"Love you lola" wika ko sabay yakap sa aking sakaniya. Nandito kami ngayon sa simbahan dahil Linggo. Nasa part na kami ng giving of peace kaya niyakap ko siya at ganoon din siya saakin.
Simula nung nagsimula ang misa, iniikot ko na ang aking mata pero hindi ko parin siya makita. Nag serve kaya siya or hindi? Hays, nalilito din ako kung bakit ko siya hinahanap. Siguro masyado lang gumaan yung loob ko sakaniya dahil nakausap ko siya kahapon. Siguro nga dahil lang don.
"Apo, kanina ka pa lilinga-linga, sino ba yung hinahanap mo?" tanong saakin ni lola. Napansin niya ata na hindi ako mapakali sa aking pwesto kaya nagtanong na siya. Pano ko ba naman sasabihin sakaniya na may hinahanap akong sakristan na nagngangalang Paulo. Jusko, kahit about friendship ang pangit parin pakinggan na hinahanap ko siya, at talagang sa kalagitnaan pa ng misa.
"Ah, wala po lola. Hinahanap ko lang po si Fredelyn baka nagsisimba din siya" mabuti nalang at agad pumasok ko sa Fredelyn para gawing excuses. Hindi pa naman ako magaling sa mga kasinungalingan na yan. Nakakaguilty lang kasi nagsinungaling ako kahit nasa loob pa ko ng simbahan, sorry Lord and sorry din friend, huhubels.
"Hija, hindi mahalaga kung parehas kayong nagsimba o parehas kayong nandito sa simbahan. Ang pinaka mahalaga ay yung mag pokus at makinig ang lahat ng tao na nandito na makinig sa turo at salita ng Diyos" pangaral saakin ni lola. Mabait si lola pero pagdating talaga sa ganitong sitwasyon, seryoso talaga siya. Tama naman si lola, hindi mahalaga kung parehas kayong nagsimba o parehas kayong nandito sa simbahan.
"Sorry po" hingi ko ng tawad sakaniya at agad kong ibinalik ang aking mata sa altar. Hinawakan naman ni lola ang kamay ko at hinalikan niya ito na tila sinasabing 'ayos lang, apo'.
Natapos na ang misa at agad kami nagtungo ni lola sa Patio para mag alay ng bulaklak sa imahen ng Birhen. Pagka-alay namin, agad kami nagtungo na mag lola sa isang fast-food-chain dito sa bayan. Ito lagi ang bonding namin ng aking lola every Sunday after mass. Lagi ko siyang tinitreat dahil gusto ko siya laging nakikitang masaya.
Naalala ko kasi na dito sa fast-food-chain na ito madalas mag date si lolo at lola nung nabubuhay pa si lolo. After nila magkasamang magsimba at mamalengke ay dito agad sila pumupunta.
Ngayong wala na ang aking lolo, ako naman ang nagdadala dito sa lola ko every Sunday. Hindi man niya sabihin, nakikita ko sa mata niya yung saya marahil naaalala niya yung mga panahong kumakain sila dito ni lolo.
"Ako na mag o-order lola, dito nalang po kayo" wika ko sabay ngiti sakaniya. Agad siyang tumango at ngumiti din pabalik saakin kaya agad akong nagtungo sa cashier. Mahaba pa naman ang pila ngayon dahil linggo kaya nandito ako sa pinaka dulo dahil kakarating lang namin. 'Di bale, mainam na din ito para mapili ko ng maayos ang mga bibilhin ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag pili sa io-order ko nang may biglang kumalabit saakin. Agad akong lumingon sa aking likuran upang aninagin kung sino ang kumalabit saakin. Walang kung ano-ano, ay bigla akong napangiti nang makita ko ang isang lalaking naka suot ng white na t-shirt at faded na maong na tinernuhan ng itim na sapatos.
"Ow, hi. Andito ka din pala. Sinong kasama mo?" bati ko sakaniya habang naka ngiti. Diba? ganon naman talaga tayong mga Pilipino pag nakakita ng kaibigan sa kung saang lugar? Agad tayong napapangiti.
"Actually, ako lang mag isa. Papasok palang ako kasi ngayon ang duty ko as accountant sa simbahan" kaswal na sagot niya saakin. So yun pala ang dahilan kung bakit hindi ko siya nakita kanina sa mass. Okay gotcha. Sa paraan ng kamustahan namin ay akala mo napaka tagal na naming magka kilala. "ikaw? sinong kasama mo?" tanong naman niya saakin.
"Im with my lola. Kakatapos lang din namin magsimba" sagot ko naman pabalik sakaniya. I don't know how do i look while talking to him kasi nakaharap ako patalikod sakaniya, pero mas okay na siguro yon kesa naman talagang humarap ako sakaniya habang naka pila, mas awkward yon, jusko dai.
"Nice, enjoy. I know she really appreciate this. Naalala ko tuloy, im doing the same thing with my mama, before" he said. His smile faded away when he said his last sentence. Bigla akong na curious kung bakit naging ganon ang reaction niya nung nabanggit niya yung salitang 'mama' kaya naman hindi ko na naiwasang mag tanong.
"Bakit before mo lang ginagawa sa mama mo? Nagka tampuhan kayo?" tanong ko sakaniya na akala mo ay talagang close na close ko yung tao. Pero okay lang din na chikahin ko siya, may dalawang tao pa kasi ang nauuna sakin kaya medyo matagal pa ang turn ko.
"She passed away 2 years ago" wika niya habang naka ngiti, pero yung ngiti na ipinapakita niya ay isang ngiti ng pagdadalamhati. Feeling ko tuloy ang insensitive ko para itanong pa kung bakit dati niya lang tini-treat yung mother niya.
"Im sorry for your lost" yan nalang ang tanging nasabi ko sakaniya. Nakita ko lang siyang tumango at hindi na ulit siya nagsalita. Dun naputol ang pag uusap namin. Ano ba kasing pumasok sa isip ko bakit pa ko nagtanong jusko dai.
Turn ko na mag order kaya agad kong sinabi sa cashier ang order ko. Umorder ako ng meal for two person with ice cream at peach-mango-pie na favorite ni lola.
"Uhm, Miss, kindly wait your order nalang po here. Pasensya na po ubos na po kasi yung card number namin kaya hindi na po namin kayo mabigyan para makaupo sa upuan niyo eh. Sorry po" paghingi ng tawad ng cashier saakin. Naiintindihan ko din naman na talagang marami silang customer kaya okay lang saakin. Kaya sinabi ko sakaniya na okay lang at iintayin ko nalang sa cashier desk yung order ko.
Turn na ni Paulo sa pag order at for i person lang yung inorder niya, means siya lang talaga mag isa. Ganon din ang ginawa niya, nag antay din siya kung san ako nag iintay dahil ubos na ang reservation number. Hindi parin kami nagkibuan simula kanina after niya mabanggit yung about sa mother niya. Nagu-guilty tuloy ako. Feeling ko na hurt ko siya dahil kung hindi ako nagtanong di niya ulit masasabi yung pinaka masakit na words na mangagaling sa bibig niya 'she passed away three years ago'
Bilang isang anak, yun na ata ang pinaka mahirap na sitwasyon na mangyayari sayo, yung maiwan ka ng taong nag alaga sayo hanggang sa paglaki mo.
"Miss, here is your order po. Thank you" wika nung cashier sabay abot saakin nung mga inorder ko. narinig ko din na naiabot na din yung order ni Paulo at ineexpect ko na hindi na niya ulit akl papansinin at pupunta nalang siya sa table niya pero hindi iyon nangyari.
"Palit tayo, ako magdadala nung hawak mo, then you hold this" wika niya sabay kuha sa kamay ko nung mga dala kong order at agad niyang inabot saakin yung sakaniya dahil isa lang iyong sakaniya. Nung una ay nahiya pa ako sakaniya pero wala din akong nagawa kasi sabi niya, he can consider me as friend na daw kaya ayan, hinayaan ko nalang siya at tinuro kung saan ang table namin ni lola.
"Uhm, lola, si Paulo po, kaibigan ko. Nagkasabay po kaming umorder kaya tinulungan niya ko" pinakilala ko si Paulo kay lola. Pagka baba naman niya ng pagkain sa table ay agad siyang nagmano sa lola ko at bumati din.
"Nice to meet you hijo" wika ni lola habang may malaking ngiti sa mga labi.
"Nice to meet you din po lola" bati naman pabalik ni Paulo. Nakatingin lang ako sa greetings nilang dalawa at kung titingnan ko, at talagang napaka malapit din nitong si Paulo sa mga matatanda. Magaling din siyang mang approach which is the best thing na gusto kong nakikita sa lalaki, maging kaibigan ko man or what.
"Sino ang kasama mo hijo?" tanong sakaniya ni lola. Nakangiti parin ito kay Paulo na akala mo ay matagl na din niyang nakita.
"Actually po, ako lang po mag isa. Papasok palang po kasi ako sa work ko sa simbahan kaya naisip ko po na kumain muna" sagot din naman ni Paulo sakaniya. You know? usual conversation pag na-meet ng kaibigan mo yung guardian or parents mo.
"Ay ganuon ba? tutal eh ikaw lang naman mag isa, bakit hindi ka pa dito tumabi saamin ni Jane? kaming dalawa lang naman ang magkasama" anyaya ni lola kay Paulo. Medyo nagulat ako kasi di ko ine-expect na manggagaling yon kay lola at personally,gindi din sumagi sa isip ko na ayain siga. Gosh ang shunga bat di ko naisip yon. "Diba Hija? Mas okay yon?" tanong pa saakin ni lola.
"Ah, opo, okay po yon. Paulo join us" medyo nanginginig pa yung boses ko kasi hindi parin mag sink in sa isip ko na makakasabay ko siya kumain. Big deal 'to saakin kasi for me, ang pagkain ng sama-sama ay bonding ang precious moment, and this moment? siguro may bago nanamang precious memory na hinding-hindi ko malilimutan.
"Uhm hindi na po, nakakahiya" pagtanggi ni Paulo pero nagpumilit parin si lola.
"Hijo, wag ka nang mahiya, kaibigan mo naman si Jane, ngayon lang din kita nakilala dahil itong si Jane eh palaging si Fredelyn lang ang kasamang pumunta sa bahay" pagkukumbinsi pa ni lola kay Paulo kaya naman wala na ding nagawa si Paulo kundi sumalo saamin sa pagkain.
Habang kumakain kami ay nagtatawan kaming tatlo dahil nag kukwnetuhan kami. Andiyan pa yung point na gumawa kami ng story ni Paulo na kunwari ay nag bonding kaming magkakaibigan kahit hindi naman talaga. Nagkwento din si Paulo kay lola kung ano ginagawa niya sa life at kung ano trabaho niya kaya naman naging opportunity ko din yon para kilalanin din siya.
Si lola din naman ay nagkukwento kay Paulo ng mga kalokohan ko nung bata at maging ngayon. Medyo nahihiya ako kay Paulo dahil nga hindi naman talaga kami lubos na magkakilala at tanging nagka sabay or di kaya ay nagka kwentuhan lang kami at here we are, turning friends na talaga. Nalaman tuloy niya na nanaksak ako dati ng lapis sa school hays.
Natapos na kaming kumain at nagpaalam na kami ni lola kay Paulo at diretso na kaming umuwi. Habang naka sakay kami ng tricycle ay sinabi saakin ni lola na magaan daw ang pakiramdam niya kay Paulo at bihira daw niya ma encounter yon sa isang lalaki at higit daw sa lahat, magalang na, mabait pa, plus may itsura pa daw.
Mukhang alam ko na kung saan ako nag mana. Charot. Alam ko naman na ang gusto lang sabihin sakin ni lola ay pahalagan ko yung ganong klase ng kaibigan. Hindi ko lang talaga masabi na new friends palang kami mga one day ganon. Pero i love the idea na kaibigan ko si Paulo at least dalawa na sila ni Fredelyn.
"Apo, paano nga pala kayo naging magkaibigan ni Piolo?" tanong saakin ni lola kaya natawa ako. Lagi kasi niyang nasasabing Piolo imbis na Paulo.
"Lola, alam ko naman pong kasing level ng kagwapuhan ni Pilo Pascual yung kagwapuhan nung kaibigan ko, pero Paulo po pangalan niya, hindi Piolo. Naging magkaibigan po kami kasi lagi po kaming nagkakasabay na mag alay sa Mahal na Birhen sa Patio. Nag aalay po kami ako that day ng sampaguita at siya naman po bilang sakristan ay nag aalay naman ng kadila na galing sa simbahan, then ayon, nagkausap po kami" wika ko naman na may halong kasinungalingan.
Actually first time talaga namin magkasabay non sa patio ni Paulo but para naman hindi sabihin ni lola na kung kani-kanino lang ako nakikipag kaibigan ay sinabi ko na madalas kami magkasabay.
Tumango lang saakin si lola at agad na nagpaalam na magpapalit na siya ng damit.
Kakauwi lang namin kaya medyo hinihingal pa ko sa pagpunta sa kwarto ko. Agad akong nagpalit ng damit ko dahil init na init ako dahil traffic kanina sa bayan.
Pagka palit ko ng damit ay agad akong humilata sa kama ko at nagmuni-muni. Bigla akong napaupo sa kapa ko ng biglang sumagi sa isip ko sinabi sakin ni Fredelyn. Naalala ko kasi na sinabi niya sakin na isusumpa daw niya ako na may makakatungguan ako na gwapong lalaki at bad boy.
"Alam ko na! Sinusumpa ko, simula sa araw na ito at sa mga susunod na mga Linggo, may makakatungguan kang isang lalaging pogi na bad boy tas mafia pala ahihihi”
Naalala ko yung nangyari samin ni Paulo nung nagkatunguan kami sa simbahan which is yun din yung araw na sinabi yon ni Fredelyn. Ang kaibahan lang, gwapo lang si Paulo at hindi mafia or bad boy.
Iba talaga dila ng kaibigan ko. Siguro anak siya ni Rudy Baldwin. Ibang level yung hula eh, pede na siya umupo sa gilid ng Quiapo at manghula.
Natapos na ang pag hilata ko at medyo gumisaw na ang katawan ko kaya kinuha ko na yung cellphone ko at meron akong message from Paulo.
"Thank you, nag enjoy ako with you and with your lola"
Napangiti ako ng mabasa ko ang message niya. Para bang hinehele ako ng mga anghel dahil sa kasiyahan na nafifeel ko at this moment.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa excitement kaya agad kong binuksan ang notes ko para isulat ang araw na to at para isulat kung gaano ako kasaya sa araw na ito. Umaga palang pero parang pede na ulit magkaroon ng kinabukasan.
Jusko dai, mainggit kayo sakin please...
-End of Chapter 6: Me, My lola, and My Bestfriend-