Chapter 1

1295 Words
Chapter 1 - Boarding House "Ano ba 'yan! Bukas na ang start ng klase pero wala parin akong mahanap na boarding house!" naiinis na tinig ni Kela habang nakaupo sa mesa. Nakapangalumababa ito at nakatitig sa kisame ng boarding house ni Van. Unti-unting humarap sa kanya si Van na may ti-na-type sa kanyang laptop. "Sensya na talaga beshy. Wala na akong alam na boarding house e. Okupado na lahat halos ng kakilala ko." Malungkot na tinig ni Van sa kaibigang parang wala ng pag-asa ang hitsura.  "E kung apartment na lang kaya?" Suhestyon ni Van na ikinatingin ni Kela sa kanya na may nakakunot na noo. "Bakit?" Takang tanong ni Van ng makita ang hitsura ng kaibigan. "Ang mamahal ng boarding house dito, tapos apartment ang mapupuntahan ko? E tiyak kong mas mahal pa iyon kesa sa buhay ko, ghad! Kaimberna!" Napangiti si Van sa inakto ng kaibigan. Kahit stress na ito ay nagagawa pang magtaray. "Dito na lang muna ako pansamantala sa boarding house mo habang wala pa mga kaboarding house mo. Atsaka, para hindi narin ako magastos pauwi Dalican. Magtatambay muna ako dito habang nagahahanap ng b-house" walang kabuhay-buhay na sabi ni Kela. "No problem beshy. Basta ikaw." Nakangiting tinig ni Van at muli ng ibinaling ang tingin sa pagtitipa ng kung ano sa kanyang laptop. Pero agad siyang bumaling muli sa kaibigan ng may nakalimutan pala siya. "Besh, hindi pala kita masasamahan sa paghahanap ng boarding house bukas. Araw kasi ng operasyon ni Tatay e" malungkot na tinig ni Van.  "Ok lang yun besh. Kailangan ka doon sa hospital e. Kaya ko naman din sarili ko" sabi ni Kela habang naglalagay ng tubig sa baso.  Agad napatingin si Kela sa orasan at nasa 8 impunto na ito. Napabaling siya sa kaibigan na busying-busy. Agad siyang lumapit dito at tinignan kung ano ang sinusulat nito. "Hindi kaba natatakot sa mga sinusulat mo diyan?" Tanong ni Kela ng makita ang kaibigan na gumagawa ng horror story sa kanyang account sa w*****d. "Hindi besh, sanay ako dito e" nakangiting sabi nito. Hindi na lamang umimik si Kela at naglakad na lang palayo sa kanya kasi kinakabahan ito sa nabasang sinusulat ni Van. "Una na akong matulog, inaantok na ako." Sabi ni Kela at agad ng pumunta sa kwarto subalit bago pa man ito makapanhik sa hagdanan ay binalingan pa ang kabigan sa lamesa. "Hindi kapa ba matutulog?" "Mamaya na. Tataposin ko na muna itong sinusulat ko. Kasi kapag hindi ko pa sinulat ang ideya na merun ako ngayon. Baka makalimutan ko pa" mahabang salaysay nito sa kaibigan na hindi man lang tinapunan ng tingin.  Napabuntong-hininga na lamang si Kela at nagpatuloy nasa pagpanhik. "Okay" bulong na lamang niya.  Kinabukasan maagang nagising si Kela dahil maghahanap pa ito ng boarding house. Mayamaya pa Agad na siyang bumaba sa kusina nang tignan niya ang katabi niya ay wala ng tao. Pagkababa ni Kela ay napangiti na lamang siya ng makita ang note ng kaibigan sa refrigerator. May inihanda ako sa mesa besh para dika na mag-abalang magluto. Sorry ulit kung hindi kita masasamahan. Kain ka ha! Ingat din. I love you!  --Vanniey--  Nang mabasa ito ni Kela ay napangiti na lamang sa kalokohan ng kaibigan. Agad na siyang pumunta sa lamesa ng kumulog ang tiyan niya. Matapos kumain si Kela ay agad na nitong niligpit ang kinainan at mabilis ng nagbihis.   *** "Kaasar naman oh! Halos limang oras na akong naglilibot dito sa Village sa Cotabato City pero wala parin akong makita." Pagmamaktol ni Kela habang nagpapaypay. Mainit na kasi ang araw tapos wala pa siyang nadalang payong.  Halos lahat ng boarding house na napuntahan nito ay puno na. Kung merun man siyang makita ay halos hindi siya makapaniwala sa mahal ng renta nito per month. Mga 5 to 6 thousand per month ang renta e per monty nga ay halos 1 thousand lang ang budget niya.  Nasa waiting shed si Kela ngayo habang nagpapahinga dahil napapagod na. Bago siya sumilong ay bumili muna ito ng softdrinks para pampalamig. Hindi pa man nakakalahati ni Kela ang naka-cellophane niyang softdrinks ng may matandang lumapit sa kanya na lumilimos. "Palimos po. Kahit barya lang. Nauuhaw na talaga ako, hija" sabi ng matanda na agad naman tinignan ni Kela. Nang makita ni Kela ang matanda ay nainis siya pero hindi na lamang niya ito pinansin at binigay na ang softdrinks na hawak niya. Pagka-abot ni Kela sa softdrinks ay uhaw na uhaw na ininum ng matanda ito. Napangiti na lamang ang matanda sa busog. Akmang aalis na si Kela ng napahinto sa sinabi ng matanda. "Naghahana kaba ng boarding house?" Tinig ng matanda at agad naman napatingin si Kela dito. "Opo, lola. Pero ilang araw na akong naghahanap wala parin akong makita" walang ganang sabi ni Kela. "May alam ako. Gusto mo tulungan kita?" Tila nabuhayan si Kela ng dugo nang marinig ang sinabi ng matanda sa kanya. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at dinalangin na sana mura lang ang renta bago tinignan ang matanda. "Talaga po?" Masayang tanong ni Kela pero agad niya itong binawi at nagtanong ulit. " Magkano po ba per month ng boarding house na iyon, Lola?"   Ngumiti lamang ang matanda kay Kela bago ito nagsalita. "Dahil binigyan mo ako ng softdrinks. Libre na lang yung pagtira mo. Mabait ka naman e" tila abot langit ang ngiti at saya ni Kela ng marinig ang sinabi ng matanda. Halos mapatalon siya sa saya at napayakap sa matanda.  "Talaga po? Naku! Salamat po lola. Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya ngayon" masayang tinig ni Kela habang napayakap sa matanda.  "Halika. Ipapakita ko na saiyo ang boarding house na iyon" sabi ng matanda at agad ng naglakad. Sumama narin si Kela sa matanda at abot langit ang sayang nararamdaman nito. Unti-unti na silang pumasok sa eskinita at agad na nabasa ni Kela ang nakasulat sa karatola. Block 5, street village, Doolbngillng.   "Ang weird" bulong ni Kela at nagpatuloy na lamang sa paglalakad at sinundan ang matanda.  Habang nakasunod siya sa matanda ay tahimik lamang tinitignan ang matataas na building sa bawat nadadaanan na gusali. Tila makaluma na ang mga straktura sa lugar na ito dahil makaluma rin ang stilo ng kanilang bahay. The facade of all house in this block is kinda weird and old fashion.  Malayo-layo narin ang nalakad nila nang unti-unti na silang makalapit sa dulo na talaga ng eskinita. May isang malaking bahay dito na tila nakakapangilabot dahil sa hitsura nito. Parang nasa haunted house dahil sa makaluma nitong style.  Tila kinikilabutan si Kela sa titig ng mga taong nadadaanan niya. Yung mga titig nila ay parang sinusuri ang bawat pagkatao ni Kela. Tinitignan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa dahilan para mailang siya sa mga ito. Subalit bumalot ang kaba sa kanya ng huminto ang matanda sa harap ng malaking bahay na kanina pa niya tinitignan.  "Nandito na tayo" agad napabalik sa huwisyo si Kela ng magsalita ang matanda sa kanya. Tila kinilabutan si Kela sa nakikitang laki ng bahay.  "Dito po ba?" Kinakabahang tanong ni Kela pero hindi niya ito pinahalata sa matanda. "Tuloy ka" ani Lola at binuksan ang maliit na gate nito. Kinakalawang na ang gate nito at tila tumunog pa ito ng buksan niya.  "Mag-isa na lamang akong nakatira dito mula ng magkaroon na ng pamilya ang mga anak ko" panimulang kwento ng matanda kay Kela pero tila lumilipad ang isip nito sa nakikitang bahay. Nakakakilabot at nakakasindak ang hitsura nito. "Mag-isa lang po kayo? Nasaan na po ang mga anak ninyo?" Takang tanong ni Kela dito. Pero nanlaki ang kanyang mga mata at napatigil sa sinagot ng matanda.   "Oo, patay na lahat ng mga anak ko"  ***  Kaya ko bang tumira sa boarding house na puno ng misteryo? Tanong na lamang ni Kela sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD