Chapter 7

1690 Words
Chapter 7 - Pangalawang paramdam (Babala!) (Manika)   Sa kabilang dako, habang papasok na ng kwarto si Lawrence tila nabagabag nang makita si Kela na mukhang takot na takot. Agad inilibot ni Lawrence ang paningin sa kabuoan ng bahay subalit wala naman itong maaaninag na dahilan para matakot ng ganoon si Kela.   Subalit hindi pa man agad nakakilos si Lawrence ay narinig na niya ang isang tinig. Ang tinig na matagal na nitong kinalimutan.   "Kuya... Tulungan mo kami"    Agad napalinga-linga si Lawrence sa tinig na kanyang naririnig.   "Sino ka?" Tanong ni Lawrence subalit wala siyang nakuhang sagot.   Agad humakbang si Lawrence papalapit sa pintuan ng kwarto ni Kela ng makita itong tumakbo na parang takot na takot pero agad siyang napahinto ng makita ang batang babae na biglang lumitaw sa harap niya.   Batang nakayuko habang nakalugay ang mahabang buhok sa mukha. Suot nito ay puting bistida na may mga itim ng kalawang dito. Nanlaki ang mga mata ni Lawrence at napaatras ng bahagya.   Kilabot at sindak ang bumalot sa sistema niya ng mapagmasdan ang batang babae. Tila lalabas na sa kanyang dibdib ang puso dahil sa bilis ng pintig nito.    Akmang tatakbo na si Lawrence pero agad itong napatigil ng magsalita na naman ang bata. "Kuya Lawrence" tawag nito sa kanyang pangalan.   Nang marinig ni Lawrence ang totoong boses ng bata ay tila nanginig siya. Nanginig sa sobrang galit, muhi at pagkakamiss sa kapatid na matagal ng lumisan.   "Leana?" Bulong ni Lawrence at unti-unting nilapitan ang bata habang tuloy-tuloy sa pagdagos ang luha sa kanyang mga mata.   "Kuya" sa huling pagtawag ng bata kay Lawrence ay bigla na lamang itong naglaho. Aakapin na sana ito ni Lawrence subalit isang napakalamig na hangin na lamang ang kanyang nahagkan. Napakuyom na lamang ng suntok si Lawrence at napayuko.   "Makakamit din natin ang hustisya, Leana" iyak na sabi ni Lawrence.   Matapos niyang punasan ang luha sa mga mata ay agad na niyang tinungo ang walang malay na si Kela. Nang makalapit siya dito ay tila hindi siya makapaniwala na kaharap niya ang babaeng ito. Napakuyom na lamang ng kamao si Lawrence at agad na binuhat ang walang malay tao na si Kela.   "Samantha" bulong ni Lawrence at tuluyan ng napatitig sa walang malay tao na si Kela. "Hanggang ngayon, lapitin ka parin ng insidenti"   Kinabukasan, nagising si Kela dahil huni ng alarm clock nito. Agad naman itong hinanap ni Kela at pinatay dahil masakit ang katawan niya at antok pa ito.   Ngunit nang mahimasmasan siya at naalala ang nangyari kagabi ay agad siyang nagpalinga-linga sa kabuoan ng kanyang silid. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatikom ng bibig nang maalala ang nagyari kagabi.   "Paano ako nakapunta dito sa kama?" Takang tanong ni Kela sa sarili. At nang mapatingin siya sa suot na damit ay mas lalong lumaki ang hugis ng mga mata nito. Magtatanong na sana siya sa kanyang isipan kung sino tumulong sa kanya subalit hindi na niya natuloy ng bumukas ang pinto.   Napanganga si Kela nang makita ang lalaking iniluwa ng pinto. Tila isa itong anghel na bumaba sa langit para mahalin at alagaan si Kela. Napatitig si Kela sa matipuno nitong mga braso, malaking dibdib at ang pandesal nito sa tiyan na tila bohasang arkitektura ang gumawa nito.   "Ehem!" Duon pa napabalik sa ulirat si Kela ng tumikhim si Lawrence sa kanya. Napangiti na lamang si Lawrence sa nakitang reaksyon ni Kela.    "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Tanong ni Kela at binato ng unan si Lawrence na tumama ito sa kanyang mukha.   "Bakit kaba nambabato ng unan?" Inis na wika ni Lawrence.   "Magdamit ka nga!"   Napangiting lumabas si Lawrence sa kwarto ni Kela. Bago paman ito tuluyan makalabas ay may sinabi pa itong nagpapaula ng magkabilang pisngi ni Kela.   "Ang ganda ng tanawin, no? Kita ko laway mo, pakipunasan" sabi ni Lawrence sabay kindat.   Nanlaki ang mga mata ni Kela sa sinabi ni Lawrence. Kaya hindi niya namalayan na nabato na niya unan dito sa pintuan lang ang naabutan.   "Felingon!"   ***   Pagkarating ni Kela sa Campus kung saan siya nag-aaral ay tila naninibago siya. Tila invisible siya sa ibang tao. Wala ng matang nakatitig sa kanya. Wala ng mga taong naiinis sa kanya.   Nagpalinga-linga siya sa buong university at hinanap ang kaibigan na si Van at baka sakaling makita ito. Ngunit nakapasok na siya sa loob ng classroom ay hindi parin niya nakita ang kaibigan.   "Ang lalim ng iniisip mo. Mas malalim pa sa pacific ocean" agad napalingon si Kela sa nagsalita at napangiti na lamang siya dito.   "Kanina kapa diyan, Aria?"    "Oo. Hindi mo ako napansin kasi ang lalim ng iniisip mo" hindi na lamang nagsalita si Kela sa sinabi ng kaibigan.   Nakakapag usap sila ngayon dahil wala pa raw ang first period nila sa umagang ito. Tila nailang at naninibago na naman si Kela sa tingin ng iba ngayon lalo na kay Aria. Ang kanina, parang invisible siya. Ngayon, center of attraction siya. Halos lahat nakatingin sa kanya.   "Bakit?" Takang tanong niya kay Aria. Agad pinakita ni Aria ang picture na hinalikan siya ni Mark sa Canteen. Marami na itong comment.   May mga na-dissapoint at may mga fans talaga na obsessive at mahilig magsalita ng masakit.   Nanlaki ang mga mata ni Kela sa nakita. Pero mas nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ni Aria.   "Nasa bulletin board ang picture niyo ngayon" hindi pa natatapos ni Aria ang sasabihin ay agad na siyang hinila ni Kela papuntang bulletin board.   Nasa hallway pa lang sila ay halos lahat ng studyante nakatingin sa kanya. Malapit na sana sila sa bulleting ng may grupo ng babae ang humarang sa kanila.   "Ang landi mo talagang babae. Transfer ka lang dito pero ang lakas ng loob mong HALIKAN prince namin" napanganga si Kela sa narinig na sinabi ng babae.    Maganda siya. Maputi na akala mo barbie na pinatungan ng kaldero ang ulo.    "Tama ka. Siguro ganyan din kalandi parents niya" sabi pa nung pangit na isa.    Dahil sa sinabi nito ay hindi napigilan ni Kela sa dumapo ang palad nito sa pisngi ng babae. Nanlaki mga mata ng lahat ng studyante at napakapit si Aria ng mahigpit sa braso ni Kela.   "Wala kang karapatan insultuhin mga parents ko dahil hindi mo sila kilala." Galit na sabi ni Kela at unti-unting nakakuyom ng palad. Napaatras naman ang mga babaeng dahil sa kakaibang awra ni Kela. "At halik? Sa Prince niyo? Inggit lang kayo. Kasi ako ang hinalikan hindi KAYO" Sabi ni Kela na may diin pa sa "Kayo" na words at agad tumalikod.   "Hindi pa tayo tapos, Malandi. Nagsisimula pa lang ako" sabi ni Charmaine bago tuluyan umalis kasama mga Alipores nito.   Agad narin tinungo ni Kela at bulletin Board at nanghina siya sa nakita at nabasa.   Picture nila na naghahalikan sa canteen at nasa 5R pa ang size nito na may Caption...   THE FOGGOT GIRL and THE PRINCE.   Hindi na lamang nagsalita si Kela at pumunta sa Bulletin at agad na pinagtatanggal ang mga pictures doon. Hindi pa man natatapos ni Kela ang lahat ng bigla na lamang niyang naramdaman na may itlog na tumama sa mukha niya.    Sunod-sunod na ito hanggang sa parami nang parami at tila nahihilo na siya. Halos mawalan na siya ng lakas dahil kung anu-ano na ang tinatapon ng mga studyante sa kanya. Subalit nang tila mawalan na siya ng lakas ay may boses na nakakatakot siya narinig.   "AALIS KAYO O LULUHOD KAYONG LAHAT SA HARAPAN NIYA PARA DILAAN PAA NIYA?!"   Tila napepe ang mga studyante sa sumigaw at agad na itong nagsitakbuhan. Agad naman lumapit si Aria sa kanya at niyakap ito.   "Sorry Kela. Wala akong nagawa. Hawak nila ak---" hindi na natapos pa ni Aria ang sasabihin dahil nagsalita si Kela.   "Okay lang Aria. Wala kang dapat ipag alala"   Natulala si Kela at Aria ng lumapit si Mark sa kanila habang nakakunot ang noo. Hindi parin maaalis sa kanya ang salamin niya na kahit ganito at galit siya ay lalo itong gumagwapo.   "Tutunganga kana lang ba diyan o magpapalit ka ng suot?" Doon pa natauhan ang dalawA at agad na tumayo. Hindi na kinuha pa ni Kela ang uniform na ibinigay niya kasi may extra naman siya sa kanyang closet.   ***   Matapos magbihis ni Kela ng uniform ay tila kinabahan siya sa presensya ng nilalang sa loob ng banyo. Nagpalinga-linga siya dahil sa kakaibang nakakasulasok na amoy nito.   "May tao po ba diyan?" Tanong ni Kela nang makarinig siya ng impit na iyak mula sa isang kubeta sa loob ng Banyo. Wala siyang makitang ibang tao dito dahil oras na ng klase.   Habang tinatahak ni Kela ang cubicle ay napapitlag siya nang magpatay-sindi ang ilaw at napatingala dito. Bumalot ang kaba at tako sa buong sistema ni Kela dahil sa nangyayari.   Napatingin si Kela sa mirror na nasa kaliwa niya ng may nasagip ang mata niya sa kanyanh vision na mukha ng batang babae na may hawak na manika. Pumasok ito sa unang cubicle kung saan nag-cr si Kela kanina.   "May tao ba diyan? Aria ikaw ba yan?" Tanong ni Kela dito pero wala siyang narinig na sagot.   Patuloy parin sa pagpatay sindi ang ilaw dahilan para dumagdag ito sa takot nA nararamdaman ni Kela. Tila tumayo lahat ng balahibo ni Kela ng marinig ang sinasabi ng tao sa loob ng cubicle.   "Andiyan na siya kuya. Papatayin na niya tayo"   Nanginginig na hinawakan ni Kela ang pintuan ng cubicle. Kahit kinabahan ito sa narinig ay hindi na niya ito pinansin at malakas na tinulak ang pinto. Pero isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya.   Patuloy parin sa pagpatay sindi ang ilaw. Unti-unting napalingon si Kela ng maramdaman ang magaspang at malamig na kamay ang nakahawak sa balikat niya.   Sindak at takot ang bumalot sa buong pagkatao niya at tumayo lahat ng kanyang balahibo ng makita kung sino ang nasa harap niya.   "Lucia Joaquin" bulong nito sabay ngiti na dahilan para mawalan ng lakas si Kela lalo na ng unti unti na itong lumapapit sa kanya.   Ang maitim nitong kuko na matutulis, ang maitim na mata nito at may dugong dumadaloy sa kanyang bibig. Hawak nito ang manika.   Hindi pa man ito nakakalapit ng may biglang humila kay Kela dahilan para matumba ito.   "AAAAHHHH!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD