Chapter 10 - Rhian (Uniform)
Halos mapatalon si Kela sa gulat at kaba nang makita ang mga kaibigan sa loob ng kanyang boarding house. Maraming ilaw, may chandelier sa taas at may ilaw na kikindap-kindap pa silang ginawa. (Christmas light)
Puno ng pagkain ang malaking mesa. Tila nagmistulang palasyo ang lumang boarding house ni Kela. Nandoon ang lahat ng importanteng tao sa buhay niya.
Ang mga kaibigan, Si lola Isang, Lawrence at ang mga magulang niya.
"Happy birthday anak" bati ng nanay ni Kela sa kanya at agad na niyakap ang anak. "Namiss kita"
Agad naman niyakap ni Kela ang ina pabalik at maluha-luha itong niyakap ng mahigpit. "Salamat Ma. I miss you too!"
Agad naman lumapit ang tatay ni Kela sa kanya na minsan lang magpakita. Kaya labis-labis ang galak na nararamdaman ni Kela nang makita ang tatay sa araw ng birthday niya.
"Happy birthday baby. Matanda kana" hirit ng tatay ni Kela na nagpangiti rito.
"Salamat 'tay" sabi ni Kela sabay yakap ng mahigpit sa kanyang tatay.
Agad siyang humiwalay dito at kitang-kita ang pagtataka sa kanyang mukha ng makita ang halos hindi niya inaasahan na darating sa araw na ito.
Nandito si Charmaine na pinuno ng mga babaeng nambato ng itlog, arina at kung anu-ano pa sa kanya. Connie, Rhian, Rex at Jethro. Ang mga taong hindi niya inaasahan na nandito.
Agad silang napalingon nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang taong balot na balot ng itim na damit.
"Hello guys! Did we miss some other part of our enjoyment?" Masiglang bati ni Mark habang tinatanggal ang maskarang itim habang si Van naman ay napakalapad ang ngiting nakatingin kay Kela.
"Are you guys---" hindi na tinapos pa ni Kela ang sinabi dahil agad na walang awang pinaghahampas ng kamay ang dalawang taong kakarating lang. "Muntikan na akong ma-high blood kanina dahil sa sobrang takot. Kayo lang pala yun?!"
Halos mangain na ng tao si Kela sa hitsura nito. Napatawa ang mga kasamahan nila sa priceless face na rumihistro sa kanyang mukha.
"Sorry beshy! Ikaw kasi e. Kinalimutan mong birthday mo ngayon" nakapout na sabi ni Van habang niyayakap ang nagtatampong Kela. "Happy 18th birthday Beshy. Matandang dalaga kana... Kaya magpaligaw kana kay Mar--- aray!"
"Ang daldal mo besh." pagtataray ni Kela kay Van. Nagpeace sign na lang ito habang nakatingin sa parents ni Kela.
"O siya. Tama na ang drama. Lets rock 'n Roll!" Sigaw ni Jethro habang mataimtim na nakatingin kay Kela.
Kantahan, sayawan at kwentuhan ang naganap sa boarding house ni Kela. Tila isang masayang-masaya ang gabi nila dahil sa nandito ang mga taong hinding-hindi makakalimutan ni Kela.
"Sino nagpapunta sainyo dito 'Ma, Pa? Paano nila kayo nakumbinsi?" Agad na tanong ni Kela sa mga magulang ng nasa hardin na sila ng boarding house ni Kela. May mga lights na sa labas at bangko. Sa gitna ng round table ay may apat na bangkong nakapalibot dito habang may mga pagkain sa ibabaw nito.
Nasa mahabang upuan sa labas nag-uusap ang magpamilya habang maingay naman ang mga kaibigan at bisita ni Kela sa loob.
"Yung lalaking pinaghahampas mo ang nakakumbinsi sa Tatay mo na pumunta dito Anak" nanlaki ang mga mata ni Kela sa sinabi ng kanyang ina.
"Po? Si Mark?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa nanay na nakangiti lamang sa kanya habang hawak ang dalawang kamay niya.
"Mabait siya anak. Mukhang nagkakasundo sila ng tatay mo" sabi ni Amalia na Nanay ni Kela sabay tingin kay Mark at Emilio na masayang nagtatawanan sa kabilang tabel.
Kumaway naman ang tatay ni Kela sa kanila ng mapansin nilang tumingin ito sa kanila. Hindi alam ni Kela kung ano ang sasabihin sa nanay nito.
Natapos ang kwentuhan ng mag-ina habang ang saya ng mga kasamahan nila Kela sa loob ng bahay.
Sumapit ang alas-dose ng hatinggabi at umuwi narin ang karamihan sa mga kasamahan nila sa boarding house.
"Beshy! Salamat ha! Uwi na kami." Pagpapaalam ni Van, kasama si Nesami, Anne, Aria at Mark.
"Sige beshy! Salamat talaga"
Nagyakapan ang magkaibigan at sabay-sabay narin nagsipaglabasan ang mga kasamahan nila.
Bago pa man makaalis si Mark ay tumingin muna ito kay Kela at ngumiti na dahilan para mapailing si Kela.
"Ano kaya problema ng lalaking 'to?" Natatawang napapailing si Kela habang tinatanaw ang mga kaibigan na pauwi na.
"Anak, aalis narin kami" agad napalingon si Kela sa Kanyang Tatay nang magsalita ito sa kanyang likuran.
"Ho? Hatinggabi na 'tay, 'nay... Dito na lang muna kayo matulog"
"May work pa ako bukas anak na kailangan taposin." Malungkot na tinig ng Tatay ni Kela bago lumapit sa anak.
"Sige po. Ingat na lang po kayo sa biyahe" sabi ni Kela sabay yakap sa Tatay.
"Ingat lagi dito anak ha. Aral mabuti" malungkot na tinig ng nanay ni Kela at agad na yumakap ito sa kanya.
Sa kabilang dako.
Habang nagsisiyahan ang mga kakaibigang Jethro, Connie at Rex biglang nagpaalam si Rhian dito para umihi.
"Guys, pass muna ako sa tagay. Magbabanyo muna ako" tila lasing na sabi ni Rhian sa mga kaibigan at agad nang tumayo para hanapin ang banyo.
Habang nasa daan si Rhian patungo sa Kubeta ay tila nakaramdam ito ng mga matang nakamasid sa kanya kaya agad itong napalingon sa kanyang likuran. Dahil wala rin siyang nakitang tao ay agad na siyang pumasok ng kubeta.
Subalit agad siyang napayakap sa sarili ng sumalubong sa kanya ang lamig ng hangin nanagmumula sa bintana ng kubeta. Papasok na sana si Rhian sa Cubicle dahil ihing-ihi na ito subalit napapitlag ito ng may matumbang lata mula sa kabilang cubicle.
Sa loob kasi ng banyo ay may dalawang cubicle at iisang mahabang salamin sa labas nito na may pagkaluma na.
Sa halip na pumasok si Rhian sa banyo ay unti-unti itong lumapit sa kabilang cubicle.
Habang papalapit siya dito ay nararamdaman na naman niya ang mga matang nakatitig sa kanya.
Nang makalapit na si Rhian dito ay agad na kumatok sa pintuan nito.
"May tao ba diyan?"
Kinakabahan man ay pilit na inaalam ni Rhian kung may kasama ba siya sa loob ng kubeta. Paalis na sana ito sa cubicle na pinuntahan nang may nakita siyang babaeng naglakad si likod niya mula sa salamin.
Agad siyang naglakad papunta dito subalit wala naman itong nakitang tao. Agad na bumalot ang kaba, takot sa buong sistema ni Rhian nang mapansing wala siyang kasama sa loob.
Agad itong napaatras nang unti-untingmagpatay sindi ang ilaw at natumba ang basurahan sa harap niya.
"Oh my God!" Bulalas nito subalit mas lalo siyang napapitlag nang may nahawakan na tila kapiraso ng tela mula sa lababo ng salamin.
Unti-unting napaharap si Rhian dito at nanlaki ang mga mata nang makita ang uniporme na katulad sa uniform ng school na pinapasukan nila.
"Baka naiwan nung babae kanina" bulong na lamang ni Rhian at hinayaan lamang ang uniform.
Agad na siyang pumasok sa kubeta at umihi na dahil mukhang sasabog na ang puson nito. Pagkaupo't pagkaupo ni Rhian sa bowl ay nanlaki ang mga mata ng makita ang dalawang pares ng paa na nakatayo mula sa pintuan ng kubetang pinasukan niya. Naka-school shoes pa ito at may mahabang puting medyas na suot.
"May tao na diyan?" Nanginginig na boses ni Rhian. Lalong kinabahan ito nang malakas na kumatok ang sinumang tao sa pintuan.
Inis na tumayo si Rhian at agad na binuksan ang pinto na may galit.
"ANO BA?! MAY BANYO NAMA---!" Pasigaw na sabi nito subalit agad na naputol ang pagsasalita at napalitan ng takot, sindak at kaba nang makita ang taong nasa harapan niya ngayon.
Babaeng walang kabilang mata, may malaking sugat sa leeg habang masaganang dinadaloyan ng dugo dahilan para mabasa nito ang puting suot na uniform.
Agad siyang napaatras nang magsalita ito.
"Ate, tulungan mo ako" umiiyak na sabi nito. Sa halip na luha ang dumaloy ay dugo ang lumabas dito. Kasabay ng pasuka ng dugo habang nagsasalita.
"AAAHHHHH!!" Ang matinis na sigaw ni Rhian bago ito nawalan ng malay.