Chapter 4 - Add Friend (Lucia Juaquin)
Tila nagtaka sila Kela at Van sa ikinilos ng lalaki kanina. Kahit kanina pa nila ito napapansin na kakaiba ang kilos pero mas lalo silang kinabahan sa reaksyon ng lalaki kanina ng makita si Lawrence.
"Ano kaya problema n'un?" Bulong ni Kela sa sarili at napatingin kay Van na tila kinakabahang nakatingin sa bahay. Malalaman na kinakabahan ito kapag kumakagat ng dila at nilalaro ang tainga ng kamay niya.
"Tuloy kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay" sabi ni Lawrence at tinulungan si Kela sa dala nitong maleta. Bag na lang ngayon ang bitbit ni Van at Kela. Agad na nilang sinundan si Lawrence papuntang bahay.
"Maayos na po ang kwarto niyo ma'am Kela. Ipina-ayos po kasi ni Lola sa akin kahapon para po hindi na kayo mapagod maglinis kapag nandito na kayo" mahabang salaysay ni Lawrence bago binuksan ang pintuan.
Agad naman pumasok si Kela saka sumunod si Van. Tila napanganga si Van ng makita ang bahay na uupahan ni Kela.
"Ako nga po pala si Lawrence, Ma'am Kela." Sabi ni Lawrence sabay lahad ng kamay kay Kela.
"Kela na lang itawag mo sa akin. Wag kana rin mag " Po" mukha kasing hindi rin nagkakalayo edad natin" nakangiting sabi ni Kela habang namamangha sa ipinagbago ng bahay.
Noong unang pagpunta niya dito ay tila may bagyong dumaan dito. Ngayon ay malinis na malinis na. Wala ng bahay ng gagamba at kalat na gamit. Ang mapanghing amoy nito ay napalitan ng amoy Downy at tila ang laki ng pinagbago ng bahay.
"Mamayang pagdating lang ni Lola maayos ang bumbilya ng ilaw mo Ma--- Kela. Nasa palengke pa kasi siya" sabi ni Lawrence habang papunta sa Kusina. "Yung tubig pala ay bukas pa maipapakabit ulit, kaya sa kwarto sa labas kay Lola Isang ka lang maligo dahil doon lang may tubig"
Hindi na lamang nagsalita si Kela at Van. Kaya agad na silang tumuloy ng kwarto at kitang-kita sa mukha nila na namangha sila sa nakita nila.
"Wow! Ang ganda pala ng kwarto mo 'te. Tila nasa palasyo ka!" Masayang komento ni Van pagkapasok sa kwarto ni Kela. Sabay niya inilapag ang mga gamit malapit sa kabinet nito.
"Ok na ba ang ayos nito, Kela?" Tanong ni Lawrence sa kanya habang nakatingin sa kanya.
"Oo. Maganda ang kulay.. Kailan mo ito pininturahan?" Sabi ni Kela habang abala ang mga mata sa pagtingin ng buong kwarto.
"Two days from now" nanlaki ang mga mata ni Kela sa sinabi nito.
"Two days?" Tila nagtataka nitong tanong.
"Oo. Mula ng pumunta ka dito ay ipinalinis na ni Lola ang kwarto at ang buong bahay. Mahalagang tao raw po kasi ang magtira dito. Kaya ganito ang ayos" mahabang salaysay ni Lawrence na ipinagtaka ni Kela. Agad nagkatinginan si Kela at Van sa narinig na sinabi ni Lawrence.
"May kasama ba ako na titira dito?" Kuryos na tanong ni Kela dahil tila nagtataka siya.
Agad napatigil si Lawrence sa ginagawa niyang pag-aayos ng bumbilya ng ilaw sa tanong ni Kela at napatingin sa kanya.
"Ikaw lang mag-isa dito na titira.
Sa kabilang bahay kami ni lola" pagkasabi ni Lawrence dito ay agad nang ibinaling ang pokus sa pag-aayos ng ilaw. Tila kinabahan si Kela sa narinig pero binalewala na lamang niya ito at inayos na ang mga gamit.
"Maayos narin pala pati Cabinet dito?" Nagtataka ring tanong ni Kela.
"Pinalitan din yan kahapon" tila nagtataka na talaga si Kela sa mga pinagsasabi ni Lawrence. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at agad naman lumapit sa kanya si Van.
"Tulungan na kita?" Nakangiting sabi ni Van dito.
Habang abala si Kela at Van sa ginagawa nila ay may taong malimit na nakatingin sa kanila habang nakakunot ang noo.
"Joana?" Bulong nito sa sarili at agad ng iniwas ang tingin.
"Bakit niya kamukha si Joana?" Takang tanong nito at agad ng lumabas ng kwarto.
***
"Besh, sigurado kaba na ayaw mong dito ako matulog ngayong gabi?" Malungkot na tinig ni Van kay Kela habang nasa maliit na gate na sila. Malamig na ang dapit hapon dahil nasa ika-limang impunto na ng hapon.
"Hindi na beshy. Sapat na ang tulong mo sa akin. Alam ko pagod kana hindi mo pa natatapos i-edit ang story na ipapa-published mo. Next week na ang deadline nun diba? Baka pagalitan ka ng editor mo, sige ka?" Mahabang salaysay ni Kela sa kaibigan habang nakahawak sa kamay ng kaibigan.
"Sige na nga. Kailangan ko rin naman taposin yun. Ingat ka dito ha! Kapag may kailangan ka, just call me" sabi ni Van sabay yakap sa kaibigan.
"Bye! Besh! Ingat ka dito ha!" Kaway ni Van habang nasa motorcycle.
"Bye din! Ingat sa pag-uwi" hindi muna umalis agad si Kela sa kinatatayuan hanggat hindi pa nakakalabas ng kanto ang kaibigan. Akmang aalis na si Kela sa gate ng may babaeng magsalita sa likod niya.
"Miss! Ikaw ba ang bagong lipat dito?" Agad napahinto si Kela at napatingin sa babae.
"Ako nga po, bakit po?" Takang tanong ni Kela dito at agad na nilapitan.
"Wala kaba kasama na titira diyan sa malaking bahay?" Walang emotiong tanong nito na ikinakunot ng noo ni Kela.
"Wala po. Bakit nga po?"
"Mag-ingat ka miss. Mag-isa kapa naman" sabi ng babae at may binulong pa ito subalit hindi na narinig ni Kela. Pero ang hindi niya maintindihan ay nung napatigin ang babae sa bahay ay kitang-kita ang gulat at paglaki ng mga mata nito. Agad naman napatingin si Kela sa bahay pero wala naman siyang nakikita. Agad napalingon si Kela sa babae ng may pangalan na ibinulong ito.
"Lucia? Joana?"
Pagkatingin ni Kela sa babae ay unti-unti itong paatras paalis hanggang sa nakalayo na sa may gate kung saan nakatayo si Kela.
"Mag-ingat ka miss! Wag kang lumabas pagsapit na ng alas-nuebe kahit ano marinig mo!" Natatakot na sabi nito sabay takbo.
Naiwan na nagtataka si Kela at nagpalinga-linga mula doon sa babae at sa bahay na tila kinakatakutan ng babae.
"Bakit kaya?" Bulong ni Kela at agad ng tinahak ang daan papasok sa boarding house niya dahil magdidilim na ang gabi.
Kahit kinakabahan siya sa sinabi ng misteryong babae kania ay ipimagsawalang bahala na lamang niya ito.
"Saan ka galing?" Muntikan ng mapatalon si Kela sa gulat ng pagkapasok niya ay agad na may magsalita sa likod niya.
"Oh my God! Lola, nabigla naman po ako sa inyo" gulat na sabi ni Kela habang napahawak sa dibdib.
"Sa labas po. Inihatid ko kaibigan ko" sabi ni Kela habang diretsong pumunta sa kusina at uminom ng tubig.
"Sa susunod, wag kang makipag-usap sa kabilang bahay. Baka mapahak ka lang. Tandaan mo Kela, hindi lahat ng inaakala mong mabait ay kaibigan mo. May mga tao na kaya ka lang lalapitan ay para makakuha ng pagkakataon na pagsamantalahan ka"
Napakunot noo si Kela sa sinabi ng matanda pero ipinagsawalang bahala na lamang niya ito.
"Opo lola, ano po't naparito kayo lola?" Takang tanong ni Kela dito at diretsong umupo sa bangka sa tabi ng mesa.
"Para ibigay saiyo ito. Ito ang susi ng kwarto mo pati ang maindoor na ito" seryosong tinig ng matanda sa kanya. Napansin ni Kela na tila kanina pa nakatingin ng seryoso ang matanda sa kanya.
"May nais pa po ba kayong sabihin lola?" Takang tanong ni Kela dito nang mapansin ang mga titig nito sa kanya.
"Wag mong hayaan na kainin ka ng mga kuryosidad mo Kela. Baka ikapahamak mo pa ito. Kapag gabi na, kahit ano marinig mo sa labas... Wag na wag mong titignan" humito ang matanda sa pagsasalita ang napatingin sa ikalawang palapag. "Kapag may kumatok saiyo pagsapit ng alas-nueve ng gabi. Wag na wag mong bubuksan, dahil hindi na kami papasok sa kwarto mo sa oras na iyon. Tandaan mo ang bilin ko, Kela"
Nagtataka man si Kela ay tumango na lamang ito at namalayan na lamang na nasa pintuan na si Lola Isang.
"Isara mo mga bintana mo pag nakalabas na ako" sabi nito at agad ng lumabas.
Nakaramdam si Kela ng kaba sa sinabi ng matanda. Pagkatapos nitong kumain ay agad ng pumasok ng kwarto.
9:30 pm
Tila hindi makatulog si Kela dahil pakiramdam niya ay may nanunuod sa kanya. Tuwing ipipikit nito ang mga mata ay hindi siya mapakali dahil pakiramdam niya talaga ay may nakatingin sa kanya. Agad nilibot ni Kela ang tingin sa kabuoan ng kwarto pero wala naman talaga siyang makitang tao.
Kinuha na lamang niya ang kanyang Cellphone at agad na binuksan ang sss nito. Nang maka-open na siya ay nagtaka siya dahil nakita na may friend request siya. Nagtaka siya ng makita ang pangalan na bagong nag add sa kanya.
"Lucia Juaquin?"
Nagtatakang bulong ni Kela at muntikan ng mapatalong ng biglang bumukas ang ilaw sa kwarto niya. Agad naman itong namatay at sa banyo naman niya narinig na nakabukas ang gripo dito. Binalot ng kaba ang buong sistema ni Kela habang papalapit doon sa banyo.
Akmang hahawakan na niya ang siradora ng pintuan ng may matumba ang mga gamit niya sa loob ng banyo.
"May tao ba diyan?" At pwersahang binuksan ang pinto pagkasabi nito. Subalit labis ang pagkagulat na rumihistro sa mukha ni Kela ng makita ang sariling repleksyon sa salamin ng banyo at nakita likod niyang nakatayo ang babaeng nag-add sa kanya sa sss kanina.
Titignan na sana niya ito ng maramdaman ang magaspang na kamay na nakahawak sa paa niya.
"AAAHHH!"