Chapter 8

1844 Words
Chapter 8 - Kela's Boardmate   "Teka? Paano nangyari na nahimatay siya e magkasama naman kayo kanina, Anne?" Takang tanong ni Van dito nang mapansin na tahimik lang ito sa dulo ng bangko na inuupuan nila.   Hindi na lamang umimik si Anne dahil tila kinakabahan ito. Lalo na sa twing nakikita ang manika na hawak ni Kela bago pumasok sa kubeta.   "Hoy! Anne? Hello?" Sabi ni Van dito sabay wagayway sa kamay nito sa harapan ng mukha ni Anne pero tila wala itong nakikita.   Bumuntong hininga na lamang si Van dahil tila walang balak magkwento ito. Agad naman silang napalingon sa bumukas na pinto na agad naman iniluwal nito ang dalang babae.   "Kamusta na siya?" Agad na tanong ni Aria dito pagkapasok kasama si Nesami na nakashoulder ba habang bitbit ang malaking libro nito na Calculus at Algebra. Nakasalamin pa ito ng pang-nerd.   "Hindi parin siya nagigising" malungkot na tinig ni Van sa kaibigan na dumating.   Agad naman lumapit si Aria dito at hinawakan ang noo ng kaibigan. Tila napa-atras ito pagkahawak sa noo ni Kela at rumihistro ang takot at kaba sa mukha niya na agad naman ikinabahala ng kanyang mga kasamahan.   "Okay ka lang, Aria?" Alalang tanong ni Nesami dito at hinawakan ang kaibigan sa kamay niya.   "Sana mali ang nakita ko, Nesa" natatakot na sabi nito na agad naman nagpakunot ng noo ni Nesa, Van at Kasama nilang lalaki na bago pa lang sa kanila.   "Ano nakita mo?" Nangangambang tanong ni Nesa dito.   Sa halip na sumagot ito ay takot na tumitig sa mukha ng kaibigan at bumalik sa kay Kela.   "Hinahabol siya ng manikang nakita mo kanina, Anne"    Napa-nganga si Anne sa sinabi ni  Aria na tila nakita ang lahat ng nangyari.   Si Aria kasi ay tila may "Third eye" dahil nakakakita raw ito kuno ng mga hindi nakikita ng normal na tao.   Agad naman naalimpungatan si Kela sa mga taong naguusap kaya agad itong napamulat ng mga mata. Nakakaramdam siya ng pagkahilo kaya dahil sa kalituhan ay agad siyang napatingin sa mga taong kanina pa niya naririnig. Nang mapansin ng mga ito na gising na siya ay agad naman silang lumapit sa kanya.   "Hayyss. Salamat naman at gising kana" nag aalalang tono ni Anne at agad hinawakan ang noo ni Kela. "Okay kana ba?"   "Medyo masakit lang ulo ko pero okay na ako" nagpalilinga-linga siya sa kanyang paligid at agad na nagtanong.   "Anong nangyari?" Takang tanong ni Kela sa mga taong nasa harapan niya ngayon.   "Nahimatay ka sa banyo kanina. Buti na lang at nakita ka ng Janitor kaya agad ka niyang dinala dito sa clinic" mahinang sabi ni Anne habang hawak ang kamay ni Kela. Napatingin si Kela sa lalaking katabi ni Anne kaya agad naman itong pinakilala ni Anne sa kanya.   "Si Carl pala. Kaibigan ko" pagpapakilala ni Kela kay Carl dito.   "Hi! Nice to meet you personally." Nakangiting sabi nito. Ngiti lamang ang isinukli ni Kela dito at unti-unti ng bumangon.   Tila hindi niya napapansin ang mga presensya ng mga kaibigan nito kaya hindi na lamang sila nagsalita.   "Anong oras na?" Tanong ni Kela habang sapo-sapo parin ang noo.   "Its already 5:30 pm in the afternoon" mahinang sabi ni Anne dito.   "What?!" Gulat na sabi ni Kela kaya nabigla rin ang dalawa pa nitong kasama. Habang si Nesami at Aria ay mataimtim na pinagmamasadan ang kaibigan.   "Sorry. As in? Three hours na akong nandito?" Takang tanong niya rito at agad ng nagbihis.   "Dahan dahan lang Kela. Hindi ka naman male-late. Tsaka, hindi natuloy ang quiz natin sa English at Science kanina dahil may meeting ang faculty members" mahabang salaysay ni Anne habang busy ito sa pagsu-surf ng f*******: sa sss niya.   "I have to go home early. May kailangan akong ayusin at puntahan ngayon" sabi ni Kela habang inaayos din ang sarili sa harap ng salamin.   Nang mapagmasadan ang repleksyon sa salamin ay doon pa siya tila nagising at agad na napalingon sa mga taong nasa likod niya.   "Kanina pa kayo, Nesa at Aria?" Takang tanong nito.   Hindi nagsalita ang dalawa at sabay na inirapan si Kela. Napatawa ng bigla ang lalaking kasama nila kaya lahat sila napatingin dito.   "Sorry"    Hindi na lang sila nagsalita at nagpatuloy na sila sa kani-kanilang ginagawa.   "Ano ba nangyari kanina Kela at bigla kang nahimatay?" Takang tanong ni Anne dito na ikinahinto ni Kela ng paglalagay ng pulbo sa mukha.   "Wala" balisa man si Kela sa nangyari subalit pilit na kinompose ang sarili na wala lang ang lahat ng nangyari kanina.   May nais pa sanang itanong si Anne kay Kela pero nanahimik na lang ito dahil napansin na mukhang walang balak magkwento ang kaibigan. Nakatingin lang si Carl sa dalawa habang nag uusap subalit nabigla si Anne at Kela sa sinabi nito. Kahit si Nesa at Aria na busy sa ginagawa rin ay napatingala sa kay Carl.   "Block no. 5 ka diba?" Ngayon lang kasi ito nagsalita.   "Oo" tipid na sagot nito habang naglalagay ng lipstick.   "Mag-ingat ka Kela. Mapanganib ang block na 'yan" napatigil si Kela sa sinabi nito kahit si Anne ay naptigil din at napatingin sa Kay Carl na tila natameme s sinabi.   "Anong ibig mong sabihin Carl?" Takang tanong ni Aria dito at nagkasabay pa sila ni Nesami.   "Bali-balita ko lang dito sa school campus na mapanganib ang block na yan. Lalong-lalo na sa bahay ni Lola Isang" nagpantig ang tenga ni Kela ng marinig ang huling sinabi ni Carl dahil mukhang may alam ito sa bahay na iyon.   Una pa lang ay ramdam na ni Kela na hindi maganda ang awra sa lugar na iyon.   "Anong alam mo Carl?" Curious na tanong ni Kela dito. Hinila ng dalawa ang bangko na single at umupo sa tabi ni Carl dahil kita dito na seryoso sa mga sinasabi. Kahit si Nesa at Aria ay naging curious din dito.   "Wala ka bang napapansin sa twing uuwi ka?" Panimula nitong tanong kay Kela na nagpakunot noo naman s dalaga.   "Ang dami. Pero ang pinaka-nakakapagtataka ay yung mga titig nila sa akin mula ulo hanggang paa" nalilitong sabi nito. Napakunot noo si Carl sa sinabi ni Kela at tila mas lalong naging seryoso ang mukha nito.   "Kela. Umalis kana sa boarding house na iyon. Alam kong doon ka nakatira dahil yun lang ang natatanging boarding house dito na libre" kinabahan si Kela at Anne sa sinabi ni Carl kaya agad naman itong napatanong.   "Diretsuhin mo na kami, Carl. Anong alam mo sa nakaraan ng boarding house na iyon at ganyan ka magsalita?" Medyo naiirita at seryosong sabi ni Anne dahil sa misteryong pabitin ng lalaki.   "Wala na akong alam. Basta. Tandaan mo Kela. Umalis kana doon bago pa mahuli ang lahat" sabi ni Carl at tumayo na. "Mauna na ako sa inyo. May pupuntahan pa ako"    Hindi na nagsalita ang apat na babae pero iniisip parin nila ang sinabi nito. Subalit bago pa man makalabas si Carl ng pintuan ay binalingan pa ang mga kasamang babae na tila seryosong nagtitinginan.   "Umalis kana roon Kela bago ang kabilugan ng buwan"   ***   Naguguluhan man si Kela sa misteryong sinabi ni Carl ay hindi na lang ito nag isip ng kung anu-ano at diretsong umuwi sa kanyang boarding house.   Heto na naman siya sa daan papasok ng boarding house niya. Hindi na siya nanibago sa malamig, tahimik at nakakakilabot na ambiance ng lugar kung saan siya tumutuloy dahil nakapag-adjust na siya sa lugar na ito. Hindi parin maalis sa isip ni Kela ang mga tanong na nais niyang itanong kay Carl pero hindi niya natanong dahil agad itong umalis.   "Bakit kaya ganoon na lang si Carl kadesidido na paalisin ako dito sa boarding house?" Bulong ni Kela habang tinatahak ang kanto papasok sa kanyang tinutuluyan. Subalit agad napalingon si Kela sa kanyang likod ng maramdaman ang presensya ng taong sumusunod sa kanya. Subalit nang lingunin niya ito ay isang madilim na sulok at tahimik ang sumalubong sa kanya.   Tanging ilaw lamang sa poste ang nagsisilbing ilaw sa kanto. Pero nakakapanibago parin ang katahimikan ng kanto ngayon dahil dati ay kahit alas sieti pa umuuwi si Kela ay may mga tao pa sa labas na tumitingin sa kanya. Pero ngayon 6:30 pm pa lang ay wala ng tao sa labas at sarado na lahat ng tindahan.   Tila kinabahan si Kela sa napansin kaya binilisan na nito ang paglalakad. Nararamdaman na naman niya ang presensiya ng lalaki sa likod niya. Sa halip na bigyna pansin niya ito ay lakad takbo ang kanyang ginawa.   Mas lalong kinilabutan si Kela ng sabay-sabay bumukas ang pintuan ng bawat bahay na madadaan niya at may mga pagtatangis siyang naririnig. Takot at kaba ang bumalot sa sistema ni Kela kaya halos liparin na niya ang boarding house na tinutuluyan niya dahil sa nangyayari.   Malapit na malapit na si Kela sa gate ng boarding house niy ng malakas na bumukas ang pinto sa kaliwang balikat niya na bahay. Mula rito ay may matinis at nakakarindi sa tengang sigaw siyang narinig na tila sobrang nasasaktan.   Napahinto si Kela at napayakap sa sarili. Lilingon na sana ito kahit kinakabahan at nanghihina dahil gustong malaman ang nangyari. Akmang ipipihita na niya ang kanyang ulo ng biglang may magsalita sa kanyang likod.   "Magpauloy kana Kela. Wag na wag kang lilingon kung ayaw mong masaktan" napapitlag si Kela sa boses ng lalaki sa likuran niyang nagsalita. Hindi pa man niya ito nakikita ay nakilala na niya ang boses nito dahil siya lagi ang nandiyan para tulungan siya. At iligtas sa twing may nangyayaring masama sa kanya.   Unti-unting humakbang si Kela ng hindi lumilingon kahit saan subalit nanghina, at nagitla siya sa huling narinig.   "AAAHHH! TULONG!"    Lilingun na sana si Kela subalit mabilis siyang hinawakan ni Lawrence at sapilitang tumakbo tangay tangay si Kela papasok ng bahay. Habang hawak-hawak ni Lawrence ang kamay ni Kela papasok sa boarding house ay tila may tumatawag talaga sa kanya para lumingon.   Kahit anong pilit niyang hindi lumingon subalit parang may sariling isip ang ulo niya at hindi niya namalayan na nakalingon na pala siya.   Nanghina ang buong pagktao ni Kela sa nakita. Takot, kaba at pagsisisi ang bumalot sa kanyang buong sistema. Sana hindi na lamang ito tumingin. Sana naniwala na lamang siya kay Lawrence dahil hindi niya ninais makita ang nangyari sa taong nakita niyang nakabitin sa ikalawang palapag ng bahay. Nakasuot ito ng puting damit at kapareho ito ng uniform na suot ni Kela. Puno ng dugo ang puting damit nito at natatakpan ng buhok nito ang kanyang mukha . Subalit unti-unting umangat ang ulo nito at tumitig kay Kela habang umiiyak. Sa halip na tubig ang lumabas dito ay dugo ang dumadaloy. Habang binabanggit ang salitang "Tulungan mo ako" ay sumasabay ang dugo dito lumalabas sa bibig  ng babae.   Bago pa matakpan ni Lawrence ang mata ni Kela ay ngumiti ang babae kay Kela at may binulong na tila malapit lang ito kay Kela dahil malinaw pa sa tubig ang pagkarinig niya dito kahit ilang metro ang layo nito sa kanya.   "Salamat sa tulong mo. Salamat at pinakinggan mo ako" ngumiti ang babaeng nakabitin sa tali at nagpatuloy sa pagsasalita.   "Babalikan kita, Kela"   "I am your new...                               ...boardmate"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD