Chapter 6 - Unang paramdam (Manika)
Nakabusangot at parang namatayan ng kasintahan ang hitsura ni Kela habang naglalakad sa kanto papasok ng boarding house nito dahil sa usapan nila ni Mark kanina. Parang zombie ito na naglalakad na lutang isip. Kaya hindi napansin ni Kela ang taong nakasunod sa kanya.
Hindi na binigyan pansin pa ni Kela ang mga mata ng taong nakatingin sa kaniya. Dahil sa loob ng dalawang linggo niyang pananatili sa boarding house niya ay hindi na siya naninibago sa mga nakakatakot na tingin ng mga tao. Mababasa sa tingin nila ang pagtataka, takot at lito. Pero sa halip na pansinin ito ni Kela ay agad niyang hinawakan ang gate at akmang bubuksan niya ito ng may magsalita sa likod niya.
"So?" Tila napako si Kela sa kinatatayuan ng marinig ang boses ng lalaki sa likod niya. "Dito ka pala nakatira?" Husky voice nito na mas nagpalabas ng p*********i. Bumagay pa ang manly voice nito sa magandang hugis at shape ng kanyang katawan.
Hindi siya pinansin ni Kela at agad nang binuksan ang maliit na gate nito. Pero agad naman hinawakan ng lalaki ang gate para di tuluyan makasara. Magkasalubong na kilay na hinarap ni Kela ang lalaki at inis na nagsalita.
"Ano bang kailangan mo?" Lihim na napatitig si Kela sa lalaki ng kumunot ang noo nito.
"Nakalimutan mo na agad ang usapan natin kanina?" Tila walang emotion na sabi nito na naghahatid matinding kaba kay Kela. Hindi niya mawari kung bakit kapag nagsasalita ang lalaking nasa harap niya ay nakakaramdam siya ng kaba at bumibilis t***k ng puso niya.
"Hindi ko nakakalimutan 'yun" inis na sabi ni Kela "pero pwedi bukas na lang tayo magsimula, Mark? Pagod ako" sabi ni Kela at iniwan na nakatayo si Mark sa gate.
"How if I don't?" Ang tanong ni Mark na nagpahinto kay Kela. Subalit tila walang narinig si Kela at hindi umimik. Agad din itong humakbang at hindi na lumingon pa.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng boarding house niya at agad na pumasok dito. Bago niya isara ang pinto ay napatingin muna siya sa taong nakapamulsang nakatayo sa gate ng boarding house niya. Napabuntong hininga na lamang si Kela at napasabunot sa ulo nito ng maalala ang sinabi ni Mark.
"Oras na hindi ka tumingin sa akin kapag nagsasalita ako, hahalikan kita"
Ang tinig ni Mark na tila napakaseryoso. "Ahjhhhh! Anong klaseng buhay naman to!?" Maktol ni Kela bago pumasok ng kwarto niya.
Pagkapasok pa lang niya ay pabagsak na inihiga ang katawan sa kama nito na kahit maliit lang ay malambot naman. Nasa kasagsagan ng paglipad ng isip si Kela ng maramdaman niyang nagv-vibrate cellphone nito.
Agad niyang kinuha sa bulsa niya ang cellphone niya at tinignan kung sino ang tumatawag pero napakunot noo na lamang siya ng unregistered number ito. Dahil para sa kanya "don't talk to stranger' kuno ay hinayaan na niya ang tumatawag hanggang sa tumigil ito.
Subalit ilang minuto na ang lumipas pero sige parin ito sa pagtawag. Inis na sinagot ni Kela ang kung sinoman ang tumatawag. Agad niya itong sinagot at nilagay sa tenga. Magagalit na sana siya kung hindi lang niya narinig ang sinabi nito.
"Subukan mong sumigaw.. Dalawang minuto kitang hahalikam bukas"
Walang emotion sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"Saan mo nakuha number ko?" Kahit inis na si Kela pero pinakitunguhan parin niya ang kausap ng maganda. Subalit hindi ito nagsalita.
"Be ready bukas. Ang halik!"
Napahawak si Kela sa lips nito at napasigaw na lamang. Narinig niyang napatawa ang lalaki sa kabilang linya. Teka totoo ba 'yung narinig niyang tawa? Takang tanong niya sa isip. Inilagay niya ulit sa tenga niya ang cellphone pero agad naman na naputol ang tawag dito.
"Problema ng lalaking 'to?" Tanong ni Kela sa sarili.
***
Agad nagising si Kela ng maramdaman nitong nagugutom na siya. Nakatulugan niya ang pag iisip kung paano makaiwas sa lokong si Mark subalit wala siyang maisip na matino. Sa twing naririnig niya ang pagtawag sa kanya nito ay tila naiinis siya.
"May pa-my dear, my dear epek pa ang gago!" Inis na bulyaw ni Kela.
Nang mapatingin siya sa orasan ng cellphone niya ay nasa 9 impunto na ng gabi at nakalimutan niyang magsain. Agad na inayos ni Kela ang sarili at nagpalit ng damit pambahay bago lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina.
Pagkalabas ni Kela ay kakaibang ihip ng hangin ang sumalubong sa kanya na tila tagos ito hanggang buto. Agad siyang nagpalinga-linga at napansin niya na kaya pala malamig ang hangin kasi umuulan.
Hindi na lamang niya pinansin ang kaba na bumalot sa pagkatao niya at agad ng tumuloy sa kusina at hinanap ang kaldero para makapagsain. Habang nasa kasagsagan ng pagsasain si Kela ay hindi niya napansin ang mga matang nakatingin sa kanya. Agad napatingin si Kela sa likuran niya ng maramdaman ang presensya nito.
"May tao ba diyan?" Tanong ni Kela dito pero wala siyang narinig na nagsalita.
Sa halip na matakot ay ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at pumunta sa maliit na cabinet na lalagyan ng mga groceries niya at kumuha ng pancin cantoon para gawin ulam.
Subalit sa kasagsagan ng pagpapainit niya ng tubig ay nakarinig siya ng impit na tawa sa sala na tila may naglalaro dito na bata. Bumalot ang kaba sa buong sistema ni Kela ng marinig ang impil nitong tawa.
Kahit natatakot si Kela ay unti-unti parin siyang naglakad papunta sa sala. Habang papalapit siya dito ay takot at kaba na ang bumabalot sa pagkatao niya. Tila tumindig lahat ng balahibo niya ng maramdaman ang pagdampi ng napakalamig na ihip ng hangin na tila hindi alam ni Kela kung saan nangagaling.
"Kumusta ka kaibigan?"
"Ahhh kaya pala? Namimis narin kita?"
"Maghihiganti rin tayo balang araw Rita, tutulungan tayo ni ate na nasa kusina"
Napahinto si Kela sa naririnig na sinasabi ng bata. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito kasi baka pamangkin ito ni Lola Isang. Sa una ay hindi niya ito papansinin subalit ng marinig nito ang "paghihiganti" ay tila bumalik lahat ng kaba at takot sa sistema niya.
Aatras na sana si Kela ng marinig ang nakakahindik nitong tawa. Tila nastatwa si Kela sa kinatatayuan ng makaramdam siya ng presensya sa kanyang likod. Ang kaba at kilabot na nararamdaman niya kanina ay dumoble pa ito na tila nakakapanghina.
"Ate Kela?" Malambing na boses ng bata. Subalit hindi lumingon si Kela dito. Panay ang bulong na dasal ni Kela at iniisip na isa lamang itong masamang panaginip.
"Ate Kela..." Sabi ng bata habang humihikbi " tulungan mo kami"
"No! Lumayo ka sa akin" sabi ni Kela habang umiling-iling at napapikit na lamang. Subalit mayamya lang ay naramdaman na ni Kela na wala na ang bata sa tabi niya. Agad niyang minulat ang mga mata. Subalit nagsisi siya na binuksan pa ang mga mata dahil sa nakita.
Isang batang babae na nakalutang sa ere habang natatakpan ng mahaba nitong buhok ang kanyang mukha.
Bumalot ang kaba at takot sa buong sistema ni Kela. Tila hindi siya makatayo dahil sa nakikita ngayon. Nanghihina amg buong katawan niya at nanginginig sa takot.
Nang makabawi siya ng kunting lakas ay mabilisan siyang tumakbo papasok sa kanyang kwarto subalit agad siyang napahinto ng makabangga siya at agad itong napatapon.
Kahit na nanghihina at natatakot na si Kela ay pinilit parin niyang lapitam ang bata at agad itong hinawakan. Kahit nanginginig na siya ay hinawakan pa ito at hinawakan ang vital organ nito at siniguradong buhay pa. Subalit ng makita ang dugo sa ulo nito ay lumakas ang t***k ng puso nito. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ng mahaba nitong mukha. Unti-unting hinawi ni Kela ang buhok na nakatakip sa mukha ng bata at agad na pinailawan gamit ang kanyang Cellphone. Subalit labis ang pagsisi ni Kela at hinawi pa ang buhok na nakatakip sa mukha nito.
Bumalot ang takot sa buong pagkatao ni Kela. Nanghihina at halos hindi siya makahinga sa bilis ng t***k ng puso niya na tila lalabas na ito sa kanyang dibdib.
Ang mukha nito ay puno ng dugo. Habang masaganang sumisirit ang dugo sa mga mata nito dahilan para hindi makilala ang bata. Habang nasa kabilang kamay nito ang maliit na manika. Unti-unti itong gumalaw at nagsalita.
"Ate Kela?" Huling tinig ng manika bago ito nanahimik.
"AAAHHH!!!"