Chapter Four Resolve * Forgiven
EIRA STEPPED OUT OF THE TAXI AFTER PAYING HER FARE. Medyo malaki din ang ibinayad niya pero bahala na. she needed to be there. She stared at the house. It has been so long since she was there and it brings back so many memories. Her first home. She got her keys and pushed the gate open. Malinis ang lawn at hardin ng bahay. Her mother sees to it that the house is well taken cared of. Yes, nandito siya sa lumang bahay nila. Doon niya naisipang pumunta pagkatapos ng nangyari sa paaralan.
“Eira? Ikaw ba iyan, anak?”
She turned to see who called her. Si Nanay Lydia, ang care taker ng bahay nila. Nginitian niya ang ginang at lumapit dito saka nagmano. “Hello, nay.”
Nanlaki ang mga mata nito at mahigpit siyang niyakap, “Ikaw nga! Kamusta ka na, anak? Bakit ka napunta dito? May kailangan ka ba? Naku! Ang ganda-ganda mo na, anak. Dalagang dalaga ka na talaga.” saad nito.
She chuckled, “Eto talagang si Nay Lydia oh, ang bolero talaga. Haha! Wala, nay. Naisipan ko lang po talagang dumalaw. Medyo matagal na din po akong hindi nagawi dito. Kamusta na po kayo?”
Sinipat muna siya nito bago nagsalita. “Maayos naman kami, anak.” Saglit itong tumigil saka siya tinitigan ng matiim. “May problema ka ba? Kilala kita, kaya wag mong subukang magsinungaling sa akin.”
Ngumiti siya ng malungkot dito. “May kaunting problema lang po. Mawawala din po ito.”
Ginulo nito ang buhok niya, “Kung ano man yan ay alam kong kaya mo iyan, anak. Matatag ka eh.” Biro nito.
She grinned at her positivity and trust for her. “Oo naman po, nay!” sabi niyang sumaludo dito.
“Oh, siya sige. Pumasok na tayo sa loob at ng makapagkwentuhan naman tayo.” Saka siya nito inakay papasok ng bahay.
Masaya siyang makakwentuhan ang ginang. Dati na talagang malapit ang loob niya sa matanda. Ito kasi ang kinukuha ng mommy niya bilang yaya kapag may importante itong lakad. The old woman had grown so fond of her gaya ng pagkagiliw niya dito.
Matapos ang mahabang kwentuhan ay naisipan niyang magpahinga muna. Alas tres pa din kasi ng hapon. Nagpaalam din si nay Lydia dahil may aasikasuhin pa ito sa bahay nito. Babalik lang daw ito mamaya para ipaghanda siya ng pagkain. Binigyan niya ito ng pera pambili ng pagkain pero umayaw ito. Nakailang pilit pa siya bago niya ito napapayag. Pinaalalahanan pa siya nitong tawagan ang tiyahin niya at ipaalam na nandoon siya ng oras na iyon para hindi mag-alala.
She looked around her old room. Gaya pa rin iyon ng dati at walang ipinagbago. She touched her study table and smiled. Nanay Lydia did a good job in maintaining the house clean. Malinis at organisado. She settled at her bed. Kakapalit niya lang ng bagong bed sheet, punda at kumot para makapagpahinga. Inalis niya ang suot na sapatos at nahiga.
Memories of what happened earlier flashed in her mind. Nasaktan siya ulit sa naalala. She covered her eyes with her arm as her tears began to flow. Ngayon lang siya nakaramdam nang ganoon at hindi niya alam ang gagawin. She took her phone and scanned her contacts. Kakaunti lang ang laman ng contacts niya. She was about to call Tita Merdel to tell her where she currently was pero baka mag-alala pa iyon. Class hours pa at nasisiguro niyang mag-aalala iyon dahil ngayon lang siya nag skip ng klase. Ayaw niyang bigyan ng dagdag alalahanin ang tiyahin. Mamaya nalang siya tatawag.
EJ. She stared at her number. Baka busy pa ang isang iyon. Saka nalang. She ended up scanning her playlist and played a song to help her drift off to sleep.
NAGISING siya mula sa ingay ng cellphone. She tried to cover her ears but then realized it was a call. Nagmamadaling siniagot niya ang tawag nang makita ang pangalan ng tiyahin. Napapalatak siya nang makita kung anong oras na. It was already seven in the evening. “Tita…”
“Eira! Good Lord! Where are you?” halata sa boses nito ang pag-aalala.
She bit her lower lip in frustration. Pinag-alala niya na naman ang tiyahin. “N-Nasa dating bahay po ako. I’m sorry hindi po ako nakapagpaalam. Nakatulog po ako kaagad pagdating ko dito. I’m sorry I worried you again, Tita.” Hinging paumanhin niya dito.
She heard a long silence, then a sigh, “Hija, this is getting out of hand. Last week you also had me worried. I am your guardian and it is my responsibility to look after you. Paano nalang kung may masamang nangyari sa iyo?” huminga ito ng malalim. “I’m sorry. It’s just… this is just new to me. You being like this. Is there something wrong?”
“Nothing I can’t handle, Tita. I promise this won’t happen again.”
“I know there is something wrong, Eira. Although I want to hear it, I don’t want to talk about it over the phone. We will talk tomorrow. Stay there. It’s already late for you to travel alone. Nandiyan ba si Nanay Lydia?”
“Wala pa po. Nasa kabilang bahay pa.” magkapit bahay lang kasi sila ng ginang.
“Sige. Tatawagan ko nalang siya. Mag-iingat ka diyan.”
“Opo.”
“Kumain ka na ba?”
“Si Nay Lydia na daw po ang bahala sa pagkain ko.” Paliwanag niya.
“Good. Eat up and don’t starve yourself. Get a good sleep. Umuwi ka ng maaga bukas. You still have classes tomorrow. Tatawagan nalang kita ulit kapag nakausap ko na si Nanay Lydia.”
“Understood, Tita. I’ll see you tomorrow.”
“By the way, may naghahanap sa iyo kanina. He said he is Arjhun’s secretary. Why is he looking for you?” nagtatakang tanong nito.
“A-Ahh, baka po may kailangan lang. Alam niyo na, presidente iyon ng council naming at bise naman ako. T-Tatawagan ko nalang po siya, Tita. Sige po at pupuntahan ko po muna si Nanay Lydia.” Nagpaalam siya dito saka pinatay ang tawag. She sighed heavily. Why would he look for her? Guilty of what he did? Psh! She heard a knock from downstairs kaya bumaba na siya.
Nagdala ng hapunan si Nanay Lydia. Nakapag-usap na din ito at ang tiyahin niya habang kumakain siya. Nang matapos ang hapunan ay nagbihis siya ng pambahay na ipinahiram ni Nanay Lydia mula sa apo nitong babae. May ilang damit naman siyang iniwan doon pero ang t-shirt lang na malaki ang pwede niya pang isuot. Sa sala na din muna siya tumambay at nakipagkwentuhan sa ginang.
“Dito ka na magpalipas ng gabi. Sasamahan ka nalang namin ng mga apo ko para sa ikakampante na rin ng tiyahin mo.” Anitong inabot sa kanya ang cellphone matapos makausap si Tita Merdel.
Napaayos siya nang upo. “Naku, nay! Baka po malaking abala iyon sa inyo. Ayos lang po sa aking mag-isa dito. Kaya ko naman po at nasa malapit lang din naman po kayo.”
Ginagap nito ang kamay niya at ngumiti. “Hindi ka kailan man abala sa amin, hija. Isa pa, hindi din ako mapapanatag kung mag-isa ka lang dito. Mabuti na iyong nandito kami para masiguro kong maayos ka.”
Tumango nalang siya’t hindi na nagpumilit. “Salamat po.” Nagkwentuhan pa sila doon bago siya umakyat sa kwarto para magpahinga. Sa isang guest room naman natulog si Nay Lydia kasama ang mga apo niyang sina Lyn at Mak na kasing edad niya din.
She was already in bed pero hindi parin siya dinadalaw ng antok. Namamahay siguro. Tumayo siya at lumapit sa bintana saka hinawi ang kurtina at tumanaw sa kalangitan. The sky was so clear, maraming bituin at napakaganda ng buwan. Nang mapatingin sa daan ay isang kotse ang nakaagaw ng atensyon niya. Mamahalin ang sasakyan na iyon. Nakapagtatakang nandoon ito naka-park sa labas at hindi sa garahe ng kung sino mang may-ari. Baka mapagtripan pa iyon o ma-carnap. She shrugged her shoulders. Hindi niya na iyon problema. Hinawi niya pasara ang kurtina at bumalik sa kama para matulog.
NIYAKAP ni Eira si Nanay Lydia nang paalis na siya kinabukasan. “Maraming Salamat po, nay. Hayaan niyo po at dadalaw-dalawin ko kayo dito kapag may oras ako.” Maaga siyang gumising nang araw na iyon dahil uuwi pa siya sa bahay ng tiyahin bago pumasok sa paaralan.
“Walang anuman iyon, anak. Mag-iingat ka sa byahe.”
Nakangiting tumango siya dito, “Opo. Mag-iingat din po kayo palagi.” Yumakap siya dito at nagmano saka pumara ng taxi. “Bye, manang!” paalam niya saka sumakay.
Safe naman siyang nakarating sa subdivision na tinitirhan nila ng tiyahin. Nakita niya pang nakaabang na ito sa laba ng bahay. Nahihiya tuloy siya dahil masyado niya itong pinag-alala. “T—Tita.” Tawag niya nang makalapit dito.
“Thank God you’re alright.” Anas nitong mahigpit na nakayakap sa kanya.
Eira hugged her back. “I’m sorry po kung pinag-alala ko kayo. I’m really sorry.” Naiiyak na saad niya dito.
She felt her caressed her back. “Shh. Pumasok na tayo sa loob at may pasok ka pa.”
Tinanguan niya ito at sabay silang pumasok sa loob. Pinagpahinga muna siya ng tiyahin sa taas at pinaalalahanan na maghanda para pumasok mamaya. Kaya nagtaka pa ito nang makababa siya at hindi pa bihis para pumasok. “Hindi ka papasok?” tanong nito habang naghahain ng pagkain sa mesa.
Nilapitan niya ito at tinulungan, “A-absent po muna ako ngayon kung pwede po. Gusto ko lang pong magpahinga kahit ngayong araw lang.” pagpapaalam niya. Sa tingin niya kasi ay hindi niya pa kayang harapin si Arjhun dahil sa nangyari kahapon.
Umupo ito kaya naupo din siya sa tapat nito. “Anong problema, Eira? May hindi ba magandang nangyari sa school niyo? Tell me.”
Yumuko siya. “Wala naman po, Tita. M-masyado ko lang po atang namimiss sina Mom, Dad at ang kapatid ko.” She wasn’t entirely lying. Talagang namimiss niya ng sobra ang pamilya.
Pinakatitigan siya nito na waring alam na hindi iyon ang lahat ng rason kung bakit hindi siya papasok. “Alright. Magpahinga ka muna ngayong araw.” Ngumiti ito. “You call them, Ei. Namimiss ka n ani Giu.” Tukoy nito sa nakababatang kapatid niya.
Napangiti nalang din siya. Giu is her little brother. Sa Canada na ito ipinanganak. Medyo malayo nga lang ang age gap nilang magkapatid. She’s already seventeen tapos si Giu naman ay tatlong taong gulang. Ipinanganak ito ng mommy niya sa edad na kwarenta kaya para itong menopausal baby ng mommy. Hindi pa sila nagkikita ng personal ng kapatid pero palagi silang nagvi-video call. Tatawagan niya ang mga ito. Mukhang ang kapatid lang ang magpapagaan ng nararamdaman niya ngayon.
IT HAS BEEN three days since the incident happened. Lunes ngayon at kinakabahan siyang pumasok sa campus. Baka kasi pagpasok niya ay wala na yung building. She breathed in deeply and went in. Nakita niya si Kuya Nard kaya binati niya ito.
“Kumusta ka na, hija?” tanong nito.
Naalala niyang nakita pala siya nitong tumatakbo noong paalis siya ng school. Nginitian niya ito ng tipid. “Maayos naman po, Kuya. Pasensya na pala nung nakaraan.” Dahil hindi niya pinansin ang pagpigil nito sa kanya.
Umiling ito. “Ayos lang, hija. Pero kung may problema ka sa susunod ay mas makakabuting humanap ka ng makakausap o makikinig sa’yo. Hindi mo dapat tinatakbuhan ang problema. Kung nahihiya kang lumapit sa guidance counselor ay pwede mo akong makausap para naman hindi mabigat sa dinadala mo.”
“Tatandaan ko po iyan. Salamat, Kuya.” Nagtatakang napatingin siya sa mga estudyanteng naglalakad papunta sa kabilang direksyon ng main building. Napakunot noo siya. “Ano pong meron?”
“Ahh. Narinig kong may mga engineer ata na magsusuri sa isang building ngayon. Yung lumang aklatan? Hindi ko alam kung bakit eh. Basta may dala silang mga gamit. Ang sabi ay kahapon, Linggo, dumating ang mga iyon.”
Her heartbeat raced at his news. Nagpaalam siya dito at nagmamadaling tumakbo papunta sa direksyon ng lumang aklatan. Nakita niya ang pagkukumpulan ng ilang estudyante doon. “Excuse me.” Saad niya at pilit sumiksik sa harapan para makita kung ano ang nangyayari. Nakita niya ang ilang construction worker at may ilang heavy equipments din. May yellow line doon na bawal silang lumapit sa building. Nagpalingon-lingon siya at nakita ang dalawang lalaki na nag-uusap. Mukhang iyon ang mga engineer na in charge doon.
“Excuse me.” Saad niya nang makalapit sa mga ito. “Good morning po. Gigibain niyo po ba ang lumang building na iyan?” kinakabahang tanong niya.
Ngumiti ang mga ito. “Hindi, hija. Sinusuri lang namin for security and safety purposes. Aayusin lang namin ang building na iyan. We were told to preserve it. Matibay pa naman ang kabuuan ng aklatan kaya tatagal pa iyan ng ilang taon. Kailangan lang naming makasiguro. Sige, we still have a lot of work to do.” Saka ito umalis sa harapan niya leaving her stunned.
H-Hindi gigibain ang aklatan? Naramdaman niyang may humawak sa braso niya kaya napalingon siya dito. “Ca-Cailey…” napayakap siya dito at naluluha. “H-Hindi sisirain ang building. Hindi nila sisirain.” Naiiyak na saad niya. Sobrang saya niya. Isa lang ang ibig sabihin non. Wala namang iba na kayang kumausap at bumago sa desisyon ng headmaster kundi iisang tao lang.
Lumayo siya sa pagyakap kay Cailey at nagpunas ng luha. “W-Where is he?” tanong niya sa kaibigan.
Ngumiti ito. “Nasa SC office.”
She just nodded at her at mabilis na naglakad palayo sa lugar na iyon at papunta sa office. Nawala lahat ng pangamba, galit at sakit na nararamdaman niya. Napangiti siya. Kailangan niya itong makausap.
She needs to talk to him. She needs to thank him.