Chapter 2 - One Rule
Hindi nakaimik si Kela sa sinagot ng matanda sa kanya at bahagya siyang napahinto lalo na't umihip ang hangin na tila bumubulong sa kanya. Napangiti ang matanda sa reaction ni Kela kaya magpatuloy na ito sa paglalakad at pagsasalita.
"Wag kang mag-alala Miss. Walang gugulo saiyo dito dahil mag-isa ka lang din titira dito. Mas mabuti ng mag-isa para makapag-aral ka ng mabuti" sabi ng matanda habang nakasunod naman si Kela sa kanya.
Nililibot ni Kela ang paningin sa kabuoan ng Bahay. May dalawang palapag ito. Sa pangalawang palapag ay may balkonahe na nasa gitna ng dalawang kwarto. Luma na ito dahil halata sa kalawang na nakadikit sa bawat poste ng bahay. May tumba-tumba rin dito na tila ilan taon ng hindi nagagamit dahil kinakalawang na ito. Sa may bandang kaliwa ng bahay ay may malaking puno ng mangga at may nakasabit na duyan dito. Agad napabalik sa huwisyo si Kela ng magsalita ulit ang matanda.
"Pagpasensyahan mo na ang bahay. Hindi ko na kayang linisin pa ito e. Kaya ganito na lamang ang nagiging hitsura. Mula ng mawala ang mga anak ko pati katulong namin ay nagsipag-alisan na dahil wala na akong pambayad sa kanila. Ako lang kasi ang nakatira dito" nakatingin lamang si Kela sa matanda habang nagsasalita. Nakaramdam siya ng awa dito. May nais pa sana siyang itanong pero ipinagkibit-balikat na lamang niya ito.
"Tuloy ka" ani Lola pagkarating na nila sa malaking pintuan ng bahay. Gawa ito sa kahoy kaya halata ang pagkaluma nito. Siguro nasa 9 to 10 feet high ang taas nito.
Tila ayaw ng pumasok ni Kela sa bahay pagkakita sa straktura nito at ayos ng bahay. Tila wala ng naglilinis dito dahil mapanghi ang amoy ng hangin na nanggagaling dito. Natatakpan ng maitim na tela ang mga gamit dito. May mga bahay na ng gagamba sa kisame nito at kitang-kita ang mga basag na salamin sa ikalawang palapag.
Pagkapasok mo pa lang sa pintuan ay una mong matatanaw ang sofa sa sala na may maliit na mesa sa gitna nito na gawa sa kawayan. Pati ang bangko ay gawa rin sa kawayan. Agad mo rin makikita ang pangalawang palapag na may tatlong kwarto. Ang isang kwarto ay nakahiwalay sa dalawa. At ang pintuan papunta sa balkonahe ang nagsisilbing hiwalayan ng tatlong kwarto. Makikita ang pagkaluma dito dahil hindi na ito nalilinis. May mga cotton pa na nakakalat sa sahig at may mga sirang gamit na nakakalat.
Sa baba nito ay may dalawang kwarto rin. Pero tila maayos ang nasa kaliwa dahil maganda ang kulay nito.
Agad na lumapit ang matanda sa tabi ng medyo maayos na kwarto at binuksan ito. Agad na binalingan ng matanda ng tingin si Kela na hindi parin umaalis sa pintuan at doon parin nakatayo.
"Ito ang magiging kwarto mo Miss kapag nagtuloy ka sa pag-upa dito" doon pa napabalik si Kela sa kanyang sarili at mabilis na lumapit.
Maliit lang ito na kwarto pero katamtaman na ito sa isang kwarto. May maliit na kama sa gitna na halatang pang single lamang. May bedside table din ito. Maraming bubog sa sahig na nakakalat at cotton.
"Ipapalinis ko ito sa apo ko mamaya kapag mapagdesisyonan mong tumuloy" sabi ng matanda at agad naman itong lumabas.
Naiwan si Kela sa loob ng kwarto at naunang lumabas ang matanda. Inilibot ni Kela ang paningin sa kabuoan ng kwarto. Maganda ang kwarto kung nalilinis lang ito. May sariling banyo sa loob. Ngunit napaptlag si Kela ng may marinig siyang natumbang lata mula sa maliit na banyo. Dahil sa kuryosidad ay unti-unti siyang lumapit dito. Habang papalapit siya at bumibilis ang t***k ng pusp niya at unti-unti siyang nakakaramdam ng kaba at takot.
Pinakiramdaman ni Kela ang lugar pero tahimik ito. Unti-unting hinawakan ni Kela ang siradora ng pituan at itutulak na niya ito ng biglang tumalon ang pusa mula sa loob ng banyo.
"Oh my ghad!" Bulalas ni Kela at napahawak na lamang ito sa kanyang dibdib.
"Halika. Ituturo ko saiyo ang magiging kusina mo" kahit kinakabahan si Kela ay unti-unti siyang humarap sa matanda at sinundan na lamang ito.
Pagkarating nila sa kusina ay may basag na plato sa mesa. May malalaking kutsilyo at may patay na manok dito. Agad itong niligpit ng matanda at napailing.
"Senxa na. Nakalimutan ni Lawrence iligpit at ginagawa niya" ang kaba kanina na nararamdaman ni Kela ay lalo pang nadagdagan.
Agad napabaling ang tingin ni Kela sa manika ng mahawakan ito ng matanda ay tumunog.
"Ako si Lawrence. Pinatay ko ang manok dahil maingay! Maingay! Ha! Ha! Ha!"
"Pagpasensyahan mo na ang laruan na ito. Ganyan talaga yan kapag nahahawalan ay umiingay" nakangiting pagpapaliwanag ng matanda.
Kanina pa hindi mapakali si Kela dahil tila hindi maganda ang pakiramdam niy sa lugar na ito. Agad na tinago ng matanda ang laruan sa kabinet malapit sa mga plato.
***
Hindi mapakali si Kela sa mga nakikita. Tila umurong na siya at yaw na niyang tumuloy pa doon. Nakakatakot ang hitsura ng lugar at tila ang weird pa ng mga tao. Kung makatingin sila kay Kela ay tila pinag-aaralan bawat bahagi ng katawan niya.
"May nahanap kabang boarding house besh?" Pukaw ni Van sa kaibigan na kanina pa nakatulala. Agad naman napabalik sa ulirat si Kela at tumingin sa kaibigan.
"Oo" walang ganang sagot niya.
"O bakit para kang iniwan ng boyfriend mo ng walag paalam? Walang kabuhay-buhay." Sermun ni Van sa kaibigan na parang lantang gulay. "Diba dapat magsaya ka kasi may boarding house kana?"
"Natatakot ako doon"
"Bakit? May mga adik ba?" Napangiti na lamang si Van sa naisip na kalokohan " Don't worry besh. Hindi mangre-r**e ng parehong likod ang katawan"
"Aray!" Maktol ni Van nang maramdaman ang kamay ni Kela sa kanyang ulo.
"Shunga! Ininsulto mo pa ako. Pag ako nagkaboobs. Who you ka sa akin" mataray na sabat nito.
"Kelan kaya?" Nakataas kilay ni Van na sabi.
"Tse!"
"Seryoso. Bakit ka natatakot?" Seryosong tanong na ni Van kay Kela. Napatingin si Kela sa kabigan at napailing na lamang.
"Para kasi itong haunted house. Ang laki ng bahay tapos dalawa lang kami nung matanda. I mean lola Isang na titira doon" walang emotion sabi ni Kela.
"So balak mong maghanap pa ulit?"
"Hindi ko alam..." Walang buhay na sabi ni Kela. "Libre naman kasi iyon kasu kapalit ng libre e mukhang hindi ako makakatulog sa takot"
"O libre naman pala? Swerte mo nga e. Kasama mo naman siya diba, ano problema d'un?" Sabi ni Van na tila hindi makapaniwala.
"Walang problema sa akin. Hindi naman ako takot sa mutlo pero nahihirapan ako dun mag-isa"
"Yun naman pala e. Dont worry lagi kitang dadalawin doon. Baka nga doon pa ako makitulog e" nakangiting sabi ni Van na ikinalaki ng mata ni Kela.
"Hindi pwedi 'yun Van" kinakabahan na sabi ni Kela. Napakunot noo na lamang si Van sa inasal ng kaibigan.
"Alin ang hindi pwedi doon?" Nalilitong tanong ni Van sa kaibigan.
"Ang bisita at matulog doon"
"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Van sa kaibigan.
"May isang rule kasi sa bahay na iyon na hangganga ngayon bumabagabag parin sa akin" malungkot na tinig ni Kela habang nagsasalin ulit ng tubig sa baso.
"Anong rule?"
"Bawal ang bisita" nalaglag ang panga ni Van pagkarinig nun.
"Sigurado ka?" Tango lamang ang isinagot ni Kela dito at hindi na kinulit pa ni Van.
Hanggang sa nakahiga na sila pareho ay iniisip parin ni Kela ang one rule na iyon.
"Bakit kaya?" Tanong ni Kela sa sarili bago kinain ng antok.