Chapter Seven Announcement * Claimed
“GO STRAIGHT TO THE GYM, STUDENTS.” Eira said while facilitating the students right after the flag raising ceremony. Mayroon kasing importanteng announcement regarding the upcoming foundation celebration ng paaralan. Tuwing December ang selebrasyon ng naturang foundation. This year is going to be the diamond year celebration kaya nasisiguro niyang enggrande ang event. Kaya malaking paghahanda ang kinakailangan.
“Good morning, VP!”
Nilingon niya ang mga bumati na barkada ni Arjh. “Good morning!” nakangiting bati niya sa mga ito saka bumaling kay Corby. “Kumusta na nga pala si Phoebe? Maayos na baa ng paa niya?”
Ngumiti ito. “She’s doing good. Maayos naman ang resulta ng check-up niya. Ingat lang ng konti.”
Natutuwang tumango siya sa sinabi nito. Naaksidente kasi si Phoebe during one of the practices ng theater club for their drama. Kinailangang i-cast ang binti nito. “By the way, congratulations on winning the first place. Hindi ko na napanood kasi may nilakad kami.” Tukoy niya sa sinalihan nitong dance contest kasama ang dance club nito. Nalaman niya din ang eksenang ginawa ni Corby doon.
Napakamot ito sa ulo na waring nahihiya. “Thanks, VP!”
“Sige na. Pasok na kayo sa loob.”
Nakita niya si Marco na palapit sa kanya. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi nito noong nakaraan. Hindi niya nabigyan ng maayos na sagot at paliwanag ang lalaki dahil sa ginawang paghila ni Arjh. Ever since nangyari iyon sa hallway ay hindi niya na nakausap si Marco. She really wanted to talk to him. He’s been a good friend at ayaw niyang masayang ang pagkakaibigang iyon.
Napatingin ito sa kanya at saglit na tumigil. He gave her a sad smile. She wanted to approach him pero ito mismo ang umiwas. Napayuko nalang siya at huminga ng malalim. Maybe some other time. She thought to herself before heading to the gymnasium.
Katabi ni Eira si Cailey sa linya habang nakikinig sa headmaster na nagbibigay ng speech sa stage. Napatingin siya kay Cailey nang maramdaman ang pagsiko nito. “Bakit?”
“Ayos ka lang? You look spaced out.”
Tipid na nginitian niya ito. “I’m fine. Medyo inaantok lang. Mahaba haba kasi ang skype namin ng magulang ko kagabi. Wag kang mag-alala, kaunting tulog lang at ayos na ako.” She said giving her a thumbs up.
“Mukhang nag-aalala kasi si Pres eh.”
Napalingon siya sa direksyon ni Arjh pero mabilis din siyang nagbawi ng tingin nang makitang nakatingin ito sa kanila. She tried to hide her blush and focused her attention on the speech. Ramdam niya naman na nakamasid si Cailey sa kanya. She’s pretty sure she’s already figured it out. Matalino si Cailey, observant. Jkaya hindi na nakapagtatakang malaman nito in no time.
“I expect everyone to cooperate and give their best for the success of our upcoming activity. I’m now giving the floor to our student council president for further instructions. Good day ahead, students! Enjoy the rest of the day.” Iyon lang at ipinasa na nito ang mikropono kay Arjh.
Arjh stood there like the respected student council president he was. He had his usual demeanor on. Hindi niya tuloy mapigilang mapatitig dito. At nasisiguro niyang hindi lang siya ang nakatitig dito.
“He is so cool. Ang pogi niya talaga, diba girl?” rinig niyang saad ng isang estudyante.
“Right. Kahit medyo cold at snob si Pres ay di mo pa din mapigilang humanga sa kanya.”
“Sana naman mapansin tayo ni Pres. Sa kanilang limang magkakaibigan ay ito nalang ang walang pinagkakaabalahang babae. Pikutin na natin!”
Napailing nalang siya sa mga narinig. Kung madaling mapikot lang si Arjh ay matagal niya ng ginawa. But he is different, very different.
Hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig dito kaya ganoon nalang ang pamumula niya nang mahuli siya nitong titig na titig. He smirked a little and continued on his announcements. At gaya ng kanina ay nakatuon lang ang atensyon niya dito. Bakit baa ng perfect nito? Matalino, mabait, sobrang gwapo. Kahit kaunting kilos niya at kahit magsalita siya buong araw ay hindi nakakasawang panoorin. He’s like a sorcerer who casted a spell and bewitched all the females. There’s something in him that draws you closer to him.
“Of course, like the past year’s celebrations, we will also have the family day by the end of the week-long celebration. Please do invite your parents or guardians to attend the said event. There are a lot of activities prepared and prizes to win.”
Family. Napangiti siya nang maalala ang pamilya ni Arjh. He is blessed with a really great family. Nakakatuwa ang magulang nito. Kahit isang gabi niya lang silang nakasama for dinner ay napalapit na din ang mga ito sa puso niya. Ang dami niya ngang tawa lalo na't maraming binuko si Tita tungkol kay Arjh. Kung hindi pa nagwalk out si Arjh ay hindi titigil si Tita. Sinamaan na nga siya ng tingin ni Arjh pero kahit anong pigil niyang tumawa ay hindi niya kaya. Ayon nagtampo. Pero nagkabati din naman sila nang maihatid siya nito pauwi.
“More information will be discussed in each respective classroom for the committees and booths. That's all for now. I am calling the attention of the Student Council officers and year representatives, we will have a meeting this afternoon, after classes. Dismissed.” He stepped back and was about to walk away nang mukhang may nakalimutan itong sabihin.
Bumalik ito sa harap ng mic saka sumulyap sa direksiyon niya at ibinalik ulit ang tingin sa mga estudyante. “By the way, I want to inform everyone, especially the boys or whoever is interested in Vice-President Eira Chen,”
Her eyes widened when she heard her name. What is he doing? Pinagtitinginan tuloy siya ng lahat. Hindi niya naman alam kung anong gagawin. Ngingiti ba o hindi, kaya ang ginawa niya nalang ay yumuko. Ano na naman ito, Arjh?
“...back off. I am courting her and I am making it clear.” Napaangat tuloy siya ng tingin sa at napanganga dito. He stared at her, right through her eyes. “She… is mine.”
Nagsigawan ang halos lahat ng nasa loob ng gymnasium dahil sa sinabi ni Arjh. Pero hindi niya halos marinig dahil sa lakas ng t***k ng puso niya na parang lalabas na sa sobrang lakas.
“I am so happy for you, VP” saad ni Cailey.
Hindi siya nakasagot pero sobrang pula naman ng mukha niya. Kinikilig eh! He just claimed her in front of the whole students, faculty, and staff for Pete's sake!
NAKAKAILANG BUNTONG HININGA na ba siya dito? Pangsampu na ata? Nasa harap na kasi siya ng office dahil nga may meeting sila nang hapong iyon. Pero heto siya’t nakatayo parin sa labas. Hindi niya kasi alam kung paano haharapin si Arjh pati na ang mga kasamahan nila. Bakit kasi ngayon pa siya tinubuan ng hiya? Tsk! Napadabog siya sa kinatatayuan. Kasi naman eh! Nakakahiya! She breathes in deeply nang maramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone. She took it out at nakita ang message ni Cailey na nagtatanong kung asan na siya at mukhang umiinit na daw ang ulo ni Arjh. Ibinalik niya lang ito sa bulsa at huminga ng malalim. Eto na talaga! Kaya niya ‘to! Dahan-dahan niyang inabot ang seradura nang may naunang umabot dito at biglang may kamay na humawak sa balikat niya.
Gulat na napalingon siya sa kung sino iyon. “Z-Zeke? Anong ginagawa niyo? Teka, Micco, Corby, bitiwan niyo ako.” tukoy niya sa dalawa na hawak siya sa kamay at braso. Pero ngumisi lang ang mga ito at binuksan ang pinto na mas lalong ikinagulat niya atsaka siya itinulak papasok. Napalunok siya nang matuon ang atensyon ng lahat sa kanya.
