Chapter Six Confession * Family
INIS NA TININGNAN NI EIRA SI ARJHUN WHO HAS HIS USUAL POKER FACE ON. Nakakapikon na talaga ito kanina pa. mainit na talaga yung ulo niya simula pa kaninang umaga pagdating niya sa school tapos dinagdagan pa nito. Bakit ba hindi ito pwedeng tumahimik nalang at huwag salungatin ang mga sinasabi niya? He’s really getting on her nerves. Mahaba ang pasensiya niya pero dahil masama ang pakiramdam niya ay madali lang siyang nagiging masungit.
“It’s not even necessary. It’s just common sense. Why can’t you just admit that you’re mistaken? Well, I admit ma’am made a small mistake but…” Hindi na pinagtuonan ng pansin ni Eira ang mga pinagsasabi ni Arjhun. Sumasakit kasi lalo ang ulo niya.
May pinapaklaro kasi siya sa guro with the discussion they just had. At umiepal naman itong si Arjh. Pero ang ikinaiinis niya talaga ay kung bakit ganoon nalang ka hot at sexy si Arjh sa paningin niya habang nakikipagdebate dito ng inglesan. Naiinis siya’t napapansin niya pa din ang ganoong bagay dito. Argh!
Sabay pa silang natigil at napalingon kay Zeke nang bigla nalang itong tumayo. “Ma’am! Sa clinic na po ako. Dumudugo na po talaga ang itong ko dito.” Yun lang at mabilis itong naglakad palabas kahit hindi pa binibigay ng guro ang signal. Tumutulo na kasi ang dugo sa ilong nito.
“Okay, that is enough for now. I’ll decide on this topic tomorrow. Maupo na kayong dalawa para maibigay ko na ang instructions for your next activity so I can dismiss you early for lunch. Make sure to inform Mr. Ishmael.” Yung lang ang sinabi ni ma’am at naupo na sila ni Arjh.
Mabuti nalang talaga at umepal si Zeke, kung hindi, baka nahimatay na siya sa sobrang sakit ng ulo na ibinibigay ni Arjh.
SHE WAS walking in the hallway to the locker room. Lunch break na kasi nila. Napangiwi pa siya nang margining na kumulo ang tiyan. Hindi siya nakakain during break time dahil nandoon siya sa clinic at nagpapahinga. Hindi na tuloy siya nakapunta ng SC office para makakain. Napasimangot siya ulit nang marinig na kumulo na naman ang tiyan. Aabsent nalang siguro siya. Magpapaalam nalang siya sa teachers para sa klase niya ngayong hapon.
Papalapit na siya sa locker nang matanaw niya si Marco. Napangiti siya nang kumaway ito. Marco and her have been good friends ever since nagkakilala sila. Minsan nagkakasabay sila papasok o di kaya pauwi. Minsan naman naimbitahan siya nitong manood ng laro ng team nito. Mabait ito at kwelang kasama kaya at ease lang siya palagi dito. He is a very good friend. “Hey, Marco!”
Umalis ito sa pagkakasandal at tumuwid ng tayo. “Hi!”
She frowned, “May problem aka ba? Bakit ang putla mo? Kumain ka na ba ng lunch?”
Pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay tinitigan lang siya nito at ngumiti.
“H-Hey! Wag ka ngang tumitig ng ganyan. Nakakaasiwa. Sigurado ka bang okay ka lang?”
Tumango ito. “Kaya kita gusto eh. Mabait ka na nga, maalalahanin pa. Bonus na ang ganda mo.”
Napatigil siya sa sinabi nito. Gusto? She stared at him nervously. If that would be a confession, then it would her first time to receive one. “Uhm, A—Anong sinabi mo?”
Nahihiyang inilabas nito ang isang bulaklak habang ang isang kamay ay nakahawak sa batok nito na parang nahihiya. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. “I like you, Vice President Eira Chen. Gusto na kita sa simula palang nang pumasok ako dito at nakita kitang nakatayo sa harapan ng gate at wini-welcome ang lahat ng estudyante sa unang araw ng pasukan. Naihihiya akong lapitan ka pero dahil sa hindi inaasahang pagkakataon sa field ay nakausap kita. At ipinagpapasalamat ko na nangyari iyon dahil napalapit ako sa iyo at mas nakilala kita. Kaya, sana tanggapin mo itong bulaklak.”
She was seriously blushing because of his confession. She didn’t know that while she was looking at someone else, someone was busy looking at her as well.
“She doesn’t need that.” Arjhun’s voice interfered them. He stood there near her with his brows furrowed. Madilim na madilim ang anyo nito. What now?
She massaged her temple. “Anong kailangan mo Arjh? Pwede bang huwag ka munang makialam? Can’t you see I am talking to him?” naiinis na wika niya dito. Baka kasi mapahiya si Marco.
Sinipat lang siya nito bago ibinalik ang tingin kay Marco. “You’ll waste your time at nothing. Just stop whatever you’re planning to do. It’s not worth it.”
Nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. How could he say that to her friend? Alam niya sa sariling hindi niya kayang ibalik kay Marco ang pagtinging meron ito sa kanya. But the least she could do was to tell it to him herself. At least naipaliwanag niya sana nang maayos kay Marco at hindi ganoon ka harsh ang dating. Ano ba ang nangyayari kay Arjh? “Will you stop it, Arjhun? Kanina ka pa ha! Stop interfering and let me talk to him, you jerk!” biglang outburst niya dito. Naiinis na kasi talaga siya sa huli.
She was about to walk away and drag Marco when Arjh stopped her. Pilit na inaalis niya ang hawak nito pero sadyang malakas ito sa kanya. “Let go!”
“No.” mariing sagot nito. The next thing she knew; she was being carried on his shoulders like a sack of rice. Nagpupumiglas siya, but to no avail. Pinilit niyang tingnan si Marco as she mouthed ‘I’m sorry’ to him. Hindi na din siya nagpumiglas nang paakyat na sila ng hagdan. Nakaka-drain kasi ng energy at idagdag pang nahihilo na din siya dahil sa posisyon. She just closed her eyes to try and lessen the dizzy feeling. Naramdaman niyang pumasok ito sa loob ng isang silid na sa hula niya ay ang SC office. Naramdaman niya din ang paglapat ng pang-upo niya sa malambot na upuan, naibaba nap ala siya nito sa sofa sa loob ng opisina.
Tahimik lang sila doon sa loob at walang imikan. Nakaupo siya sa sofa at nakastretch ang mga paa habang nasa gilid niya lang ito. Hindi niya makita ang mukha dahil nakayuko ito. Sumandal siya sa sandalan at tumingin sa kisame. “What’s with you?” basag niya sa katahimikan. “Kanina ka pa pagkatapos ng recess. Tapos ngayon naman pinahiya mo ang kaibigan ko. Ni hindi mo ako hinayaang kausapin siya ng maayos. Ano ba talaga ang problema mo ha, Arjh? This isn’t like you. Hindi ikaw yung tipo na gagawa ng eksena.”
She was waiting for him to answer pero mukhang wala itong balak na sagutin ang tanong niya. She heaved a deep sigh and moved. Mabuti pang umalis siya kesa manatiling nakaupo lang doon. Just as she was about to stand up, he trapped her between his body and the sofa. Ang lapit tuloy ng mukha nila sa isa’t isa. And her crazy heart was beating so fast, again. She gulped when his eyes laid on hers. Bakit ba ganito siya kaseryoso? Ang pogi niya tuloy lalo. Argh! Crazy mind! Iyon pa talaga ang napansin niya.
She shivered when she felt his touch on her cheeks. Lumamlam din ang titig nito. There is ‘that’ something in his eyes she couldn’t decipher. “It was your fault, lady.”
She frowned, “What? Paanong naging kasalanan ko?”
“You didn’t join me for break time. I waited.” He said looking away.
Napanganga nalang siya sa sinabi nito. Was that the reason why he acted like that? Dahil sa hindi niya ito nakasabay ng recess? Oh damn! Kahit na gusto niyang manatiling galit dito ay hindi niya mapigilang kiligin. Shet naman eh! Bakit ganito magpakilig ang lalaking ito? She bit her lip to refrain herself from giggling.
“S—Sorry. Nakatulog kasi ako.” Hinging paumanhin niya. She can’t believe he’s acting like a child. And damn he looks adorable!
“You should’ve texted me.” He said glancing at her. Napakagat labi siya nang hawakan nito ang baba niya urging her to meet his eyes. “Say no.” naguguluhang tiningnan niya ito. “Say no to that friend of yours. I don’t want him courting you.”
Her eyes widened. “You can’t just seriously ask me what to do and not to do!” saad niya sa mataas na boses.
“I am not asking you. I am telling you, Eira.” He said with no hint of joke in his voice.
She pushed him away. Hindi siya pmakapag-isip ng maayos sa sobrang lapit nila sa isa’t isa na naaamoy niya ang bango nito. “You can’t do that, Arjh. Don’t tell me kapag may nagtangkang manligaw sakin ay sasabihin mo rin iyan?”
He nodded. “Yes. Unless,”
“Unless what?”
“Unless it’s… me.”
She tried to find words to say pero nakatanga lang siya dito. Namali ata siya ng dinig. Was she that sick to be hearing hallucinations?
He cupped her face. “I am telling you, Eira. You are not allowed to look at other guys. I want you to look at me. Only me. I am a possessive being. Kung ano ang akin, akin lang.” Oh my God! Is he claiming her? Kasi yun ang dating sa kanya ng sinabi nito. “If you are going to like someone, then you have the privilege to like me. I’m telling you, only me and no one else.” Saad nito as his forehead rested on hers. “Do you get me?”
Namumulang tumango siya dito ng dahan-dahan.
He smiled, “Good.” And he kissed her forehead before moving away saka siya maingat na binuhat. “We’re taking an absent. You’re having a fever.” Iyon lang ang sinabi nito bago sila lumabas ng opisina. She just buried her face on his neck as she relishes the moment. She’s getting there. And hopefully, he is too. With that thought, she smiled.
EIRA STRETCHED her arms and smiled. Ang sarap ng naging tulog niya. Bonus pa yung magandang panaginip niya. Napangiti tuloy siya habang inaalala iyon. Eh kasi naman, sa panaginip niya sinabi ni Arjh na gusto na siya nito. Ehh! Parang sira na niyakap niya ang unan at pabaling baling sa kama habang kinikilig. Ang ganda talaga ng panaginip niya. Natutulog din siya sa kwarto non nang sabihin nitong gusto siya nito. At parang totoong totoo yung pagsabi nito na gusto siya nito. She even felt his kiss. Oo! Hinalikan siya nito sa panaginip! Waaah! Ang landi, pero nakakakilig! Ehh! She touched her lips, it really felt real. She sighed dreamily.
Mamaya na ang daydreaming na iyon. Tumayo na siya habang kinukusot ang mata at pumasok sa loob ng banyo. Napatingin siya sa salamin at napatulala. This isn’t her bathroom! Masyadong malaki ang banyong iyon sa banyo niya. Napadako ang tingin niya sa suot na pajama. She raised her arms at sinuri ang suot. This are not her clothes! Masyadong malaki ang pajama terno na iyon para sa kanya. Not to mention the color and design na masyadong manly. And then, reality struck her.
“Oh. M. God! Aaaahh!” sigaw niya doon sa loob. She was being a bit hysterical. Paano siya napunta sa sitwasyong iyon? Those were not her clothes, nor her bathroom! Definitely she is not in their house! “Aaah!” tili niya pa rin.
Narinig niyang may kumalabog. “What happened? Are you alright?”
Gulat na napatingin siya sa lalaking nakatayo sa pintuan ng banyo. She was silent for a moment. “Aaahhh! B—Bakit ka nandito? Aaah!”
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Calm down, Eira. You are in my house, in one of our guest rooms. Nothing happened. You had a high fever so I decided to bring you here to take care of you. Relax, sweetheart.” He said soothingly, trying to make her calm.
Paano pa siya kakalma kung nakayakap na ito sa kanya and he just called her sweetheart!
“Y-Yung damit ko. Kanino ‘to? Sinong nagpalit sakin?”
“My sister, Chantal, changed your clothes. And you are wearing my clothes. Hindi kasi kasya sayo ang damit ni Chantal dahil mas matangkad ka sa kanya. Isa pa, puro shorts ang pantulog ng kapatid ko. I can’t let you wear those especially when you are feeling cold due to your fever.” Paliwanag nito.
Sinipat niya ang sarili sa salamin. Mabuti nalang at hindi magulo ang buhok niya. She smiled as she stared at their reflection. Si Arjh na nakayakap sa kanya. “Salamat, Arjh.”
“You’re welcome.” Sagot nitong hindi parin siya binibitawan. Heaven, the! Grab the opportunity!
Pero sabay din silang napabitaw sa isa’t isa nang biglang may mag-flash. Napalingon siya sa pinto. “Awe, sweetie. I told you not to use the flash. Nabuking tuloy tayo.” Saad ng isang magandang babae na nakatayo sa may hamba ng pinto.
Niyakap naman ito ng lalaking kilala niya. Arjhun’s dad. “Sorry, sweetheart. At least may nakuha tayong isa.” Malambing na turan nito sa asawa.
“Mom! Dad!” saway ni Arjh sa mga magulang.
Namumulang nagtago naman siya sa likuran ni Arjh. Oh God! Pwede bang bumukas ang lupa at lamunin siya? This is so embarrassing! Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ni Arjh sa kanya?
“Hello, son! Ang ganda ng kuha niya dito, oh.” She heard his mother saying.
“Mom, akin na po iyan.”
“Oops! No, hijo. Sa akin ito. Remembrance niyong dalawa.” Nakita niyang sumilip ang mama nito. “Hello, hija! Wag kang mahihiya sa amin. Alam ko naman na wala kayong ginagawang kababalaghan. Mas worst pa nga— err, mas green pa pala yung saamin ng tatay ni Arjhun eh. So, don’t worry.” Nakangiti nitong saad.
“Mom!”
“Sweetheart!”
Sabay na saad ng dalawang lalaki.
“What?” inosenting tanong ng mama ni Arjh.
Nailing naman si Tito dito. “That’s ours, sweetheart. Hayaan natin ang mga bata.” Nilingon siya ng tatay ni Arjh at ngumiti. “Sorry about that, Eira. Ganyan lang talaga ang mommy ni Arjh.”
Tumango siya. “A-Ayos lang po, Tito. At… Pasensiya na po sa sigaw ko kanina. Na—Nagulat lang po ako.”
“It’s alright, hija. Sige, maiwan na naman kayo. Hijo, sumunod kayo sa baba at nang makakain.”
Nakayuko lang siya doon, staring at her toes. Ramdam niya namang nakatingin lang si Arjh sa kanya. “God. Nakakahiya.”
He chuckled kaya sinamaan niya nang tingin. Pinigilan naman nitong matawa. “Don’t worry. I’ve already told my parents why you were here. They should’ve figured out why you shouted by now.”
“But still, nakakahiya talaga.” She said, biting her thumb.
Arjh held her chin up. “Hey. They wouldn’t think less of you. Trust me, okay?” tango lang ang sagot niya ditto. He then kissed her on the forehead. “Good.”
“Ate Eira!” isang tili ang narinig niya at naramdaman niya nalang na may nakayakap na sa kanya. “Hi!” Chantal greeted with a smile.
“H-Hello, Chantal.” Nahihiyang bati niya dito.
She grinned back before turning to her brother. “Hihiramin ko muna si Ate, kuya. Bibihisan ko muna siya. She’s having dinner with us.” Iyon lang at hinila na siya nito palabas.
Rinig niya naman ang pahabol na sigaw ni Arjh sa kapatid. “Careful with her, Chantal! She just got well!”
“Yeah, yeah!” yun lang ang sagot nito saka siya pinapasok sa kwartong hula niya ay kay Chantal.
Napangiti siya nang makita ang malaking litrato ng magkapatid sa loob ng kwarto ni Chantal. Pawing nakangiti ang dalawa habnag magkaakbay. “I like your bond with your brother.” She said out of nowhere.
Napalingon naman ito sa kanya habang naghahanap ng masusuot sa loob ng walk-in closet nito. She was smiling, “Thank you. Mahal ko yan kahit na suplado iyon. Kahit medyo may pagka weird din minsan. Hahaha!”
Natawa nalang din siya sa turan nito.
“Halika, Ate!” tawag nito kaya lumapit siya.
She went in her closet and saw several beautiful, expensive, branded clothes. Ang yaman talaga nila Arjh. Pero hindi niya naman masyadong nakikita iyon kay Chantal. Napaka-simple lang kasing manamit ng huli. Pinaupo muna siya nito sa harap ng vanity mirror.
“I don’t really wear these dresses anymore. Sina Dad at Mom lang ag palaging bumibili ng mga ganito kahit sinabi ko ng hindi na kailangan.” Sabi nitong patuloy sa paghahanap ng mga damit. “Here.” Inabot nito ang isang black cardigan shorts, white three-fourth sleeved blouse. “Dito ka na magbihis.” Yun lang at mabilis na lumabas ito ng closet sabay sara ng pinto.
