“Are you hungry?” Napalingon ako kay Keon na kasalukuyang naupo sa tabi ko habang nasa malaking tv ang paningin niya na nasa harap namin. Mayroon siyang yakap-yakap na unan. Nakapulupot rin sa mukha niya ang kumot na tanging mukha niya lamang ang nakalabas. Nagmumukha tuloy siyang itlog. “Kakakain lang natin, gutom ka na naman?” tanong ko rito. We’re currently watching movies since the squad left. Kakatapos lang din naming mag-lunch ngunit heto ay gutom na naman siya. He checked his watch before looking at me. “It’s already 3PM, Rei. 12 pa tayo kumain. Nagugutom na ako,” aniya. Nakanguso pa ito na tila nagpapa-awa habang nakakunot ang noo niya. After the incident on the farm, pangalawang linggo na akong nananatili rito sa rental house upang magpahinga kasama ang lalaking ‘to dahi