“Here she is. Delivered safely like you've requested, Arjh.” nakangising turan ni Zeke.
Ano daw? Inutusan ba sila ni Arjh? Napatingin siya kay Arjh na madilim pala ang aura. Patay!
“You may leave.” saad ni Arjh.
Nagpout si Zeke, “Wala man lang 'Thank you'. Tss!”
Sinamaan ito nang tingin ni Arjh. “Do you want me to call Sof--”
“Ahh, sige walang anuman, Arjh. Bye!” mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ito ng office.
“Arjh, ha? Wag mong kalimutan, bukas libre mo ako ng chicken sandwich. Bayad mo yon—ahh, bye!” at mabilis ding umalis si Corby kasunod ni Micco nang sinamaan ito ng tingin ni Arjh.
Naiwan siyang nakatayo doon. Awkward!
“You're fifteen minutes late, Ms. Chen.” pormal na saad ni Arjh. “Punishment one for you. Take your seat now.” Bossy na naman na saad nito.
She rolled her eyes at him and walked towards her designated seat. Pagkaupo niya ay sinimulan na kaagad nito ang meeting. Unti-unti na din siyang kumalma at itinuon ang atensyon sa pinag-uusapan. Mabuti nalang talaga at Arjh is still his usual self after what he did. Ngayon niya lang na-appreciate ang pagiging masungit at aloofness nito. It makes her at ease.
The meeting went on for an hour and a half. Na-finalize na din lahat ng plano para sa darating na activity.
“Mauuna na kami sa inyo, VP.” paalam ni Cailey.
Remember the punishment ‘one’ Arjh said? He was referring to the work of Cailey that she had to do after the meeting. Kailangan niyang ayusin ang minutes of the meeting at ilang paper works na kailangang e submit sa head with contents of that meeting. “Sige, Cailey, ingat kayo sa daan.”
She smiled back saka tuluyang lumabas kung saan naghihintay si Vin. She just waved at them and continued what she was working. Nagpatuloy lang siya sa pagtatype pero hindi talaga siya makapagconcentrate. Inis na nilingon niya si Arjh na prenteng nakaupo sa swivel chair nito. “Stop staring. Don't you know it's rude to stare?”
He shrugged his shoulders, “Says who?”
“Says me!” namumulang saad niya dito. He just grinned at hindi pinansin ang sinabi niya. Mukhang nag-eenjoy pa ang mokong. “Arjhun!”
Tumayo na ito at sinukbit ang backpack nito. Nagulat pa siya nang isara nito ang laptop na gamit niya at inilayo iyon. “Teka, hindi pa ako tapos!” Pero hindi ito nakinig at hinila pa siya pa tayo sabay abot ng bag niya bago siya hilahin palabas ng opisina.
“Te-Teka! Sandali lang! Saan mo ako dadalhin?” takang tanong niya habang hila-hila siya nito. Hindi niya tuloy mapigilang kiligin dahil hawak nito ang kamay niya.
He glanced at her and smiled, “We are going out.”
Nanlaki ang mata niya at bago niya pa mapigilan ang bibig ay naibulalas niya na ang salitang, “Date?” mabilis na tinakpan niya ang bibig ko. Argh! Stupid mouth.
She heard him chuckled which made her smile all of a sudden. “If that's what you want to call it, then a date it is.”
She blushed. “P-pero kailangan ko pang magpaalam kay Tita. Baka mag-alala iyon, gabi na.”
He guided her inside the car, “I've already asked for your aunt's permision. She said yes, as long as I take you home in one piece. Manong, sa MH's Garden po tayo.”
Talaga? Ipinagpaalam siya nito sa tiyahin? Napangiti nalang siya and squeezed his hand na nakahawak pa rin sa kamay niya. Well, she is looking forward for this.