She sighed and looked at the clothes. Ni hindi na siya nakatanggi sa shorts na inabot nito. Napapailing na nagbihis siya sa loob.
“Ate Eira? Lumabas ka na diyan. Come on.” Katok muli ni Chantal sa pinto.
Napatingin ulit siya sa suot. Masyadong maikli ang shorts na ibinigay ni Chantal. Marahil dahil sa mas matangkad siya dito. “Umm, wala bang ibang shorts, jeans or palda diyan na medyo mahaba? Maikli kasi sakin ang ibinigay mo.”
Chantal giggled. Yung tawang alam niyang sinadya nito ang ibinigay sa kanya. “Buksan mo na kasi, Ate. At ng makita ko.”
She breathed in deeply and unlocked the door. Mabilis na pumasok ito sa loob at pinasadahan siya ng tingin. Nang marahil ay nakuntento ito sa nakita ay ngumisi ito ng malaki at pumalakpak. “Perfect! Bagay naman sa’yo, Ate.”
Hinila hila niya ang shorts pababa. “Masyado talagang maikli eh.”
Umiling-iling ito. “Hindi naman iyan short shorts kaya ayos lang, Ate. Atsaka, you have to flaunt one of your assets, which is your legs. Oh, here!” inabot nito ang isang pares ng taupe colored leather sandals.
Halos lumuwa ang mata niya nang makilala kung anong brand ng sandal ang binigay nito. “T-That… you can’t seriously let me wear that!”
“Why? Allergic ka ba sa leather?” naguguluhang tanong nito.
“No! Pero allergic ako sa mamahalin. That sandal costs almost forty thousand pesos, Chantal! The last time I checked that costs around five hundred forty-five pounds. Pounds, Chantal.”
“Iyan ang dahilan kaya hindi ko na tinitingnan ang presyo sa internet dahil hindi rin papapigil si Dad na bilhan ako ng ganito ka mahal.” Reklamo nito. Ang tatay pala nito ang nagbigay ng sandals at minsan lang iyon sinusuot ni Chantal dahil hindi niya naman daw kailangan.
Wala na siyang nagawa kundi suotin iyon dahil mapilit ito at kinakailangan niya ng sumabay sa hapunan nila. “Salamat.”
“Tara?”
“Hindi ba talaga maikli?” nag-aalalang tanong niya dito.
“Are you both done? Is everything alright?” narinig niyang tanong ni Arjhun na mukhang nasa labas ng kwarto ni Chantal. Napatago tuloy siya sa likuran ng pinto.
“Kuya, ayaw kasing lumabas ni Ate Eira eh.” Pagmamaktol ni Chantal.
“Why?”
Nagulat pa siya nang higitin siya ni Chantal palabas kaya hindi siya nakapagsalita agad. Lalo na nang makita ang reaksyon nito.
“Bagay naman sa kanya ang damit na ibinigay ko, right?” tanong nito sa kapatid na halata ang gulat sa mukha. His eyes were wide and his mouth almost gaping. Iniwas niya ang tingin at nilingon si Chantal na nakangiti lang. “See? I told you, you look good. Let’s go.” Tuluyan na siyang hinila nito pababa. “Kuya, let’s go!”
“Chantal Rosario! Get her changed this instant!” Arjh called them back.
Sinasabi na ng aba niya’t hindi iyon magugustuhan ni Arjh.
Chantal patted her shoulder. “My brother is just being possessive. Ni hindi nga nakapagsalita dahil na star struck na sa’yo. Hahaha!” lumingon ito sa likuran saka sa kanya at ngumisi. “I’d probably be dead by now. My brother’s glares are killing me. Hahaha!”
Inabutan nila ang parents ni Arjh na naghaharutan sa ibaba. Ang cute nilang tingnan. Umayos naman ang mga ito nang makita sila. Nilapitan siya kaagad ng mommy ni Arjh at hinalikan sa magkabilang pisngi. “You look beautiful, hija. Call me Tita, okay?” pahayag nito. “Let’s go, hon?” tawag nito kay tito.
Nauna naman ang mga itong maglakad kasabay si Chantal. Kaya nagulat nalang siya nang may pumaikot na braso sa bewang niya. Namumulang nilingon niya si Arjh. His stares were making her melt.
She felt shivers down her spine when he bent close and whispered to her, “Stay close. Don’t ever leave my side. Remember, only me, Eira. Only me.” Iyon lang at inalalayan na siya nito palabas ng mansion.
He is so possessive!
CHANTAL’S POV
NAGMAMADALING UMUWI ng bahay si Chantal nang matanggap ang tawag na iyon mula kay manang. Who would have thought that her brother would bring a girl home? It was seriously a first! At dapat ay nandoon siya para masaksihan iyon. Kailangan niyang balatan kung sino man ang babaeng dinala ng kapatid. May natitipuhan na siyang babae para sa kuya niya. And if that lady he took home is not the one she’s referring to, then kailangang kilatisin niya muna ito.
“I’m home!” pahayag niya pagkapasok nga pagkapasok niya ng bahay.
Nakakunot noong nakatingin naman sa kanya ang kapatid na noon ay nakatayo at kausap si manang. “What are you doing here, young lady? You are supposed to be at school at this hour.”
She grinned at him at pabagsak na naupo sa sofa. “I am taking a day off, kuya.”
His frown deepened. Binalingan nito si manang at nagbilin ng ilang instructions bago siya lapitan. “What day off are you talking about? You are not yet working, Chantal. Stand up and go back to school.”
She pouted. “No! Ngayon lang naman Kuya. Atsaka ikaw din naman ah, um-absent.”
“That’s because I’m taking…” he didn’t finish what he was about to say. Nag-iwas din ito ng tingin.
She grinned and wiggled her brows at him. “Taking what, Kuya? May hindi k aba sinasabi sa akin?” pang-aasar niya dito.
He sighed and stood up. “Get off my back, Chantal. And go attend your classes.”
Tumayo na din siya at ngumiti ng nakakaloko. Naglakad siya palapit sa hagdan. “You are hiding someone. And I am going to find out. Hahaha!” and with that mabilis siyang tumakbo sa taas. She could hear her brother calling her name and running after her. “Tumahimik ka Kuya at baka magising ang bisita mo!” sigaw niya ditong kaagad nitong sinunod. Now, she’s really curious who her brother brought.
Pumasok siya sa kwartong sinabi ni Manang kanina sa telepono at mabilis na ini-lock iyon. “Don’t knock, Kuya. Magigising siya, sige ka.” Asar niya dito.
She heared him cursed. “Open the damn door, Chantal.”
Umiling siya habang ang atensyon ay nasa pigura ng babaeng mahimbing na natutulog. “Na-uh!”
“Manang! The keys!”
Natawa nalag siya. She’s never seen her brother act like this. It’s entertaining! “Nasa akin ang mga susi, Kuya.” Saka niya ginalaw ang mga iyon para marinig ng kapatid.
“You, little… Open this up, Chantal!”
She can’t really help but laugh quietly. Nai-imagine niya kasi ang mukha ng kapatid na naiinis na. “Later, brother mine. Shush ka muna diyan. I’ll be out in no time.”
She heard his protests pero hindi niya na pinansin. She walked towards the bed and smiled nang mapagsino ang babae. Vice-president Eira Chen. She knows she is special to her brother. Ngayon lang kasi naging attentive ang kapatid niya sa ibang babae. At napapansin niya din na palangiti na ito sa school. And she does like her for her brother. Bet niya ang dalawa para sa isa’t isa.
Sinipat niya ang noo nito. “Now I see why my brother is absent. Get well soon, Ate Eira.” She grinned as an idea strucked her.
Naglakad siya pabalik sa pinto at binuksan iyon. She tried to suppress a laugh as she saw her brother looking oh-so-grumpy. Inabot niya kay manang ang mga susi. Nasa tabi ito ng kapatid at may dalang bimpo, Kool aid, at maliit na basin na may lamang tubig.
“What did you do?” tanong ng kapatid while glancing at Eira.
She smiled and went out. “Nothing. I like her for you, brother. So, if I were you, you should start courting her. Sige ka, baka maunahan ka ng iba diyan.” Biro niya dito.
He glared at her. “Shut up. Just… just go to your room and rest.” He said with a sigh.
She kissed her brother’s cheek. “Good luck on wooing her, Kuya!”
Ginulo nito ang buhok niya. “Get off my back, will ya?”
Binelatan niya lan ito bago iniwan at pumasok sa kwarto para magpahinga. This will be fun!