Chapter Eight

2840 Words
Chapter Eight                   Rank Two * News     SOBRANG BUSY NILA EIRA NANG ARAW NA IYON. It’s Wednesday, kakatapos lang ng exams nila noong nakaraang Friday at ngayon naman ay busy sila na nasa working committee ng school activity. Next week na ang founding anniversary ng school kaya todo preparations na ang ginagawa. Busy halos lahat ng estudyante sa kani-kanilang booth. Sila ni Arjh ang naka-assign sa pagpapalagay ng ferris wheel. Malaki at delikadong task iyon. Pero nagche-check pa din naman sila sa ibang booths. May naka assign din each level to facilitate on the booths. Pag-o-oversee nalang talaga ang ginagawa nilang dalawa. They also coordinate with professionals for booths that needed extra caution. Katulad nalang sa ferris wheel na ipinapalagay nila. Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na bagay sa braso niya. “Drink up.” She smiled at Arjhun and opened the bottled water he gave. He’s really sweet. Ininom niya iyon. “Thanks, Arjh.” He just smiled lightly in return at itinuon ang atensiyon sa field kung saan itinatayo ang ferris wheel. Nandito kasi sila sa may malapit sa field at nakasilong sa isang cannopy para masigurong maayos at safe na maitayo ang wheel. Ang init talaga, nauuhaw at pinagpapawisan na sila. Inilabas niya ang extra niyang panyo at inilahad iyon dito. He just stared at it at first. He then grinned evilly at inilapit ang mukha sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya naman ito. “What?” “I’m tired.” saad nito. “So?” “Wipe it off my face.” kibit balikat na saad nito. Napalunok naman siya. “D-duh! Punasan mo sarili mong mukha ano!” iniwas niya ang tingin dito at ibinaba ang panyo sa mesa para kunin nito. Bahala ito! Napasulyap siya sa panyo pero nandoon pa rin iyon. Kainis naman eh! She bit her lip. Argh! Bahala na. Inis na dinampot niya ang panyo at nilingon ito. She nervously reached for his forehead and wiped his sweat off. Ramdam niya naman ang pamumula ng mukha. She was wiping his sweat and at the same time avoiding his gaze. Baka kasi mahalikan niya ito ng wala sa oras. Naman! “Yiiiee! Ang sweet naman!” Agad siyang napalayo kay Arjh nang marinig ang boses na iyon. Muntikan pa siyang matumba dahil na-out balance siya nang mamali ng hakbang palayo. Buti nalang at maagap si Arjh. Napatingin siya sa harapan at nakita si Chantal kasama si Micco. “U-Umm.” Geez! Hindi niya alam kung anong sasabihin. Chantal grinned and went near her. Niyakap pa siya nito. “You don’t have to be shy, Ate. Alam naman na ng lahat kung anong meron sa inyo ng kapatid ko, eh. At isa pa, botong boto kaya kami sa’yo.” Pabulong na saad nito sa huling sinabi. “Why are you here? Shouldn’t you be helping the class by now?” tanong ni Arjh sa dalawa. Nagpout naman si Chantal. “Wag ka ngang ganyan sa boyfriend ko, Kuya! Hinila ko siya para samahan ako papunta dito, at para mailayo sa mga babaeng yon!” Napangiti nalang siya sa sinabi ni Chantal. Halata kasing nagseselos ito. Napakaposessive din pala nito pagdating kay Micco. He’s very lucky to have her. Micco smiled at her action at halatang naintindihan nito ang huling sinabi ng girlfirend. Niyakap nito si Chantal sa bewang as he kissed her hair. “Alam mo naman na sa’yo lang ako, diba?” Chantal blushed at kinurot si Micco sa tagiliran, “Dapat lang noh? Kung hindi, malalagot ka talaga sakin.” Nakangiti lang siya habang nakatanaw sa dalawa. Kinikilig siya sa kanila eh! Bet niya yung loveteam nila. She sighed dreamily. Sana ganyan din si Arjh. Pero naisip niya din na kahit hindi vocal at showy si Arjh, he can still manage to be sweet in his very own way. Nilingon niya ito only to find him glaring at her. Napaayos tuloy siya ng upo and faked a cough. Binalingan nito ang dalawa, “PDA. You two, twenty minutes at the reflection room after classes and clean the mini garden outside the school building.” “Kuya—” Chantal tried to protest. “President.” He cutted her off, “Now, get back to your respective areas.” anito. And that’s the cold Arjhun they know. Chantal crossed her arms while Micco tried to cool her down with his sweet actions. “Ayos lang yon, babe. At least kasama mo ako, at kasama din kita.” saad nito na nagpangiti kay Chantal. Nakangiting binalingan nito si Arjh. “We just came here to tell you both na mamayang lunch time ang posting ng ranks sa bulletin board. Sige, yun lang!” Kumaway ito bago naglakad palayo. Oo nga pala, ang results. Sana naman maayos ang result ngayong grading period. Para kasing kulang siya sa focus. Kaya she doubts kung magta-tie ulit sila ni Arjh sa first place. Ayos lang din naman— “Do you like Micco?” She blinked many times with his question, “Do- WHAT? Si Micco? Hindi noh!” mariing tanggi niya sa tanong nito. Naningkit lalo ang mata nito habang nakatingin sa kanya. She just rolled her eyes on him. Manhid talaga! “Hindi ko gusto si Micco, okay? He—” “Then why were you staring at him so dreamily?” “What? —NO! I was staring at them, THEM! Bagay na bagay kaya ang dalawa. Sino bang hindi mapapatitig sa dalawang iyon na halatang mahal ang isa’t-isa?” Unfortunately, mukhang hindi parin ito kumbinsido sa sinabi niya, bigla tuloy siyang nainis. Padabog na tumayo siya at inayos ang mga dalang gamit. “Excuse me, mauuna na akong kumain ng lunch. Tsk, manhid!” “What did you say?” “Ang sabi ko mauuna na akong kumain sa’yo at ako’y nagugutom na.” patay malisyang sabi niya. His brows knotted kaya tinalikuran niya na ito. “Wait.” He held her arm to stop her. “Didn’t I tell you before that we’ll eat lunch and snacks together?” Inirapan niya ito at inalis ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. “Kumain ka mag-isa mo!” Naglakad siya palayo pero ang bruho ay pinigilan na naman siya. “What’s wrong with you? Why are you acting like this?” naiinis na tanong nito. Why are you acting like this? Why are you acting like this! TSS! ISAKSAK MO SA BAGA MO IYANG PUSO MO! KAINIS! naiinis na usal niya sa isipan. She pouted at hindi ito pinansin. “Apannopoyiping!” Nagtatakang tumingin ito sa kanya. “What did you just say?” She rolled her eyes, “Whatever!” naglakad na siya palayo dito. Ginamit niya tuloy dito yung P words niya. It’s some kind of pauso ng pagsasalita na natutunan niya sa mga pinsan niya sa Visayas. P words, kagaya ng sinabi niya kanina na ‘Apannopoyiping’. Alisin mo yung mga salitang naidagdag na ‘pa, pe, pi, po, pu’ para malaman niyo ang sinabi niya. It’s very simple ‘A-pa-NNO- po-YI- pi-NG’ simpleng ‘ANNOYING’ lang iyon. “Aah! Ano ba, Arjh!?” Paano ba naman kasi? Binuhat nalang siya  nito na parang sako ng bigas, na naman! “I told you, we’ll eat together.” Hindi nalang siya umimik habang buhat-buhat nito paakyat ng building. Nakakahilo din naman kasi ang pwesto niya, ano! Binuksan nito ang office at maayos na iniupo siya sa sofa. Agad siyang tumingin sa kabilang side. Ewan pero naiinis siya eh! She heard him sigh at naramdaman niyang umalis ito sa pagkakaupo sa tabi niya. Hindi man lang siya sinuyo? Paano ba naman kasi, pakipot ka pa. saad nang kabilang isipan niya. Nagulat nalang siya nang maramdaman ang kamay nitong nakahawak sa dalawang kamay niya habang nakaluhod. Kahit gusto niya itong lingunin ay nagmatigas parin siya. Gumagana na naman kasi yung pagpapakipot niya! Naman! She tried to keep a strong face kahit na gusto niya ng magsisigaw sa kilig. She heard him sigh before he called her name. “Eira. Come on. What did I do?” kalmado na tanong nito pero hindi niya pa din pinansin. “Did I say something that offended you? Annoyed you?... Damn!” Inis na nilingon niya ito, “Are you cursing on me?” “Ye—NO!” “Hmph!” inirapan niya ito ulit. “Oh, sh—!” Hindi na ito ulit nagsalita at naramdaman niya nalang ang mga labi nito sa kamay niyang hawak nito. Para tuloy may kuryenteng dumaloy sa katawan niya at hindi niya din mapigilang tingnan ito. He’s looking at her intently, “I’m sorry.” Her eyes widened hearing what he just said. “Even if I didn’t know where I went wrong, I’m still asking for your forgiveness.” He continued. “I’m sorry. And will you please, eat lunch with me? Please?” Oh, dear God! He just said ‘please’ and ‘sorry’. She bit her lip trying to bit back a smile but still can’t hide the blush creeping up on her face while staring at him with his boyish smile on. He is just too hard to resist. Ikaw ba naman ang ngitian nito ng ganoon? Argh! Kahit na zombie kikiligin. “So?” he asked. “F-Fine!” He stood up and kissed her cheek. Much to her surprise. Please lang, pigilan niyo ko at baka halikan ko na talaga si Arjh! She faked a cough and avoided his smiling face, “G-gutom na ako.” “Be right back.” and she heard the door opened and closed. Kinuha niya agad ang unan sa sofa at itinakip ito sa mukha habang nagsisisigaw sa kilig. Para tuloy siyang earthworm na putol ang isang parte sa katawan na sobrang likot. He kissed her on the cheek! “Ow! Aray naman!” daing niya nang mahulog sa sofa. Asar!   MAGKATABI SILANG nakatayo ni Arjh sa harap ng bulletin board at naghihintay sa pagpost ng ranking. Kinakabahan siya eh kaya ipinikit niya ang mata at yumuko. Naramdaman niya naman ang pagpisil nito sa kamay niya. “No hard feelings, huh, Miss rank number two.” pang-aasar nito gaya ng dati. “Tss! Ewan ko sa’yo.” yun lang ang sinabi niya dito. Alam niyang nagtataka ito dahil wala siyang idinagdag sa sinabi dito. Dati kasi may palaban pa siyang sinasabi, pero ngayon, hindi talaga siya sigurado. Ayos lang naman sakanya kahit ma second place lang siya sa ranking. Ang rason niya lang naman kung bakit gusto niyang makuha ang first spot ay para mapansin ni Arjh. Kung nasa pangalawa man ay okay lang iyon sa kanya. Hindi naman talaga mahalaga ang ranking eh. Ang mahalaga ay hindi siya bumabagsak sa klase at may natututunan siya. “Hey, everything will be alright.” bulong nito. She just smiled in response. Dinig niya ang bulungan ng mga estudyante, marahil ay nariyan na ang results. “Congratulations sa mga pumasok sa ranking.” saad ng isang guro. She breathed in deeply at dahan-dahan na binuksan ang mga mata at tumitig sa board. Una niyang nakita ang tenth place, sunod ang ninth, eight, seventh, sixth, fifth, fourth, third…Huminga siya nang malalim at binasa ang sunod na ranking. Second Place – Eira Chen. Napangiti nalang siya nang mabasa ang pangalan ni Arjh sa first place. She looked at him, “Congratulations!” Nakatulala ito kaya medyo nagulat pa ito sa sinabi niya. “Umm… Are you alright?” nag-aalalang tanong nito. “Hmm? Oo naman. Bakit?” He sighed, “You just ranked number two. We didn’t tie. Are you sure you’re okay?” Point five lang kasi ang difference ng grade nila ni Arjh. Tinampal niya ang pisngi nito. “Oo naman. Ayos lang ako. Look, walang problema sakin kung second lang ako this time. At least, I’m still in the top five.” biro niya dito pero hindi parin nagbabago ang ekspresyon nito. “Come on, Arjh. I really am fine. At isa pa, alam ko kung gaano kahalaga sa’yo ang spot na yan. You deserve it. Matalino ka naman talaga eh. You are a genius at walang makakatalo sa’yo.” “Are you giving up?” She just smiled at him knowingly, “It was never mine in the first place. Tara? May klase pa tayo.” “I’m home!” sigaw niya pagkapasok ng bahay. Maayos na inilagay niya sa shoe rack ang school shoes niya at isinuot ang tsinelas na pambahay. Nakita niya si Tita Merdel sa harap ng computer nila na nasa may sala. “Hello, Tita, mano po.” Aniya’t nagmano dito. “Oh, nandito na pala ang anak mo eh.” saad nito habang nakaharap sa screen. “Mom? Dad?” nakanigiting bati niya sa mga magulang na siyang ka-video call ng tiyahin. “Ba’t gising pa kayo?” tanong niya sa mga ito. Ngumiti naman sila, “How’s our little girl?” tanong ni Dad. “Dad naman!” “Naku, Kuya, hindi na iyan little girl. May poging manliligaw na kaya yan.” sabad ni Tita. “Tita!” namumulang saad niya. She just grinned in response. Her father eyed her, “At sino naman ang lalaking iyan? Wala ka pang binabanggit sa amin ng mommy mo ha?” She rolled her eyes. “If I know ikinukwento naman ni Tita sa inyo ang lahat.” Pasipol-sipol naman si Tita at lumayo nang kaunti sa kanya. Tama nga ang hula niya na sinabi na nito sa mga magulang. “So, bakit nga gising pa kayo? Alam ko naman na pagod pa kayo sa trabaho eh.” Bigla namang tumayo ang tiyahin sa kinauupuan nito. “Maiwan ko muna kayo. Ihahanda ko na muna ang hapunan namin, Kuya. Gusto mo bang dalhan muna kita ng meryenda, Eira?” Umiling siya, “Wag na po, Tita. Salamat.” Tumango lang ito saka umalis. Weird. Umupo siya sa swivel chair at hinarap ang mga magulang. May pag-aalangan sa mga mukha nito kaya bigla siyang napaseryoso. “May problema ba? Dad?” “It’s not really a kind of problem, hija.” Napakunot ang noo niya. “Ano po iyon?” Nagkatinginan ito at si Mom saka sumagot ang ina. “It’s about your stay there, anak. Ano kasi… Mapapaaga ang pagpunta mo dito.” Natigilan siya sa sinabi nito. “P-Po?.. Gaano ka aga?” “Hindi pa naman ngayong taon, anak. But I’m afraid you won’t be able to march on your graduation.” Napasinghap siya. “Mom—But... Bakit po ang aga?” Hindi pa siya handang umalis. Not yet. Lumamlam ang mukha nito, “I’m sorry, anak. Biglaan kasi may mga adjustments na kailangan. Hindi ka ba masayang makapiling at makita kami?” “Mom, hindi sa ganoon.” She bit her thumb. “It’s just that… yung graduation ko. And it’s too early. I still want to spend some time with my friends after graduation. Before I move there.” “We really are sorry, anak.” hinging paumanhin ng mommy niya. Umiling siya dito. “Wala po kayong kasalanan, Mom. K-Kelan po ba?” “First week of March, hija.” Dad. “G-Ganoon po ba?” bagsak ang balikat na tanong niya. “Can’t you extend it a little longer, Dad?” He smiled slightly, “I’ll see what I can do, anak. Just don’t get your hopes too high, okay?” She nodded in response. “By the way, I got the second place for this period.” pinilit niyang pasiglahin ang boses at inalis ang atensyon sa naunang pinag-uusapan. Ayaw niyang maging alalahanin sa mga magulang. Marami na itong isinakripisyo para sa kanilang magkapatid. Hindi na nito kailangan pang mag-alala at problemahin siya. Ngumiti ang mga magulang sa kanya. “We are so proud of you, anak. Congratulations!” “Salamat po.” Naramdaman niya ang pag-akbay ni Tita kaya napalingon siya dito. “Paano, Kuya. Pagpapahingahin ko muna itong alaga ko. Mukhang napagod sa school eh.” pagpapaalam ni Tita. “Oh, sige. Magpahinga ka na, anak at tutulog na din kami ng Mommy mo saglit. May ilang oras pa din naman kami bago ang trabaho. Ingat kayo lagi diyan, okay? We love you, baby. And we are always proud of you.” “I love you, too, Mom, Dad. Goodnight!” paalam niya saka nawala ang connection. Binalingan niya ang tiyahin. “Thanks, Tita.” Pasasalamat niya sa pagsalo nito kanina. Marahil naramdaman nito na hindi siya mapakali sa pinag-uusapan nila kaya nagpaalam na ito. “You are always welcome. Sige na. Magbihis ka na muna at nang makapagpahinga ka na. Gigisingin nalang kita bandang alas siyete, okay?” “Okay po. Salamat.” At nagmamadali siyang umakyat papasok sa kwarto. She put her things on her study table at pabagsak na humiga sa kama. She is torn between leaving and not. Gusto niyang makasama ang pamilya niya pero ayaw niay namang iwan ang taong napakaespesyal sa puso ko. Bakit ngayon pa? When he is finally falling for her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD