CHAPTER 5

1379 Words
CHAPTER 5 “I can’t believe na magkakilala rin ang mga anak natin. Maybe we’re really destined to be together and be a happy family,” masaya at hindi makapaniwalang sabi ni Tito Michael habang nasa loob kami ng kotse. Nakaupo ako sa likuran ng kotse kasama sina Nanay at Tito Michael, habang nasa harapan naman si Marco at ang kapatid na lalaki ni Tito Michael na Gabriel ang pangalan ang nagmamaneho. Nagkatinginan kami ni Marco sa salamin na nasa harapan ng kotse kaya mabilis akong umiwas kahit na hindi naman niya ata kita ang mga mata ko dahil natatabingan ng buhok ko. “Unexpected nga ‘yung pagmi-meet namin Dad. Umuulan no’n at pareho kaming walang payong kaya sumilong kami sa waiting shed. After that we haven’t seen each other for months and nang magkita uli kami, sa jeep naman papasok ng school and now here. Small world.” Lumingon sa ‘min si Marco at sa akin agad ang tingin niya. “I’m really happy to see you again Nadia.” “Ngayon pa lang magkasundo na ang mga anak natin. Mukhang walang magiging problema kapag nagpakasal na tayo Honey,” sabi ni Tito Michael kaya napatingin ako sa kanila ni Nanay. “Kasal?” tanong ni Nanay na nanlalaki ang mga mata. “Oo. Kaya ako umuwi para yayain ka na magpakasal. Payag na ‘yang anak ko. Ikaw ba Nadia, payag ka ba na pakasalan ko ang Nanay mo?” “Kung ano pong gusto ni Nanay. Kung saan po siya masaya,” sagot ko. “Paano Honey, payag na si Nadia. Payag ka ba?” Mula sa bulsa ng pantalon ni Tito Michael, may kinuha siyang maliit na box. Binuksan niya ‘yon at may laman itong singsing na may malaking bato. “Diana, will you marry me?” Umiiyak na tumango si Nanay. “Yes! Yes, I will marry you!” Isinuot ni Tito Michael sa daliri ni Nanay ‘yung singsing at saka sila nagyakap. Masayang-masaya ako para kay Nanay. Pagkatapos niyang masaktan nang dahil sa tatay ko at kay Gardo, nakakatuwa na may nakilala siya na tulad ni Tito Michael. Pagdating namin sa bahay nina Marco, nalula ako sa laki nito. Dalawang palapag ito na may malawak na garden. May kasambahay din sila na sumalubong sa amin at nag-asikaso ng mga bagahe na dala ni Tito Michael. Nauna akong bumaba ng kotse dahil nasa may pintuan ako pero nahuli naman ako sa paglalakad papasok ng bahay nila dahil sa masakit na sakong ko. “Nadia, what’s wrong?” tanong ni Marco. Akala ko nakapasok na siya dahil nakita ko siyang nasa b****a na ng pintuan pero binalikan pala niya ‘ko. Mabilis akong umiling. “W-wala.” Ayos pa naman ako. Kaya ko pa maglakad. Ayokong maging abala sa kanya. “Parang hirap ka lumakad.” “A-yos lang ako.” Tumingin siya sa may paanan ko. “I think you’re not. Hintayin mo ‘ko rito.” Tumakbo siya papasok ng bahay, ako naman nanatili sa labas. Pagbalik niya may dala na siyang band-aid. Akala ko ibibigay niya ang mga ‘to sa ‘kin pero nagulat ako nang tumalungko siya nang upo sa tabi ko. “Namumula na ‘yang sakong mo.” “A-ako na,” sabi ko habang nakayuko at nakatingin sa kanya. Nahihiya ako sa kanya. Tumingala naman siya nang tingin sa ‘kin. “Ako na. I’m your big brother now dahil ikakasal na ‘yung parents natin.” Nginitian niya ‘ko, bago ibinalik ang tingin sa paa ko. Ibinaba niya ‘yung mga strap sa likod ng sandals ko at nilagyan niya ng band-aid ang magkabilang sakong ko. “Done!” Patalon pa siyang tumayo. “Tara na sa loob.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko at sabay na kaming pumasok. “Thank you…” nahihiya at mahina kong sabi. Nilingon niya ako at nginitian habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin. Maraming hinandang pagkain ‘yung kasambahay nila na si Ate Mila. Busog na busog ako pagkatapos naming kumain. Si Nanay at Tito Michael hindi mapaghiwalay. Pagkatapos kumain, umakyat sila sa taas. Si Ate Mila abala sa kusina habang ‘yung kapatid ni Tito Michael, umalis na. Kaming dalawa naman ni Marco, naiwan sa sala. “Tara sa labas.” Hinawakan na naman niya ‘ko sa kamay kaya naramdaman ko na naman ‘yung mainit niyang palad na sa hindi malamang dahilan ay nakakapagbigay sa ‘kin ng kapanatagan. Siguro dahil mabait siya sa ‘kin. Dinala niya ‘ko sa malaking swing na nasa labas ng bahay nila. Mahaba ito na kasya ang tatlong tao. Gawa ito sa bakal pero may kutson na upuan kaya hindi masakit sa pwet. Mayroon din ‘tong bubong kaya hindi mababasa kapag umulan at hindi rin mainit dahil nasa ilalim naman ng lilim ng puno. “I was surprised to see you at the airport kanina. Hindi ko inakala na ikaw ‘yung Nadia na nabanggit ni Dad sa ‘kin dati.” “Nabanggit ka rin sa ‘kin ni Nanay pero hindi niya nasabi ‘yung pangalan mo. Ang alam ko lang may anak na lalaki si Tito Michael,” walang pagkautal na sabi ko. Parang nawala lahat ng takot at pangamba ko. Hindi na ako naiilang o nahihiya sa kanya. “You know, I’m both happy and sad na ikakasal na ‘yung parents natin.” “Sad? Bakit? Hindi ba dapat happy lang?” “Masaya ako kasi masaya ‘yung Dad ko. Matagal din siyang mag-isa sa buhay mula nang mamatay si Mommy five years ago. I saw his pain, kahit na pilit niyang itinatago sa ‘kin. Kaya nang makwento niya sa ‘kin si Tita Diana, your mom, ipinagtulakan ko pa si Dad kasi gusto ko siyang maging masaya uli. Pero malungkot din ako kasi…” Huminto siya at tinitigan ako. “Bakit?” “Wala.” Umiling siya. “Kalimutan mo na lang na may sinabi ako.” Tumango na lang ako. Kung ayaw niya sabihin kung ano’ng dahilan kung bakit siya malungkot sa pagpapakasal ng mga magulang namin, hindi ko siya pipilitin. Dahil maliit lang ako at nakasandal ako sa sandalan ng swing, hindi nakalapat ang mga paa ko sa semento. Si Marco, matangkad siya kaya abot niya ‘yung sahig. Gamit ang mga paa niya, bumwelo siya at pinagalaw niya ‘yung swing. Nagulat ako. Akala ko mahuhulog ako kaya napakapit ako sa balikat niya. “Relax. Mababa lang ‘to. Hindi ka mahuhulog.” Napabitaw ako bigla nang ma-realized ko na sobrang lapit ko sa kanya. Bahagya akong lumayo at umayos uli ako ng upo. “Alam mo bang ang cute mo, kahit wala ka namang ginagawa.” “Ha?” Ano’ng ibig niyang sabahin? “You look so naive, fragile and tiny. Parang ang sarap mong alagaan.” “Parang pet?” Natawa siya sa tanong ko. “No. Not like that.” Tinitigan na naman niya ‘ko. “Basta. Cute ka. Ang sarap mo i-baby.” “Gusto mo ‘kong ihele? Kaya ba niyaya mo ‘ko dito sa swing?” Nangiti siya at hinaplos niya ang buhok ko. “Ang inosente mo talaga Nadia.” Hinatid kami ni Tito Michael sa bahay namin. Nahihiya nga si Nanay na papasukin si Tito Michael sa bahay namin kasi maliit lang ‘to, pero wala naman daw kay Tito Michael ‘yon. Mahal niya si Nanay at tanggap niya kung ano mang nakaraan at buhay meron kami. Pamilya na raw kami kahit hindi pa sila kasal ni Nanay at gusto niyang doon na kami ni Nanay sa bahay nila tumira. Natuwa ako nang marinig ‘yon dahil maganda at malaki ‘yung bahay nila at sabi ni Tito Michael magkakaroon daw ako ng sarili kong kwarto. Sigurado akong malambot ang mga kama nila hindi tulad ng kama namin ni Nanay na papag na may manipis na kutson lang. Naisip ko rin si Marco, palagi ko na siyang makikita. Nagpasalamat agad ako sa Diyos dahil kaibigan lang ang hiling ko pero binigyan niya ako ng kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD