Chapter 5: Patio/Espasyo

2111 Words
"Apo, anong oras na oh, baka abutan ka ng traffic. Mahirap pa naman dumaan sa bayan pag nagpa-tanghali ka" agad ako bumangon sa aking narinig. Madali kong dinampot ang cellphone ko upang tingnan ang oras. Aalis ako ngayon at pupunta sa school para mag check ng mga papel ng aking students. Alas Nuebe na ng umaga at may isang oras pa ko para gumayak, mabuti nalamang at ginising ako ni lola, kundi baka mag dire-diretso na ang tulog ko hanggang mamaya. "Babangon na po lola" sagot ko naman at agad iniligpit ang higaan upang gisawan ang aking katawan kahit papaano. Habang nagliligpit, natanaw ko ang bag na madalas kong gamit tuwing papasok sa school, at ito din ang bag na gamit ko nung nagkabungguan kami ni Paulo. Hindi ko alam bakit hindi mawala sa isip ko yung scenario kung pano kami nagkita. Dahil ba gwapo siya? Oh dahil nainis ako nung inasar ako ni Fred sakaniya? Hays, ewan. Pagtungo ko ng kusina, nakita kong nakahanda na ang almusal kaya agad akong naupo sa pwesto ko katabi ang aking lola na inaantay ako. "Mukhang mapapakain 'ho ako ng marami nito lola" wika ko dahilan kaya napahagikgik ang aking lola kaya hindi ko din napigilan na mapa-hagikgik din dahil ang makita kong masaya ang aking lola, ay siyang kasiyahan ko din. "Oo naman apo, kumain ka ng marami. Niluto ko talaga yan para sa iyo hija. Naalala ko kasi na paborito mo din ang longganisa na pinaputok ang balat, kaya ayan, niluto ko para sa paborito kong apo" wika naman ni lola habang naka ngiti ng malaki. Niyakap ko siya at ganon din siya. Ganito talaga kaming mag-lola, hindi matatapos ang isang buong araw ng walang lambingan, palibhasa kami nalang dalawa ang nandito sa bahay. "I love you lola" sambit ko habang nakayakap ng mahigpit sakaniya sabay halik sa pisngi nito. "I love you more apo. Sige na, tama na lambingan, kumain na tayo at baka mahuli ka pa sa oras" putol nito sa lambingan naming dalawa kaya sabay na kaming bumitaw sa pagkakayakap at sabay na kami na kumain. ******* "Asan ka na ba fren, nandito na ko sa school bakit wala ka pa. Anong oras na oh, late ka na" naiinis na wika ko habang kausap ko sa telepono si Fredelyn. Wala parin kasi siya kahit late na siya ng halos tatlumpung minuto. Wala din ako makausap sa faculty room dahil wala din naman dito sila Jack dahil kanina pa daw silang 8:00am pumasok st nakauwi na din after checking. "Nako fren, sorry di ko pala nasabi sayo, may importante kasi akong lalakarin ngayon kaya baka hindi muna ko mag check ng mga exams, siguro by monday nalang. Pasensya ka na talaga fren, bawi nalang ako sayo" wika nito sa kabilang linya. Wala naman akong magagawa dahil baka importante talaga lakad niya kaya susubukan ko maging independent ngayong araw kahit nakakatakot dito sa faculty room dahil sa sobrang tahimik. "Ayos lang fren, basta bawi ka sa monday loka. Sige na bye, ingat" agad kong ibinaba ang telepono at agad kinuha ang mga test paper ng mga students ko. ********** "Good morning Miss Jane, bakit 'ho nag iisa kayo? nasaan po si Miss Fredelyn?" tanong saakin ng security ng school. Kakatapos ko lang kasing mag check ng examination paper ng mga students ko kaya naisipan ko munang umupo sa bench sa tapat ng faculty room. "Good morning din manong, hindi daw po makakapasok si fren ngayon eh,may inaasikaso po" sagot ko naman kay manong guard na medyo may katandaan saakin. Naging kaibigan na namin siya ni fren, dahil tuwing umaga bago kami pumasok ay nakakasabay namin si manong sa vending machine oara magkape at lagi kaming nag kakakwentuhan. "Ah okay po. Miss Jane, napansin ko lang, bakit parang iba aura mo ngayon, parang sobrang blooming mo" dagdag pa ni manong habang naka ngiti. Wag ka ganiyan manong, baka ma-inlove ako sayo, chareng. "Ay nako manong, wag mo na ko bolahin, hindi kita ililibre ng kape" biro ko naman sakaniya at sabay kaming tumawa. ******** "Magkano po isang sampaguita?" tanong ko sa babaeng nag titinda ng sampaguita dito sa harap ng simbahan ng Baliuag, mag aalay kasi ako ng bulaklak sa Mahal na Birhen sa Patio na talagamg dinarayo at pinaniniwalang mapaghimala. Bata palang kasi ako ay madalas na akong sinasama ng aking lola para humingi ng dasal sa Mahal na Ina. "Bente lang iyan hija" sagot naman ng babaeng nag bebenta kaya agad ko namang binili ang sampaguita at nagtungo na sa Patio ng parokya kung saan makikita ang Imahen ng Birhen. Pagka-alay ko ng sampaguita sa Patio, nagulat ako ng may biglang tumabi saakin na medyo katangkaran na lalaki na naka suot ng puti at pink na bestida ba kung tawagin nila ay sutana. "Oh, andito ka din pala. Hello" bati niya saakin kaya agad ako nag angat ng tingin sakaniy para ngumiti at batiin din siya. "Hi, ikaw naka assign na mag alay ng kandila?" tanong ko sakaniya, tumango naman siya at agad sinindihan ang dala niyang dalawang kandila ngunit nakita kong parang nahihirapan siyang sindihan ito dahil medyo may kalakihan ang kandila na dala niya sahil ito ay mula sa simbahan na siyang palaging inaalay sa Imahen. "Come on let me help you" wika ko at agad kinuha sa kabilang kamay niya yung isa pang kandila upang sindihan din ito. Hindi na tumanggi si Paulo sa ginawa ko dahil nahihirapan talaga siya. "Ang ganda ng spot na 'to 'no? nakaka relax" wika ni Paulo after namin magdasal and yes, tama siya, maganda nga duto sa patio kaya naman madalas din akong nandito after mass. "Actually lagi ako dumadaan dito sa patio aftermass or kung walang mass, dito ako nagdadasal" wika ko naman sakaniya na akala mo close ko talaga siya."Ikaw ba yung laging naka assign na mag alay ng kandila dito Paulo?" tanong ko naman sakaniya kasi sa dalas kong pumupunta dito para mag dasal at mag alay ng bulaklak, ay never kong naabutan yung nag aalay dito ng kandila. "Pano mo nalaman name ko?" wika ni Paulo na ikina-bigla ko. Hindi nga pala niya sinabi yung name niya nung nabangga niya ako at nung nabangga din niya si fren. Narinig lang namin na tinawag siya nung kasama niyang sakristan. Nakakahiya tuloy, baka akala niya iniistalk ko siya. Gosh. "Ah, ano kasi, remember nung nagkabanggaan tayo? tinawag ka kasi nung kasama mong sakristan, then ayon, kaya nalaman ko name mo hehe" sagot ko sakaniya sabay ngiti na medyo awkward. Nakita ko siyang ngumiti at tila hindi naman siya na weirduhan kaya medyo naka hinga ako. "My bad, nakalimutan ko. Any way, my name is Paulo Cortez. Ikaw Miss?" pakilala niya sa sarili niya sabay tanong ng pangalan ko. Nung una ay medyo nag aalangan ako kung sasabihin ko yung pangalan ko pero sinabi ko din, para naman fair. "Jane Ignacio" pakilala ko sabay abot ng kamay ko skaniya for shake hands. Nag kwentuhan pa kami saglit ni Paulo after we introduce ourselves. Naikwento din niya na nag tatrabaho din pala siya sa simbahan as Parish Accountant. Matagal na din daw pala siyang sakristan at talagang hilig niya mag serve sa simbahan since nung bata siya. Kinuwento ko din sakaniya yung work ko and kung bakit madalas ako sa patio and im happy na may same interest din pala kami. Nakakatuwa kasi yung may iba din pala na gusto din yung ginagawa mo. Yung akala mo ang boring mo kasi kakaiba ka pero hindi, kasi may tao din na makakaintindi sayo at sa gusto mo. Kasi nung highschool palang ako, naaalala ko pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko kasi sabi nila masyado na daw akong banal at baka daw maging losyang na matandang dalaga lang ako pag laki ko dahil daw pinipilit ko daw yung sarili ko maging banal without even knowing na talagang gusto ko lang din mag serve kay God, and to thank God, para sa mga blessings na binibigay niya saakin. How sad na may mga tao palang ginagawang katawa-tawa ang taong gusto lang mag lingkod sa Diyos. ******* Nandito ako ngayon sa kwarto, kakauwi ko lang at inabot din ako ng gabi dahil may pinuntahan pa ko kanina. Agad kong kinuha yung laptop ko at binuksan ang social media ko. I search his name on f*******: and i********:, hindi naman ako nahirapan at nakita ko din ang account niya. "Jusko, bigyan mo ko ng sign kung ia-add ko siya as friend, please give me a sign" para akong teenager dito na parang pag naka kita ng gwapo ay aalamin ang pangalan at ise-search sa f*******:. Hindi ko din alam bakit kating-kati ako na maging friend siya. Well, actually bukod sa good looking talaga siya, masarap din siya kausap even hindi ko siya kilala. "Seryoso ba? Gosh, legit nga" nanlaki ang mga mata ko nung tumunog ang notification ko sa f*******:. "Pauolo Cortez, sent you a friend request." Ako naman, bilang isang dakilang maharot, inaccept ko naman. Hindi naman masamang makipag kaibigan diba? Akala ko ay ichachat niya ko after ko siya i-accept kasi diba ganon naman yung mga nasa libro? ia-add ka, tas ia-acceot mo tas maghaharutan na kayo then ang ending magiging jowa mo tsk. Buti nalang hindi naisusulat sa libro ang life ko. Wala naman akong ginagawa kaya inistalk ko nalang siya. Nakita ko yung mga pictures niya nung bata palang siya habang naka suot ng sutana. How cute, gosh. "Napaka private naman na tao nito, ang konti ng pictures" wika ko naman sa sarili ko. Konti lang kasi ang nakita kong pictures niya, hindi ata siya pala upload sa f*******:. Pero in fairness, kakaiba siya, as of now kase halos lahat tayo eh kinain na ng social media. Yung tipong imbis na may family time kayo habang nag di-dinner ng sabay-sabay ng family mo, eh nag ce-cellphone ka pa. "Asan na ba yung mug ko? Oh come on, andito lang pala" wika ko sa sarili ko habang hinahanap yung tasa na pag titimplahan ko ng kape. Nandito ako ngayon sa kusina habang nag luluto ng pancit canton at nag titimpla ng kape. Alas-tres na ng madaling araw at kakatapos ko lang sa isang season ng series na pinapanood ko. Nagutom ako kaya eto, nag luto ako ng pancit canton na maanghang-anghang para medyo magising ako. Nakapag luto na ako at nakapag timpla na ng kape kaya naman dinala ko agad ito sa kwarto ko upang duon kumain at para ituloy ko ang panunuod. Nang pipindutin ko na ang play button sa Netflix, biglang may notification akong na received from f*******:. Hindi ko pala na exit kanina. "Hello, 3:00am na ah, gising ka pa" Chineck ko ulit kung tama ba ang pagkakabasa ko sa pangalan ng nag sent. Paulo Cortez. Gosh, seryoso ba siya? kakapakilala nga lang niya kanina then ichachat niya ko na akala mo concern dahil online pa ko ng alas-tres ng madaling araw? wag kang ganiyan Paulo, kinikilig ako! Charot. "Ah oo, may tinatapos lang ako" Nag reply naman ako sakaniya dahil baka naman sabihin niya eh masungit ako. Pagkatapos ko i-hit ang reply button, nakita kong nag ta-type na din siya, hindi na ako gumamit ng Alt+Tab at talagang inantay ko ang irereply niya. Hindi ko alam anong na fi-feel ko pero ang alam ko lang ay na e-excite ako sa isasagot niya. "Okay, pero pahinga ka na, malakas makawala ng energy ang pag pupuyat" Nakunot ang noo ko sa reply niya. Malakas daw makawala ng energy ang pagpupuyat pero siya din nag pupuyat? ayos ka lang kuya? charot. "Actually patapos na ko, matutulog na din ako later. Bye, Good night" Reply ko pa sakaniya. Nang mai-send ko sakaniya yung message ko, napatingin ako sa salamin ko sa wall and i found myself smiling in the middle of the night. Gosh ano 'to self, wag kang ganiyan, nangamusta lang yung tao wag assuming self. Hindi pa nga kayo magka kilala ang harot-harot mo na. "Bye, Goodnight. Until we met again in Patio" Agad kong binasa ang huling reply niya saakin. Nag react nalang ako ng 'heart' sa reply niya at agad ko namang tinapos ang pagkain sa pancit canton at pag simsim sa kape. Hindi ko na nagawang manuod pa ng kasunod na season dahil feeling ko tama si Paulo, baka mawalan naman ako ng energy bukas kahit wala naman akong gagawin dahil Linggo. Itinabi ko na ang laptop ko at iniayos ko na ang sarili ko para matulog. Habang nakahiga, parang bigla kong narinig sa tenga ko yung message ni Paulo "Until we met again in Patio" Ako lang 'to, si Jane Ignacio, ang babaeng makakatulog nanaman ng naka ngiti at mahimbing. Enebe cheret. -End Of Chapter 5: Patio-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD