CHAPTER 7

1669 Words
CHAPTER 7 Sa unang gabi ko sa sarili kong kwarto hindi ako makatulog. Dahil sa sobrang tahimik bawat kaluskos na naririnig ko napapadilat ako. Nakakatakot din ‘yung anino ng puno sa labas. Mukhang halimaw. Hindi ako sanay matulog mag-isa dahil dati palagi kong katabi si Nanay. Nagtalukbong ako ng kumot para hindi na ako matakot pero narinig ko naman ang malakas na pagbuhos ng ulan na sinabayan ng malakas na kulog at nakakasilaw na kidlat. Sa takot ko lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kwarto nina Nanay. “Nanay… Nanay… Natatakot po ako. Nanay…” Napasigaw ako nang kumulog na naman. Kumatok uli ako sa kwarto nila. “Nanay…” Pinagbuksan ako ni Nanay ng pinto. “Ano ba Nadia. Anong oras na?!” sabi ni Nanay habang binubuhol niya ‘yung tali ng suot niyang damit. Hindi niya pansin na nakalabas pa ‘yung isang dibdib niya at wala siyang suot na bra. “Iniistorbo mo kami ni Tito Michael mo.” Napatingin ako kay Tito Michael na kaupo sa ibabaw ng kama. Wala siyang suot na pang-itaas at nakatago sa ilalim ng kumot ang ibabang parte ng katawan niya. “N-nanay, pwede po ba akong matulog sa tabi n’yo? Natatakot po ako sa kwarto ko.” “Akala ko ba gusto mo nang sariling kwarto. Tuwang-tuwa ka pa kanina. Hindi pwede. Hindi ka na pwedeng matulog sa tabi ko. Bumalik ka sa kwarto mo.” “P-pero Nanay.” “Nadia, babalik ka sa kwarto mo o gusto mong masaktan pa kita?” pabulong na sabi ni Nanay. “Babalik na po…” Pagkasarado ni Nanay ng pinto, pinunasan ko ‘yung luha ko. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Marco nang kumulog na naman. Napaangat ang balikat ko sa gulat. Nakalagpas na ako sa kwarto niya nang lingonin ko ito. Naglakad ako pabalik at kumatok ako sa kwarto niya. Ayoko talagang matulog mag-isa. Kumatok ako. “Marco…” Nakailang katok na ako pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Mahimbing na siguro ang tulog niya. Paalis na sana ako nang bumukas ang pintuan niya. “Nadia? Bakit?” tanong niya habang nagkukusot pa ng mata. “Pwede ba ‘kong matulog sa tabi mo? Ayaw kasi ni Nanay na tumabi ako sa kanila. Natatakot ako sa kwarto ko. Hindi ako sanay matulog mag-isa.” Hihikbi-hikbi ko pang sagot. Hindi siya sumagot agad. Parang nag-iisip pa siya kung papayag ba siya o hindi sa hiling ko. “Okay, come in.” Binuksan niya ng todo ‘yung pintuan at pinapasok ako. Ang bango ng kwarto niya at ang linis. Madilim sa loob dahil lampshade lang ang bukas na ilaw. “Salamat ah. Huwag kang mag-alala, hindi ako malikot matulog.” “Ako naman, malikot matulog. Kaya kung mapapasiksik ako sa ‘yo, itulak mo na lang ako o kaya tadyakan mo ‘ko.” Napangiti ako. Hindi ko naman ‘yon gagawin sa kanya. Nahiga na siya sa kama at sumunod na rin ako. Magkatalikod kaming natulog sa ilalim nang iisang kumot. Natulog kami nang magkatalikod pero kinabukasan paggising ko magkayakap na kami. Nakahiga ako sa braso niya at nakayakap ang isang kamay ko sa tagiliran niya at nakadantay pa ang isang binti ko sa binti niya. Nakapatong naman ang kamay niya sa likuran ko. Masarap pala sa pakiramdam na may kayakap. Si Nanay kasi kahit kalian, hindi niya ako niyakap. Napatingala ako sa kanya at nakita ko siyang tulog pa at nakanganga. Mahina akong napahagikgik dahil sa itsura niya. Gwapo pa rin naman siya kahit gano’n ang ayos niya. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Napatingin ako  sa labas. Tumila na ang ulan pero makulimlim pa. Maingat akong lumabas ng kwarto niya at bumalik sa kwarto ko. Baka kasi magalit si Nanay kapag nalaman niyang sa kwarto ni Marco ako natulog. Baka sabihin niya na iniistorbo ko si Marco. Bilin pa naman niya sa ‘kin na magpakabait ako at huwag akong gagawa ng problema. “Kumusta ang tulog mo Nadia?” tanong ni Tito Michael habang nag-aagahan kami. “Okay naman po,” sagot ko kasabay ng pagtingin kay Marco. Tahimik lang siyang kumakain. Wala siyang sinabi tungkol sa pagtulog ko sa kwarto niya. “Huwag kang mag-alala, masasanay ka ring matulog sa kwarto mo mag-isa.” Pero ilang linggo na ako sa bahay nila at takot pa rin ako. Gabi-gabi akong pumupunta sa kwarto ni Marco para makitulog at wala naman siyang reklamo. At minsan mas nauuna pa siyang magising sa ‘kin kaya ginigising niya ako para makalipat ako sa kwarto ko. Isang umaga mas nauna akong magising kay Marco. Pagbangon ko mula sa kama niya may nakita akong dugo sa pinanggalingan ko at nakita ko sa salamin na may dugo rin ‘yung shorts ko. Tumkabo ako papunta sa CR na nasa loob ng kwarto niya at nakita ko na may maraming dugo ‘yung panty ko. Takot na takot akong ginising si Marco. “Gising! Marco gising!” Napabalikwas siya ng bangon. “Bakit? Ano’ng problema? Ano’ng nangyari sa ‘yo?” “May dugo. Wala naman akong ginawa pero may dugo.” Itinuro ko ‘yung kama sa kanya at pinakita ko rin ‘yung dugo sa shorts ko.  Napabuntong-hininga siya. “First time mo?” “First time?” “Dalaga ka na. Mangyayari talaga ‘yan sa ‘yo. Hindi n’yo pa ba ‘to pinag-aaralan sa school?” Umiling ako. Tinanggal niya ‘yung kobrekama. “Ipalit mo ‘to sa bedsheet ng kama mo. Para hindi nila malaman na dito ka natulog. Buti na lang mahilig si Dad sa white. Hindi nila mahahalata na sa kama ko ‘to.” “Tapos ano’ng gagawin ko?” “Pumunta ka kay Tita Diana. Sabihin mo sa kanya. Alam na niya kung ano’ng gagawin.” Pumunta ako sa kwarto nina Nanay. “Bakit na naman Nadia? Ang aga-aga.” “Nanay may dugo po.” “Ang alin?” Ipinakita ko sa kanya ‘yung shorts ko. “May regla ka na? Sandali.” Pumasok si Nanay sa loob at may kinuha sa cabinet. “Tara sa kwarto mo.” Naglakad si Nanay papunta sa kwarto ko at sumunod lang ako. Pagpasok namin sa kwarto ko, pinakuha niya ako ng panty at tinuruan niya ako kung paano maglagay ng napkin. “Maligo ka ng maligamgam na tubig. Kada apat na oras palitan mo ‘yung napkin mo at kung maghuhugas ka dapat maligamgam ‘yung tubig para hindi sumakit ‘yung puson mo.” Tango lang ako nang tango. “Nadia, dalaga ka na. Huwag mong ipapakita o ipapahwak ‘yang p*ke mo kahit kanino. Pagkaingatan mo ‘yan.” “Opo Nanay.” Sabay-sabay kaming nag-agahan. Dahil masama ang panahon inanunsyo na walang pasok ang mga estudyante sa elementary at high school, kaya pareho kami ni Marco na walang pasok. Sina Nanay at Tito Michael umalis dahil may aasikasuhin sila para sa kasal. Si Ate Mila naman nagpunta sa grocery kaya kami ni Marco ang naiwan sa bahay. “Nadia…” Narinig ko si Marco. Nasa labas siya ng kwarto ko. “Pasok ka.” Hindi naman naka-lock ‘yung pinto at ayokong tumayo. Masakit kasi ang puson at balakang ko kaya nakahiga ako sa kama. Sabi ni Nanay normal daw ‘yon. Pinainom niya ako ng gamot kanina pero mukhang lumipas na kaya masakit na uli. “Kumusta pakiramdam mo?” tanong niya at naupo siya sa tabi ko. “Masakit uli.” Nahiga rin siya paharap sa ‘kin at hinaplos niya ‘ko sa ulo. “Dalaga na ‘yung prinsesa ko. Hindi ka na baby.” “Matagal na naman akong hindi baby.” “Iba na ngayon Nadia. Huwag ka masyadong maglalalapit sa mga lalaki ha?” “Sa ‘yo lang naman ako malapit. Ikaw lang naman ‘yung gusto kong kasama palagi.” “Iba ako. Sa labas pwede kang may makilala na hindi maganda ang intesyon. May mga bagay sila na pwedeng gawin na makakasama sa ‘yo.” “Kaya ba sabi ni Nanay, hindi ko pwedeng ipakita at ipahawak sa iba?” Tumango siya. “May gusto ka bang kainin? Gusto mo ng chocolates? Nakakatulong ata ‘yon sa sakit. ‘Yung girlfriend ko dati, ‘yon ang laging request.” “Parang gusto ko ng spaghetti na maraming cheese ‘tsaka ice cream.” “Okay, sige. Ibibili kita.” Bumangon siya at lumabas ng kwarto ko. Mahigit isang oras din siyang nawala bago bumalik. Pagbalik niya dala na niya ‘yung spaghetti at ice cream na hiling ko. “Alam mo bang ikaw ang pinakapaborito kong tao sa buong mundo sunod kay Nanay?” “Alam ko. Ilang beses mo nang sinabi sa ‘kin,” nakangiti niyang sabi habang binubuksan ‘yung pinaglalagyan ng spaghetti. “Hindi ako magsasawang sabihin sa ‘yo ‘yon.” “Hindi rin ako magsasawang alagaan ka.” Inilapit niya sa ‘kin ‘yung spaghetti. “Kain na.” Pagkatapos kong kumain, ikinuha ako ni Marco ng parang pouch na may nakalagay na mainit na tubig. Ipinatong niya ‘yon sa ibabaw ng puson ko habang nakahiga ako at nakatihaya. Nilagyan niya rin ako ng unan si ilalim ng tuhod ko. Nabasa daw niya sa internet ‘yon. Baka raw makabawas sa sakit na nararamdaman ko. “Marco…” “Hmm? Bakit?” tanong niya habang nasa tabi ko siya at nakapatong ang laptop sa kandungan niya. May ginagawa siyang assignment at pinili niyang sa tabi ko gumawa para daw kapag may kailangan ako, siya na lang ang kukuha. “Salamat.” Isinarado niya ang laptop niya. Tiningnan niya ako at hinawi niya ang buhok ko nakatakip sa mga mata ko.   “Anything for my princess,” sabi niya at hinalikan niya ako sa dulo ng ilong ko kaya napapikit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD