Chapter 3: Malapit na
"Fren ano na? malapit na devotion, andito ka pa sa faculty" pangaral saakin ni Fredelyn. Mag i-start na kasi yung devotion ng mga teacher evry morning or yung pagdadasal naming before we start our class. Nag ta-type pa kasi ako ng mga quizzes na ipapagawa ko sa mga students ko dahil hindi sapat yung oras ko kagabi sa dami ng Gawain.
"Oo fren, susunod na ako, tapusin ko lang 'to. Last four question naman na 'to" sagot ko naman pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa desktop na nasa harapan ko. Para na akong keyboard warrior sa bilis ko sa pagtatype para lang makahabol sa devotion.
Tumango nalang si Fred saakin at umalis na para pumunta sa library room kung saan ginaganap ang devotion namin.
Maya-maya lang ay natapos ko na ang pagtitipa at agad kong ipinrint ang mga ginawa ko. Habang nag aayos ako sa sarili ko, nagulat ako dahil may pumasok sa faculty room.
"Jane, diba malapit na magsimula yung devotion? Bakit andito ka pa?" tanong niya saakin. Grabe kinabahan ako, akala ko yung directress ng school yung pumunta sa faculty room para pagalitan ako.
"Wow lakas magtanong ah, parang siya hindi late" biro ko sakaniya sabay halakhak ng pagkalas-lakas. Natawa rin siya sa sinabi ko pero tinapos ko agad ang charutan naming kasi malelate na ko sa devotion. "Jack mauna na ko sayo, bahala ka diyan ma late!" hiyaw ko kay jack sabay sarado ng pinto.narinig ko pa siyang humalakhak na akala mo hindi late.
Kaibigan ko din si Jack, teacher din siya ditto kaya naman hindi ako naiilang biruin siya ng ganoon.
Pag dating ko sa faculty room ay nadatnan kong nag uusap-usap pa ang mga co-teacher ko. Buti nalang hindi pa nag sisimula ang devotion. Agad kong hinanap ang kinaruruonan ni Fred at hindi naman ako nabigo dahil gaya ng dati, nasa sulok siya malapit sa mga science book.
"Fren!" tawag niya saakin kaya agad ako kumaway sakaniya. Pagtungo ko sa kinauupuan niya ay nangiti ako dahil nireserve niya ako ng upuan. Para tuloy kaming estudyante na nag rereserve ng pila tuwing recess. "Buti di ka na late Fren, balita ko pa naman mainit daw ulo ngayon ni miss Directress, malamang kunbg na late ka, GG ka nanaman" wika nito kaya agad ko sioyang siniko dahil baka mamaya may makarinig saamin mas ma-GG pa kami neto.
"Fren wag ka naman maingay, mamaya may alipores si Miss Directress sa tabi-tabi edi GG na tayo parehas" wika kong pabulong sakaniya kaya naman sumangayon siya saakin at tumahimik na rin. Mahirap ma-GG kay Miss, parang buteteng nag transform into pokemon. Natawa nalang ako bigla sa nasa isip ko at tinanong ni Fred kung bakit at sinabi ko naman sakaniya kaya parehas naming tumawa ng palihim.
"Let start" nagulat at napahinto kami sa pagtawa ni Fred nang marinig naming ang napaka lamig na boses ni Miss Directress. Gayun pa man, kahit ang cold ng dating siya, ang ganda parin niya. Naka suot siya ng white dress habang bitbit-bitbit ang kaniyang hand bag na kulay puti rin. "May absent ba or late?" tanong nito kaya naman agad pumasok sa isip ko si Jack na wala prein ditto sa Library. Gg ka na jack.
"Please open the door Ms. Santos" Our directress said with her cold voice as we heard a knock on the door.
"Miss, sorry I'm late. Na flat po kasi yung gulong nung sasakyan ko kaya na late ako" ika ni jack paglapit kay Miss Directress. Hindi ko makitaan ng takot si Jack habang kausap si Miss Directress samantalang kung ako ang nasa katayuan niya malamang nag collapse na ko.
"No worries, I understand Mr. Ramos" kaswal na salita ng Directress. Nagkatinginan kami ni Fredelyn nung marinig yon at nakita kong bumukas ang bibig niya upang ibulong ang kaniyang sasabihin.
"Sana All" bulong nito saakin kaya sinakyan ko din.
"Sana all'di pinapagalitan" bulong ko naman kaya nagpigil nanaman kami ng utot dulot ng tawa na aming pinipigil.
****************************
"Okay so Good Bye class! See you tomorrow!" paalam ko sa mga estudyante ko dahil pasado Alas Kwatro na ng hapon at uwian na nila.
Matapos ang klase ko agad ako nagtungo sa Room ko para icheck kung malinis na ba ito. Matapos ko pumunta sa classroom ko, agad akong nagtungo sa room ni Ma'am Fred dahil may usapan kami na ditto kami magkikita dahil napag usapan naming kakain kami sa labas. Ngunit habang patungo ako sa room ni Ma'am Frted, ay nakasalubong ko si Sir Jack.
"Kamusta araw Teacher Jane? Stressing or not?" aba loko 'to ah, mukha na ba akong haggard na haggard kaya ganon mga tanungan.
"Okay naman. Ikaw?" sagot ko naman, hindi ko na soiya pinilosopo dahil pagod din ako wala akong time.
"Eto gwapo parin" sagot nito kaya naman umarte ako na kunwari ay nasusuka kahit alam ko naman na ang gwapo naman talaga niya dahil nadadala din ng suot niyang formal ang itsura niya.
"Taas ng confident ah, bigyan mo naman ako AHAHAHAH" biro ko naman sakaniya with matching hampas pa sa braso.
"Of course, dahil ang mga gwapo lagging mjatraas nang confident at bilang isang gwapo bibigyan kita basta..." wika nito at pinutol ang sasabihin. Kita mo 'tong lalaki na 'to pa intense. Kagigil.
"Basta what?' tanong with matching taas kilay pa pero nginitian niya lang ako. Yung ngiting kinababaliwan ng ibang teacher ditto na kahit matatanda na ay kinikilig pa dahil gaya ng sabi ko, gwapo talaga si sir Jack. Medyo may pagka dark brown ang mga mata at clean cut ang buhok kaya talaga naman pati mga janitress napapahinto sa paglilinis pag dumadaan siya. Pero hindi ako yung babaeng nababaliw pag nakikita siya, wala, parang wala lang. siguro sawa na ako sa mukha niya dahil matagal na din kamin g magkasamang nagtuturo.
"Hulaan mo" wika nito kaya naman inirapan ko siya at linagpasan dahil gusto ko na pumunta sa classroom ni Fred. "Hoy teka lang! Pikon ka naman" rinig kong habol nito saakin pero di ko nalang pinansin. Kaasar.
***********
"Tagal mo Fren, san ka ba galling? Nakipag date ka siguro 'no?" sita nito saakin dahil nga naman nagtagal ako sa pakikipag asaran kay Jack.
"Hoy Fren issue ka masyado. Hindi 'no, binuwist kasi ako ni Jack bago ako makarating ditto kaya antagal ko" dahilan ko naman sabay upo sa upuang malapit sakaniya.
"Oh ade nakipagharutan ka nga?" pang-chacharot nito saakin. Palibhasa madami ang sabi-sabi na bagay daw kami ni jack at talagang may gusto daw saakin si Jack. Siyempre pinangungunahan ni Fredelyn ang pag pu-push saamin. Echosera talga eh.
"Hay nako, ewan ko sayo Fren" wika ko rioto kaya napahalakhak nalang sa tawa si bruha. Tuwang-tuwa pag nachacharot ako. Siguro kailangan ko na kumain ng carrots para di na ko macharot. "Buti pa iayos mo nalang gamit mo para makapag simba na tayo tapos makakain na" utos ko sakaniya at agad naman niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay signs of defeat.
***********
"Hindi fren, sure ako, nandito lang yung handkerchief ko, dala ko yun" pag mamaktol ko dahil kanina ko pa hinahanap yung pashneang panyo ko, hulas na hulas na ko sa pawis dahil nilakad lang naming mula sa school hanggang dito sa plaza sa tapat ng simbahan. Hindi muna kami pumasok sa Parish dahil wala pa namang tao.
"Naloloka na rin ako fren, kanina ka pa panay halungkat diyan" kumento naman ni Fredelyn ngunit di ko nalang siya pinansin. "Fren, tara na, pasok na tayo, baka mawalan pa tayo ng uupuan" pag-yaya saakin ni Fred kaya sumunod na din ako at pinalipas ko muna ang paghahanap sa panyo ko.
"Fren san tayo kakain mamaya?" tanong saakin ni Fredelyn habangh naglalakad patungo sa entrance ng simbahan. Hindi ko din alam anmg isasagot bsakaniya pero nagkumento parin ako dahil may pagka attitude din tong bessywap ko eh mabira lang ako ng bongga HHAHAHAHAHA
"Ewan ko, bahal... SHEMAY!!!"
End of Chapter 3
Author: EmbraceOfAnxiety