Chapter 5 - I hate you, Mark!
Agad inimulat ni Kela ang mga mata ng maramdaman nito na nakahiga siya sa isang malambot na kama. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuoan ng kama at nanlaki ang mga mata ng maalala ang nangyari sa kanya kagabi. Nabigla siya ng biglang may isang postura ng lalaki ang pumasok sa kwarto niya. Kaya napatingin ang lalaki sa kanya nang mapansin na nakaupo ito sa kama niya. Habang lumalapit ang lalaki ay kitang-kita ang kunot nitong noo na tila nagtatanong.
"Buti gising kana" sabi nito sabay lapag ng tray na dala niya. Agad naman itong umupo sa tabi ni Kela at hinawakan ito sa noo.
"Okay na ba pakiramdam mo?" Pag-alalang tanong nito. Napatingin si Kela sa kanya at tila napatitig siya sa mukha nito. Hindi malaman ni Kela kung bakit pero biglang bumilis ang pintig ng puso niya.
His perfect lips, his dimple, black and thick eyebrow, his pointed nose and his browny eyes that makes Kela feel hypnotize. Agad nabawi ni Kela ang tingin niya dito ng tumikhim ito.
"Ipinagluto kita. Ang init mo kasi kagabi." Sabi nito habang sumasandok ng sopas.
"Paano ako nakarating dito sa kama ko kagabi, Lawrence?" Nagtatakang tanong ni Kela dito. Pero hindi muna nagsalita si Lawrence dahil nakatutok ang kutsara sa bibig ni Kela. Napakunot na lamang ng noo si Kela at agad na binuka ang bibig.
"Ako na, wala naman akong sakit" pagpresenta ni Kela sa sarili habang inaagaw ang kutsara na hawak ni Lawrence. Pero hindi siya nagtagumpay dahil mas malaki si Lawrence sa kanya. Nang e-insist nito ang sarili ay hindi na lamang pumalag si Kela at hinayaan na lamang niya na subuan siya ni Lawrence.
"Papunta na sana ako sa kwarto ko nang marinig ko ang matinis na boses na nagmumula dito. Kaya agad akong pumasok dahil nakilala ko agad ang boses mo. Pagkapasok ko ay laking gulat ko ng makita kang nakahandusay sa sahig at walang malay" napatitig si Lwarence kay Kela at tila sinusuri ito. Nang magtama ang mga mata nila ay hindi agad napaiwas ng tingin si Kela dahil tila nanghihigop ang mga mata ni Lawrence. Naramdaman na naman ni ang uncomfortable feeling kapag nakatingin siya kay Lawrence. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa dibdib niya. Tila bumibilis ang t***k nito. Siya na ang unang umiwas ng makitang unti-unti na naman kumukunot ang noo ni Lawrence.
"Wala. Inatake lang ako ng insomnia ko, kaya nagcolapse ako" pagsisinungaling nito kahit hindi iyon ang totoong nangyari.
Agad naman siyang napanganga ng subuan na naman siya ni Lawrence. Nabigla si Kela ng makita ng ngumiti ito.
"Bakit ka nakangiti diyan?" Takang tanong ni Kela dito. Subalit agad naman binawi ni Lawrence ang ngiting gumuhit sa kanyang labi dahil sa nakikita na reaksyon ni Kela sa twing magtatama ang kanilang paningin.
Agad niligpit ni Lawrence ang mga plato sa tray nang maubos na ni Kela ito at agad na tumayo.
"Kung may klase ka, maligo kana. Malapit na mag7:30" sabi ni Lawrence at agad nang naglakad patungong pintuan. Agad naman napabaling ang tingin ni Kela sa orasan at nasa 6:30 am na ng umaga. Agad itong nagmadali sa pagkilos at hinanap ang tuwalya niya subalit napatigil siya sa sinabi ni Lawrence.
"Mag-iingat ka lagi dito. Sana kasi hindi mo na lamang siya ini-accept. Madadamay kapa tuloy sa kademonyohan niya"
***
Habang naglalakad si Kela sa hallway at lutang ang isip nito dahil sa kakaisip sa huling sinabi ni Lawrence. Hindi niya namamalayan na nasa school na pala siya at malapit na sa room niya ng may bigla itong nabangga.
"Ay sheda! Sorry po!" Sabi ni Kela habang hindi nakatingin sa kung sinong nakabangga niya. Agad niyang pinulot ang mga gamit niyang nahulog subalit napatigil siya sa pagpulot nito nang marinig ang boses ng taong nakabangga niya.
"Tsk! Ang tanga kasi, hindi tumitingin sa dinadaanan niya" nalaglag ang panga ni Kela sa sinabi nito at hindi magsink-in sa utak niya ang sinabi nito.
Wow! Ha! Ako pa may kasalanan? Ang gentleman naman niya. Inis na sabi ni Kela sa sarili at napakuyom ng palad. Agad naman siyang tumayo at humarap sa lalaki na naglalakad papuntang gate.
"Salamat sa pag-insulto! Ang gentleman mo, Gago!" Sigaw ni Kela dahilan para mapahinto ang lalaki. Napatigil si Kela nang makita ang hitsura ng lalaki na humarap sa kanya. Naramdaman lang ni Kela na may humatak na sa kanya paalis ng unti-unting lumalapit ang lalaki sa kanya.
"Tanga ba siya? Hindi ba niya kilala na ang lalaking tinawag niyang gago ay ang anak ng may-ari ng university na ito?"
"Siya kasi yung transferry dito"
"Kaya pala. Ihanda na niya sarili niya sa impyerno."
Mga bulong-bulungan na naririnig ni Kela habang tinatahak nila ang daan patungong classroom nila habang hatak-hatak siya ni Van. Nagpahatak na lang ito dahil lutang ang isip sa mga nangyari at narinig niya sa araw na ito.
***
Nasa kasagsagan sila ng klase sa English ng may biglang lalaki na pumasok dito at walang lingun-lingon ay dumiretso ito sa hulihan.
"Why are you late Mr. Marquez?" Tanong ng English teacher nila Kela pero parang wala itong naririnig at dumiretso parin sa bakanteng upuan sa hulihan.
Napatigil ito sa paglalakad ng makita ang babaeng nasa gilid at hindi makatingin sa kanya. Kitang-kita ang pagkunot ng noo nito at inis na rumihistro sa mukha ng makita ang babae.
Hindi pinansin ni Kela ang mga titig ng estrangherong lalaki at wala siyang balak na lingunin ito kahit anak pa ito ng unibersidad na ito. Ngunit nalaglag ang panga ni Kela ng marinig ang isinumbat sa English teacher nila.
"Its none of your business" walang emotion sabi nito. Subalit bago pa ito umupo ay tinapunan pa niya ng tingin ang babaeng unang may lakas ng loob na tumawag sa kanya ng "Gag0!" Na ayaw na ayaw niyang marinig.
"Wala na naman siya sa mood"
"Ang gwapo niya, no?"
"Napapansin niyo ba, panay ang tingin niya diyan sa transfer"
"Siya yung babae na tumawag sa prince natin ng gago"
"Ang tapang niya huh? Tignan natin kung hanggang saan ang tapang niya"
"Baka hindi niya kilala binagga niya"
Ano ba problema ng mga 'to. Kung makipagtsismisan akala mo walang guro sa unahan nila. Sabi na lamang ni Kela sa isipan at benalewala na lamang ang mga bulungang naririnig.
Nag-iimpake na ng mga gamit si Kela ng may grupo ng babae ang pumalibot sa kanya. Agad siyang napatigil sa pag-iimpake at napatingin sa grupo ng mga kababaehan na pumalibot sa kanya. Napakunot noo na lamang siya dito.
"Ang lakas ng loob mong tawagin na gago ang prince namin. Sino kaba?" Nagtitimping sabi ng babae na puno ng kolorete ang mukha. Mahabang pilik mata na animoy feather ng manok. At ang napaka-pula nitong lips na akala mo ay p********e sa kanto.
Hindi sila pinansin ni Kela at nagpatuloy ito sa pagpasok ng mga gamit sa kanyang maliit na bag.
"Aba! Bastos ka ah!" Sabi nito at hinablot ang bag ni Kela dahilan para matapon mga gamit nito.
"Ay! Natapon" maarteng sabi nito. "Kapag kinakausap ka kasi sagutin mo ng maganda" sabi nito at agad na sanang sasampalin si Kela ng magsalita ang isa sa mga kaklase nila.
"Subukan mong idampi ang maruming kamay na iyan sa mukha ni Kela, Charmaine. At sisiguraduhin ko na kick out ka sa University na ito" nanlaki ang mga mata ni Charmaine at agad na umalis kasama mga alipores niya. Subalit bago pa ito maglakad palayo ay may sinabi pa.
"May araw karin"
***
"Ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni Aria dito. Agad naman napabalik si Kela ng marinig ang boses ng kaibigan. Napabuntong hiningan na lamang si Kela bago sumipsip ng juice nito. Nasa University Canteen kasi sila ngayon habang naghihintay ng huling period nila.
"Sino ba ang lalaking yung at ganoon na lamang kung umasta at gawin diyos ng mga tao dito?" Maktol na tanong ni Kela kay Ari habang pinagdidiskitahan ang straw na nasa bibig niya. Napangiti na lamang si Aria sa inasal nito bago sumagot.
"Siya ang crush ng campus dito. Matalino rin siya. Top 1 siya sa buong university, anak pa siya ng may-ari ng school na ito." Mahabang salaysay ni Aria na nagpAgulat sa mukha ni Kela. " Running for Summa rin siya, If I am not mistaken"
Naibuga ni Kela ang juice na iniinum sa narinig na sinabi nito.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Malakas na sabi ni Kela dahilan para mapatingin lahat ng tao sa UC (University Canteen) sa kanila.
"Kela?! Hinaan mo raw boses mo" sabi ni Aria dito. "Ngayon ka lang nagtanong e"
Matapos ang usapan ng dalawa ay agad na silang tumayo at dala-dala parin ni Kela ang Juice na iniinum niya.
"Late na tayo!" Panic na sabi ni Kela pagkatingin sa wrist watch nito dahil nasa 10:30 am na. Agad na nilang niligpit lahat ng gamit nila at biglang tumayo. Hindi niya napansin na may tao sa likod nito at nahulog ang dala nitong tray.
"Ay kabayo! Sorry po!" Nakayuko nitong sabi. Narinig niyang napa-cussed ang lalaki sa nangyari. Naramdaman ni Kela na tila natahimik lahat ng tao sa paligid pati si Aria ay hindi makagalaw sa kinatatayuan nito.
"Ikaw na naman babae ka?" Husky voice na sabi nito na tila nakakapangilabot. Unti-unting napa-angat ng mukha si Kela ng hawakan nito ang baba niya.
"Sorry! Hindi ko sinasadya" tila nanginginig na sabi ni Kela. Subalit nanlaki ang mga mata nito sa sunod na ginawa ni Mark.
"Puntahan mo ko ako sa Room 45 sa IT building mga 5 impunto" sabi ng lalaki bago umalis. "See you, wag na wag kang magkakamaling hindi pumunta" sabi nito bago tuluyan umalis.
"Lagot siya ngayon"
"Tama ka teh! Patay talaga ang malandi na 'yan"
"Baka kick out na 'yan bukas"
"Nakita mo. Nagawa pa niyang tumingin sa mata ng ating prince. Ang kapal lang. Sarap ingungod ang mukha sa semento"
"f**k te! Nakita mo yun? Ayoko na! Akin lang ang lips niya"
Hindi parin makapaniwala si Kela sa mga nangyayari. Tila nawawala parin siya sa kanyang sarili at unti-unting nahawakan ang labi nito.
"Masarap ba ang labi niya?" Nakangiting tanong ni Aria kay Kela dahilan para mapabalik ito sa kanyang ulirat. Sinamaan siya ng tingin ni Kela at napangiti na lamang siya. Nang mapatingin siya sa kanyang paligid ay halos manlumo siya sa mga mapanuri at nakakatakot nilang mga tingin.
"I hate him! Aria! I hate that asshole guy! I hate that f*****g Mark!"