Chapter 9 - Kela's birthday
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" Pasigaw na sabi ni Lawrence kay Kela na tila balisa at tulala dahil sa nangyayari. "Hindi ka talaga marunong makinig, hindi mo ba alam na maari kang mapahamak sa karyusidad mo"
Dagdag sermun pa ni Lawrence sa kay Kela na tutok parin ito sa kamay na nilalaro niya. Tila para itong bata sa ginagawa ngayon. Tila kay lalim ng iniisip at wala ito sa sarili. Ang nag-aalburoto sa galit na si Lawrence ay napatahimik ito at napakunot ang noo nang makita ang ginagawa ni Kela at mga tingin nito.
"Kela?" Bulong na lamang ni Lawrence nang mahimasmasan at agad na hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga.
"Alam mo ba kung saan pumunta si Lola?"
Dahil sa tanong ni Lawrence ay napa-angat ang tingin ni Kela at tinignan si Lawrence na parang isa itong stranghero. Hindi parin ito umiimik at nilalaro parin ang hintuturo nito.
Napakunot noo si Lawrence nang mapansin ang ginagawa ni Kela.
"Samantha?" Bulong ni Lawrence at agad na kinabig ang kamay ni Kela at hinila ito papasok sa kanyang kwarto.
Pabagsak na sinara ni Lawrence ang pintuan papasok at walang pakundangan na hinila si Kela papuntang kama pero laking gulat ni Lawrence ng sapilitan itong bumitaw at tumawa.
"Namiss mo ba ako, Lawrence?" Malalim na sabi ni Kela, sa halip na boses ni Kela ang marinig ay tila boses ito na nagmumula sa ilalim ng nakaraan.
"Sino ka?" Gulat na tanong ni Lawrence at humihip ang malamig na hangin.
"Namiss kita, Lawrence. Hindi mo ba ako namimiss?"
Pagkasabi ni Kela nito ay agad siyang naglakad papalapit kay Lawrence habang nakayuko at nakatakip ang mahabang buhok niya sa kanyang mukha. Unti-unting napa-atras si Lawrence at napalingon sa buong kwarto ng umindap-indap ang ilaw.
"Lawrence?" Malalim na boses ni Kela. Tila dalawang boses ang tao na nagsasalita at tila nakakakilabot ang boses nito.
"Anong kalokohan na naman ito, Samantha?" Tanong ni Lawrence Kahit takot at kaba na ang bumbalot sa buong sistema niya subalit pinipilit parin nitong ipakita na matibay siya at hindi ito takot sa nakikita.
"Halatang miss mo na ako, Babyqo Lawrence. Hahaha! Wag kang mag-alala. Babalikan kita" pagkasabit pagkasabi ni Kela nito ay agad itong natumba at bumalik narin ang ilaw. Agad naman nasalo ni Lawrence si Kela at agad na binuhat ito pahiga sa kama.
"Bakit ikaw pa? Bakit ngayon pa?" Bulong ni Lawrence habang hawak-hawak ang noo ni Kela. Hindi namalayan ni Lawrence ay kusang tumulo ang luhang kanina pa nito pinipigilan.
"Magpahinga kana" huling sabi ni Lawrence at unti-unting tinakpan ng kumot ang natutulog na katawan ni Kela.
Subalit bago pa man makalabas si Lawrence ay bumangon si Kela at ngumiti ito.
"I will be here for awhile at babawiin ko kung anong pagmamay-ari ko" sabi nito at agad na hinawakan ang manika nito at ngumiti na tila isang demonyo.
***
Napamulat si Kela sa lakas ng katok mula sa pintuan nito na tila sisirain na ang pintuan sa oras na hindi pa ito bubuksan ilang minuto pa ang lilipas.
"Beshy! Beshy! Tanghali na! Kapag hindi kapa lumabas diyan sa lungga mo sisirain ko tong pintuan!!" Sigaw ni Van sa labas habang malakas na pinapalo ang pinto. Napangiti na lamang si Kela at agad na tinungo ang pintuan.
"Ano na naman ba?! Ang aga-aga bunganga mo na singlakas ng mikropono na may 1000 watts ang lakas" inirapan lang siya ni Van at agad na pumasok sa kwarto.
"Sinabi ko bang pumasok ka sa kwarto ko?"
"Bakit ba parang dinaanan ng bagyo ang kwarto mo Kela? May ginawa ba kayo ni Lawrence dito?" Magkasalubong na kilay na tanong ni Van at nakapamewang pa. Nanlaki ang mga mata ni Kela sa sinabi nito.
"Hoy! Matandang bruha na bitter na walang lovelife na mukhang palaka na kabayo ang hitsura. Ano ba pinagsasabi mo diyan?!" Sigaw ni Kela dito na halos marinig na sa buong bayan.
Napanganga si Van sa sinabi ng kaibigan at napahawak sa dibdib nito at umaktong nasasaktan.
"Ouch! Inubos mona besh. Tagos! Halos dumugo panty ko sa sinabi mo" pagkasabi nito ay hinampas niya ng unan si Kela. Bago pa man makaiwas si Kela ay napuruhan na ito sabay nagpaluan ang dalawa ng unan at magtawanan na parang mga baliw.
"Namiss kita. Napagod ako sa kalokohan mo besh" humihingal parin na sabi ni Van habang nakaupo sa kama ni Kela.
"Loka-loka ka kasi. Anot naparito ka ng ganito kaaga?" Sabi ni Kela habang pinupulot ang nagkalat nitong mga damit sa sahig.
"Hmmmmpp" sabi ni Van at humawak pa sa baba na tila nag-iisip. "Napunta ako dito para dalawin ang matandang dalaga na kaibigan ko"
Napatigil si Kela sa sinabi ni Van at napangiti si Van ng makitang umirap ang bestfriend. Kahit kailan talaga hindi parin talaga papatalbog ito sa kalokohan.
"Bilisan mo na Beshy. May pupuntahan tayo"
"Busy ako Vanniey. Kaw na lang" bulong ni Kela habang patuloy parin sa pagligpit ng mga nakakalat gamit. Agad na tumayo si Van at namewang habang naniningkit ang mga matang nakatingin kay Kela.
"May sinasabi ka Kela?"
"Wala 'nay. Maliligo na po ako." Sabi ni Kela habang nakangiti nang makita ang makasalubong na kilay ni Van. "San ba punta natin?"
"Maligo kana. Mamaya na tayo mag usap. Nakakaamoy ako ng iba kapag malapit ka e"
"Hoy! Excuse me! Kahit tatlong araw pa ako hindi maliligo. Mabango at maganda parin ako no!" Sigaw ni Kela sa loob ng banyo dahilan para mapatawa na lamang si Van.
"Bilisan mo na diyan! Naghihintay si secret Admirer mo"
***
"Ano ba ginagawa natin dito?" Iritang tanong ni Kela kay Van habang nakaupo silA sa ilalim ng punong mangga na may pabilog na upuan naka tayo sa ilalim nito.
Hindi umimik ang kaibigan at palinga-linga ito na tila may hinihintay.
"Mainipin talaga ang bruhang 'to"
Sabi na lamang ni Van sa isip nito. Agad napangiti si Van nang makita ang lalaking kanina pa niya hinihintay.
"Mark?! Dito!" Sigaw ni Van habang kuma-kaway-kaway pa. Nagitla si Kela s narinig at muntikan ng mabitawan ang hawak nitong cellphone at napatingin sa lalaking tinawag ng kaibigan.
Agad naman lumapit sa kanila si Mark na suot-suot sa labi Ng malawak na ngiti. Agad itong bumati pagkalapit kay Van at tinignan si Kela.
"Goodmorning. Senxa na natraffic ako e." Nakangiting sabi nito. "Hi Kela! Nice to meet you, again" Sabi ni Mark at agad ini abot ang kamay para makipagshake hands dito subalit hindi agad kinuha ni Kela dahil palipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nasa harapan niya.
"Magkakilala kayo" nabigla si Kela sa natanong at tila napahiya ng mahimasmasan sa nasabi.
"Ah magkaklase kami sa Science Lab. Namin" paliwanag ni Van dito. Agad naman kinuha ni Kela ang kamay ni Mark na hinihintay parin na kamayan siya ng dalaga.
"Thanks"
"So?" Mataray na sabi ni Kela habang nakataas ang isang kilay nito. "Anong merun?"
"Magtatanan kayo"
"Huh?!"
"Gaga! Halika na." Sabi ni Van at kinaladkad ang kaibigan.
"Saan ang kotse mo, Mark?" Lingon ni Van kay Mark habang nakasunod lang ito sa likod nila.
"Sa parking area"
"San ba kasi tayo pupunta?" Iritang tanong nito.
"Malalaman mo rin. Mamaya kana magtanong okay?" Sabi ni Van at binitawan na ang kamay ng kaibigan ng dumating na sila sa kotse ni Mark.
***
"San ba punta natin?" Takang tanong ni Kela kay Van habang nagbabiyahe sila.
"Sa Mall besh. Maghahanap tayo ng lalaki" seryosong sabi nito. Agad naman napangiti si Mark na nagmamaneho sa narinig na sinabi ni Kela dahil kitang-kita ang pamumula ni Kela.
"Gaga! Seryoso?" Sabi ni Kela at hinampas sa balikat ang kaibigan.
Napatawa na lamang si Van sa kaibigan dahil tila nako-conscious ito na kasama nila si Mark.
***
Halos maghapon naglibot ang tatlo sa Citymall sa cotabato at naghahanap ng Kung anu-anong gamit para sa bahay, at mga damit o regalo.
"Para saan ang mga regalong 'to?"
Hindi umimik si Van sa tanong ni Kela at tila naiirita na ito.
"Nagka-amnesia kaya ang babaenng 'to o nakalimutan talaga ang araw na ito?"
Sabi ni Van sa sarili.
"Isang tanong pa at babatukan ko na talaga to"
"Bakit ang dami mo atang binibi--- aray!" Maktol ni Kela dahil hinampas siya ng kaibigan sa balikat.
"Para saan 'yun besh? Ang lakas huh?!"
"Ang dami mong satsat. Hindi mo ba talaga alam?"
Rumihistro ang pagkalito sa mukha ni Kela dahilan para mapangiti si Van at agad na tinignan si Mark.
"Ito ang araw na sisimulan ko panliligaw saiyo, Baby Kela" sabi ni Mark habang nakangiti.
Hindi umimik si Kela at tila nastatwa ito sa sinabi ng lalaki. NapAngiti ng bahagya si Van ng makita ang reaksyon ng kaibigan.
"May birthday party friend natin kaya pupunta tayo doon ngayon" sabi ni Van sabay buntong hininga at agad ng ipinila sa counter ang mga binilo nito.
Agad naman napasulyap si Van aa wrist watch nito at saktong nasa 6:30 pm na.
Agad nitong kinuha ang cellphone at may tinext siya sabay tingin kay Mark.
"Uwi na tayo" yaya ni Van at nauna ng maglakad. Sumunod naman si Kela at Mark sa likod nila at hindi nag-iimikan.
Habang nasa daan sila panay tutok si Van sa Cellphone nito na tila ang daming katext. Agad naman siyang sinita ni Kela dahil tila ayaw itong ipakita ni Van sa kanya.
"Sino ba yang katext mo besh at tila seryoso ka masyado?"
"Andito na tayo!" Hindi na sinagot ni Van ang tanong ni Kela at agad na napatingin sa kanto.
"Baba na" mataray na sabi ni Van kay Kela dahil hindi pa ito kumikilos.
Agad naman napatingin si Kela sa labas ng pintuan at nagtaka.
"Teka? Akala ko ba pupunta tayo sa birthday party? Bakit inihatid niyo na ako sa boarding house ko agad?"
"Hindi tayo matutuloy kaya baba na. See ya tomorrow besh. Ingat!"
Nalilito man ay bumaba na si Kela. Pagkasara nito ng pinto ay agad naman pinaharurot ni Mark ang kotse. Hanggat hindi pa ito nakakalayo ay tinanaw lang ni Kela bago tinahak ang madilim at malamig na kanto papasok sa boarding house niya.
Tila tahimik na naman ang lugar. Ang katahimikan nito ay naghatid ng libo-libong boltahe ng kuryente sa katawan ni Kela dahilan para makaramdam na naman siya ng takot at kaba.
Agad napayakap sa sarili ang dalaga ng maramdaman ang ihip ng hangin na tila kay lamig at tagos hanggang buto.
Lakad takbo ang hakbang ni Kela dahil naalala na naman niya ang nangyari sa kagabi. Ganitong-ganito rin ang eksena. Peeo ang kaibahan lang ay ang tahimik talaga ng mga gusaling nadadaanan niya.
Nang malapit na siya sa gate nila ay muntikan ng mapatalon si Kela nang makarinig ng kaluskos sa likuran niya. Agad siyang napahinto at nagpalinga-linga subalit wala siyang nakitang tao.
"Sino 'yan? May tao po ba diyan?" Nanginginig na sabi ni Kela at mas lalong humigpit ang yakap sa sarili. Hahakbang na sana siya pasulong at binalewala ang narinig ng makarinig siya ng sitsit mula sa likoran niya.
Halos liparin na ni Kela ang boarding house niya sa bilis ng kanyang pagtakbo buhat ng sitsit na kanyang narinig. Naramdaman niya na tila sinusundan siya ng kung sinumang nilalang ang humahabol sa kanya.
Pagkarating ni Kela sa pintuan ng Boarding house niya ay agad niyang kinuha ang susi Sa bulsa niya. Sa sobrang takot at kaba ay nanginginig siyang ponapasok ang susi sa siradora ng pintuan pero hindi niya ito mabuksan. Ilang ulit niya itong sinubukan pero hindi talaga mabuksan.
Naramdaman niyang nakatayo na sa likod niya ang presensya ng taong sumusunod sa kanya at kusa naman bumukas ang pintuan. Mabilis na pumasok si Kela habang hawak-hawak ang dibdib na tila lalabas na ang puso nito sa bilis ng pintig.
Agad napasandal si KelA sa pintun at napapikit at napa-sign of cross ng wala sa oras. Subalit mas lalo siyang nagitla ng maaninag ang mga matang nakatitig sa kanya sa loob ng boarding huose mismo. Bago pa makasigaw si Kela ay bumukas ang ilaw at sabay-sabay sumigaw ang mga kaibigan nito.
"HAPPY BIRTHDAY KELA!!"
sabay paputok at hinipan nila ang torutot.