Chapter Five

1991 Words
Chapter Five                     Little by Little     MAGAAN ANG PAKIRAMDAM NI EIRA HABANG NAGLALAKAD SIYA SA HALLWAY PAPUNTANG SC OFFICE. Alam niyang mabilis niya lang napatawad si Arjh. Pero, wala eh, ganon siya. He may have hurted her, pero kung ito naman ang paraan nito para bumawi, well, he is forgiven. Ang ikinakagalit niya lang naman talaga ng malaki ay yung tungkol sa old library. Ang akala niya kasi ay mawawala na ng tuluyan ang building na iyon. What about the girl? Napatigil siya sa paglalakad. Oo na pala, ‘that girl’. Nagselos lang naman siya. Bakit nagagawa nitong ngumiti sa isang taong ngayon lang nito nakilala, samantalang siya? Umiling siya’t huminga ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Saka niya na iisipin iyon. Ang mahalaga sa ngayon ay masaya siyang hindi gigibain ang lumang aklatan. She was outside the office, standing still, contemplating whether she should get in or not. Parang tangang nakatitig lang siya sa doorknob. Anong sasabihin niya? She was biting her thumb. Ganon siya kapag hindi mapakali, kinakabahan o malalim ang iniisip. Hindi niya alam kung saan magsisimula sa sasabihin. Knowing Arjh, ano kaya ang sasabihin nito pabalik? Argh! Bahala na! Inabot niya ang seradura at pinihit iyon. Pagbukas niya nang pinto ay siya namang pagpihit ng seradura mula sa loob. When she saw his face ay napayakap siya agad dito. Naramdaman niya pa ang paninigas nito. Nagulat marahil dahil sa ginawa niya. He didn’t push her so she tightened her hug on him. “Thank you! Thank you! Thank you!” paulit ulit na usal niya dito. Hindi ito umimik at hinayaan lang siyang nakayakap dito. Nang sa tingin niya ay napasobra na ang yakap niya dito—nakatsansing din, err, narinig nalang niya ang paglapat ng pinto. Napalayo siya dito ng konti but only for a matter of second nang maramdaman niya ang mga kamay nitong humila sa kanya pabalik para sa isang yakap. Ramdam niya ang pagbilis nang t***k ng puso at pamumula ng mukha. Arjh… Arjhun is h-hugging her! Napalunok siya. OMG! Hindi ba siya nanaginip lang? kinurot niya ang sariling braso at impit na napatili nang maramdaman ang sakit. Ibig sabihin ay totoong nangyayari iyon. Nakayakap si Arjh sa kanya. Napangisi siya ng palihim. Iyon na ang pangalawang beses na niyakap siya ni Arjh at sa parehong lugar pa. Diyos ko po! Eto na po ba ang sign na hinihingi niya? Nagbunga na ba ang mga effort at pagpapapansin na ginagawa niya? Napatigil siya sa iniisip nang marinig ang mahihinang katok. Kaagad na lumayo siya dito nang marinig ulit ang katok. Ni hindi niya ito magawang tingnan sa mga mata dahil bigla siyang tinamaan ng hiya. “Uhm, a—ahh, a-ako na ang magbubukas.” Saad niya’t tinalikuran ito. She heard him walk, probably back to his table while she calmed herself before she opened the door. Napakunot noo pa siya nang makita ang apat na lalaking nakangisi ng malapad “Ahh, pasok kayo.” Pag-aaya niya sa mga ito. Baka kasi si Arjhun ang hinahanap kaya nandoon. Sila lang naman ang barkada ni Arjh. Pero nagulat siya nang biglang may inilabas itong tig-iisang bouquet ng bulaklak. Yung kay Vin ay red roses tapos may card na letter ‘R’ ang nakasulat. Si Micco ay may yellow roses and letter ‘R’; Zeke with white roses and letter ‘O’; tapos ang huli ay si Corby with pink roses and another letter ‘S’. Naguguluhang tiningnan niya ang mga ito. Rros? Grabeng ganda niya naman kung liligawan siya nang apat na ito. Pero imposible iyon lalo na at alam niyang nanliligaw si Vin kay Cailey. “Para saan ang mga iyan? At saka, anong ‘RROS’?” taking tanong niya sa mga ito. Tumingin ang mga ito sa mga dala, “Tangeks! Baliktad tayo! Sabi na kasing dito ka sa unahan Vin eh!” reklamo ni Vin na binatukan pa ang huli. Sinamaan ito ng tingin ni Vin. “Ba’t ka nambabatok? Si Corby ang may sala. Sinabi ko ng diyan ako pero hinigit niya ako dito!” Bumaling ang mga ito kay Corby. “Oh, chill! Sa gusto ko eh—aray!” daing nito nang batukan ng tatlong kaibigan. Nakangising bumaling si Micco sa kanya. “Napag-utusan lang.” sagot nito sabay abot nang mga bulaklak sa kanya. “Kulang  pa ‘yan.” May sinipat ito sa loob bago siya ulit binalingan. “We better get going. Bye, VP!” “Bye, Eira!” malokong paalam nina Corby at Zeke saka isinara ang pinto. Nanatili siyang nakatayo doon at nakaharap sa pinto, hawak ang mga bulaklak. Shet! Ayaw niyang lumingon! Baka kasi paglingon niya… Waaah! Ewan! Baka kasi sumabog na yung puso niya sa kilig eh. Pero magmumukha siyang tanga doon kung nakaharap lang siya sa pinto. Kailangan niya talagang lumingon. Huminga siya nang malalim ng ilang beses saka dahan-dahang lumingon. Unfortunately, isang bugkos ng bulaklak ang tumama sa mukha niya. Yeah, sa mukha niya talaga. Straight to the face men! Inis na pinalis niya ito sa mukha pero agad din namang napatigil nang mapansin ang bulaklak na hawak nito. It’s a bouquet of green roses na may letrang ‘Y’ sa gitna. She looked at him and found him staring at her. Napalunok tuloy siya nang wala sa oras dahil sa matiim na titig nito. “Sorry.” He muttered while giving her the flower. Pwede na bang himatayin? Hindi niya tuloy magawang umimik dahil feeling niya pipiyok ang boses niya at hindi niya mapigilang tuluyang sumigaw. Inabot niya ang bulaklak at tumikhim. “S-Salamat.” Anong sasabihin niya? Ang awkward na at ang tahimik ng paligid! She had to think of owhat to talk pero naunahan siya nito. “I—There are folders on your table, I want you to look at them. I’ll have you assigned for the drama club’s upcoming activity. Make sure to cooperate with their club chairman.” Anitong balik normal na naman. Normal like—cold-poker-faced. Tinanguan niya ito. “Excuse me.” Bago siya nito tuluyang malampasan at makalabas ay niyakap niya ito mula sa likuran, with all the flowers in her arms. “Thank you, Arjh.” Days came like a blur. Simula noong humingi nang tawad si Arjh ay may ilang pagbabago siyang napansin dito. He’s not too annoying; he smiles at her often. Kung dati ay nabibilang niya lang ang pagngiti nito sa isang buwan eh ngayon halos araw-araw ng ngumingiti sa kanya. He’s also quite sensitive when they’re together. Tapos noong nakaraan lang din nalaman niyang half-sister pala ni Arjhun si Chantal! And she felt relieved knowing that. Nagkagulo kasi silang magbarkada nang ma-misunderstand ni Micco yung nakita niya between Arjhun and his sister. Pero agad din naman iyong nabulaanan that day. All questions are now patched up and everything’s in place. Hopefully, tuloy-tuloy na iyon. Eira was walking around the corner, her eyes on the book she was carrying kaya hindi niya napansin ang kasalubong kaya’t bumangga siya dito. Mabuti nalang at maagap ito at napigilan ang pagbagsak niya. “T-Thanks!” Ngumisi ito. “Glad I caught you just on time, VP.” “Sorry. Ikaw pala yung nabunggo ko, Marco.” Hinging paumanhin niya nang mapagsino ang nabunggo. Si marco, iyong nakausap niya noong nakaraan sa filed. “It’s alright. Papunta ka ba ng canteen? Tara! Libre ko.” Nakangiting pahayag nito. Sasagot na ssan siya when someone interrupted them from behind. “You can let go of her now.” Mariin na saad ni Arjhun na madilim ang mukhang nakatingin sa kamay ni Marco na nakaikot sa bewang niya. Dali-dali siyang lumayo kay Marco. Hindi niya napansin iyon. Hindi tuloy siya makatingin kay Arjh. Pakiramdam niya tuloy may mali siyang nagawa. Tsk! She bit her lower lip in frustration. “Sorry.” Hinging paumanhin ni Marco. She gave her a tight smile. Tinulungan lang naman siya nito. “It’s alridght.” “Sige po, Pres. Sa canteen po muna kami.” Marco. Sasama naman talaga siya dito dahil medyo gutom na din siya at kailangan niya na talagang kumain. Tapos ililibre pa siya ni Marco. Eh siya pa naman yung mahilig at hindi tumatanggi sa libre. “We need to talk, Eira. Privately.” Walang kangiti-ngiting pahayag ni Arjh. She pouted. “Recess pa, Arjh. Mamaya nalang pwede? Or sa canteen nalang natin pag-usapan iyan. Gutom na talaga ako.” But his figure remained stoic. “Now.” “Umm, next time nalang kita ililibre, VP. Mukhang importante ang kailangan ni Pres sa’yo. Mauna na ako sa inyo. Bye, Eira. Sige po, Pres.” Paalam ni Marco’t lumakad palayo. Inis na tiningnan niya si Arjhun. Gutom siya’t nawala pa yung libre niya. Tsk! “Oh, ano? Akala ko ba may sasabihin kang importante? Tara na sa office! Kainis ka!” nauna siyang lumakad dito habang umiling lang ito atr sumunod sa kanya. Nanghahaba pa rin ang nguso niya nang makarating sa harap ng SC office. “Do you still want that guy to join you? Then go!” may inis na saad nito na hindi nakatingin sa kanya. Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito at parang tumaan ang lahat ng dugo niya sa ulo. “Anak ng letcheflan! Pinalakad mo pa ako hanggang ditto sa opisina tapos sasabihin mong bumalik ulit ako sa baba? Ano ‘to, lokohan? Tss! Ang moody mo! Hindi na ako bababa, nawalan na ako ng gana!” padabog na binuksan niya ang pinto at pabagsak na isinara iyon sa tapat ng mukha ni Arjh. Manigas ka! Kahit na patay na patay ako sa’yo ay nakakainis ka parin! Tsk! Ngunit sa paglingon niya sa loob ay siya din namang paglaki ng mga mata niya. Is she seeing things right? Narinig niya ang pag-click at pagbukas ng pinto pero hindi na siya nag-abalang lumingon. Kilala na naman niya kung sino iyon. “So, do you like it?” tanong nitong nakatayo sa tabi niya. Dahan-dahan at namumulang tumango siya dito. Sa loob kasi ng office ay may nakahandang pagkain sa mesa niya. And the foods were so mouth-watering. Nakakagutom! “Umm, ikaw ang may handa nito?” she glanced over her shoulders to see him shrugging. Lumapit ito sa mesa at hinila ang isang upuan at inilipat sa mesa niya. Nagulat pa siya nang maupo ito doon at nagsimulang iayos ang mga pagkain. He then looked at her and asked, “What? Are you just going to stand there?” pero nanatili lang siyang nakatayo doon, dazed of what was happening. “I’m telling you to eat with me.” Oh my God! Kinikilig ako! Kaya ba nagalit si Arjh kanina kasi akala niya sa canteen ako kakain? At ito ba yung sinasabi niyang ‘talk privately’? Aahhh! Naupo siya sa bakanteng silya at sinimulan naman nitong lagyan ng sandwich at kung anu-ano pang prutas at pagkain ang plato niya. He even prepared a glass of juice for her. Why is he being so attentive? Kinikilig tuloy siya. Para siyang prinsesang pinagsisilbihan ng prinsipe niya. “From now on, you’ll eat here in the office.” He stared at her deeply. “From now on, you’ll eat here, with me. Let me take care of the foods.” Siya naman ay hindi tuluyang makapaniwala sa sinabi nito. Kahit na siya ang bahala sa pagkain at hindi ito ay papaya pa rin siya. Sino siya para tanggihang makasabay sa pagkain si Arjh? She waited for this and now that it’s handed to her on a silver platter ay tatanggihan niya? Hell no! “Did you hear me, Eira?” Hindi niya mahanap ang lakas na sumagot dahil baka madulas siya at kung ano ang masabi kaya tumango nalang siya dito bilang sagot. He gave her a smile, “Good. Now, eat.” Saad nito na iniunang ang chicken sandwich sa kanya. Namumulang kumagat naman siya dito. “K-Kaya ko na.” Lord God! Maraming salamat po sa pagkakataong ito! Kyaaaaaaaaah!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD