Prologue
"Hello! Joana, napatawag ka?" Bungad ni Aldrich sa tawag ni Joana pagkasagot nito. Pupungas-pungas pa si Aldrcich habang nagsasalita dahil nasa 12:00am na ng hatinggabi. Subalit ng marinig ni Aldrich ang boses ni Joana ay tila nagising ng buong-buo ang diwa nito.
"Aldrich... H-e-l-p me." nauutal na sabi ni Joana at parang bumubulong ito na tila iniiwasan may makarinig nito.
"Joana, what happen?" Nangangambang tanong ni Aldrich.
"Please" ang kabang bumabalot sa pagkatao ni Aldrich kanina ay mas lalong nadagdagan ng marinig ang nanginginig na boses ni Joana na may halo pang hikbi.
"Nasaan ka ba ngayon?" Kinakabahan tanong ni Aldrich pero wala na siyang narinig na nagsalita.
"Hello! Joana, nandiyan kapa ba?" Takang tanong ni Aldrich dahil ilang minuto na ang lumipas pero hindi na niya marinig si Joana sa kabilang linya. Ngunit ng tignan nito ang cellphone ay oncall parin ito.
"Joana, magsalita ka." nanginginig na sabi ni Aldrich habang hinahanap ang susi ng kotse niya sa kanyang drawer. Mayamaya pa habang nasa daan si Aldrich ay nakarinig siya ng impit ng tawa sa kabilang linya.
"Hello! Joana, ikaw na ba iyan?" Takot na tanong niya sa kabilang linya pero wala man lang siyang narinig na tinig.
"f**k! Joana, magsalita ka! Kinakabahan ako!" inis na sabi ni Aldrich habang napapasigaw na at bahagyang napalo ang manibela ng sasakyan dahil ng malakas na pagbeeep nito.
Napahinto si Aldrich sa gilid ng kalsada ng marinig ang halinghing ni Joana.
"Ahhh! Aldriiich! Help meee!"
"Joana! Ano bang nangyayari Diyan!" Takot na sigaw nito pero bigla na naman walang nagsalita. Nang mapadako ang tingin ni Aldrich sa kanyang cellphone ay may nais makipagvideocall sa kanya at pangalan ni Joana ang nakasulat. Agad pinindot ni Aldrich ang answer button at sumalubong sa kanya ang gulong-gulo na kwarto ni Joana na tila dinaanan ng bagyo. Madilim ito at kalat lahat ng kanyang gamit.
"Joana?" Nanginginig ng sambit ni Aldrich ng makita ang kwarto ni Joana
Mayamaya pa ay may nakita si Aldrich na postura ng taong pumasok dito pero agad din itong nawala. Napatitig si Aldrich sa screen ng cellphone ng may babaeng unti-unting lumalapit dito. Habang palapit ito ng palapit ay mas naaaninag ni Aldrich ang dugo sa damit nito. Makalipas ang ilang minuto ay hindi na niya makita ang babae sa screen.
Napasapo na lamang si Aldrich sa kanyang noo at napamura.
"Joana, s**t! Natatakot ako"
Agad napatingin si Aldrich sa screen ng cellphone niya ng nagblack and white na lamang ag lumabas dito. Subalit tumindig lahat ng balahibo ni Aldrich ng isang nakakatakot na nilalang ang bumungad sa screen. Walang mata at sumusuka ito ng dugo.
"AAAHHH!"
"IKAW? Naghahanap karin ba ng Boarding house?"