Chapter 3

1636 Words
Chapter 3 - Lawrence "Besh! Gising na! Araw na ng klase ngayon kaya kailangan mo ng bumangon!" Sigaw ni Van kay Kela na tila walang pakialam sa mundo dahil gising na ito pero hindi parin tumatayo. "Hmmmppp! Ang aga pa" pagmamaktol niya kay Van at nagtalukbong ng unan. "Kela Sagala Gotlieb!?" Tawag ni Van kay Kela sa seryosong tinig.  "Nasa banyo na ako!" Mabilis pa sa kidlat tumakbo si Kela dahil alam na kung ano ang gagawin ni Van sa kanya. Kapag yan si Van kasi tinawag na ang totoong pangalan mo. Siguradong naiinis na 'yan.  Napangiti na lamang si Kela sa hitsura ng kaibigan kapag naiinis ito. "Tutuloy pa kaya ako?" Bulong ni Kela sa sarili habang nakatingin sa sariling repleksyon.  "Kela? Tanghali na!" Sigaw na naman ni Van sa labas na ikinatawa ni Kela. "Naliligo na nga Mama, e" nakangiting sigaw ni Kela pabalik kay Van.  Matapos magtoothbrush ni Kela ay agad na niyang itinapat ang sarili sa shower at hindi parin maalis sa isip niya kung tutuloy ba siya o hindi. "Bahala na" bulong na lamang ni Kela at pinatay na ang shower. Matapos gawin nito ang daily routine sa harap ng salamin ay agad na itong lumabas ng kwarto.  Pagkababa ay agad niyang nakita ang nakakunot na noo ng kaibigan habang naghihintay sa mesa. Nakahain na ang mga pagkain dito at hinihintay lang talaga nila ang pagbaba ni Kela bago magsimulang kumain.  "Kain na po mahal na Prinsesa" Sabi ni Nesa na kaboardmate ni Van.  "Ano pa po ang nais mong ipagluto namin, your highness?" Tanong naman ni Aria na kasama rin sa boarding house.  "Ilang oras ba dapat maligo, Kela?" Magkasalubong na kilay na tanong ni Van dito.  "Wow! Ang sarap ng pagkain! Fried egg with hotdog. Yes! Mukhang mabubusog ako nito!" Masayang sabi ni Kela at umupo sa tabi ni Van. Hindi na niya binigyan ng pansin ang mga kasama sa mesa at ang mga naiinis nilang mukha. Akmang kukunin na ni Kela ang isa pang hotdog ng paluin ni Van ang kamay niya.  "Hehehe, kain tayo" sabi na Lamang ni Kela at napatingin sa mga kasama. Napailing na lang sila dito at kumain narin.  "Hindi ka parin talaga nagbabago" iritang sabi ni Anne na ngayon lang nagsalita at pinapanuod ang mga kasama sa mesa.  "Teka? Kailan pa kayo dumating?" Tanong ni Kela sa mga kasama niya sa mesa habang abala ito sa paghiwa ng hotdog. "Kagabi lang." Tipid na sagot ni Anne dito. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang lahat at tanging huni lamang ng plato at tinidor ang maririnig mo.  "Kung pwedi lang. Dito na ako sa boarding house na ito makipagsiksikan, ginawa ko na" naiinis na maktol ni Kela "...bakit kasi ayaw pa ng impaktang matanda na 'yun na dito ako magboarding house?"  "Kela, bibig mo" saway ni Anne kay Kela. "Hindi ka na nga kasya dito. 'Wag mo kasi ipagsisikan ang sarili mo kung hindi kana kasya. Baka magsisi ka lang sa bandang huli" sabi ni Nesami habang humihiwa ng hotdog. Nagkatinginan ang mga kasamahan ni Nesa sa sinabi niya. Tila hindi nila inaasahan ang sinabi nito dahil minsan lang ito magsalita na parang may pinanghuhugotan.  Agad siyang napatingin sa mga kasama niya ng matahimik sila bigla. "What?" Wala ng nagsalita at nagpatuloy na sila ng pagkain.   ***   "Saan ang unang room mo?" Tanong ni Kela kay Van habang nasa hallway sila papuntang Education.  "Room 101 sa second floor. Ikaw?" Balik tanong din ni Van kay Kela habang busy ito sa paghahanap ng kung ano sa bag niya.  "Room 102, 2nd floor din"  Dahil first day of school ngayon ay tila lahat ng mga tao ay busy sa paghahanap ng room nila. Napasalamat si Kela sarili dahil kasama niya siNesami at Anne sa boarding house ni Van dahil, malaki kasi ang naitulong nila sa kanya. Napakunot ang noo ng mapatingin si Kela banda sa may admin sa registrar. Agad siyang napalingon ng may biglang magsalita sa likod niya. "Wag kana magtaka diyan. Hindi na nakakapanibago na kahit araw na ng pasukan ay may nagpipila parin sa registrar para maka-enrol. Bagal ng proseso e"  Nagtaka na lamang siya sa babaeng nagsalita dahil hindi pa niya ito kilala pero kinausap na siya nito. Nang makita ni Kela nito ay nakakunot ang noong nakatingin doon. "Aria. Aria Delos Santos" nakangiting sabi nito. Ngumiti narin siya pabalik sa kanya dahil mukhang mabait naman ito. Nararamdaman niya kasi ito.   "Kela. Kela Gotlieb" nakangiti ring sabi ni Kela dito.  Mayamaya ay napatingin na lamang silang dalawa sa unahan dahil may bigla ng dumating na guro.  "Okay, before we start our class. I think we have to know each other name." Panimula ng guro sa unahan. Nakasalamin ito at maputi. Ang dimple niya sa kaliwang pisngi niya ay litaw na litaw habang nakangiti siya. Ang gwapo niya.  "Ang gwapo niya talaga 'no"   "Hindi na ako mag-a-absent nito kahit hate ko ang math"   "Ako rin. Magpapakatino na ako sa pag-aaral"   Nagkatinginan na lamang si Kela at Aria sa mga narinig na usapan ng kanilang kaklase. Natapos ang araw ni Kela na puro assignments and getting to know each other lang. "Kahit college na tayo may ganito pa?" Bulong ni Kela habang nakabusangot.   ***   "Beshy, yung maleta ko ha!" Sigaw ni Kela kay van habang inaayos ang mga gamit nito. "Ano gagawin ko diyan, aber?" Mataray na sigaw nito mula sa labas.  "Pakitawag yung tricycle driver para matulungan tayong isakay ito"   "Sige" pagkasabi ni Van nito ay agad na niyang pinuntahan ang Tricycle driver.  Habang abala si Kela sa pagtutupi at pagliligpit ng mga gamit ay siya naman lapit ni Anne dito. "Kaya mo ba mag-isa doon?" Alalang tanong ni Anne sa kanya habang tinutulungan si Kela pagliligpit. Agad naman napatingin si Kela sa kanya at napangiti na lamang dito. "Oo, salamat sa pag-aalala" "Wag kang mag-alala Kela. Hindi naman bawal maging pasaway. Break the rule kumbaga" ani Anne na ikinatigil ni Kela. Tila kinabahan siya pagkarinig sa huling sinabi ni Anne. "Bakit?" Takang tanong ni Anne dito.  "Ah wala."    ***   "Malayo paba iyon dito Kela? Masakit na pwet ko dito sa motor e?" Maktol ni Van kay Kela habang naka-de-kwatrong nakaupo sa motor.  "Oo malapit na. Kunting tiis na lang gaga!" Napatingin ang lalaki sa kanilang dalawa sa ginagawa nila.  "Sa anong block tayo Ma'am?" Tanong ng tricycle driver habang nakatuon ang pansin sa daan.  "Block 5, Stree---" hindi natapos ni Kela ang sasabihin dahil mabilis na napa-preno ang lalaki. "Oh my God!" Bulalas ni Van ng mapasubsob sa maletang nasa harapan dahil sa biglang preno ng Tricycle driver. "Ayusin mo magdrive kuya. Gusto ko pa magkaboyfriend. Ayokong mamatay na forever single, okay?!" Mataray na sabi ni Van dito habang inaayos ang bag na nahulog sa paa niya. "Bakit kuya?" Takang tanong ni Kela.  "Ah wa-l-a" tila nauutal na sabi nito. "Sigurado kabang doon na kayo na block mag-upa ng boarding house?"   "Ako lang po mag-isa?" Tinig ni Kela pagka-usog ulit ng motor. Pero tila napahinto na naman ang lalaki sa muling sinabi ni Kela.  "Ikaw lang mag-isa?" Hindi makapaniwalang balik-tanong nito kay Kela. Tila nawe-weird-uhan na sila Kela at Van sa inaasal ng lalaki. "Opo" pagkasabi ni Kela nito ay hindi na nagsalita pa ang lalaki pero halata sa kanya na tila kinakabahan ito. Mas lalong nakita ang kaba sa mukha ng lalaki ng papasok na sila sa Eskinita ng Block 5 village. Halos palinga-linga ito na tila may iniingatan na makakita sa kanya na ipinagtataka ni Kela at Van. Nais sana nilang tanungin ito kung "Okay lang siya" pero ipinagkibit balikat na lang nila ito.  "Dito na po, kuya" nanlaki ang mga mata ng lalaki ng marinig ang sinabi ni Kela.  Mas mabilis pa sa kidlat itong bumaba sa motor at mabilis na ibinaba ang mga gamit ni Kela na tila nagmamadali. Mas lalo itong nataranta ng makita ang mga titig ng mga tao sa ibang bahay sa kanila.  "Ito ba 'yun besh?" Tila kinakabahang tanong ni Van. Tango lamang ang isinukli ni Kela dito at agad ng hinarap ang tricycle driver at binigay ang bayad. "Salamat po, Kuya" at agad ini-abot ang bayad. Subalit nagtaka si Kela ng hawakan ng lalaki ang kamay niya na may hawak ng pera na tila nanginginig ito. Napakunot ang noo ni Kela sa kanina pang inaasal ng lalaki.  "Okay lang kayo, Kuya?" Takang tanong ni Kela dito ng tila humigpit ang hawak ng lalaki sa kamay niya habang nakatingin sa lumang bahay na nasa harapan nila na tutuluyan ni Kela.  "Ma-g-ing-at ka" nauutal na sabi nito.  "May problema ba kuya?" Tanong ni Van dito na kanina pa napapansin ang kilos at galaw ng lalaki. "Kanina pa kita napapansin na tila di mapakali. Lalo na ng sabihin saiyo ni Kela ang block na ito" curious na tanong ni Van dito. Pero tila tahimik lang ang lalaki at ibinaling ang tingin sa bahay. Subalit mas lalong nakita ang gulat na ekspresyon sa mukha ng lalaki ng may biglang lalaki na nagsalita sa likuran nila na agad naman nilang ikinatingin.  "Ikaw ba si Kela?" Tanong nito pagkalapit sa kanila.  "Lawrence?"   Bulong ng lalaki na ikinalingon ni Lawrence sa kanya. Nang makita ng lalaki na napatingin si Lawrence sa kanya ay mabilis itong pinaandar ang motor at tila kidlat na mabilis na humarurot palayo.  Subalit bago pa man maka-alis sa kanto ng block 5 ang lalaki ay huminto at tinignan ang tatlo.  "Bakit buhay si Lawrence at hawak pa ang manika na iyon?" Nagtatakang tanong nito. "Sana... Sana hindi mangyari ulit ang ikinakatakot ko" bulong nito at tuluyan ng nilisan ang lugar. Hindi napansin ng lalaki ay may nakatingin sa kanya sa malayo habang nakangisi. "Aldrich... Welcome Ulit sa buhay ko. Welcome sa Block 5," sabi ng isang taong nakatingin kay Aldrich habang hawak nito ang album na matagal ng binaon sa limot. "—Finally, I found you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD