. Siguro dahil sa sinabi ko dati na patungkol sa first place. Maybe he got the message that I am giving him that place kaya hindi na din siya nag-aaksaya ng panahon sakin. Well, iyon naman talaga ang tingin niya sa akin sa simula pa lang. I was just a wall for him to reach that place. At dahil kaya na naman niyang kunin edi hindi niya na ako kailangang pag-aksayahan ng oras.”
Tahimik lang ito at pilit iniintindi ang mga sinabi niya. “Sa tingin ko naman eh hindi.” Maya-maya ay saad nito.
She smiled sadly, “Akala ko dahil napansin niya na ako ay ayos na sakin na bumaba ang rank. Mali pala. Dahil sa huli, napapansin lang naman talaga niya ako dahil sa pagiging threat sa acads niya.” malungkot na saad niya dito.
“Hindi ko gets masyado.” Medyo naguguluhang saad nito.
She smiled. “Hindi naman talaga ako ganito dati eh. Pinilit ko lang ang sarili ko para mapansin niya. Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong makuha ang atensiyon niya. Kung hindi sa linya ko, edi sa linya niya, which is acads.”
Natahimik naman si Marco na nakamasid sakanya. “That’s… amazing. You’ve been in love with him for quite a long time, right? Hindi pa huli ang lahat, VP. Umabot ka na dito, ngayon ka pa susuko?”
Malungkot na ngumiti siya dito. “Minsan kasi, kailangan mo din magpahinga, Marco.”
NATAHIMIK sandali si Yesh bago nagsalita. “Sa tingin ko naman eh mali ang iniisip mo, VP. Iba kasi ang nakikita namin. At sigurado akong seryoso si Arjh sa’yo.”
Umiling-iling siya. “Tama na muna. Kailangan ko din magpahinga.”
“May mga bagay na mas nakikita mong mabuti ang kagandahan kapag nasa malayo ka kesa sa malapitan.” makahulugang saad nito.
“Yesh!”
Sabay silang napalingon sa tumawag. Nginitian siya ni Yesh. “Kailangan ko na munang tumulong, VP. Gusto mo sumama?”
Ngumiti siya. “Hindi na. Salamat. May… May aasikasuhin din kasi ako.”
Mabilis na nagpaalam si Yesh at umalis. Naisipan niya namang mag-ikot-ikot sa mga stalls. Para aliwin ang sarili at tingnan kung may mga kakailanganin pang gawin. Hindi pa naman talaga siya sumusuko kay Arjh. Nagpapahinga lang siya. Isa pa, minsan naiisip niya din na tama na ang ganitong set-up. Para hindi siya mahirapan kapag dumating na ang panahon na umalis siya ng bansa.
“Ate Eira!” sigaw ni Chantal na nakasuot ng cute na cute na maid outfit na kulay itim at puti.
“Oh, Chantal. Bakit ka nakasuot ng ganyan?” nakangiting tanong ko niya dito. “Bagay sayo.”
She grinned at umikot ikot pa para ipakita ang kabuuan ng suot nito. “Para ito sa booth namin, Ate. Maid Cafe! Tara! Kanina pa nandoon sila, Kuya. Sama ka. Bakit?” nagtatakang tanong nito nang mapansin ang pag-iwas niya.
Binawi niya kasi ang braso niyang hawak nito nang hilahin siya sa direksyon ng booth nito. “A-Ahh. Pasensiya na pero may pupuntahan pa kasi ako, Chantal eh. Mamaya nalang ako pupunta sa booth niyo. Sige!” nagmamadaling umalis siya doon. Kailangan niyang iwasan si Arjh. Mas mabuti na kung siya ang umiwas dahil mas nasasaktan siya kapag ito ang umiiwas sa kanya.
Chantal’s P.O.V
NAGDADABOG NA lumakad si Chantal pabalik sa booth. Malalaking hakbang ang ginawa niya palapit sa kapatid. Huminga siya ng malalim saka itinaas ang hawak. “Hiiiiiyyaaaaahhh!”
“Woah!” iwas ng kapatid.
Sinamaan niya ito ng tingin. Nailagan nito ang paghampas niya sana ng stainless na kawali. “You!” duro niya at hinampas ito ulit pero nakailag na naman. Nagkagulo tuloy sa loob at pinagtitinginan na sila.
“Sis, what’s wrong with you?” takang tanong nito.
“Argh! Wag mo akong ma ‘sis’ ‘sis’ diyan! Nakakainis ka!” singhal niya dito. She’s mad. Really mad. Naramdaman niya nalang na may pumaikot na braso sa bewang niya para pigilan siya sa paghampas sa kapatid.
“Calm down, love.” bulong ni Micco.
Sinamaan niya ito ng tingin. “Let go, Micco.” May diing saad niya na agad nagpabitaw dito. Pati ang mga kabarkada nito ay hindi na nakialam sa kanila at tumabi lang na namumutla. Kinuha niya ang basahan at itinapon iyon sa kapatid na sumapok sa mukha nito. “Nakakainis ka! Anong ginawa mo kay Ate Eira? Bakit iyon malungkot ha? Malalagot ka talaga sakin, Kuya!”
Pero parang wala itong narinig at bigla nalang naging malalim ang iniisip.
“Makinig ka nga sakin! Hoy, Kuya!” tawag pansin niya dito.
Pero umalis lang ito ng hindi nagpapaalam. Nilingon niya sina Micco. “What’s wrong with him?”
Nag-aalangan pa si Micco na lumapit sa kanya. “You should know that, love. He is your brother after all. Sa nakikita ko naman, hindi lang si Eira ang nasasaktan.”
Tinitigan ni Chantal ang papalayong pigura ng kapatid at bumuntong hininga. “He’s an idiot.”
Natawa si Micco sa turan niya. “You know that he is not. But he is awkward though. And he’s new to this. You have to understand him, I’m sure he’ll come around.”
She snorted. “It’s why I said he is an idiot.”
Napapailing nalang ito sa sinabi niya at hinila na siya para makapagpalit ng damit. She sighed again. Sana naman ay maging okay na ang kung ano mang meron sa kapatid niya. She really likes Eira Chen for her brother. And she’d help her stupid brother to be with Eira. She really hopes that he’ll come around.