Chapter 4: Bell

1135 Words
Chapter 4: Bell "Ewan ko, bahal... SHEMAY!!!"napahiyaw nalang ako sa gulat nung may makatunggo saakin, idagdag mo pa ang tunog ng bell na nagpadagdag pa sa gulat ko. "Ow my God, ang sakit ng likod ko" daing ko agad habang nakasalampak parin dahil sa pagkakatunggo saakin. Ramdam ko ang mga mata ng mga tao na nasa paligid kaya agad na akong tumayo at agad naman akong inalalayan ni Fredelyn. "Ano ba yan di ka kasi tumitingin sa dinadaan mo" singhal nito saakin ngunit wala ako sa mood para makipagtalo. Pinagpagan ko agad ang damit ko dahil baka nadumihan ito. "s-sorry" napatingin ako sa direksyon ng nagsalita. Nakasuot siya ng mahabang saya na may mahabang panloob na kulay pink at puti naman ang pang-ibabaw, kung hindi ako nagkakamali, isa siyang sacristan dahil may hawak din siyang single bell. In fairness, gwapo siya at parang magkasing edad lang kami, pero I don't care, nabangga niya ko at promise masakit talaga yung likod ko. "A-are you okay miss?" tanong pa nito saakin kaya napatingin ako sa kaniyang mukha. Nakakahumaling ang kaniyang maamong mukha. Ang kaniyang mata ay mapupungay na tila kulay tsokolateng matapang at mas naka dagdag pa sa looks niya ang kaniyang buhok na medyo may pagkabrown. "Okay lang ako. No worries" maechos kong sagot dahil masakit naman talaga ang likod ko at mukhang di pa ako makakapsok bukas. "Are you sure miss?" "Yes pretty sure" sagot ko naman sabay ngiti. Hindi ko din alam kung bakit ako ngumiti pero keri na. "Paulo, kanina ka pa hinahanap ni Father, mag i-start na daw yung Mass, ikaw pa naman bell ngayon" may sumulpot pang isang sacristan at tila tinatawag na nito ang sakristang nakatunggo saakin. "Sige Bro, sunod na ko" wika nito at agad naman umalis ang isa pang sacristan. "Miss sige, una na ko. Magsisismula na ang mass. I have to go a-and s-sorry again" wika nito at agad naman siyang tumalikod saamin upang magtungo sa pwesto ng mga sacristan. "Paulo, pala ang name niya. Nice!" kumento naman ni Fred sabay tingin saakin, yung tingin na may halong pang eechos. "Alam ko tumatakbo sa isip mo Fren, tigilan mo ko" wika ko sabay irap sakaniya kaya naman natawa siya. "Pero in fairness gwapo siya ah, tsaka mukhang mabait" ika pa ni Fred habang tinutunggo ako. Napairap nalang ako sa sinabi niya, alam ko kasing binibiro niya lang ako at baka ako pa ang matalo pag pinatulan ko. "Halika na nga fren, baka wala pa tayong maupuan, magsisimula na yung mass" paanyaya nito saakin sabay hila sa kamay ko at itinungo niya kami sa uupuan namin sa bandang unahan ng simbahan. Narinig ko na ang pagtunog ng tatlong magkakasunod na bell mula sa single bell na hawak ng mga sacristan na kanina lang ay hawak ni Paulo, hundyat na magsisimula na nga ang misa. Agad na nagtayuan ang mga tao sa loob ng simbahan kasunod ng pagtunog ng nakakakilabot na tugtog na nagmumula sa piano ng simbahan. Habang lumalakad ang mga sacristan sa gitnang daan ng simbahan patungo sa altar, sumasabay ako sa awit ngunit naligaw ang aking mga mata sa direksyon ng isa sa mga sacristan at tila ba nakaramdam ako ng tuwa nang mapatitig ako sa maamong mukha ni Paulo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, hindi ko alam kung bakit ganon ang naramdaman ko nung nakita ko siya habang lumalakad patungo sa altar habang suot ang seryoso ngunit maamo niyang mukha. Hindi ko alam kung matatawag ba 'to na 'love at first sight' kahit hindi naman ako nakaramdam ng kakaiba sakaniya kanina nung una ko siyang Makita, so hindi siya love at first sight 'love at first titig' siguro? "Ayon, ayos ah, titig na titig kay sacristan ah" nawala ang pag mo-moment ko nang sumingit sa eksena si Fred kaya naman napatingin ako sakaniya at nakitang ngiting-ngiti nanaman siya na parang sinasabi ay 'I got you baby' "Fren tigilan mo ko, hindi ako nakatingin sa sacristan, sa cross at candle na dala nila ako nakatingin 'no, tsaka pede ba, wag ka na maingay diyan, may mass oh" tanggi ko naman pero narinig ko parin ang mahina niyang pagtawa. 'Di naman ako guilty diba? Natapos na ang mass at naka sakay na rin kami ngayon sa jeep papunta sa Mall kung saan pede kami mag dinner ni Fredelyn. Ala-siete palang naman ng gabi, bukas pa ang mall at mga fastfood chain kaya gorabells lang. "Fren, bucket meal nalang tayo mamaya para sulit" wika ni Fred sakin kaya naman napatingin ako sakaniya. "Are you for real? Bucket meal? Dalawa lang tayo? Ano meron sa tiyan mo? Dinosaur?" wika ko naman. Nakakaloka, dinaig pa namin nag samgyupsal sa dami ng mga pagkain sa bucket meal choice. "Seryoso ko, ngayon lang naman 'to no, tsaka hindi naman nakakasawa yung fried chicken 'no." suhestyon pa nito. Hala seryoso nga siya, mukhang mapapalaban ako sa kain na 'to ah. "bahala na girl, pag nandon na, tsaka na natin 'yan pagusapan" sambit ko naman, baka kasi may maka rinig sa usapan naming eh isipin pa nilang gutom na gutom kami HAHA. Nakarating na kami sa mall dito sa Baliuag, pero kahit gabi na, marami paring tao na pumapasyal para mamili o mag sine. Pagkababa palang ng jeep, agad kaming tumungo sa isang sikat na fastfood chain dahil mas masaya daw maglibot kung busog ani Fred. "OMG ngayon lang ulit ako makakakain ng chicken since last week kaya tara n---- OMG!" hindi na natapos ni Fred ang sasabihin saakin nang biglang may nakatunggo naman sakanya. Karma ka ngayon girl, echos pa more HAHA. "Oh i-ikaw pala ulit, s-sorry" rinig kong wika ni Fred, tumingin din siya saakin na parang sinisenyas na silipin ko kung sino ang naka tungguan niya, at ako naman, bilang isang dakilang chismosa, sinilip ko naman kung sino at laking gulat ko nung Makita ko si... Paulo. "sorry, im in a hurry, di ko napansin" wika nito at mukha naman talagang nagmamadali. "a-ayos lang" wala sa sarili kong banggit. "I mean, fred is fine! Diba fred?" Palusot ko sabay tingin kay fred para sumakay nalang siya sa palusot ko. HUHU ano ba 'to self bat ikaw yung sumagot, kaloka. "y-yes okay lang ako hehe" sakay naman saakin ni Fred, buti nalang sumakay sakin si loka, kundi iwan ko siya diyan AHAHAHAHA. "s-sige una na ko, may kailangan pa ko bilhin, sorry again" Wika naman ni Paulo sabay peace sign saamin at agad na umalis. Cute. "nako kung hindi ka lang gwapo, binatukan na kita after mo ko matunggo!" wika naman ni Fred. Kita mo to, puro kaharutan. "Tama na harot fren, kain na tayo, baka mainis mo pa ko iwan nalang kita bigla diyan" wika ko sabay tawa. "why naman ganon, alang ganon fren!" daing niya kaya sabay na kaming tumawa papasok sa fastfood chain... End of CHAPTER 4: BELL
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD