EmbraceOfAnxiety
Author
Pagkatapos ko mag tipa sa notes ko, nag reply agad ako kay Paulo. Gusto ko din naman mag thank you sakaniya. Me with my lola is happy, pero nung nakasama namin siya? naging mas happy. Nakita ko din kasing naaliw si lola sakaniya and that is the most important thing that Paulo did. Even epic yung pangyayari pero diba nakakataba ng puso pag nagkasundo yung kaibigan at family mo?
"Thank you din. My lola adores you so much. Hindi niya alam bago palang tayong magkakilala"
Reply ko naman sakaniya. My lola adores him so much because of his respect and kindness.
"Tell her thank you :) Pero diba at least we are now friends, as you said earlier to your lola"
Actually tama siya, it came from my mouth na we're friends. Well hindi din naman ako tatanggi, mabait naman siya at gentlemen. Dun palang mukhang naka jackpot na ko sa kaibigan. At least for now, hindi lang si Fredelyn ang masasabihan ko ng problem ko.
"Im happy to become your friend :)"
Masaya ako na magkaroon ng bagong kaibigan. Hindi yung saya na 'masaya lang kasi gwapo yung kaibigan mo' plus point nalang yon peri masaya ako kasi may bago nanaman akong makaka bonding.
"Me too, I'm very happy"
After niya mag reply, nag react nalang ako kasi hindi ko na din alam ang sasabihin sakaniya. Baka kasi makaabala din ako kasi sabi niya nga, papasok palang siya sa work niya. Ayoko naman siyang chikahin ng chikahin, baka sabihin naman niya ay masyado akong chikadora.
Kinuha ko agad yung laptop ko at nag plano na manuod ng series. Maaga pa naman kaya mag su-surf muna ko sa Netflix. Mamaya kasi ay hindi na ako makakapanood dahil aalis kami ni Fredelyn. Kakain kami sa isang samgupsal resto. Tingin ko nga ay medyo gagabihin pa ako ng uwi dahil sigurado na pagkatapos namin kumain ay pupunta pa kami sa tiyangge o sa bilihan ng mga murang damit sa palengke.
Marami kasing bilihan ng damit dito sa Baliuag. Bagsak presyo pa karamihan ang mga damit dito kaya naman madalas kami namimili ng frenny ko. Lalo na pag fiesta, halos ipamigay nalang nila ang mga tinda nilang damit sa sobrang mura. Pagalingan nalang talaga na pumili ng mga damit.
***********
"Oo fren, malapit na ko, nandito na ko sa gasoline station, nakasakay na ko sa tricycle" wika ko habang kausap ko si Fredelyn sa kabilang linya. Nandon na daw kasi siya sa place na pinag usapan namin.
Buti nalang at tapos na ko sa mga gawain ko sa trabaho. Kasi kung hindi, siguro hindi ko nagagawang magliwaliw ngayon dahil sobrang nakaka stress talaga ang maging isang guro. Maliit naman ang sahod. Charot.
Linggo ngayon kaya hindi ako na traffic. kadalasan kasi, pag ganitong oras ay hindi ka talaga makakapasok sa lugar na ito dahil medyo looban din. Malapit kasi ito sa isang sikat na University dito sa Baliuag at talagang maraming students ang naglilisawan dito pag weekdays.
"Ang tagal mo fren ah, ten minutes na kong nandito" reklamo saakin ni Fredelyn.
" Wow ha, ngayon lang ako na late fren, wag kang ano diyan" biro ko naman sakaniya. Kadalasan kasi pag umaalis kaming magkaibigan, laging ako ang nauuna sakaniya dahil kung hindi siya late gumising, ay naliligo palang siya tapos sasabihin nuya on the way na siya. Galing, sobra.
Nagtawan nalang kaming dalawa at sabay na pumasok sa favorite naming mini-resto sa talat ng University ng Baliuag.
Humanap agad kami ng good spot table at agad naman kaming nakahanap. Inaantay lang namin na dumating ang crew para maka pili na kami ng order namin.
"Fren, shabu-shabu tayo ah" kalabit saakin ni Fredelyn. Medyo natawa ako kasi kung hindi ako sanay kumain sa mga ganito, ay mapag iisipan ko siya ng masama.
"Ay fren, ipapatokhang kita. Masama yan" biro ko naman sakaniya habang naka seryoso ang mukha para pak na pak ang pambubuwisit ko sakaniya.
"Gaga, yung hot-pot yung sinasabi ko sayo, shunga. Anong patokhang? sa ating dalawa ikaw yung mukhang adik. Adik, pretty version ganon" biro oa niya kaya tumawa ulut kaming dalawa. Medyo napa lakas ata ang pagtawa namin dahil napansin naming may ilabg nagtinginan saamin.
Dumating na ang crew na kukuha sa order namin. Umorder kami ng unli samgyupsal na good for two hours for two person at hot-pot shabu-shabu. Kinuha na nung crew ang bayad namin at agad din siyang umalis.
"Na miss ko din mag samgyupsal. Antagal na din kasi natin hindi kumakain dito eh. Masyado tayo naging busy" seryoso na salita ni Fredelyn. Actually madalas kami kumain dito sa mini-resto na ito ng samgyupsal kaya lang, medyo naging busy kami sa work kaya ngayon lang naulit.
"Oo nga eh, grabe buti tapos na tayo sa paper works natin. Siguro ibang level ang Haggard nati ngayon kung di pa tayo tapos" segunda ko naman sakaniya. Kasi pag talaga exam season ay busy talaga ang mga tulad naming teacher.
Nagchikahan pa kami ni Fredelyn habang nag aantay sa order namin. Napagkwentuhan din namin yung about kay Paulo kung nakita ko ba siya kanina nung nag simba ako at sinabi ko ay hindi.
Hindi ko sinabi sakaniya na nakasabay namin ni lola kumain si Paulo. Baka kasi kung ano pa ang isipin nitong si Fredelyn. Kakakilala palang kasi talaga namin ni Paulo tapos may ganon na agad na ganap. Diba nakaka loka yon?
Dumating na ang order namin ni fren at mukhang mapapalaban nga kami ng bongga dahil mukhang masasarap ang mga pagkaing nasa harap namin.
May pork and beef na iluluto palang namin thru stove. Mayroon ding mga side dishes like potato balls, fish cake, tofu, togue, and chiken wings. Kakadating lang din ng fresh na lettuce na pinapartner sa pork and beef na sobramg sarap isawsaw sa mozzarella cheese.
Happy tummy talaga kaming dalawa dito. Mukhang malulugi saamin ang mini-resto na to dahil two hours kaming lalamon ng unli dito. Magpapaka busog talaga kami ng bongga.
*********
"Ate magkano po dito?" tanong ko sa babaeng nagtitinda dito sa tiyangge.
"Seventy five nalang yan miss" sagot naman saakin ni ate. Nagandahan kasi ako dito sa nakita kong off shoulder jumpshort. Kulay puti ito at may design na itim na bulaklak.
Mahilig kasi ako sa mga gantong damit, yung presko lang at simple.
"Sige ate, kunin ko na 'to" Agad naman ibinalot ni ate na tindera yung order ko kaya agad ko din itong binayaran.
Pumunta ako sa kabilang store kung nasan si Fredelyn. Namimili naman siya ng dress. Paglapit ko ay agad siyang nagsalita.
"Fren, maganda ba to" tiningnan ko ang hawak niyang kulay pulang off shoulder dress na may mahabang design tela sa sleeve. Madalas ko to makita sa mga artista pag nasa beach sila.
"Oo fren ang ganda. Pag sinuot mo yan baka mag walkout si Bea Alonzo. Baka di niya kayanin ang ganda mo" biro ko naman sakaniya kaya medyo napa hagikgik pa siya. Agad niyang binili ito at binayaran sa tindera.
"Halika fren, dun naman tayo" agad akong hinila ni Fredelyn sa bilihan ng mga jeans. Well, may sense naman kung bibili ako ng jeans kasi napaka useful talaga ng jeans lalo na kapag hindi naman malaking okasyon ang pupuntahan mo.
Mayroong iba't-ibang kulay ng jeans na nandito, may faded, may dark and kung ano-ano pa. Naghanap agad ako nung himdi gaanong fit saakin kasi nahihirapan ako pag fit masyado yung jeans, hindi ako kumportable. Kagaya ngayon, Im just wearing a dark blue off shoulder, sandals, and a pants na hindi gaanong fitted.
Nakatapos na kaming mamili sa bilihan ng jeans kaya naglakad lakad pa kami ni Fredelyn.
Habang naglalakad, may na receive akong message sa Messenger ko. Naiwan ko palang naka bukas ang data ko.
Agad kong binasa ang message habang busy pa sa pag linga linga si Fredelyn.
Galing kay Paulo ang message.
"Jane? Can I ask you a favor? Pwede ba tayo magkita mamaya sa Patio?"
Ang weird naman. Seryoso ba siya?makikipag kita siya saakin mamaya sa Patio?
" I'll try, what hour?"
Nag reply ako sakaniya dahil nakita kong online naman siya kaya sure na makakapag reply siya.
"7:30pm, after last mass. But pag busy ka, okay lang, next time nalang"
Agad kong chineck ang oras sa cellphone ko at 6:00pm palang. Mukhang makakapunta naman ako. Pero bakit ba siya makikipag kita.
"No, Im not busy. Actually nandito lang din ako somewhere in bayan kaya mukhang makakadaan ako. Pero anong meron? Bakit gusto mo makipag kita, kanina lang kasama pa kita"
Reply ko naman sakaniya. Hindi ko na naiwasan mag tanong kasi medyo ang weird. Kasama ko lang siya kanina tapos makikipag kita siya sakin mamayang 7:30pm. Gaano ba kaimportante yung sasabihin niya, kung may sasabihin 'man siya.
"May ibibigay lang ako sayo"
Reply naman niya agad. Alam kong makakaounta ako kaya ngayon palang habang nag tatype para replyan si Paulo ay nag iisip na ako ng ipapalusot dito kay Fredelyn.
"Okay :)"
Tipid na reply ko sakaniya. Hindi ko na tinanong kung ano yung ibibigay niya. Sure naman ako na di niya sasabihin. kasi ku g sasabihin niya, sana chinat nalang niya sakin diba?
"See you!"
"See you din"
******
Nag ikot-ikot pa kami ni Fredelyn dito sa tiyangge at sobrang dami niyang nabili samantalang ako ay hindi ganoon kadami dahil marami pa naman akong pamalit na damit pang alis.
7:20pm na ng gabi. Hindi ko parin alam ang ipapalusot ko kay Fredelyn. Balak ko kasi sabihin may dadaanan pa ko kaya mauna na siyang umuwi pero di ko alam paano sisimulan.
"Fren, nag text si mommy, nandon daw mga tita ko. Pinapauwi na ko. Tara na, uwi na tayo" wika ni Fredelyn kaya naman parang nagliwanag ang gabi. Mukhang mahal na mahal ako ng mga angel. Makakapag palusot na ko jusko.
"Ay fren, may dadaanan pa kasi ako. Ano kaya kung mauna ka na?" wika ko naman. Jusko sana naman pimayag si purat.
"Sure ka ba diyan fren?" paninigurado pa niya saakin. Mukhang papayag naman siya dahil mukha talaga siyang nagmamadali.
"Oo, im fine. Ingat ka nalang. Thank you, mhua" wika ko naman sabay yakap at beso sakaniya.
Wala na siyang nagawa at sumakay na siya sa Jeep pauwi sakanila. Sinabi pa niya saakin na mag chat ako sakaniya pag naka uwi na ako at mag iingat daw ako. Tumango nalang ako sakaniya at ngumiti. Buti nalang talaga may kaibigan akong kagaya ni Fredelyn. She always assuring na okay ako pag aalis kami tas uuwi na ako lang mag isa.
Pagka-layo ng jeep ay agad kong kinuha yung cellphone ko para icheck ang oras at para na din icheck kung may chat ba si Paulo saakin at hindi naman ako nagkamali.
"Nandito na ako sa Patio"
Agad naman akong nag tipa para ipalam sakaniya na papunta na din ako. Nandito pa kasi ako sa sakayan ng jeep kung saan sumakay si Fredelyn. Hindi naman kalayuan ang simbahan mula dito dahil halos nakapaikoyt lang ito sa simbahan kung nasaan ang Patio, kung nasaan si Paulo.
"Going"
Yan nalang ang tanging nareply ko dahil ayoko siya mag antay doon. Nakakahiya.
"Ingat"
Hindi ko na nagawang mag reply sa last message niya at pumunta na agad ako sa kinaroroonan niya.
Pag pasok ko sa entrada ng simbahan, nakakita ako ng lalaking naka suot ng puting tshirt na naka black slacks at shoes. Naka bag din ito na sa tingin ko ay may purpose, hindi katulad ng iba na porma lang.
"Hi, kanina ka pa?" bungad kong tanong sakaniya. Naka upo siya sa stirs ng altar na kinaluluklikan ng imahen ng Birhen. Tinabihan ko na din siga dito dahil medyo pagod ako kasi kanina pa kamk lakad ng lakad ni Fredelyn. Weird lang, siya yung nag antay sakin, hindi kagaya nung sa teleserye na babae ang nag aantay. Chos.
"Uhm no, kakadating ko lang din" sagot naman niya sakin. Buti nalang at walang ganong tak ang nag aalay sa birhen. Kakatapos lang din kasi ng mass kaya medyo nag lisaw pa ang tao.
"So bakit mo nga pala ko pinapunta dito?" kaswal lang ang boses at pananakila ko. Kanina oa din kasi ako hindi mapakali, gusto ko malaman kung ano yung ibibigay niya. Malay mo bigyan ako ng kayamanan na nakabaon. Cheret.
"Wait, bago ko ibigay sayo. Samahan mo muna ko doon" wika niya sabay turo sa gilid ng simbahan. "Tara" tumayo siya at iniabang ang kamay niya saakin.
Sumunod naman ako at humawak sa kamay niya para mabilis akong maka tayo. In fairness, malambot kamay niya. Nahiya yung kamay kong pulo kalyo. Charot.
Patungo kami ngayon sa bilihan ng mga street foods at mga kakanin.
"Kain muna tayo, medyo nagugutom na ako eh" wika niya. Kita mo to, ang cute niya pag nagugutom. Bakit pag ako parang pinaglihi sa tiyanak na nag mamaktol? Ang unfair.
"Same, nakaka gutom nga. Mukhang masarap yung tokneneng" Tutusok na sana ako ngunit pinigilan ako ni Paulo.
"You know, ipabalot nalang natin. We much better to eat at Glorietta para may mauupuan tayo" wika niya. Mukhang magandang idea nga yon. Matagal-tagal na din akong hindi naka tambay sa glorietta since nung college ako. Although nasa tapat lang ito ng kinaroroonan namin, wala kasi akong time para tumambay pa doon.
"I agree" I pat his shoulder and we apir. "Ate apat po na tokneneng, and thirty pesos na fishball" wika ko at agad naman niluto ng babae ang order ko.
"Share nalang tayo sa tokneneng, i think hindi ko kauubos ang apat" bulong ko kay Paulo. He chuckled and agree with what i said.
"Ako na sa bibingka and drinks" kumindat siya saakin at nag agree din sakaniya. Pumunta na siya sa kabilang pwesto kung saan may nagtitunda ng mga kakanin at drinks.
Ang gaan talaga ng pakiramdam ko kay Paulo. Para kaming long time friend dahil sa mga kilos namin. At first place hindi ko akalaing magiging kaibigan ko siya.
"Tara na" anyaya niya saakin papunta sa glorietta. Hawak ko ngayon ang binili kong tokneneng at fishball na mayroong maanghang na sawsawan habang si Paulo naman ay dala dala niya ang bibingka at dalawang soft drinks na binili din niya kanina.
Tumawid na kami ng magkasabay papunta sa park at agad naghanap ng pwesto.
"Dito tayo Paulo, good spot dito" wika ko at agad naman sumunod sakin si Paulo. Nandito kami sa malapit sa fountain. May dalawang bench na magkaharap at isang lamesa sa pagitan nito kaya tamang-tama ang pwesto namin na ito plus ang ganda pa ng view dahil mula dito, maikita mo ng buo ang simbahan ng Baliuag na nag uumilaw sa ganda kapag gabi pati narin ang Town Tower Clock namin.
"Ang ganda talaga dito 'no? Ang relaxing" nagsaluta si Paulo habang inaayos ang mga binili naming pagkain. Tama siya, relaxing nga dito sa glorietta. Ang ganda din kasi ng ambiance na binibigay ng mga yellow light na naka install sa mga puno.
"Alam mo? Nung college ako, madalas ako nandito kahit mag isa lang ako. Lalo na kapag nag rereview ako, dito ako pumupunta. Hindi ako na bobother sa mga taong nagdadaan and nakakapag review ako ng maayos. This place makes me feel comfortable" kwento ko sakaniya. Glorietta park was my safe place before. After ng nakaka stress na exam ay madalas akong nandito para kahit papaano ay makapag bawas ako ng stress.
"Same as you, madalas din ako dito kasama yung mga college bestfriend ko. Pero ngayon na medyo busy na sila, ako nalang din madalas ang nandito kasi sa simbahan lang ang work ko" kwento din niya. "After ko mag serve, dito agad ang diretso ko. Kagaya ngayon, nag serve ako, i always go here to relax for at least a minute"
Nag serve pala siya kaya oala naka black slacks at white T-shirt lang siya.
"So pinapunta mo ko para samahan ka mag relax?" tinanong ko siya sarcastically para malaman lang ang reaksyon niya. Nakaita kong nabigla siya kaya tumawa ako. Ang cute kasi niya sa reaksyon niya. "Charot, eto naman hindi mabiro. So bakit mo nga ako pinapunta?" wika ko ulit habang kumakain ng tokneneng na binili ko kanina.
"May ibibigay nga kasi ako" wika niya habang tumatawa. Pinagtatawan niya ba ko? Siraulong 'to.
Nakita kong may kinukuha siya sa bag niya. Jusko baka kidnapper tong kasama ko tapos babarilin pala ako. Jusko iligtas mo ko. Cheret.
"Here" wika niya at may inilapag siya sa table na dalawang maliit na box. "Buksan mo" utos niya kaya kinuha ko muna yung isang maliit na kahon na tila lalagyanan ng kung anong alahas.
Isang bracelet. Isang rosary bracelet na kulay puti ang laman nito. Maganda at medyo makinang. Mukha din itong mamahalin.
"Bracelet. Nag bebenta ka ng bracelet?" tanong ko sakaniya. Baka kasi bebentahan niya lang ako ng bracelet eh mukha pa namang mamahalin. Wala akong pambili.
Natawa siya sa sinabi ko at nakita ko din siyang iiling-iling pa.
"No, para yan sa lola mo. Gift ko sakaniya. Malapit din kasi talaga ako sa mga lola and plus, lola mo siya diba? and you are my friend. So now, she is also my lola" kita ko mo 'to, aagawan pa ko sa lola. Mangaagaw ng lola ng may lola.
"Seryoso ka? Hindi pa nga kita kilala ng sobra eh. I just knew na Paulo ang name mo, and you work as accountant of the oarish and also a sakristan" wika ko. Ang lakas ng loob ko mag tanong ng ganoon sakaniya pero nandito din ako sa harapan niya, kasama siya kahit hindi ko pa siya lubos na kilala. Clown to clown conversation talaga.
He shrugged his shoulder and he looked at me directed to my eye while eating tokneneng.
"I don't know. Basta ang alam ko lang mgaan ang pakiramdam ko sayo" wika niya habang naka tingin oarin sa mga mata ko. Hindi ko din magawang alisin ang mga mata ko sakaniya. Ngayon ko lang napagmasdan ng ganitong katagal ang mukha niya. Sobrang kinis, matangos na ilong, makapal na kilay at magagandang mata. "Eh ikaw? Bakit ka pumayag na makipag kita sakin. Diba hindi mo pa ako gaanong kilala?" tanong niya pabalik saakin.
"Well, the feeling is mutual" tanging sagot ko nalamang at nag tawanan na ulit kami parehas.
Iniabot naman niya saakin ang ikalawa pang box na katulad din nung kanina.
Pagkabukas ko ay nakita ko na isa din itong bracelet. A silver bracelet na may nakalagay na name ko. I looked at him and he just shruged.
"Jane Ignacio"
Binasa ko ang pangalan kong naka ukit sa bracelet at tumingin ulit sakaniya.
"Seryoso ka ba? ibibigay mo saakin 'to?" sinisigurado ko kung totoo ba na ibibigay niya saakin dahil totoong silver ito.
"Yup, diba friends na tayo? So sayo na yan as mu gift and as a sign of sorry nung natunggo kita" aniya habang kumakain naman ng fishball na nasa lamesa.
Tiningnan ko ulit ang bracelet na hawak ko ngayon at napaka ganda nito.
"Ganito ka din ba sa ibang kaibigan mo?" Hindi ko naiwasang magtanong sakaniya. Nahihiya kasi ako sakaniya dahil walamanlang akong maibibigay sakaniya.
"Well, nireregaluhan ko din sila" tipid niyang sagoy dahil patuloy padin siya sa pagkain.
"Thank you for this. I really appreciate this gift. I know my lola will love it too" ani ko habang naka ngiti sakaniya. Kinindatan niya langako at tumawa siya. Ansaya niya maging kaibigan hindi dahil palabigay siya ng regalu kundi ang chill niya lang kase. Parang always good vibes lang. "Hayaan mo, next time ako naman mag reregalo sayo" wika ko sabay lagay ng taas ko sa ere at nag apir kaming dalawa.
Nagtawan at nag kwentuhan pa kaming dalawa sa glorietta. Kinuwento niya sakin yung mga kalokohan niya nung highschool even nung college para daw malaman ko din ang kalokohan niya kasi daw siya daw nalaman niya ang kalokohan ko dahil kinuwento ni lola sakaniya.
Nagagawa ko din siyang hampasin kapag tawang-tawa ako sa kwento niya at hidni naman siya umaangal. We talk about my work and his work. I told him also my hobby and he told me what is his hobby too. Sinabi din niya saakin na Paul nalang ang itawag ko sakaniya para daw mas okay. Nagkwentuhan pa kami na parang long time friend lang na nag chichikan about sa life.
I felt comfortable with him and i can say that Paul is a worthy friend. Hindi ako nagkamaling maging kaibigan siya. Maswerte ako na naging kaibigan ko siya.
Ako lang 'to ang babaeng makakatulog nanaman ng mahimbing, walang iba kundi si Jane.
Mainggit kayo please. Mga plastic kasi friend niyo. Charot.
-End of Chapter 7: Glorietta-